Chapter 7
5 months na kaming nandito sa Pilipinas. We're studying Senior Highschool here at Brent International.
Papunta kami nila Eros, Aries, and Dice sa cafeteria ngayon dahil lunch time na. Hindi namin nakakasama si Cleo dahil mas gusto niyang sumasama sa mga kaklase naming babae. Ayaw niyang sumasama samin dahil puro nalang daw kabalastugan pinagagagawa namin.
Habang papasok kami sa cafeteria ay may napapansin akong patingin-tingin sa amin na mga babae.
Sanay na kami sa mga tinginang ganyan sa Spain pa lang.
Noong sa Spain pa kami tumira, dati pa kami pumupunta ng Pilipinas para magbakasayon. But now that we are going to live here in a long time, nakakapanibago... dahil sa klima at hindi kami sanay sa traffic dito, pero nasanay na din naman kalaunan.
"Raze," Bati sa akin ni Ara ng madaanan namin siya sa unang upuan dito sa Cafeteria. Kasama niya ang dalawang babaeng kaklase namin.
Noong unang araw ng pasukan ay hindi ko siya napansin. Hindi ko nga alam na kaklase namin siya. Sinabi lang sa akin ni Dice na meron kaming kaklase na naging kaklase din namin sa Spain. Then I found out that it was Ara.
We are not close... Just civil as classmates.
"Hey." Sagot ko saka siya nginitian.
"Kakain na kayo? Dito nalang kayo." Yaya sa amin ni Ara.
"Hindi na. Thanks." Sagot ni Eros. Tinapik niya ang balikat ko saka naunang maglakad sa isang bakanteng lamesa. Sumunod naman kami ni Aries and Dice sa kung saan nagpunta si Eros.
After lunch ay bumalik na agad kami sa classroom. We only have an hour for a lunch break and may klase na agad pagkatapos.
Ganun lagi ang nangyayari sa amin dito. We always do the usual. Minsan boring, but there is nothing that we can do but to be responsible students.
Nagkakaroon pa din naman ako ng girlfriend ng patago. I don't want to showcase it kase unang-una, it's nothing serious. Pangalawa, magagalit si Dad kung hanggang dito sa Pilipinas, nambababae pa din ako. I just want some spice and a little fun. At sila lang naman yung lumalapit sa akin. It's not my fault if they want to be my girlfriend.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito? Hindi naman ikaw yung tipo ng estudyante na nagpupuntang library." Tanong ko kay Eros. This motherfucker woke me up this early just to go in this f*****g library.
6:30 am sya nagpunta ng bahay para sundunin ako. Wala akong choice na bumangon ng maaga kase ayaw nya akong lubayan. And now, we are here at the library for almost an hour. I don't know why we are here, anyway. Ni hindi nga 'to nagbabasa ng libro.
"How dare you?" He said and acted like I'm hurting his feelings. Parang tanga talaga.
"Babae na naman no?" I asked. He just smiled at me. "Wag mo nga ako dinadamay sa kalokohan mo."
"Wow! coming from you? Let me remind you, Raze. Mas malala ka sa 'kin."
"So nerd na pala ang mga type mo ngayon?"
"Shut up. You're a nerd too." He said irritatedly.
"So type mo na 'ko n'yan?" Pang-aasar ko sa kanya. Inakbayan ko s'ya at nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya.
"What the f**k?" He shoves me away and eyed me disgustingly. "Mandiri ka nga... Just focus on texting Ara" He said in a teasing way.
"Hindi ko nga nakakatext 'yon. Siya yung nagtetext sa akin." Iritado kong sabi.
"Duda ako d'yan-" natigil si Eros sa pagsasalita ng may nabunggo siyang babae.
"Hala!"
"f**k! Tumingin ka nga kasi sa dinadaanan mo." Galit kong sabi kay Eros. "Miss, are you okay?" Tanong ko sa babaeng iba ang uniform. Oh? Hindi siya dito nag-aaral. Bakit siya nandito?
Pinulot ko ang libro niyang nagkalat sa sahig. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya.
"Miss are you okay? I'm sorry." Guilty na sabi ni Eros at lumuhod na din para ayusin ang mga librong nakakalat sa sahig.
Tumayo ang babae at tumayo na din si Eros habang ako ay nakaluhod pa at kinuha ang isang libro.
"Mav?" Gulat na tanong ni Eros.
Tumayo ako at nag-angat ng tingin sa babaeng nabunggo ni Eros.
Parang huminto ang mundo ko ng makita kung sino ang babae. Ito yung babaeng nakita ko sa simbahan noon. Noong nasa sa Spain pa kami. Why is she here? Is she living here in the Philippines too?
And... Kilala siya ni Eros?
Natulala ako sa babaeng kaharap namin. I can't stop staring at her. Sobrang ganda nya talaga lalo na sa malapitan. Habang tinititugan mo siya mas lalo siyang gumaganda.
"Eros" Gulat din na sabi niya nung nakita nya si Eros.
So they know each other? Since when?
"Dito kana din nag-aaral?" Tanong ni Eros.
"Uhm... Nope... I-I'm from another school." Sagot niya at napalingon sa akin. Tulala pa din akong nakatingin sa kanya.
"What school?" Tanong ni Eros.
"Ateneo de Manila." Malumanay niyang sagot.
Nagtagpo ulit ang mga mata namin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at biglang namula ang pisngi.
I bit my lower lip to hide my smirk. She's blushing again. And damn! My heart can't stop beating so fast.
"By the way, this is my cousin, Raze Gedeon." Pagpapakilala sa akin ni Eros sa kan'ya at tsaka ako inakbayan.
Nagulat pa ako sa pag-akbay ni Eros kaya tumingin ako sa kan'ya. What? f**k! Bakit naman nablanko ako bigla? Sigurado akong mukha akong tanga sa harapan niya. Bakit naman kasi bigla kang nawawala sa sarili nakaharap mo lang naman siya?
Lumingon ako ulit sa babae at nakita ko yung pamumula ng pisngi n'ya. Tumingin s'ya sa akin saglit at binaling n'ya agad kay Eros yung paningin niya nung nagkatinginan kami. s**t! Nahihiya ba siya sa 'kin?
"Raze, this is Mav. Kaibigan ng pinsan ko." Pagpapakilala niya sa akin kay Mav.
"H-Hello." nahihiya niyang sabi at tipid na ngumiti.
"Hi." Bati ko pabalik. Gusto ko sanang ilahad yung kamay ko sa kan'ya to shake her hands and feel it. Kaso baka mahiya sa 'kin kaya wag nalang... Wag na muna.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko. Feeling close lang.
"Uhm... M-may ihahatid lang sana ako... and I'm going to see someone." nahihiya n'yang sagot. Nakatingin lang ako sa kan'ya, waiting if she could look at me again. Tumikhim naman bigla si Eros sa gilid ko.
"Una na kami." Biglang sabi ni Eros at sabay hila sa akin palayo kay Mav.
"S-sige. Bye" Sabi ni Mav at nag smile sa amin. tumalikod na din s'ya at naglakad na sa kung saan s'ya pupunta. Damn! Those smile. Gusto kong makita ulit.
Hinila naman ako ni Eros pabalik sa table namin. Ang gago naman ng isang 'to. Kinakausap pa namin si Mav eh.
"Teka nga! So siya yung dahilan bakit mo 'ko inayang pumasok ng maaga?" Tanong ko.
"What? No. Magkikita daw kami ni Maverick dito. Yung Kuya ni Mav. He said he's going to give me something." Paliwanag niya.
Huminto siya bigla sa paglalakad kaya takang huminto din ako.
"At ikaw naman kanina pa kita nakikitang nakatitig kay Mav. Wag mong sabihin na type mo 'yon?" Pang-aakusa niya.
I looked away 'cuz f**k! She's my type and she's Eros friend. I'm sure Eros won't let me kung liligawan ko 'yon.
"Bakit 'di ka makasagot?"
"Pa'no kung Oo?" Tanong ko.
"Tangina? Dude 'wag mo siyang isama sa mga nagiging babae mo." Seryosong sabi niya saka naglakad ulit. Sumunod lang ako sa kaniya na naglalakad na papunta sa upuan namin kanina.
