Kirsten's POV Kakauwi ko lang ngayon galing school kaya pagod na pagod ang pakiramdam ko. Isa pa ay masamang-masama ang loob ko dahil hindi man lang ako sinama ng dalawa kong kaibigan papuntang bar. Gusto ko pa naman sana malaman kong anong mayroon sa bar o anong itsura nito. Nagtatampo ako sa dalawa dahil iniwan nila ako, kaya ang ending ay mag-isa lang akong naglakad pauwi. Dagdagan mo pa na ang tagal bumalik kanina ni Sir Uno kaya no choice ako kung hindi ay maglakad palabas ng mansyon. Isipin mo, sino ba ang hindi mapapagod kung dalawang kilometro ang nilakad ko bago ko narating ang pinaka main gate? Pakiramdam ko ay lawit na ang dila ko sa pagod at uhaw. Mabuti na lang at naabutan ko pa ang last subject ko kung hindi ay mababawasan panigurado ako ng puntos sa grade, mahirap magkaro

