TITLE : BABAENG DI KINIKILIG
Genre : RomCom
By : Admin shoji2496
[ C H A P T E R 9 ]
"Pipay Esperanza?"
Dinig kong may tumatawag sa akin.
Diko namamalayan na nakangiti ako sa pagkatulalang yon. What the Hell!!!
"Oy bruha, pang limang tawag na sa'yo ni Ma'am" kinalabit ako ni Dheez at binulungan ako.
Nakakahiya! Lintek na alala! Wah! Ako na? Ako na magsasalita? Waaaaahhh! Kinakabahan ako. Ano ba to!
Tatayo na sana ako nang biglang nagsalita muli si Ms. Alvarez, tinitignan yung papel na hawak niya na animo'y nakaramdam ng excitement pagkabasa sa pangalan ng hawak niyang papel .
"I think, Mr. King Jasper Marquez comes first. Sunod ka nalang Ms. Esperanza baka hindi ka pa ready e."
Napawi yung kabang naramdaman ko, nagkibit balikat ako sa kinauupuan, tumingin sa nakatayong King na yon papalapit kay teacher. Napapikit ako, nag-ipon ako ng hangin saka bumuntong hininga.
"Good morning each one of you", bati niya.
'Di pa rin ako dumidilat, may anong kaba pa rin akong nararamdaman kaugnay sa kung ano man ang sasabihin ng King na ito. Hindi na tuloy ako mapakali, tsssss.
"The most unforgettable experience I had happens last night. It was an astonishing, splendid and great feeling!" napatingin siya sa akin. "If ever she's here, I just want to let her know that I thank her very much for giving me a bungee jumping experience. Sounds cliche but that gives me chill."
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata pagkarinig sa kwento niyang yon. So yun na yung kwento niya? Ginawa niya pang memorable experience yung kapalpakang planong yon! So freak talaga.
Pasimple akong lumingon sa likuran, tinignan yung mga kaibigan ko. Kitang kita sa mukha nila yung tuwa ng nararamdaman sa kwento ni King. Mukhang alam talaga nila kung sino yung tinutukoy ni King sa kwento niya ha?Nakakabwisit! Hindi nyo ba alam na nang dahil sa inyo pati ako napahamak ha? Hey friends? Wake up! Ako yung nahulog sa plano naten! Wag kayong kiligin sa pinagsasabi ng mokong na yon!
Mukha namang kinilig ang mga classmates ko. Pati din si Ms. Alvarez.
"Wow, what a good incident. Nakakakilig naman. Bakit ba mostly sa poging nagbabahagi ng kanilang memorable experience is about love? Nakakatouch nga naman talaga ha. Una si Mr. Lacambra , sunod naman itong si Mr. Marquez. I am moved with what stories you shared in this class, nakakatuwa." Nasisiyahang pagbahagi naman ng opinyon itong si Ms. Alvarez.
Tsssss. Nakakaloka! Matapos si Sonn, itong si King naman! Alam kong ako ang pinagsasabi nitong dalawa! Bakit ako? Ano gusto niyong maramdaman ko sa pinagsasabi niyo ha? Utot niyo kung kikiligi ako, pwe!
Kinalabit ako ni Dheez. Lumingon ako banda sa kanya.
"Bakit?" umirap ako sa kanya. Naiinis ako.
"Paano nangyari yon? Bakit wala ka manlang naikwento sa aming ganung nangyari?" bulong niyang sabi sa akin.
Wah! Isa ka pa Dheez! Ayoko ng pinag uusapan yan sa klase! Isa 'yong bangungot! Naiintindihan mo? Bangungot yon!
Rinig na rinig ko naman ang diskusyon pa ng iba ko pang classmates. Pinag uusapan nila kung sino daw ba yung tinutukoy ni King sa kwento niya. Hello? Pag may magkamaling tumingin lang sa akin, dudukutin ko mata niya! Huwag na huwag niyo ako idamay sa mga kachismosahan niyo. Urgh!
Napansin kong tinignan ako ni King, nakangiti siya. Pero hindi lang niya pinapahalata sa klase na ako ang tinutukoy niya sa kwento. Tumingin ako sa kanya ng sobra ang simangot sa mukha. Halos maduling yung mata ko sa kakaikot nito.
