Chapter 5
"Ara, Why are you here?" Tanong ko.
"Nasa loob si Lola, kausap ang Lola mo." Sagot niya sa akin.
"O-Okay," I said saka pumasok sa loob ng bahay pero natigilan ako noong tinawag niya ako.
"Raze," Tawag niya. "How are you?"
I sighed "I'm fine." Sagot ko. Natahimik naman kaming dalawa. I'm staring at her na palingon-lingon sa paligid. She changed a lot but still skinny. Tumangkad din siya ng kaunti. Her hair is short now.
Damn. This is awkward. "Do you need something?" I asked kasi ayaw niya magsalita.
Mapait siyang tumawa. "You are cold."
"So anong gusto mong pakikitungo ko sayo?" I replied sarcastically.
"Raze, I know you're mad. I'm so sorry."
"It's fine, Ara. Okay na 'yon. Tapos na diba?" Pagkatapos kong sabihin iyon, tumalikod na ako atsaka naglakad papasok pero hinabol niya ako saka hinawakan sa braso para pigilan.
"Raze, can we talk?" Pakikiusap niya.
I sighed again. Dapat pala sumama nalang ako kila Eros. "Okay." Sagot ko. Naglakad ako papuntang likod ng bahay at sumunod naman siya.
Nadaanan namin ang garden sa backyard. Napaligiran ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Sa sulok merong Grotto na may mini fishpond and fountain at sa gilid merong outdoor swing. My grandma love flowers kaya pinapalibutan nya ng mga bulaklak ang bahay mapaloob o labas.
I suddenly remember Mav. Dito kasi sa garden ko s'ya laging dinadala every time I let her visit here. And it is her favorite place. I first met her at The Temple of Sacred Heart of Jesus noong summer before I graduated Junior High School here in Spain, and met her again nung nag-aral na ako ng Senior High School sa Pilipinas. I got to be close with her during Senior High School days and sabay kaming nagbakasyon dito sa Spain noong summer. They own a house here near Las Rozas Village. Di ko na nga lang din alam kung meron pa bang nakatira dun. I never got a chance to visit there again after I broke something we had.
Tinanaw ko ang garden and I suddenly miss a feeling. This place is so special to me and... maybe with Mav too?
Gusto ko sana na doon nalang kami mag-usap ni Ara pero mas pinili ko na doon nalang sa pinaka likod kung saan ang mini basketball court.
Huminto kami sa may bench. Umupo ako kaya umupo din siya.
"So what do you want us to talk about?" Tanong ko habang nakatingin sa langit. The moon is beautiful, and Mav always loves the Moon.
Tumikhim siya saka nagsalita. "I just want to explain myself. I didn't cheat on you. Merong pinainom sa akin si Luisa na alak and I found out that she put something on it. Luisa drugged me and Anthony with her friends as her accomplice." She stops for a second. I look at her and saw a few tears in her eyes. She stared at me and clears the lump of her throat "Hindi ko na namamalayan yung mga nangyayari. I don't have any idea and I feel so blank that time." She stops again at pinutol nya ang tingin niya sa 'kin. She is looking at her shaky hands and sighs "At hanggang sa nahuli mo kami ni Anthony sa hotel." She said with a small voice that seems like a whisper. Tahimik lang akong nakinig at tumingin sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman. Noong nakita ko sila ni Anthony noon grabe yung galit ko. Now she's bringing those memories again... Why I don't feel the same anger now?
"Nag-away tayo nung araw bago ako mag bar diba? Nag-away tayo dahil kay-"
"Don't mention her name," I said coldly and looked at her. Her mouth dropped.
Unti-unting naggilid ulit ang luha niya sa mata. Tumingala siya at tumikhim.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari?" tanong ko sa kanya.
"I just.. just want you back." Pagmamakaawa niya. I just stared at her hoping that I am feeling something to her but I don't feel anything. Hindi ko alam kung bakit wala man lang akong maramdaman na kahit konti, samantalang dati noong makita ko sila sa hotel halos maglaban kami ng sarili ko dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanila. Why suddenly I don't feel anything to her? Ang inaasahan kong magiging reaksyon ko ay hindi ganito. Puro galit ang inaasahan kong mararamdaman at reaksyon ko kapag nagkita ulit kami pero iba ang nangyari ngayon.
