Minchie's POV
Kanina pa kami rito sa cafeteria naghihintay kay Kirsten, pero hindi pa ito dumadating. Kanina pa nga mainit ang ulo ni Harrah at naka-kunot na rin ang mga kilay nito habang diretsong nakatingin sa grupo ng mga lalaking nag-iingay habang kumakain.
"Saan ba kasi nagtatrabaho 'yong babaeng 'yon? At hindi pa talaga tayo sinama." Nagkibit balikat ako rito dahil hindi ko naman talaga alam.
"Hindi ba nga ang sinabi niya kagabi ay iisang tao lang daw ang kinukuha? Iniisip mo ba na nagsisinungaling sa'tin si Kirst? Malaki na siya Harrah, you need to trust her para naman kahit papaano ay matuto siya," banas kong sabi rito habang sumusubo ng adobo at rice. Sarap!
Alam niya naman na may sarili ring mundo 'yon. Sariling diskarte sa buhay. Minsan ay na-o-OA-han na ako sa babaeng 'to. Grabe kong makapaghigpit, tinalo pa ang Lola naming laging may dalaw este wala na pala 'yong dalaw dahil matanda na iyon.
"Mabuti pa 'to si Prince nilibre tayo, salamat talaga rito." Ngiting-ngiti na baling ko sa cute na nerd na katabi ko. Ngumiti rin siya ng alanganin sa akin saka muling yumuko at pinagpatuloy niya ang kaniyang pagkain. Sh*t may crush na yata ako sa cute na nerd na ito, pero parang si Harrah ang bet ni crush. Ouch!
Ang guwapo niya na kasi para sa akin, kahit na nakasalamin pa siya ng malaki, maluwag ang uniform na suot, pero para sa akin ang hot niyang tingnan. "Ayos lang," mahina nitong ani.
"Bakit ba palagi kang pumupunta sa amin ha nerd? Type mo ba itong kaibigan ko?!" Singhal ni Harrah kay Prince, kulang na lang ay sakalin niya ito. Sa takot naman ng crush kong Prinsipe ay inatras nito ang upuan at parang gustong magtago sa likuran ko. Oh how sweet! Tinampal ko ang balikat nito dahil tinatakot niya ang bebe nerd ko.
"Tumigil ka nga riyan. Tinatakot mo 'yong tao!" I hissed. Inirapan lang ako nito bago ibinalik ang atensyon sa pagkain at dinurug-durog pa nito lalo ang mushed potato na dati ng durog. Saklap men.
"Sa oras na malaman ko na puro kalokohan lang ang pinag-gagawa ng babaeng 'yon, patay talaga siya sa akin." Napa-face palm na lang ako. Kaloka talaga itong si Harrah.
"Ito kumain ka na nga lang. Dahan-dahan lang sa pagiging highblood, ikaw din baka ma-stroke ka." Binigay ko sa kaniya ang binili ni Cholo, pero tiningnan niya lang ako ng nakakamatay.
"Sa tingin mo ba kumakain ako ng mga pagkain na galing sa basura?" walang pakundangan na ani Harrah. Pinanlakihan ko ito ng mga mata dahil bellow the belt na iyon.
"Teh OA ka! Hindi 'to galing sa basura. Binili kaya ito ni Prince para sa atin, and be thankful kasi nilibre tayo." Pagpaliwanag ko sa kaniya.
"Bakit sinabi ko ba na ilibre niya tayo? Porke scholar ako rito ay ipapamukha na sa akin ng nerd na 'yan na wala akong pera! I can buy my own food. Hindi ko kailangan ng basurang pagkain mula sa basurang nagbigay. Pakisabi pakialis ng kalat dahil nababahuan ako." Pinatunog pa ni Harrah ang kaniyang mga kamao na parang any momment ay manununtok na ito dahil sa galit.
"Te-teka lang Prince nagbibiro lang siya." Mahina at pilit kong tawa.
