BABAENG DI KINIKILIG ( Chapter 7 )

2607 Words
TITLE : BABAENG DI KINIKILIG Genre : RomCom By : Admin shoji2496 [ C H A P T E R 7 ] Kinaumagahan ay dali dali naman akong nag ayos ng sarili dahil papasok pa ako sa university. Ikatlong araw na ng klase magmula nung pasukan. Hindi ko manlang namalayan na andami ko na palang kahihiyan na naranasan, isama mo pa yung kapalpakang plano sa damuhong 'yon. Para tuloy akong natatakot pumasok ngayon. Ay hinde, kailangan ko talagang pumasok para ipamukha sa mokong na yun na di ako affected sa nangyari kagabi. Minadali ko ang kilos ko sa pag-aayos ng sarili ko. Naka sibilyan pa rin ako. Saka na ako magsusuot ng uniporme sa susunod na linggo. Kinuha ko na yung backpack kong kulay asul na may brand na Hawk saka ko sinuot. Muntikan ko na rin na maiwan yung headphone, pero buti nalang naalala ko bigla. This is me, music is life. Musics are my soul, kaya kung walang musika, literal na boring! Pagkalabas ko ng apartment, sinarado ko ang pinto at kinandado. Sumakay ako sa motor ko, inilagay yung sumbrero saka dinagdag kong isinuot yung headphone na dala ko. Baduy ba? Wala akong pake! Kompyansa naman ako sa sarili ko na kahit ano man ang isuot ko, maganda ako. Its about confidence ika nga. Pinaandar ko na ang motor, pinaharurot yun ng medyo may kabilisan. Ang dami kong iniisip kung ano na naman ba ang naghihintay na mangyayari sa akin mamaya. Letse! Nakakahiya kasi ang nangyari kagabi, ano pa sasabihin ng mga kaibigan ko na hindi ko manlang nagawa ng maayos yung planong pagpapatay sa takot yung Kingkong na yun. Lucky him, I don't know what's next to do. But there's this thing I kept in mind that will give him danger! Sisiguruhin kong ikapapahamak na niya ito. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa loob ng university. Ni-park ko ang motor ko malapit sa Architecture Department. May kalayuan sa department namin. No choice, yun nalang kasi yung tinuro ng gwardya sa akin na pwedeng pagparkingan dahil doon lang may bakante. Bumaba ako sa motor, saka tinanggal yung headphone na suot ko. Nagulat ako ng may naramdaman akong kaluskos ng lakad sa likuran. Hindi ko ito masyadong pinansin dahil nag aayos pa ako ng sarili ko. "Bibicup" This gives goosebumps all over my body. Nagulantang ang katawang lupa ko. Nahinto ako sa pagkaka-ayos ko sa sarili. Halos lamutakin ako ng kaba dahil sa boses na narinig ko. Nakilala ko bigla yung lalaking nasa likuran ko dahil iisang tao lang naman ang madalas na magsabi sa akin ng ganyan. Nag-iisa lang siya. At ayoko talaga siyang makita, sa totoo lang. Hindi ko siya nilingon, saka ako dali-daling humakbang papalayo sa lalaking 'yon. Ramdam kong sumusunod siya. He gave me a heavy sigh "Pipay, alam kong galit na galit ka sa akin. Ayoko ng nagkakaganyan ka." paliwanag niya. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa lakad. Ginagawi ko ang daan papunta sa department namin. "Nagbago ka na. Hindi na ikaw yung nakilala kong Pipay. Sorry na." bigla nalungkot ang kanyang boses. Pagkarinig ko sa mga salitang yon ay nahinto ako, ang tabang sa pandinig besh! Tsaka why all of the sudden? Kung kaylan nakakalimot na ako, saka mo pa gusto ulit halungkatin ang nakaraan! Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, kaya dahan-dahan ko siyang nilingon. Nakasimangot ako, kita sa mata ko ang inis at galit. From then, I didn't gave him my straight stare."For what?" mahina ang pagkabikas ko, panay ang kagat ko sa aking labi na pinipigilan ang nararamdamang galit. "For everything i did before, i left you witho--ut your permi---ssion." nauutal niyang paliwanag sa akin. Ayoko ng ganitong eksena, naiirita na naman ako. Ang drama na naman ng pagtatagpong 'to. Bakit? Ano na naman ba 'to? Nakita ko yung bakanteng upuan sa may park. Tinignan ko yung oras sa relo ko, matagal pa para magsimula yung first subject namin. Kaya naisip kong pumunta doon at umupo ng pagkasiga-siga. Sumunod naman sa akin yung lalaki. "My permission? Putcha naman e. Dika bobo Sonn, tanga ka lang! Hindi kailangan ng permiso ng isang tao kung choice nilang lumayo. For all i know, wala pa akong nakikitang tao na humingi ng permiso para iwan yung taong mahal mo, yung taong mahal ka!" i pointed him "You chose to leave. Hindi kailanman mawawala sa katotohan na you left me, kaya wala ka ng lugar ngayon para tawagin pa ako ulit ng gano'n ha?. Tumigil ka na." nanggagalaiti kong pahayag sa kanya. Hindi ako iiyak sa harapan mo gago ka. 