"But I don't want you back." Detetsyong sagot ko sa kaniya. Bumuka ang bibig niya at hindi makapagsalita. Tumutulo na ang luha nya at malapit na syang mapahagulgol.
I sighed. "Ara... Can't you see? I don't love you anymore. I don't want you back in my life again. Please." pakikiusap ko. "And stop being desperate. Hindi ito yung Ara na nakilala ko." Dagdag ko. Somehow, it's torture to see her like this. She looks... hopeless.
"You made me like this-" I cut her off.
"You made yourself like that."
"Raze! I told you. Lasing lang ako no'n. Sinet-up lang ako ni Luisa because Luisa really likes you." She's frustratingly explaining to me.
"I don't care kung lasing ka. It's still a choice, Ara! It's your choice if you're going to cheat or not. Lasing ka man o hindi." Galit kong sabi.
"Hindi mo ba narinig yung paliwanag ko? Luisa drugged me!"
"And then what? Nangyari na ang mga nangyari, Ara. Wala na tayong magagawa dun." I said.
"Bakit ba ang close-minded mo sa nangyari sa 'kin? Please open your heart and forgive me for the thing that I did not do intentionally." She said begging at napalakas na ang iyak nya.
"Maybe, what we had isn't that deep na di na kita kayang habulin pa," I said for the last time and walked away.
Mabilis akong naglakad papuntang kotse ko kahit naririnig ko na tinatawag niya ako. Ayokong makausap pa siyang muli dahil hindi din naman kami nagkakaintindihan. Okay, she apologized for what she did. She explained what really happened then what? What does she want? Bumalik ako kasi nakahingi naman na siya ng tawad at nakapag-explain? Ganun lang 'yon? Hindi porket nakapag-explained na siya sa 'kin, babalik na kami sa dati. Hindi gano'n 'yon. I don't want her back in my life again. Kaya kahit anong gawin niyang pag-explain sa akin ng nangyari walang magbabago sa 'ming dalawa.
Sumakay ako sa kotse ko saka nag drive papunta kila Eros dahil ayokong umuwi. I'm sure Mom will ask me about Ara. I'm not in the mood to argue with her.
"Why are you here?" Takang tanong ni Eros pagkabukas niya ng pinto.
Tuloy-tuloy akong pumasok at umupo sa sofa. Inihilig ko ang likod ko at pinatong ang mga paa sa center table bago napabuntong hininga.
"Ayy wow. Bahay mo?" Sarkastikong tanong ulit niya. Napapikit ako at napabuntong hininga ulit. Nakatingin lang sya sa akin na parang nagtataka "Ang lalim ah. So bakit ka nga nandito?" Ulit niyang tanong.
"Ang kulit mo naman." Iritado kong sabi saka umayos ng upo. Mali yata ang desisyon kong dito pumunta? Dapat pala kila Aries nalang ako pumunta.
"Gago ka ba? Bigla kang nagpunta dito na parang may malaking problemang dinadala. Kung sagutin mo nalang kaya ako?" Naiirita niyang sagot habang naglalakad papuntang single sofa sa harapan ko.
"Nasa bahay yung lola ni Ara." Sagot ko.
"Oh tapos?" Walang interest na sagot niya. Napatitig siya sa akin ng ilang sandali. "Kasama si Ara?" I nodded.
"The f**k! Bakit ba naglilitawan yang mga ex mo?" Natatawa niyang tanong.
"Mga ex?" Takang tanong ko.
"Yeah? I saw Kylie kanina noong pauwi ako." Sagot niya. "Binabalikan kana ng mga babae mo." Natatawa niyang dagdag.
Tinapunan ko naman siya ng unan pero tatawa-tawa lang ang gago. Tangina bakit nandito si Kylie sa Madrid? Akala ko ba nasa ibang bansa na 'yon at wala nang balak bumalik dito? Grabe pa naman galit sakin nung babae na 'yon.
"Si buddy kaya kelan babalik?" Natatawa niyang tanong. Tangina. Dapat talaga hindi ako dito pumunta. "Naaalala mo pa ba si study buddy?"
"Tangina mo." Inis kong sabi saka tumayo para pumuntang guest room nila.
"Galit na galit?" Sabi niya habang nakasunod sa akin. "Nagtataka talaga ako. Bakit kay Ara ka pa nagkagusto eh nandyan naman si buddy? Bakit mo naman pinagpalit si buddy sa malapit? Ayan tuloy." Tatawa-tawa niyang dagdag. Nakasunod pa din sa akin.
Ang sarap magtakwil ng pinsan. Konting-konti nalang itatakwil ko 'to.
Binuksan ko ang isang guest room nila saka pabagsak na pinagsaradugan siya ng pinto.
"Grabe bitter ka?" Sigaw-sigaw niya. God! Bakit may pinsan akong ganito? "Kanino ka bitter? Kay Ex o kay buddy?"
"Manahimik ka nga!" Sigaw ko. Tinawanan lang naman niya 'ko.
Napabuntong hininga nalang ako noong tumahimik na siya. Buti naman tumahimik na siya. Nakakairita minsan pagiging madaldal niya eh.
Pabagsak akong nahiga sa kama at saka tumingin sa kisame hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay wala akong ibang ginawa sa bahay kundi mag-impake dahil babalik na kami ng Pilipinas kapag lumabas na yung complete grades namin at pagkatapos ng graduation.
Kinagabihan naman ay nag-aya ang mga pinsan ko na magbistro dito sa Restaurante Sacha.
Tahimik lang akong umiinom habang ang mga pinsan ko ay nagkakatuwaan.
"Bakit ang tahimik mo yata Raze?" Tanong ni Cleo. I looked at her and shook my head. I don't want to talk about her again.
"Nagkita kasi sila ng Ex niya." Sabi ni Eros. Ang daldal naman talaga.
"Oh? Madaming ex yan eh. Sino don?" Natatawang tanong ni David.
"Ara," maigsing sagot ni Eros kay David.
"So nagkita pala kayo?" Tanong ni Ate. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Alam mong nandoon siya?"
"Yeah?" Takang tanong niya.
"And you didn't even tell me?"
"What? Raze I think mas nauna ka saking umuwi no'n. Kasi naabutan ko siyang umiiyak sa backyard." Paliwanag niya. I sighed. Napatingin naman ako kay Eros na biglang naging seryoso.
Eros is always sensitive when it comes to Mav. Especially when the feeling is involved. Lagi man niya ako niloloko at tinutulak kay Mav... I know that he really cares for her.
"Bakit kasi maiinlove ka nalang sa isang babae, kay Ara pa?" Seryosong tanong ni Eros. Natahimik naman lahat ng pinsan ko dahil sa pagiging seryoso bigla ni Eros.
"You really hate her, huh?" Sarcastic kong tanong.
"And you always defending your Arabella." Sarcastic niya ding sabi.
"Uhm... boys." Nag-aalinlangang sabi ni Cleo.
"You are also defending Mav." saad ko.
"Of course because she's my friend-"
"And you love her! Diba, mahal mo sya? I can feel it. You love her Eros." Dagdag ko. Natigilan naman siya sa sinabi ko. "Why don't you just court her and stop meddling with the problems I have with Ara?"
Napatitig siya sa akin. Bigla naman akong nagsisi sa sinabi ko.
"I think it's okay to court her now..." He said and smirk at me. "Now that you already give me permission, hinding hindi ko na sya pakakawalan." Sabi niya. Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Tumayo siya at tumingin sa akin. "I am just waiting for the go signal. I am just waiting for your consent. Because after all, I respected you as my cousin." He said then left.
I feel numb at the moment. Napatingin ako sa mga pinsan ko at parang napatigil din sila sa sinabi ni Eros. Is that his confession? Does he still have contact with her? Damn!