BABAENG DI KINIKILIG ( Chapter 8 )

2483 Words
TITLE : BABAENG DI KINIKILIG Genre : RomCom By : Admin shoji2496 [ C H A P T E R 8 ] Tsss, bakit ko ba ilalagay sa memorable experience ko yang damuhong 'yan. Hindi siya ganun ka importante sa buhay ko para maisulat dito sa hawak kong papel no. Pero ano ba ilalagay ko dito? Nag-isip isip ako. Hindi naman pwede na si Sonn, baka ano pang sabihin niya sa akin. Para ko na rin kasing tinapakan yung apog ko matapos ko sigawan siya kanina kung siya pa yung subject nang naiisip kong ilalagay dito. Ilang minuto akong nag isip nang pwedeng ilagay. Ang pangit naman kasi kung magsisinungaling ako para may maipasa lang. Wah! Paano ba? Ano ba talaga ilalagay ko. Kinakagat-kagat ko ang dulo ng hawak kong ballpen. Tinititigan ang kalahating papel na kulay dilaw na nakapatong sa arm chair. Tila wala nga talaga akong balak na magsulat, ni hindi nga ako makagalaw e. Samantalang yung mga ibang classmates ko nakakalayo na. Lumingon-lingon ako. Nakita kong nakayuko lahat ng mga classmates ko tanda ng marami na silang nasusulat. Maya't maya ay nakita kong lumingon si Sonn sa akin. Tinitigan niya ako ng sobrang lagkit. Nangugusap yung mga mata niya. May halong lungkot ay pighati yung mga pinapahiwatig niya sa akin. Binalewala ko lang at nagkunwaring tumingin sa papel ko ulit. Wah! Wala pa talaga akong nasusulat ano ba! Paano to? Bahagya ako pumikit baka sakaling may maisip ako, pero bigla rin naman ako napadilat ng mata dahil naramdaman ko yung papel na naibato sa ulo ko. Poteks! Sino yon? Sino bumato sa akin? Paglingon ko sa kanan ay, bumungad naman yung mukha ni King na nakabelat sa akin. Sobra yung ngiti niya. Nang aasar ba siya? Umukit na naman sa mukha ko yung inis at galit. Ang tahimik ng klase, abala sila sa kakasulat ng mga gusto nilang ilagay sa kanilang papel. Itong si teacher naman ay may pinagkakaabalahang kausap sa cellphone niya sa labas ng room. Tumayo ako ng padabog, biglang tumingin naman sa akin yung mga klasmeyts ko kung bakit ako gumawa ng ingay. Lumakad ako papalapit kay King at tinitignan siya ng punong puno ng pagpigil sa inis na nararamdaman ko. Nagulat siya at natigil sa kakangiti, natakot ang mokong. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang hinila sa pagkakaupo niya para patayuin. Tumayo naman agad ito. "Aray, bakit ba?" tanong niya. Kunwari wala siyang alam sa pang aasar niya sa akin. "Hanggang kailan mo ba ako titigilan? Alam mo bang sobra na ang inis ko sa 'yo? Itong para sa'yo." sinuntok ko siya malapit sa kanyang labi, inilabas ko na talaga ang inis at galit na nararamdaman ko magmula kagabi pa. Nakakaimbyerna siya! Nakakaasar siya! Gulat na gulat ang mga mukhang nakamasid sa akin, pati si Sonn na sobra ang pagkagulat sa ginawa ko kay King. Ramdam kong gusto niya akong lapitan para awatin, pero wala na, tapos na. Hinawakan ni King yung mukha niyang nasuntok ko. Kitang kita sa mukha niya na nakaramdaman siya ng matinding sakit. Buti nga sa'yo! Sa totoo lang, kulang pa 'yan para sa mga pang aasar mo sa akin. Tumalikod na ako at umupo sa kinauupuan ko na parang walang nangyari. "Thank you." Dinig kong pagkasabi niya, mukhang masaya pa yung boses niya. Baliw ba siya? May gana pa siyang magpasalamat sa ginawa ko. Ibang klase ka rin ano? Magdusa ka. Ang ayoko sa lahat yung binabato ako ng walang kwentang papel! Sisiguraduhin kong mamamatay ka sa oras na makaisip ako ng pwedeng iganti sa'yo. Tinginan pa rin ang mga klasmeyts ko sa akin at kay King. Nagtataka ang kanilang mga mukha bagay na napahinto sila sa kanilang pagsusulat. Ilang sandali ay sumabay naman ng pasok si teacher. "You only have 5 minutes left to write all the things that you want to share. Take note, I want your memorable experience with the unexpected person you met ha. Faster." pagmamadaling sabi ni teacher. Sinimulan ko na namang tinitigan ng mabuti yung papel, halos matunaw na ito sa sobrang pagtitig ko ng ganun kalagkit. Hinawakan ko ang ulo ko at napapakamot. Bahala na, isusulat ko nalang kung ano ang nasa isip ko. Nagsimula akong nagsulat, puno ng poot at galit ang pagtitig ko doon. Hindi ganun karami ang naisulat ko pero minabuti kong naibigay ko ng ganun kaklaro kung sino ang diko inaasahang tao ang dumating sa buhay ko sa pagbuo ng 'di malilimutang pangyayaring 'yon. "Okay. Hands up! I'm so excited to hear from you, what are those memories that you've written on your paper. So start passing your papers." Nakangiti siya. "And once I called your name, step forward. And read it." pagpapaliwanag naman ni teacher, like what? Babasahin pa talaga? Boring! Napayuko ako bigla pagkarinig kong yon. Bakit ba kasi babasahin pa sa harapan? Bakit! Wah! Hindi ito maaari. Pagtapos naming ipasa lahat ng papel sa kanya, ay nagsimula na ngang magtawag ng pangalan si teacher tulad nga naman ng kanyang sinabi kanina. Nakakaramdam ako ng kaba. Ayoko pa mandin ng nagrerecite, ayoko na pumupunta sa harapan para magsalita. The hell i care? Kinakabahan ako sa anong kahihinatnan ng pagbabasa ko sa harapan mamaya. The last time na nagrecite ako sa harapan ng klase ay napahiya ako! Then there's this moment again, waiting to ruin my life infront of everybody, who knows? Andami na ring natapos para basahin yung sinulat. Nakakaloka, ang kokorni! Di manlang pinag-isipan yung mga sinulat nila tsk tsk tsk. "Next is Merniel Sonn Lacambra?" Napahinto ako, I have this feeling na sobrang kaba ang namumutawi sa puso ko. Baka mag-alburoto itong pandinig ko at ano pang magawa ko. Kung maiiyak ba ako or what? Eh kasi nga, I'm pretty sure its all because of me yung sasabihin niya. Tignan niyo mamaya. Tumayo naman agad si Sonn saka dahan-dahang pumunta sa harapan. Kinuha yung papel niyang iniaabot sa kanya ni teacher boring! "Ah, good morning everyone", his voice blew me away. Ang swabe. Then there it goes, why I felt like this, huh? Napangiwi ako. "I had a girlfriend before way back last year. You know, I never dream someone else to find better than her because she's a treasure. She's amazing and was so impeccable. She was so determined person, genuine, so regal, and memorable to be my perfect one. She doesn't even know how to do stupid things knowing her imperfections. Then there's this place named Rodeo Bistrò(a bar which you can do Haranas to the one you love) We went there seemingly as it was our first date ever, I took that chance to dedicate a song which offers my entire life to her. Things were passed so quickly but I don't even let that ruin my moment with her" nagnakaw siya ng tingin sa akin, bagay na ikinabahala ko. "From that moment, I'm wide awake staring from a distance confessing my true feelings for her, knowing that I wouldn't know if she feels the same the way I feel. Lucky, she said yes." his eyes bloom as it was his lucky moment to win the lotto prize. "Time passed by, now that I don't have her. If ever she hears me, I want to let her know how I am still in love with her. I want to let her know, that I am still, waiting for loving her perfectly because that's one reason why I have to fight this longing and sorrow that I felt for almost a year. Until