"Pa-pasensya na a-alis na ako si-sige." Hindi ko na ito napigilan nang tumayo ito bitbit ang mga naglalakihan niyang libro, at ang pagkain na sana ay para kay Harrah at walang habas na tinapon sa basurahan. Nakaramdam naman ako ng awa para kay Prince. Hindi dapat siya pinatutunguhan ng ganoon. Maayos niya kaming pinakisamahan, dapat kami rin. Ngayon ay ibinaling ko ang tingin ko sa patay malisya na si Harrah habang magana na itong kumakain ng baon niya.
"Ano ka ba Harrah? Kahit kailan ang bad mo, not just bad, pero bad pa rin okay—kasi nang-aaway ka. Alam mo naman na walang kaibigan ang tao at mag isa lang. Nilibre niya pa tayo oh. Pwede ba kung ayaw mo sa kaniya huwag mo naman sana siyang lait-laitin? Isa pa friend hindi naman lahat ng nerd magkakatulad. At mas lalong hindi lahat ng nerd sasaktan ka, kasi in the first place sila lagi ang binubully at sinasaktan."
Third Person's POV
Hindi mawala-wala sa mga mata ni Isaac ang saya. Kahit hindi man siya ngumingiti ay parang lumulundag sa tuwa ang puso niya. Napagmamasdan niya ng mabuti ang babae habang inaayos nito ang mga pagkain sa mesa.
Hinampas ni Isaac ang mesa na kamuntikan pang mabitiwan ni Kirsten ang hawak na baso.
"Make it faster! D*mn it," he said coldly kaya halos hindi na magka-undagaga sa pag-ayos ang dalaga. Bakit kasi natutuwa siya kapag hindi nito alam ang gagawin. 'She's d*mn hot.' Atungal ng kaniyang traydor na utak. Dumako ang mga mata niya sa maumbok na pang-upo nito, pataas sa malaki nitong dibdib na parang galit na galit at handang-handa ng lumabas dahil parang puputok na ito sa suot na long sleeves. He groan nang maramdaman niya na humigpit ang pantalon niya.
Napamura siya ng paulit-ulit nang ngumiti pa ito sa kaniya. "Enjoy sa pagkain Sir. Doon lang ako sa salas kung may kailangan pa po kayo ay tawagin niyo lang po ako," plastikadang bigkas ni Kirsten. Kung hindi lang kasi para sa 20,000 ay hinding-hindi siya magiging mabait sa magnanakaw, bastos at manyak na lalaking kaharap niya.
Aalis na sana si Kirsten nang magsalita muli si Isaac. Niluwagan nito ang kurbata na animo'y nasasakal at napainom muna ng tubig. "Po Sir?" She politely asked.
"Sit and eat." Napakunot ng noo si Isaac nang walang patumpik-tumpik at hiya-hiya na umupo sa tabi niya ang babae at nagsandok ng maraming kanin at ulam. Hinding-hindi na tatanggi si Kirsten sa alok dahil ano mang oras ay mahihimatay na siya dahil sa sobrang gutom.
"Slowly, marami pang pagkain," natatawang wika ni Isaac habang sinasalinan niya ng tubig ang baso ni Kirsten. Mas lumawak ang ngiti niya nang makita ang kalat nito sa gilid ng labi. Kahit kailan talaga ay hindi pa rin ito nagbabago. Now he felt complete, dahil kasama niya ang babae.
Tanging kubyertos lang ang maririnig mo sa buong silid kainan. "Nasaan na pa-pala si ano 'yong Kuyang binugbog mo kanina?" Napa-angat ng tingin si Isaac dahil sa tanong ng babae sa kaniya habang salubong ang mga kilay nito. Bakit naman naisipan na itanong iyon ng babae sa kaniya? Nag-aalala ba ito sa kaniyang kanang kamay?
"Why are you looking for him?" Naka-tiklop na ang kamao ni Isaac sa ilalim ng mesa. Kaunting pagkakamali lang na salita nito ay mapapatay niya talaga ang kaniyang kanang kamay.
"Natanong ko lang. Ahehe kain ka na ulit Sir," malumanay na aniya nito.