Nagkibit balikat pa rin ako.
"So lets start hearing naman kung ano ibabahaging experience ni Ms. Pipay Esperanza sa klase. Alam niyo bang, this section iba. Iba yung mga ideas niyo at experience na ibinibahagi niyo sa amin. Parang out of the box. Nakakaexcite kayong turuan. But anyways, Pipay?" saad naman ni teacher na masayang masaya ang mukha.
This is it! Ako na? Kinakabahan ako. Ano ba problema ng paang to bakit hindi ako makatayo! Kaloka!
"Ms. Pipay Esperanza? Would you tend to go in front? Para marinig na namin yung memorable experience mo." sabi ulit niya.
Ma'am! Excited lang? Hindi pwedeng maghintay ka diyan? Hanggang mahulog yung mga mata niyo? Waaaaahhh! Kinakabahan nga kasi ako, di ako sanay sa recite recite na yan! Nakakaloka.
So, tumayo ako. Nilakasan nalang loob ko. Pumunta sa harap at kinuha yung papel na iniaabot ni Ms. Alvarez sa akin para basahin kung anu-ano mga naisulat ko.
"Good morning." bati ko sa kanila ng dire diretso. Nakayuko lang ako.
Naririnig kong may nagpipigil ng tawa sa likod. Naiinis na naman ako! Sino ba yon? Ako ba pinagtatawanan nila? Wah!
Unti-unti kong itinango ang ulo ko at hinanap kung kanino yung tawang 'yon. Inikot ko yung paningin ko, talaga nga namang tama ako ng kutob, nakita ko sila Sonn, King, Aron, Andre, Jun at Neil na sobra ang pagpigil nila ng kanilang mga tawa! Ano ba nakakatawa! Ako ba pinagtatawanan ng mga ito? Waaaaahhhh!!!!!! Nakakatawa ba yung bigkas ko ng good morning ha? Wah! Nakakabwisit!
Yumuko na naman ako, inis na inis na inis ang nararamdaman. Para akong mawawalan ng konsentrasyon sa pagbabasa nito. Demonyo talagang mga taong 'yan. Sa oras na makalimutan ko yung sasabihin ko dito sa harap e, sisiguruhin kong kayo magbabayad nito! Putcha.
Diko nalang pinansin 'yon.
"Sorry if I wasn't able to write anything about this memorable experience thingy or whatever." sarkastiko kong sabi. "I would like to show a picture and one word to all of you guys." sabi kong medyo may halong pagkahiya ang boses ko.
Nagtataka naman ang mukha ng mga classmates ko, sobrang tahimik ng paligid. Talaga nga namang nakatingin lang sila sa akin. Titig na titig lang sila sa anumang ipapakita ko. Itinaas ko yung papel at pinakita yung iginuhit ko.
"These drawing shows how lucky I am to have them. This is Dheeziel Alegre, right next to her is Rosch Carmen Alfonso, this is Krey Frances Garcia, and the last one is Arjane Marie Gregor." turo ko isa isa sa mga ginuhit kong mga mukha sa papel ko.
"If I will describe them in just one word that would be 'bestfriends'. They are memorable than everybody else. We're often fighting, but we love each other. I love them very much. And I don't want this friendship lasts, I don't want this friendship over, I want long-lasting memories to be with them. They are the most memorable experience that happens to me. And I never expect that. Thank you for molding me to be the best version I am." sabi ko parin na may halo pa rin ng kaba ang nararamdaman, nauutal ako sa mga nasabi sa kanila.
Dali dali naman akong naglakad papunta sa upuan ko para maupo. Tinignan ko yung mga kaibigan ko, nakangiti sila. Na-touch ata sila sa mga sinabi ko. Nakakaloka! Kahit na ang labo ng pinagsasabi ko.
Umupo ako, naramdaman ko namang hinawakan ako sa likod si Dheez. Naramdaman ko yung haplos niya tanda siguro na nagpapasalamat siya dahil sa sinabi tungkol sa kanila. Like ew? Besh matagal niyo na akong kilala, I have no choice to fill this hole inside of me, alam niyo namang si Sonn dapat ilalagay ko 'di ba?
"Iba din yung ibinahagi ni Ms. Esperanza ha, about friendship naman. Nakakatuwa lang kasi andami ko ring natutunan about sa experience niyo." pagpapasalamat naman ni teacher na boring na boring ako sa boses niya. Parang ang tamlay!
Ilang oras din bago natapos yung klase. Tuwang-tuwa namang lumabas ng room si Ms. Alvarez. Vacant na naman namin, mamayang ala una ang sunod na klase.
"Friend, alam ko may gusto kang sabihin sa harapan kanina. Napakaplastik ng mga sinabi mo sa amin ha." pabirong sabi ni Rosch, at talagang namandohan niyo yun ah! Well, pasalamat nga kayo no.
"Hoy, pasalamat ka about friendship naten yung sinabi ko no! Hindi ka ba masaya don? Tsaka anong pinagsasabi mong meron pa akong dapat na sabihin?" nakasimangot ako.
"Baka naman may balak kang magkwento sa amin? Di mo ba narinig yung sinabi ni Sonn kanina sa harapan? Di mo ba narinig yung sinabi ni King sa harapan? Huh? Can you please explain that to us? Huh?" nakangiting wika ni Krey sa akin.
"Pwede ba tumigil kayo muna? Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo ngayon. Tsaka asan na ba yung lintek na yun? Binato niya ako kanina ng papel sa ulo eh", pagpapawalang bahala ko sa nais nilang malaman sa akin.
Kunwari lumingon lingon ako at hinanap kung saan nagawi si King.
"Wala na sila, lumabas na kanina pa. Baka naman gusto mo sundan? Para naman magpasalamat sa bungee jumping experience with him?" nakatawang sabi ni Arjane.
"Mga baliw! Alis nga kayo dyan", tumayo ako sa pagkakaupo.
Napansin ko yung papel na binato sa akin ni King kanina, crampled yun. Pinulot ko, umukit sa mukha ko yung galit at inis na naman. Nakakabwiset! Nakakabwisit!
Itong papel na binato mo sa akin, babalik sa'yo. Kaya humanda ka na. Pinulot ko yun, nagtaka naman yung mga kaibigan ko.
Nakangiti akong may balak na hindi maganda. Lumabas ako sa room at sumunod naman ang mga kaibigan ko. Nasaan ka bang King ka? Hindi pa tayo tapos! Pinagtatawanan niyo pa ako kanina! Ipaghihiganti ko kung ano mang panglalait ang ginawa niyo sa akin, kung bakit kayo tumatawa! Wah!
Hindi pa rin kami natigil sa kakalakad, dali dali lang namang sumusunod pa rin sa akin ang mga kaibigan ko. Naisip kong buksan ang hawak kong papel, napansin kong may nakasulat dahil may kaunting letrang nakaudlit sa labas nito.
"Oh ano yan?" usisa naman ni Rosch sa akin.
"Baka naman love letter. Haler? Remember, may King na siya no? The Bungee Jumping boy remember, 'diba Pipay?" pang aasar ni Dheez sa akin.
Sumalubong ang kilay ko sa narinig mula sa kaibigan kong bungangera, nagsisimula na naman silang asarin tugkol sa lalaking 'yon! Waaaahhh! Pwede tumigil na kayo guys? Masyado kayong affected sa sinabi nang damuhong yon! Hey? Kaibigan ko ba talaga kayo? Tell me!
Pagkabukas ko ng papel ay nakita kong may nakasulat talaga. Binasa ko.
"Thank you, last night was special. You surprised me."
Wah! Ano to? Nakakaloka! What the Hell! Hindi nga yon surprise damuho ka! Isa yung patibong naiintindihan mo? So ano? Nakakabwisit naman e! Masyadong asyumerong lalaki.
"Ay power! Kaya naman pala e", pang aasar na naman ni Rosch sa akin.
"Nangagamoy ahem, special pala ha." Krey.
"Pwede ba, tumigil na kayo! Mas lalong pinupuno ng galit ang isip ko 'yang pinagsasabi niyo! Humanda siya! Papatayin ko na siya. Sisiguraduhin ko ngayon, mapapatay ko na talaga siya!", nanlilisik ang mga mata ko dahil sa inis na kanina ko pa nararamdaman.
"Telege be?", tugon naman ni Arjane.
Waaaahhhh! Kakampi ko ba kayo? Pwede ba?