BABAENG DI KINIKILIG ( Chapter 6 )

2902 Words
TITLE : BABAENG DI KINIKILIG Genre : Romcom By : Admin shoji2496 [ C H A P T E R 6 ] Para na naman akong sinapian ng demonyong ispiritu dala ng samang nararamdaman. Wala talagang magandang naidulot yang King na yan sa akin. Paglabas mo ng university sisiguraduhin kong mamemeligro ang buhay mo. Kaya magdasal-dasal kana dahil ilang oras nalang nalalabi sa buhay mo. "Naka isang puntos na naman siya sa iyo friend. Mukhang gustong gusto ka niyang sagarin sa asar ha." di maikubli sa mukha ni Dheez na naasar din sa nangyayari. "Nakita niyo yun? Pinunit niya mismo sa harapan ng mukha ko yung classcards? Maling mali ang galitin ako King, mali ka ng pinapasarin sa mga kawalang hiya mo. Titirisin kita hanggang sa magkabali bali yang buto mo. Humanda ka paglabas mo ng university." sabi ko naman na di parin natigil sa paghinga ng malalalim sa sobrang inis at galit ng nararamdaman. "Ano bang plano mo?" tanong naman ni Krey sa akin at biglang umusbong sa kanyang mukha ang ngiti, mukhang na eexcite siya sa kung ano pwedeng mangyari. "Just prepare yourself guys. Let him suffer, his journey to death has started." tumaas ang isang kilay ko, nakangiti na parang nagtatagumpay na. Nasa baba na kami ng ground-floor, binaybay namin kung saan ni-park yung motor para simulan yung planong pagpatay sa King na yun. Pinaandar na namin ang motor saka lumabas ng university, hindi muna kami nag atubiling kumuha ng classcards sa registrar dahil ang nasa isip ko ay mas masahol pa sa kahihiyahang dulot pa ng class cards na yan. Siguro bukas nalang. Importanteng makaganti ako sa Kingkong na yun. Babawian kita ng mas higit pa sa inaakala mo. Habang nagmamaneho ako ay naisip kong huminto muna sa may cafeteria kung saan kami kumakn kanina, bumili ako ng pink milktea. Hinahanap na kasi ng panlasa ko yung inumin na yun. Ansarap lang kasi. Pagkabili ko ay agad naman akong umalis at lumulan sa motor saka nagpatuloy sa pagdrive kasama ang buong kaibigan ko. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa may isang mataas na bundok at may nakakatakot na bangin, dagat na yung makikita sa ibaba nito. Dito namin ipararanas ang ganti ng isang mabangis na amazona. "Hindi ba parang maaga pa para parusahan yung King na yon? Let him enjoy muna bago naten bigyan ng leksyon." suhestiyon naman ni Arjane sa akin. "Mabuti na yung maaga para malaman niya kung paano ako magalit. Sa totoo lang, yung mga kagaya niya dapat pinapatay ng maaga." nakatawa kong sabi na pinagmamasdan ang bangin. "You've changed a lot besh! Ang bangis bangis mo na ngayon." saad pa ni Arjane sakin, manghang mangha siya sa bagong katauhan ko ngayon. "Ihanda nalang natin ang lahat, para sa kamatayan ng King na yan. Sisiguraduhin kong ito na ang huling pagkakataong papahiyain niya ako." patuloy pa rin ako sa kakamasid sa baba ng bundok na kinatatayuan namin. "Hindi ba parang sobra naman ito? Its okay to give him what he deserve but something like this? Besh! This makes him literally insane! Don't you guys get it?" Dheez. "Whether i get it or not Dheez, this is what he deserve! I won't let him pissed me anymore, and besides he earned it. Then payback time?" "Pipay, so you think this will excuse you from changing?" Napalumok ako sa sinabi niya, "Look, I know what you're thinking. I will not let him die okay? Kaya nga rubber yung gagamitin nating tali 'di ba? I just want to give my warn, a warning that I can do more