"Tsk! Stop calling me Sir, kapag inulit mo pa iyon, I'll kiss you hanggang sa mamaga 'yang labi mo." Pagbabanta niya rito. Halos lumuwa naman ang mga mata ni Kirsten sa narinig. Seryoso ba ito? Hindi niya na lang ito sinagot bagkus ay inismiran niya na lang ang lalaki.
Napabaling ang atensyon ni Isaac sa tumutunog niyang cellphone. Labag man sa loob ay sinagot niya pa rin ito. Siguraduhin lang ng tumawag sa kaniya na importante ang sasabihin nito dahil kung hindi ay hindi rin siya magpapadalos-dalos na patayin,
ang pangahas na umistorbo ng pagkain nilang dalawa.
"What do you need d*mwit?" Agad niyang bungad sa kabilang linya. Pinagmasdan ni Kirsten ang reaksyon ng lalaki mula sa banas na banas ay napalitan ito ng ngisi. napapaisip tuloy siya kung sino ang tumawag dito.
"Yeah. I'm coming. Don't f*king let them get away. B*llshit!" Nagngingitngit sa galit na tumayo si Isaac, pero nang bumaling ang tingin niya sa dalaga ay bigla na lang naging maamo ang kaniyang mukha. Lalo na't nabakasan niya ito ng takot. 'Sino kaya ang hindi dapat makawala? Aso kaya 'yon?' Tanong ni Kirsten sa isipan.
"Aalis ka? Uuwi na ba ako? Kasi alas kuwatro na may klase pa ako." Napahilot sa sintido si Isaac dahil sa sinabi ni Kirsten.
"Yeah. Pero saglit lang ako. Just wait for me here, I will take you to school just continue eating, I'll be back. I love the foods, thank you!" Nang marinig ang huling sinabi ng lalaki ay parang tumalbog ang puso niya.
Hindi niya pa rin matingnan ng diretso ang mukha ng lalaki dahil kasing pula na ng mansanas ang pisngi niya. Kinuha nito ang susi saka mabilis na bumalik sa tabi ni Kirsten at ginawaran niya ito ng magaan na halik sa ulo na ikinabigla naman ng babae.
Dalawang lalaki ang nakaupo sa silya habang may tali ang mga kamay at paa. Duguan at halos hindi makilala ang mga mukha.
"Sinong nag-utos sa inyo na nakawan ang kompanya ni Bossing, ha?" Tanong ni Dior Condes sa lalaking nakasalamin habang nakatali ang mga paa at kamay nito sa upuan. Madilim ang silid at halos makikita mo sa loob ang ibat-ibang klase ng baril , kutsilyo at iba pang kagamitan para sa panlaban o pagpatay. Kumuha ng mahabang tubo si Dior saka malakas na pinagpapalo ang kamay ng lalaki.
Para itong asong ulol tuwing lumalapat ang tubo sa braso at kamay nito. "Hindi ba kayo magsasalita?" Nabaling ang tingin ni Dior sa may katandaang lalaki. Ito ang chef in finance sa kompanya ni Isaac. Napamura ng pauli-ulit si Dior nang makita ang pagkalat ng mapanghing tubig sa lapag. Dahil sa takot ng matanda ay napaihi ito.
"Kahit patayin mo pa kami ay hinding-hindi pa rin kami kakanta, g*go!" Malakas nitong sigaw kahit na nanginginig na ito dahil sa takot.
"Hindi kakanta pala ah. Tingnan natin sa gagawin ko. Tiyak na mapapawhistle pa kayo dahil sa sakit na mararanasan niyo. Tingnan natin kung hindi niyo talunin si Morrisette sa pag whistle," he devilishly said. Kinuha niya sa mesa ang double bleed na kutsilyo pagkatapos ay pinunasan niya ito.
"I need to clean this knife para naman hindi kayo mainfection kapag pinutol ko ang tatlong daliri niyo sa kamay at paa," tuwang-tuwa na ani Dior. Mas lalong nawalan ng kulay ang mukha ng dalawang lalaki.
"Ano hindi niyo pa sasabihin?" Napapikit siya ng duraan siya ng matanda sa mukha. Hinilamos niya ang kamay sa mukha at tinanggal ang laway.
Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ng matandang lalaki nang malagas sa kamay niya ang kaniyang limang daliri. Sunod ang limang daliri naman sa kabila. Kulang na lang ay mangisay ito dahil sa sakit. Sumirit ang napakaraming dugo sa kamay ng matanda at halos tumirik ang mga mata nito. Hindi pa nakuntento si Dior at inapak-apakan pa nito ang mga daliri ng lalaki hanggang sa madurog ito.
"Ahh ang sakit... ang sakitttttt! Mga hayop kayo mga demonyo! Pagsisisihan niyo ang mga ginawa niyo aahhh!" Malakas nitong palahaw.
"Ikaw gusto mo rin bang putulin ko ang daliri mo o iyang p*********i mo na lang para mas maganda. Pagkatapos ay ipapakain natin sa aso para may silbi naman 'yan. Bukod kasi sa mahilig 'yan pumasok sa ibat-ibang butas ay makakatulong ka pa para mabusog ang aso namin. Ano sa tingin mo?" Lubos ang tuwa ni Dior sa reaction ng lalaking nakasalamin. Patuloy ito sa pag-galaw sa kinagagapusan niya habang walang tigil sa pag iyak at pagmamakaawa sa kaniya. Patuloy ito sa pag-galaw sa kina-uupuan nang itutok niya ang kutsilyo malapit sa ari ng lalaki. 'P*tang ina! Napakabakla!' Malakas niyang halakhak sa isip niya.
"Kaya kung ako sa iyo sabihin mo na, aminin mo na dahil ang taong pinagtatakpan niyo ngayon ay hinding-hindi kayo maililigtas." May kalakasan niya itong sinampal-sampal gamit ang kutsilyo.
"Argh t*ng-ina!" Biglaang ibinaon ni Dior ang kutsilyo sa kaliwang hita nito. Hindi pa nakuntento at ginalaw-galaw pa nito ang kutsilyo habang nakabaon ito sa hita ng lalaki. Nahugot niya bigla ang kutsilyo nang bumukas ang pintuan.
"Arrghh!" Daing ng dalawalang lalaki. Mga lupaypay na ito at kaunti na lang ay mawawalan na ang mga ito ng malay.
"Yo, Bossing." Bati niya sa kadarating pa lamang na amo. Wala itong emosyon na pumasok at nagtungo sa mahabang mesa na puno ng ibat-ibang klase ng baril.
"Whats the news, Condes?" Walang gana nitong tanong. Dinampot nito ang cuarenta'y cinco na baril saka humarap sa dalawa.
"Ayaw kumanta Bossing. Nahihiya yata sa kaguwapohan ko kaya ayaw bumirit," tatawa-tawa na wika nito kahit na pikit na pikit pa ang kaliwang mata nito dahil sa pagkabugbog sa kaniya ni Isaac. Tanging 'tss' lang ang sinagot ng lalaki sa kaniya.
Ang dalawang lalaki lang naman kasi ang dahilan kung bakit nagkakaproblema ang kompanya niya ngayon. Kahit na para kay Isaac ang dalawang daang milyon ay maliit lang na halaga para sa kaniya. Ngunit nais niya pa ring malaman kung sino ang nasa likod nang nakawan. Ang ayaw niya sa lahat ay ang nag-aalaga siya ng ahas sa sarili niyang teretoryo.
Muling nagpalakad-lakad si Dior sa harapan ng dalawang lalaki habang sumisipol-sipol pa ito.
"Sino ang nag-utos sa inyo? T*ngna naman oh namamaos na ako sa kakatanong sa inyo, pero ayaw niyo pa rin sabihin," gigil na sambit ni Dior sa dalawa.
"Kahit na sabihin din naman namin kung sino, alam namin na papatayin niyo pa rin kami!" Lakas loob na sigaw ni Mr Salis.
"Mr. Salis, lets play a game." Lumakad si Isaac sa harapan nito pagkatapos ay maagap naman siya na binigyan ng upuan ni Dior.