now, she'll be the most memorable person I've ever had. She came to me unexpectedly." Damn this feelings! Gusto kong umiyak, parang nanghihina ako sa mga narinig ko. Pagdating pa naman sa ganon ay tumitiklop agad ako. Naghiyawan naman ang buong klase. Nagpalakpakan sa kanilang narinig mula kay Sonn. Pati si teacher panay ang ngiti dahil sa kilig na nararamdaman niya. Natulala nalang ako bigla. FLASHBACK "Saan ba kasi tayo pupunta bibicup!" sabi ko kay Sonn na para akong bata kakatalon sa sobrang excitement. "Bibicup alam ko magugustuhan mo 'to. Basta sama ka nalang please?" sabi niyang nakangiwi yung labi niyang para ring bata. "O siya, excited na ako bibicup. Waaah" kilig naman ang nararamdaman ko. Agad naman kaming sumakay sa bisekletang dala ni Sonn, siya yung nagmaneho at sumakay naman ako banda sa likod. Napayakap ako bagay na nahawakan ko yung matigas niyang abs. Patuloy pa rin siya sa kakapedal ng bisekleta niya. Mag tatakip silip na nang sandaling 'yon nang napunta kami sa Rodeo Bistrò, kung saan pwedeng kumain, pwedeng uminom at pwedeng kumanta. Ang ganda ganda ng paligid. Halos punong puno ng maliliit na ilaw na siya namang nagbibigay ng liwanag sa loob. Di naman ako magkaumayaw na mamangha sa nakikita ko. Talaga nga namang nagustuhan ko talaga ito. Maya't maya ay naupo kami sa pangdalawahang table. Walang sinuman ang magkaharap, kundi kami lang ni Sonn. Umorder siya ng aming makakain at tinanong ako. "Bored ka ba?" pasimpleng tanong niya na wala namang kinalaman sa excitement na nararamdaman ko. "Huh? Bakit?" pagtataka kong sabi. "Kasi ikaw lang yung nag-iisa sa puso ko." nakangiting tugon niya. "Huh? Ano yun? Diko gets! Ano ba yan. Sabihan mo naman ako kung pick-up lines yung ibabato mong tanong sa akin Sonn haha." nakangiti naman ako dahil naramdaman ko yung kilig. "Wait dito ka lang, may gagawin ako para sa'yo. Just wait there okay?" nakangiti pa rin siya. Tumayo naman agad si Sonn saka pumunta sa harapan, ano na naman gagawin nito? As expected, kakantahan niya siguro ako. Wah! Naeexcite na tuloy ako. Ang daming tao. Punuan ang upuan grabe. "Hello ka-Bistrò, sorry if I interrupted you. Gusto ko lang sana kantahan yung taong nagpapaligaya sa akin ngayon. Shes watching over there po." tinuro kung saan ako banda. Kumaway naman ako, kinakagat ko yung labi ko sa konting hiyang nararamdaman pero ngumiti ako bigla. Dahil naeexcite na ako. "I hope you guys like it. I hope you like it Pipay Esperanza." he smiled. Nagsimula na nga siyang kumanta, naging tahimik yung paligid bigla dahil sa pag aabang ng kakantahin niya. You give me hope The strength, the will to keep on No one else can make me feel this way And only you Can bring out all the best I can do I believe you turn the tide And make me feel real good inside Ang swabe ng kanyang boses! Waaaaaaahhhhh! Ang sarap sarap lang sa tainga pakinggan. Panay naman ang palakpakan ng mga tao kay Sonn dahil namangha sila sa boses na mayroon siya. You pushed me up When I'm about to give up You're on my side when no one seems to listen And if you go You know the tears can't help but show You'll break this heart and tear it apart Then suddenly the madness starts Ibang iba yung flavor na binibigay niya sa kanta. Mala Daryl Ong ang boses niya. 