Harrah's POV "Ano ka ba Harrah? Kahit kailan ang bad mo not just bad, pero bad pa rin okay—kasi nang-aaway ka. Alam mo naman na walang kaibigan ang tao at mag isa lang. Nilibre niya pa tayo oh. Pwede ba kung ayaw mo sa kaniya huwag mo naman sana siyang lait-laitin? Isa pa friend, hindi naman lahat ng nerd ay magkakatulad. At mas lalong hindi lahat ng nerd sasaktan ka, kasi in the first place sila lagi ang binubully at sinasaktan." Kaagad akong napa-ismid nang maalala ang sinabi kanina ni Minchie sa akin. Tsk, nakokonsensiya ba ako? Meron pala ako no'n? Pero bakit naman ako makokonsensiya, wala naman akong ginagawang masama? Tss. Hindi porket nerd ay mabait na, 'yong iba nga ee, pakitang tao lang. Mapagkunwari silang lahat, akala mo kung sinong hindi makapag-basag pinggan. May mga nakatag