"Did you know them?" Halos mamutla si Mr. Salis sa pinakitang larawan ni Isaac.
"Napakad*monyo mo talaga! Anong gagawin mo sa mga anak ko? Huwag na huwag mo silang gagalawin." Nagpupumiglas ang matanda, ngunit malaking ngisi lang ang binigay ni isaac rito. Wala na itong asawa, ngunit mayroong tatlong anak na dalaga ang matanda.
"Sana kasi ay inisip mo muna 'yan bago mo traydorin ang nagpalamon sa pamilya mo!" Malakas na sigaw ni Dior.
"You know what to do now, Condes," usal nito kay Dior na ngayon ay hawak ang cellphone saka may dinial.
"Do you want to talk to your children? And how about you Mr. Gonzales do you want to say goodbye to your f*cking beloved wife?" Malad*monyong tanong ni Isaac.
"One wrong move, and I will make sure they die together."
"Mula noon hanggang ngayon ay masama ka pa rin kaya bagay lang na nawala rin sa'yo ang mga mahal mo sa buha—arckk!" Hindi niya naituloy ang dapat na sasabihin dahil paulit-ulit siyang binigyan ng suntok ni Dior.
"Stop that, Condes." Pag-awat ni Isaac kaya napahinto sa ere ang dapat na suntok na tatama na naman sa mukha ng matanda.
"Please nagmamakaawa ako sa inyo may sakit ang asawa ko. Nagawa ko lang namang makipag-sabwatan kay Mr. Salis, dahil gipit na gipit na ako." Pagmamakaawa nito, pero malakas lang na sinabunutan siya ni Dior dahilan na mapatingala ito pagkatapos ay itinutok niya ang kutsilyo sa lalamunan nito.
"Tumahimik ka!" Malakas na sigaw ni Mr. Salis kahit na puno ng dugo ang kaniyang mukha, pilit pa rin itong nagmamatigas kahit na alam niyang kamatayan ang naghihintay sa kanila.
"Daddy... Daddy... Daddy help us! Ayaw pa namin mamatay! Daddy.!" Sunod-sunod na malalakas na sigaw ng mga anak ni Mr. Salis ang maririnig mo. Para itong nasa mataas na gusali dahil maririnig mo ang malakas na ugoy ng hangin.
"Honey! Argh.. help me! I'm scared napakadilim dito... Honey natatakot ako!" Kinakapos sa paghinga na sigaw ng isang babae at para itong nakakulong sa loob ng kahon na walang hangin.
"Hu-huwag niyong sasaktan ang mga anak ko, parang awa niyo na... sa-sabihin ko na kung sino pa-parang awa niyo na." Tila nabahag ang buntot ng matanda nang marinig ang sigawan ng mga anak.
"Ma-maawa kayo sa a-asawa ko. A-ako na lang ang patayin niyo 'wag la-lang ang asawa ko." Pagmamaka-awa naman ng isa.
"Sabihin niyo na kung sino bago ako mainip sa inyo at pare-parehas ko kayong patayin!" Malakas na sigaw ni Dior.
"Si..." Nag dadalawang-isip pa ang mga ito kung sasabihin ba nila kung sino.
"Ahhh!"
"Sh*t!"
Sabay silang napadaing nang tumama ang bala sa kanilang tagiliran.
"Sa-sabihin na namin. Parang awa niyo na gusto pa naming mabuhay!" Pagtangis ni Mr. Salis samantala ang isa niyang kasama ay lupaypay na.
"Si Senator Eduardo Gamboa, si-siya ang nasa likod ng la-lahat ng pagnanakaw." Napaubo ng dugo ang matanda at hinahabol ang hininga.
"Tsk! That's all you have to say! F*ck! You wasted too much of my f*cking time!" Gigil na gigil niyang anas. Naubos ang kalahating oras niya sa pagpapaamin sa dalawa. Dapat ngayon ay kasama niya ang babae at sinusungitan ito. Sa galit niya ay walang awa niyang pinaputukan ng bala sa ulo ang dalawang lalaki.
"Clean that f*cking mess, Condes."