Chapter 21 "Anong nangyari sa'yo? Bakit isang linggo ka hindi nagparamdam?" Tanong ko kay Mav habang binababa ko ang inorder kong milk tea namin. "Uhm... nalaman kasi ni Abuela na may nanliligaw sa akin... Sinabi niya kay Mommy tapos kinuha yung cellphone ko para hindi ka macontact." Kwento niya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. "Gusto mo ba na kausapin ko sila?" Tanong ko. "Huh?" Gulat niyang tanong. She shook her head and waved her hand. "Hindi na. O-Okay naman na." "Are you sure? Okay lang naman sa akin kung magpapaalam ako sa parents mo... saka kay Maverick ko lang din kasi sinabi na manliligaw ako sayo." "Okay lang talaga Raze." Tipid siyang ngumiti sa akin. "So how are you? Ano ginawa mo noong kinuha ng Mommy mo ang cellphone mo?" "Okay lang, nag-aral lang ako sa bahay