"Grabe ka naman. Hindi ko naman siya sasaktan."
"Jokes on you, dude. I know how you play well with girls." Sagot niya agad. Well, I can't blame him. But I think I can go serious with this one.
"Siya ba yung kinukwento mo samin na kaibigan ng pinsan mo?" Tanong ko sa kanya.
'Di naman s'ya sumagot at patuloy lang na naglakad. Dumating na kami sa table na inuupuan namin kanina at umupo na.
"Diba, jojowain mo yun?" Tanong ko ulit. Tiningnan lang n'ya ako at sasagot na sana nung nag ring yung phone n'ya. He gets his phone and stood up at umalis na.
If he likes Mav, maybe I'll stop thinking about courting her. But if not, no one will stop me from courting her. I'll just hope na magkaibigan lang talaga sila.
She has been on my mind since the day I saw her sa The Temple of Sacred Heart of Jesus.
Nagpunta pa ako ulit doon para lang makita siya, but luck is not on my side, kaya 'di ko na s'ya nakita pa ulit.
I am trying to get her out of my mind pero bigla talagang pumasok sa isip ko yung mala anghel n'yang mukha. I don't know. This is the first time that I felt something towards a certain girl.
Ayaw kong magpadalos-dalos. Damn! This is even the first time na tumitiklop ako. Kung gusto ko, sinusunggaban ko kaagad without having second thoughts. Really Raze? This is not you.
I really want to court her. But I need to make sure that Eros doesn't have feelings for her. Kasi sa Spain pa lang, wala siyang ibang bukang bibig kundi yung kaibigan ng pinsan niya.
Ayokong umabot sa punto na mag-aaway kami dahil lang sa isang babae.
Pagkauwi ko galing school ay nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago maligo.
I did all my assignments and review my notes dahil may quiz kami bukas. Ayoko na magrereview ako kung kailan konti nalang ang oras. It's a hassle and ayokong ma-pressure. Kaya habang maaga pa ay ginagawa ko na ang dapat gawin.
Habang nagliligpit ng gamit ay kumatok ang katulong namin.
"Sir, Raze. Kakain na daw po." Tawag sa akin ng katulong namin.
"Opo." Sagot ko.
Ayaw ni Mommy na hindi kami sabay-sabay na kumakain ng dinner. Hindi na nga kami halos nagkikita-kita dito sa bahay dahil busy kami nila Ate at Renzo sa school, at sila Mommy and Daddy naman ay busy sa trabaho, kaya bumabawi kami sa Dinner.
Bumaba ako at saka naglakad papunta sa dining area namin.
Nandito na silang lahat sa dining area noong bumaba ako galing sa kwarto ko.
Umupo ako sa tapat ni Ate na katabi si Mommy. Si Daddy ay nasa gitna habang kami naman ni Renzo ay nasa kabilang side. Katapat ni Renzo si Mommy at katapat ko naman si Ate. Tahimik lang kaming kumakain dito sa hapag. Nagsasalita lang kami kapag nagtatanong ang parents namin tungkol sa study namin.
After dinner, I immediately come back to my room to sleep because I'm tired from school but I can't sleep. Kanina pa ko nakahiga at gustong gusto ko ng matulog.
I closed my eyes and I suddenly saw the familiar face of a beautiful girl. I opened my eyes at di ko namalayang nakangiti na pala ako.
"s**t! This girl is giving me a sleepless night, huh?"
I get my phone and dial Eros' number.
"What the f**k Raze? Magpatulog ka naman. It's already 1 am you motherfucker!" Galit na sagot ni Eros sa akin. Natawa naman ako dahil galit na galit siya masyado.
"Sorry dude, but I just want to know Mav's real name."
"What for? Tangina ka. Ginigising mo ko just for that?" Inis pa din n'yang sabi sa akin.
"Can you please give it to me? Di kita titigilan pag hindi mo sinabi sa 'kin."
"Damn you! Itetext ko and stop pestering me." He said and ended the call without saying bye.
Wala pang isang minuto at natanggap ko na ang text niya.
"Maissie Anastasia Vergara" I read it like a whisper. Damn! What a beautiful name.