Chapter 8 Kinabukasan ay wala kaming pasok dahil Saturday kaya naman pwede akong matulog kahit anong oras. Hapon nako nagising kaya medyo sumasakit ang ulo ko. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil ini-stalk ko si Mav. Her f*******: account is private kaya 'di ko s'ya masyadong na stalk du'n pero nahanap ko naman yung i********: account n'ya kaya du'n ako naglalagi. Her feed is aesthetic. Most of her posts are about books, some beautiful places, their family events, and her solo pictures. Pagbaba ko ay nakita ko ang mga pinsan ko na bored na bored na nakaupo sa sofa. "Problema niyo?" Tanong ko sa kanila. Nag-angat naman sila ng tingin sa 'kin. "Kagigising mo lang?" Tanong pabalik ni David. Kumunot naman ang noo ko. "Yeah?" Takang sagot ko. "Maghanda kana nga. Bakit ngayon ka lang na

