Diem's POV Maaga akong lumuwas ng Manila para pumasok ngayon sa HU. BS HRM ang kinuha kong course katulad ng sa baby ko. Dumaan muna ako sa flower shop at toy store para bumili ng pasalubong ko kay Kirst. Balak ko rin itong yayain kumain mamaya sa labas. Sigurado akong magugulat si Kirsten kapag nakita niya ako sa University. Nasa harap na ako ngayon ng HU, pero hinarangan ako ng pitong security guard. Kaya ay wala akong choice kung hindi ang bumaba ng kotse ko, kunot noo kong tiningnan sila. "Sir bawal po ang outsider sa loob," sabi ng isang may katandaang lalaki, pero malaki at bato-bato ang katawan. "I'm a new student here." Pinakita ko pa ang papers na magpapatunay na studyante ako rito. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Ate Mayell na agaran na makapasok without taking entranc