than dangerous somethin' like this? Get's mo?" muli akong napabaling ng tingin sa bangin. "What if maputol yung tali?" "Dheez, kaya nga mag- iingat 'di ba? Just make sure everything will be fine, or maybe the most finest?" napailing ako. Mag aalas sais na nung natapos nilang inihanda ang lahat. Sumakay kami sa kaniya kaniyang motor saka muling pinaharurot ito, dali dali naming pinuntirya ang daan pabalik sa university para abangan ang paglabas ni King. Ilang sandali pa ay nakarating din kami sa main gate ng university, tumambay kami malapit doon at nagmasid masid. Kita sa mga kasuotan namin yung ka-astigan ng dating. Pinagtitinginan naman kami ng iilang tao dahil sa aming mga itsura. Itim na sumbrero, itim na tshirt, itim na pantalon, itim na sapatos at itim na salamin. In short, it all lies to darkness! Nakita kong naglalakad na sa kalayuan yung King na yun kasama sina Sonn at iba pang mga kalalakihan. Hindi ko pa kilala ang mga pangalan pero mga classmates din namin mga 'yon. Pero bakit tila ang bilis ata nang panahon at kasa-kasama niya si Sonn? Dati na ba silang magtotropa? Hindi, kailangan kong mapagtagumpayan ang planong pagpatay sa kanya ng hindi nalalaman ng mga kasama niya lalong-lalo na si Sonn. Takip silip na sa mga sandaling ito. "Guys, watch out. Palabas na yung mokong na yun." pagpukaw ko naman ng atensyon sa mga kaibigan ko. Nag ayos naman kami bigla ng pwesto at pasimpleng naglakad-lakad. Nang makarating sa labas ng gate sila Sonn, King at iba pang mga kasama niya ay huminto sila ng ilang sandali. Nagkekwentuhan sila. Nagtatawanan pa sila. Feels like he owned his world today, maybe, his last day? Gayunpaman, nagmamasid kami sa kanila. Hinihintay na maghiwa-hiwalay sila ng landas. Pagkaraan naman ng ilang sandali, ay naanig namin ang kotseng huminto sa kanilang harapan. Sumakay naman sila rito. Putek! Bakit may kotse? Saan sila pupunta? Hindi maaring mapopornada ang plano ko ngayon sa mokong na 'to. Nagsusumimangot pa rin ang mukha ko at hindi mapakali sa kakaisip kung paano ko maitutuloy ang pagpatay sa damuhong Kingkong na iyon. "Sundan natin sila, hindi pwedeng hindi siya mabibigyan ng leksyon ngayon." anyaya ko sa mga kasama ko at dali dali naming pinaandar ang kaniya-kaniya naming motor. "Let the game begin!" nakangiting turan ni Rosch, sumunod naman na ito sa akin. Sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas ngayon, susundan kita kahit saan ka pa mapunta. Ako ang batas sa pinasukan mong mundo King, ako ang magiging kalaban mo sa mga bangungot mo. Ito ang mga sambit ko sa aking isipan habang patuloy lamang ako sa pagmamaneho ng motorsiklo. Wala na akong ibang iniisip ngayon kundi ang plano. Sobra na kasi itong inis na nararamdaman ko sa kanya, ayoko ng pinapahiya. Ayoko ng atensyong ako ang napapahiya, ayoko sa taong ginagago ako. Ayoko! Ayoko! Mas lalo ko pang binilisan ang takbo ng motorsiklo, ramdam ko naman na sinabayan ako ng mga kasama ko. "Dahan-dahan ka lang friend! Ayoko pang mamatay! I know how aggressive you are just to make sure that King suffer, but please have mercy! Gusto ko pang mabuhay! Slow down!" saad naman ni Dheez, idinikit sa may bandang kanan yung motor niya sa motor ko. "Hindi pwedeng mawala yung kotse sa paningin ko, kailangan ko ng ipatumba yun ngayon." pasigaw kong turan sa kanya. "Whatever!" aniya niya. Binilisan ko pa lalo yung takbo ng motor bagay na sinundan din 'yon ng mga kaibigan ko. Ilang saglit ay nakita kong huminto ang kotse sa may palengke. Hininto ko ang motor ko sa 'di kalayuan para magmasid-masid. Napahinto din ang mga kasama ko. Maya't maya ay nakita kong bumaba si King sa sasakyan. Ito na ang pagkakataon, ngayon na magsisimula ang ganti ng isang mabangis na amazona. Humanda ka na King. Nakita kong sumaludo pa si King matapos umalis papalayo ang kotse sa kanya. Naghihintay siya doon, hawak hawak niya ang cp niya saka pinokus ang atensyon dito. Ito na nga ang magandang pagkakataon. Magsisimula na ang kalbaryo ng buhay mo gago. "Ito na ang tamang oras, gabi na kaya kailangan na nating madaliin." nagsalita ako at pinandar na ang motor papalapit sa damuhong 'yon. "This is gonna be exciting! Yeah!" masayang bigkas ni Arjane. Sumunod naman ng andar ang ibang mga kaibigan ko. Nasa harapan na ako ni King, napansin niya kami agad dahil sa maingay na muffler mayroon yung motor ko. As usual bumaba sa kanilang motor si Krey at Rosch para mandohan sa pagkakahawak si King ayon sa napag-usapan naming plano kanina. Hinablot nila ang mga braso niya para pwersahang isakay sa motor. Puno ng pagtataka ang naririnig ko sa kanyang boses. "Bi----tawan nyo ako, sino ba kayo?" Hindi niya kami namukhaan dahil sa misteryosong kasuotan mayro'n kami. Mariin kong iniba ang tono ng boses ko. "Itali niyo yung mga kamay niya." utos ko naman sa kanila. Sumabay ng bumaba sa kanilang motorsiklo sina Arjane at Dheez para itali yung mga kamay ni King. "Teka! Sino---- ba kay---o? Ano ba ang atraso ko sa inyo?" ramdam sa kanyang boses ang takot. Nakakaawang King. Sinimulan moko e, kaya mas magandang tatapusin ko na nang maaga. Ilang araw palang kita kilala pero andami-dami mo ng atraso sa akin, sa amin. "Bita---wan niyo ako! Bita----wan niyo ako s-abi e! Saan yo ako dadalhin ha?" di pa rin siya natigil sa kakasigaw. Bago pa siya makagawa ng eksena sa palengke dahil padami na ng padami ang nakakapansin sa amin ay agad ko namang inilabas ang nakakahilong likido, pinasitsit ko sa panyo saka pinaamoy sa kanya bagay na nawalan siya ng malay. Dali-dali naman naming isinakay siya sa likod ng motor kasama si Dheez. "Nemen eh! Pogi pogi mong mokong ka. Sorry ha, pero ito gusto mangyari sa'yo ni Mader Pipay eh." aba parang kinikilig pa itong bruhilda na 'to. Di na namin pinansin yon. Pinaandar na namin ang kaniya kaniya naming motor. Mabilis naming binaybay ang direksyon papunta sa lugar kung saan namin siya papatayin, papatayin sa takot. Ilang saglit pa ay nakarating din kami kung saan namin inihanda ang plano. Ibinaba nila si King ng maayos at dali-daling itinali sa may napakahabang itim na rubber. "Siguraduhin niyong mahigpit ang pagkakatali niyo, huwag niyo hayaang makatakas pa siya jan." pag uutos ko namang sabi. "Sisiguraduhin namin yan no! Wala sa bokubularyo namin ang pumatay ng walang kamuwang-muwang na tao besh." sagot naman ni Rosch. Natigil kami sa pag-uusap ng mga kaibigan nang mapansin naming magising si King. Tila hindi niya alam kung anung nangyayari, pilit itinatayo ang kanyang sarili pero hindi niya kaya dahil sa sobrang pagkahilo ang nararamdaman. Mariin siyang nagpahinga saglit at nag ipon ng lakas. Itinango niya ang kanyang ulo para tignan kami. "Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin? Anong balak niyo sa akin? Di ako masamang tao." mahinang saad niya na dama parin ang pagkahilo. Hindi niya kami makikila dahil sa sobrang dilim na ng paligid. Gabing gabi na. Minabuti naming huwag gumawa ng ingay para hindi niya kami mapansin. "Handa na ba ang lahat? Wala na ba kayong nakalimutan?" paninigurado ko sa kanila. "Yes, ready na lahat. Walang mintis, get him and throw him away na." karasaas namang sabi ni Krey. "May tao ba diyan!!?" bigla siyang napasigaw ng malakas. Poteeeeek! Bakit ka sumigaw? Hindi ko inaasahan yun a! "Akala ko okay na lahat? Bakit nagawa pa niyang sumigaw?" nainis ako bahagya. "Eh.." "Dheez 'di ba nakatoka sa'yo yung paglalagay ng tape sa bibig niya? Nasaan yung tape? Puntahan niyo na ngayon bago pa makagawa ulit ng ingay 'yan. Baka may makarinig pa sa kanya." "Sige..." Bago pa makahakbang si Dheez ay biglang isa isang nagkaroon ng ilaw ang paligid, sobrang liwanag. Nakatutok ang ilaw sa pwesto namin at sa nakagapos na si King. Bahagya akong nakaramdam ng kaba dahil hindi namin yun inaasahan. Malamang, may nakarinig sa kanya dala ng pagsigaw niya kanina. "Anong gagawin natin? Baka may ibang tao dito. Baka makita tayo? Baka makulong tayo.." natatarantang bigkas ni Krey. "Ito na yung sinasabi ko e! Kung sana ginawa niyo nang maayos ang lahat bago makagawa 'yan ng ingay edi sana kanina pa natin yan tinapon sa bangin. Ha?" "Pipay sorry, nakalimutan ko. What shall we do now? Gusto ko pang mabuhay guys, ayokong makulong..." Dheez Kinalma ko ang sarili ko, at nagsalita. "Mauna na kayo, umalis na kayo. Ako na bahala dito, sige na." suhestiyon ko naman sa kanila. "Pa-pano ka?" pagpigil naman ni Dheez sa amin na alalang-alala. "Ako na bahala, kaya ko 'to." tugon ko ulit sa kanila. "No, I won't leave you Pipay, sama sama nating gawin 'to. Keme na yung mahuli tayo ng mga tao." Arjane. "Hoy naiintindihan mo ba yung sinasabi mo? Sa tingin mo kapag nahuli tayo ng sabay-sabay makakawala tayo, ha? Mabuti na yung may makaunang alis sa atin dahil pwede niyo naman akong isalba. Atsaka, kaya ko 'to! Umalis na muna kayo, swear I can do it successfully." Ilang sandali pa ay, di na nagpatumpik-tumpik pang umalis ang mga kaibigan ko, tila ba naalibadbaran sa sinabi ko. Malaki ang tiwala nila sa akin na makakaya ko tong gawin. Nang nakalayo na ang aking mga kaibigan, ay agad naman akong lumapit kay King, pilit na itinayo sa kinauupuan niya. "Tumayo ka dyan, panahon na para mamatay ka." bulong ko sa kanya. Sinigurado kong naiintidihan niya bawat bigkas ko ng salita. "Huh? Ano bang kasalanan ko sa'yo? Bitawan mo ako!" patuloy niya paring sigaw Pinipilit ko pa ring itinayo si King at hinila papalapit sa bangin. Agad naman siyang nanlumo nang makita ang nakakalulang bangin, takot na takot na siya. Di na niya alam ang gagawin niya. Natutuwa ako sa nakikita ko, at last! Natakot ka rin damuho ka. Ito lang pala makakapagtiklop ng bayag mo! "Ah! Anong gagawin mo sa akin? Huwag, marami pa akong pangarap. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Huwag mo naman ihulog dyan ang isang gwapong nilalang." pagpupumiglas niya, tila ba nagbibiro pa itong sabi. Sobrang lapit na namin sa bangin, isang tapik ko nalang talaga ay mahuhulog na siya. Paglingon ko sa likod ay naanig ko yung papalapit na tao. Nanlaki ang mata ko, natataranta ako. Ano gagawin ko? Hindi maaring madatnan nila ako. "Tulong!" Muling siyang sumigaw! Putcha, huhugutin ko na talaga 'yang dila mo damuho ka. Isang sigaw mo pa talaga. "Sige ka, sumigaw ka pa. Or else, with just one pinch you right away, you'll end up krrrrrk." sinenyasan siyang mamatay na. "No, please.. Sino ka ba ha? Anong atraso ko? Kung mayroon man akong nagawang kasalanan, patawarin mo na ako" "Marami, ssshh. You don't have to say sorry." Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "This poor silly boy begging for forgiveness? Sorry, I'm a person who don't take any forgiveness. Do you want to see darkness?" "No, no, no please.. Please dont." Buo na ang desisyon ko, itutulak ko na siya saka ko mamadaliin papaandarin ang motor dahil ang lapit na ng mga tao. Yun nalang gagawin ko. Okay, counting, 1 2 3.. Woy, teka? bakit? "What are you doing? Get off of me!" pagpupumiglas ko, isinuksok kasi nito yung mga kamay sa katawan ko bagay na magkaharap kaming dalawa ngayon. "If you want to see me die, then be with me. Lets make it together! What do you think, its more fun right?" "No! Take this off" Ilang pagitan lang ang lapit ng aming mga mukha. Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw. Bakit? Paano niya naisuksok yung kamay niya sa katawan ko? Bwissssseeeet! Inihakbang ko ang kaliwang paa ko para umatras nang hindi ko namalayan n nakasagi ako ng malaking bato alinsunod 'nun ay nawalan ako ng balanse bagay na parehas kaming napasigaw dahil pababa na kami sanbangin. "Wah! anong ginawa mo? mahuhulog na tayo! Wah!" pasigaw na sabi ng mokong. OMG! What am I doing? Why is this happening to me! "Wah! Mama! Heaven's above! Please help me!" pagsisisigaw ko, habang patuloy kaming bumabagsak sa baba ng bangin. Nanlalaki na yung mga mata ko, hindi na ako makahinga. Ano ba to! Hindi ko lubos maisip kung bakit humantong pa sa nadamay ako sa planong ito! This can't be! "Wah! Puking ina mo!!" sambit ko lang kay King habang pababa parin kami ng bangin. "Aaaaaah! Mamamatay na tayo!" natatarantang sabi naman niya "Waaaaaaaaaah! Ayoko na, ayoko pang mamatay!" sinuklian ko yung pagsigaw niya. Kumapit ako ng mahigpit sa katawan ni King. Niyakap ko siya, kahit ano pang sabhin niya basta ayoko pang mamatay! "Waaaaaaaaaaah! Ayoko na! Kasalanan mo 'to!" patuloy pa rin ako sa pagsigaw dahil sa takot. "Aahhhhhhhhh eto na, pabagsak na tayo!!!! aaaaaaaahhhhh!" nakakabingi yung sigaw niya. The hell! Nahulog pa yung suot kong salamin. Malapit na kami sa ibaba, pabagsak na nga kami nang biglang huminto yung tali saka ito muling tumaas. Ngayon ko napagtanto na rubber pala ang pinantali namin sa kanya. Bwisit! Ibig sabihin matatagalan pa akong mapapayakap sa damuhong ito! Ano to Bungee Jumping? Waaaaaaaahhhh!!!! Ayoko na, mamamatay na talaga ako! "Waaaaaaaahhhh! Wooooooohooooooo!" iba na yung boses ni King, hindi na takot yun, natutuwa na siya! Aba teka, nagawa pa talaga niyang mag enjoy sa kabila ng bingit naming kamatayan! Putcha! "Waaaaahhhh!" patuloy parin ang sigaw ko dahil unti unti akong nawawalan ng hiniga habang baba't taas ang baybay nitong sitwasyon namin. "Wuhuuuuuuu! Ang sarap sa feeling!" Pasigaw naman niyang tawang tawa. Lintek, mukhang nag eenjoy ang gago habang ako, namamatay sa takot. Bwiseeeeeeeeet!!!! "Thank you Pipay, 'di ko alam na isusurprise mo pala ako. Maraming salamat sa experience. Hindi ko 'to makakalimutan." natutuwa pa rin ang sabi niya. Like what? Nakilala na niya ako? Ay potek diko napansin na wala na pala akong salamin. Bwiseeet! Waaaah! Hinde to surprise! In your dreams! Plano to ng pagpatay sa'yo! Waaaaaahhhh! Ayoko na, ayoko na! Ilang beses din kaming taas-baba sa lastikong lubid na ito sa bangin. It turned down that my plan was also fell at me, syete! itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD