Third Person's POV Abot tainga ang ngiti ni Isaac habang siya'y nagmamaneho. Para na siyang baliw kung titingnan, pero wala siyang pakialam kahit na sabihan man siyang baliw. Agad niyang ipinarada ang sasakyan nang makarating siya sa mala-palasyo niyang bahay, na dapat ay para sa masaya nilang pamilya. Kapag maayos na ang lahat ay ibabalik niya sa kaniyang palasyo ang kaniyang reyna. Ang palasyong iyon ay pinagawa niya dahil sa pagmamahal niya sa isang babae. Sa ngayon ay wala ang kaniyang reyna sa kanilang kaharian, ngunit ngayon ay nahanap na niya ito. Ang dapat niya na lang gawin ay kung paano niya maidadala ang reyna niya sa kaniyang palasyo. Pagkapapasok niya sa loob ay katahimikan agad ang bumungad sa kaniya. Malakas ang pakiramdam niya at hindi siya nagkakamali na may dalawang t