'Diko akalain na ganun kaswabe yung boses niya. Mas lalong nakadagdag sa kapogian niya yung hidden talent niyang pagkanta. Bukod sa minsan ko lang siya marinig dahil sa miyembro siya sa school namin ng choir ay ngayon ko lang siya makitang kumanta ng solo. At sa harapan ko pa, para sa akin pa. Wah! It's your smile Your face, your lips that I miss Those sweet little eyes that stare at me And make me say I'm with you through all the way 'Cause it's you Who fills the emptiness in me It changes everything, you see When I know I've got you with me Waaaaaahhhh! I am slowly melting Sonn! Iloveyou waaaaaahhhhh! Kilig na kilig akong mag isa sa kinauupuan ko. You pushed me up When I'm about to give up, You're on my side when no one seems to listen And if you go You know the tears can't help but show You'll break this heart and tear it apart Then suddenly the madness starts Naghihiwayan na rin yung mga babaeng nasa loob ng Bistrò. Alam kong nagugustuhan nila yung boses niya. Para na rin akong mamamatay sa sobrang pagkakilig aaaahhhhh! It's your smile Your face, your lips that I miss Those sweet little eyes that stare at me And make me say I'm with you through all the way 'Cause it's you Who fills the emptiness in me It changes everything, you see When I know I've got you with me It's your smile Your face, your lips that I miss Those sweet little eyes that stare at me And make me say I'm with you through all the way 'Cause it's you Who fills the emptiness in me It changes everything, you see When I know I've got you with me Patuloy pa rin siya sa pagkanta niya. Ang sexy sexy ng dating sa akin. Siya yung kauna-unahang lalaking nagpamalas ng ganitong experience sa buhay ko. Hinding-hindi ko 'to makakalimutan. Hinding hindi ko 'to kalilimutan Sonn. Mahal na mahal kita. Yan ang mga salitang binibigkas ng aking puso't isipan. Ang saya-saya ng sandaling kasama ko siya. Napakaswerte ko dahil sa mga pinapakita at pinaparamdam niyang effort sa akin. Pagkatapos niyang kumanta ay talaga nga naman ang lakas ng hiyawan ng tao sa kanya. Nagpalakpakan pa sila. "Excuse me everyone, gusto ko sana mag confess sa harapan niyo. First time ko 'to gagawin, hindi ko pa nga alam kung ano mangyayari after this confession. Pero sana, makakaya ko." ulat niya sa mga taong nanonood sa kanya. Ako naman ay halos di na mapakali, ano ba ibig niyang sabihin? Sonn! What are you doing? Halika na nga!!! Sabi ng isip ko na di malaman kung ano gagawin niya. Napahawak ako sa mukha ko at napapapikit. "I know, this is the right time. I've waited so long, I took many consequences but chose not to give up. We chase every moment that we've been together and almost surrender everything. We've been friends for almost 3 years. I share love with you without asking you any label because I know that's not the right time pa. But for now, I am eager to do so, i decided to confess na. Miss Pipay Esperanza. Will you be my lifetime girlfriend?" saad niya Waaaaaahhh! Ano daw? Kenekeleg eke! Enebe! Sonn wag ka naman ganyan! Hindi ako prepared! Waaaaahhhh! Namulat ako, naluluha ang mata ko sa sayang nararamdaman ko ngayon. Waaaahhh! Kinikilig ako sobra. Bigla nalang ako napatayo, tumungo sa harapan kung saan nakatayo si Sonn. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "YES!" sabi kong pabulong kay Sonn. Abot langit ang ngiti niya. Nagtatalon siya sa sobrang tuwa. Ang saya saya ko rin. Naghihiyawan naman ang mga tao sa nasasaksihan ng kadramahan namin. Waaaahhhh! END OF FLASHBACK "Pipay Esperanza?" rinig kong may tumatawag sa akin. Diko namamalayan na nakangiti ako sa pagkatulalang yon. What the Hell! "Oy bruha, pang limang tawag na sa'yo ni Ma'am" kinalabit ako ni Dheez at binulungan ako. Nakakahiya! Lintek na alala! Wah! Ako na? Ako na magsasalita? Waaaaahhh! Kinakabahan ako. Ano ba to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD