Chapter 20 "Raze," bati sa akin ni Ara noong makita niya ako dito sa Moon leaf. "Why are you here?" Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay napatingin na kami sa kadadating lang na sasakyan nila Mav. "I'm sorry nalate ako." Nahihiyang sabi ni Mav pagkababa niya. "Okay lang." Sagot ko pero nakatingin na siya sa babaeng katabi ko. "Mav, si Ara nga pala. Kaklase ko." "Hello." Bati niya. Ngumiti lang naman si Ara saka kami iniwang dalawa ni Mav. "S-Siya ba ang dahilan kung bakit 'di ka... nakapunta kahapon?" Tanong niya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko kasi hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo sa kaniya o magdadahilan nalang. "Oo... She said that... she doesn't want to go home dahil nando'n ang Step Dad niya. Ang sabi niya ay sinasaktan daw kasi siya ng Step Dad niya." Sago