'Di na ako ganun ka-apektado sa mga pangyayaring minsang nagbigay pasakit sa akin, noon. Sisiguraduhin kong magiging masaya ako kahit wala ka. "Bakit ako titigil? Nandito ako, nang dahil sa'yo." patuloy pa rin siyang nagpapaliwanag. Tinulak ko siya. "Sonn, wake up! Di na kita kailangan. Kung sasabihin mong nandito ka na naman nang dahil sa akin. Putang ina mo! Gasgas na yang mga salitang yan. Tama na yung pinagmukha mo akong tanga." napabuntong-hininga ako. "Pero thank you ha? For once, ikaw yung dahilan nang pagbabago ko." tuloy kong bigkas ng mga salitang masasakit sa kanya. Umalis na ako pagkatapos no'n. Naglakad na ako papalayo sa kanya. Hindi na niya ako sinundan pa, siguro natauhan na sa mga sinabi ko. Pero lintek, tama ba yung ginawa ko sa kanya? Hindi ba parang ang sakit ng mga salitang nabitawan ko? Bakit? Bakit parang nakakaramdam parin ako ng kirot sa aking puso. Hindi to maari. Ayoko na ng ganitong kadramahan. Tama na. Tama na Pipay. Ilang minuto pa ay paakyat na ako papunta sa taas ng building namin. Sinasariwa pa rin ng isipan ko ang mga salitang binitawan ko kay Sonn. Pero nakikihati naman sa isip ko itong bagay kaugnay sa nangyari kagabi kasama yung King na 'yon. Tulala akong naglalakad. Urgh! Kaya diko namalayan na nasa ikalimang palapag na ako ng building. Wala masyadong tao sa koredor. Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang mukha ng King na yon. Tuwang-tuwa! Kumakaway pa siya akin na parang bata. Waaaaaaaaahh! Nang iinsulto ba siya? Nainis na naman yung mukha ko. Umirap ako sa kanya saka naglakad ng pagkasiga-siga papunta sa upuan ko. Lumingon ako sa kanan, nakita ko si Sonn na nakatingin sa akin, ang bilis niya maglakad ha. Malungkot yung mukha niya. Tila ba nakakaramdam ako ng awa sa nasabi ko sa kanya. Ano ba! Andami kong naiisip ngayon! Wala pa yung professor namin, as usual, ang gulo ng klase. Ang iingay nila. Nakita ko namang nagkukumpulan sa gilid na nakaupo yung mga kaibigan ko. Pinagtitinginan ako. Nagtataka ang mga mukha nila. Alam ko na naman kung bakit. Lumapit nalang ako sa kanila para ipaliwanag kung bakit hanggang ngayon buhay pa yung damuhong 'yon. "Ano bang nangyari kagabi? Bakit nakapasok pa yung mokong na yun." pabulong namang sabi sa akin ni Rosch at tinuro pa sa nguso niya si King. Di naman ako nakapagsalita kaagad, nakasimangot pa rin ako. "Don't tell me naisahan ka niya. Tsk tsk tsk" nakangiti namang sabi ni Dheez. Umirap naman ako kay Dheez. "Baka naman naawa yang si Mader, tinulungan si King dahil namangha sa kagwapuhan niya." Arjane. "O baka naman, Pipay let him escaped because she have no choice? Diba nga, may mga taong papalapit sa kanila noon, I guess naawa itong si Pipay." Krey. "No, no, no. Why would let Pipay escape that King, well, in fact, he's totally dangerous to her? Look oh, parang walang nangyari sa kanya? Ang saya saya ng mukha? Does he even feel scared yesterday? That's unbelievable!" Rosch. "Now tell us beshy, what happened? May nangyari bang hindi masama? Tignan mo, ang pakla ng pagmumukha mo." Arjane. Nakatingin silang apat sa akin. Ang papangit ng titig nila. Hey friends? Hindi ba pwedeng kamustahin niyo muna ako? Muntik na akong mamatay dahil sa planong 'yon! Hello? Umirap naman ako ulit kay Arjane saka lumayo sa kanila. Naisipan kong umupo nalang sa upuan ko. Tinatawag nila ako pero minabuti kong umupo nalang sa upuan, naisip kong huwag nang ikwento ang nangyari sa amin kahapon dahil malamang sa malamang, pagtatawanan lang ako. Sakto namang pagdating ng professor namin. Agad namang umaayos ang mga classmates ko. "Good morning Miss Alvarez." sabay sabay naman nilang sabi. Bumati naman ng balik ang professor namin saka kami pinaupo. Wala ako sa sarili, andami-dami kong iniisip. Nakasimangot lang ako habang nakapatong ang kanang kamay sa may baba ko. Para akong gumagawa ng mukha ng limang daang piso. Dala ng sama ng loob ay wala ako pakialam kung ano pinagsasabi ng teacher namin. Nakatulala lang ako at sinasariwa sa aking isipan ang mga nangyari sa amin ni King kagabi. FLASHBACK. "Wah! anong ginawa mo? mahuhulog na tayo! Wah!" pasigaw na sabi ng mokong. OMG! What am I doing? Why is this happening to me! "Wah! Mama! Heaven's above! Please help me!" pagsisisigaw ko, habang patuloy kaming bumabagsak sa baba ng bangin. Nanlalaki na yung mga mata ko, hindi na ako makahinga. Ano ba to! Hindi ko lubos maisip kung bakit humantong pa sa nadamay ako sa planong ito! This can't be! "Wah! Puking ina mo!!" sambit ko lang kay King habang pababa parin kami ng bangin. "Aaaaaah! Mamamatay na tayo!" natatarantang sabi naman niya "Waaaaaaaaaah! Ayoko na, ayoko pang mamatay!" sinuklian ko yung pagsigaw niya. Kumapit ako ng mahigpit sa katawan ni King. Niyakap ko siya, kahit ano pang sabhin niya basta ayoko pang mamatay! "Waaaaaaaaaaah! Ayoko na! Kasalanan mo 'to!" patuloy pa rin ako sa pagsigaw dahil sa takot. "Aahhhhhhhhh eto na, pabagsak na tayo!!!! aaaaaaaahhhhh!" nakakabingi yung sigaw niya. The hell! Nahulog pa yung suot kong salamin. Malapit na kami sa ibaba, pabagsak na nga kami nang biglang huminto yung tali saka ito muling tumaas. Ngayon ko napagtanto na rubber pala ang pinantali namin sa kanya. Bwisit! Ibig sabihin matatagalan pa akong mapapayakap sa damuhong ito! Ano to Bungee Jumping? Waaaaaaaahhhh!!!! Ayoko na, mamamatay na talaga ako! "Waaaaaaaahhhh! Wooooooohooooooo!" iba na yung boses ni King, hindi na takot yun, natutuwa na siya! Aba teka, nagawa pa talaga niyang mag enjoy sa kabila ng bingit naming kamatayan! Putcha! "Waaaaahhhh!" patuloy parin ang sigaw ko dahil unti unti akong nawawalan ng hiniga habang baba't taas ang baybay nitong sitwasyon namin. "Wuhuuuuuuu! Ang sarap sa feeling!" Pasigaw naman niyang tawang tawa. Lintek, mukhang nag eenjoy ang gago habang ako, namamatay sa takot. Bwiseeeeeeeeet!!!! "Thank you Pipay, 'di ko alam na isusurprise mo pala ako. Maraming salamat sa experience. Hindi ko 'to makakalimutan." natutuwa pa rin ang sabi niya. Like what? Nakilala na niya ako? Ay potek diko napansin na wala na pala akong salamin. Bwiseeet! Waaaah! Hinde to surprise! In your dreams! Plano to ng pagpatay sa'yo! Waaaaaahhhh! Ayoko na, ayoko na! Sirang-sira na yung plano. Imbes na siya yung mamamatay sa takot, ay siya pang bumaliktad sa akin. Tuwang-tuwa pa ang gago sa mala-bungee jumping eksenang ito. Napansin siguro ni King ang pagkakayakap ko sa kanya ng sobrang higpit. Sobra kasi ang takot na nadarama ko. Para na akong nasusuka sa dahil sa pagkahilo! Nakakabwiset. Bakit ba kasi ako naloko nang gagong 'to? "Kumapit ka lang sa akin, hindi ko hahayaang mahulog ka." pabulong niyang sabi na dinaan pa sa pasexy'ng boses. Nakakaasar! Nanlaki na naman ang mata ko, wala naman ako magagawa ngayon dahil sa oras na tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya ay mahuhulog talaga ako. "Sa oras na makababa tayo dito. Humanda ka. Humanda ka talaga, waaaaaaaaaaahhhhhh!" sabi ko naman sa kanya habang nagsisisigaw pa rin ako sa taas baba namin sa bangin. Hindi na siya nagsalita pang muli, ninamnam na lamang niya yung mga sandaling 'yon. Hanggang sa paunti-unting nang tumigil ang pagtaas baba ng nakataling lastikong lubid sa kanya. Doon ay nakahinga ako ng maayos. Maya't maya ay nagulat kami dahil naramdaman namin yung lubid na kusa nalang kaming tumataas. May humihila ata sa amin. Mas lalo pa akong natakot. Yun na ata yung mga taong nakita kong papalapit sa amin kanina. Wah! Ano na naman kaya mangyayari sa amin! Pambihira! "May humihila sa atin, nako! Yan na yung zombies. Mamamatay na tayo." pabirong sabi ni King na nagkunwaring umiiyak na parang bata. "Tss. Nakakatawa yon? Gago!" sabi kong inis at takot ang nararamdaman ko. Patuloy parin ang paghila sa amin ng hindi kilalang tao. Diko alam kung inililigtas ba nila kami o papatayin na lang. Wah! Hanggang sa matanaw na namin ang tuktok ng bundok kung saan kami nakatayo kanina. Nakita rin namin yung mga lalaking humihila sa lubid, dali dali kaming tinulungan sa pagkakagapos ng mga nakataling lubid kay King at inalalayan kaming inilayo sa paanan ng bangin. "Okay lang ba kayo? May problema ba kayong dalawa?" tanong ng isang bruskong-bruskong lalaki sa amin. Napaupo kami dahil sa hilong nararamdaman, kanina pa kasi ako sukang-suka. Kita sa mukha ni King ang takot sa mga kaharap naming lalaki, maski ako, natatakot din sa ano mang pwedeng mangyari. "Alam niyo ba, trespassing kayo. Gabing-gabi na, at balak niyo pa talagang magpakamatay sa ganyang pakulo niyo." dagdag pa ng isa pang lalaki na sinesermonan kami. "Mabuti pa't dalhin na namin kayo sa pulisya, bahala na kayong magpaliwanag doon." papalapit na yung isang lalaki sa amin para hilain kami. Tumayo si King saka nagpaliwanag. "Mga tsong 'wag po. Hayaan ko pong magpaliwanag sa inyo para di na po humantong sa pagpunta pa namin sa himpilan ng pulis." pagmamakaawa niya sa mga lalaki. Aba! Paliwanag? Anong ipapaliwanag ng gagong to? Na ako ididiin niya at nagplano ng pagkahulog naming dalawa? Mygod! Humanda ka, mag-iingat ka sa sasabihin mo damuho ka! Nahinto yung mga lalaki, tila ba'y gusto nilang malaman kung anong ipapaliwanag nang gagong 'to sa kanila. "Boyfriend niya po ako. Sinurpresa ko lang po siya ngayon dahil first anniversarry namin. Dito ko po plinano yung Bungee Jumping namin dahil sobra akong nabighani sa anong mayroom itong lupain niyo. At humhingi ako ng paumanhin sa inyo dahil hindi manlang ako nagpaalam o humingi ng permiso. As in, surprise ko lang po talaga ito sa girlfriend ko, diba mylabs?." paliwanag niya, sabay ngisi ang tingin sa akin. Aba! Boyfriend daw? Anong pinagsasabi mo damuho ka. Hindi ka lang gago no? Adik ka rin sa kasinungalingan. At ikaw pa talaga ganang mangsurprise?Wow naman? Iba den! Tumayo ako, inis na inis ako at nanlalaki yung mga mata ko dahil sa mga narinig ko. Andami dami kong gustong sabihin. Kaya magsasalita na sana ako nang biglang inakbayan ako ni King saka ninakawan ako ng halik sa aking pisnge. At talaga nga naman nanlaki pa ang mga mata ko! Punyeta! Yung dignidad ko nasaan na? Bakit hinahayaan kong ginaganito ako ng lintek na gagong 'to!!! "Ohoho mga bata talagang 'to oh, nakakakilig! O siya enjoy your anniversary. Sa uulitin humingi kayo ng permiso sa amin para di namin kayo mapagkamalang magnanakaw ha. Tsaka, masaya naming nakikita kayong masaya. Sana magtagal pa kayo." usisa naman nung isang lalaki na ang tamis ng ngiti. END OF FLASHBACK "Hoy Pipay, okay ka lang?" kinalabit ako ni Dheez na nakaupo sa may likuran ko. Diko namalayan na may gagawin na pala, napansin ko kasing naglabas ng mga papel itong mga classmates ko. Umayos ako sa pagkakaupo at lumingon lingon. "Ah--- ano gagawin?" pagtataka kong tanong. "May problema ba? Tulala ka dyan. Oh ito, papel. Magsusulat daw tayo ng memorable experience naten kasama yung unexpected person na dumating sa buhay natin. Di ka kasi nakikinig e." paliwanag pa ulit ni Dheez. "Anong subject ba yan? Bakit may paganyan?" "World literature. Basta gawin mo na. Kanina pa nagsimula no." anya niya. "Huh?" nagtataka pa rin ako. Dahil una palang, si King na yung naisip kong pwede ilagay sa papel ko. Punyeta, kung mamalasin nga naman oh. Waaaaaaaaahhhh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD