May nagbabadyang panganib sa tatlong magkakaibigan. Ngayong natuklasan na nila kung sino ang naging dahilan sa muntik nang ikapahamak ni Wesley, kailangan nilang maging mapagmatyag sa paligid. Lalo na ngayon na ang guro nilang si Keeno ay siya palang isang masamang loob na laging nakamasid sa kanila. Ngunit hindi nila alam kung ano ang tunay nitong pagkato. Gayunpaman, nananatiling sikreto ng tatlo ang natuklasan. Batid nilang mapanganib ang taong iyon... o kung tao man siya, walang nakakaalam. Mas dapat nilang pagtuunan ng pansin kung paano nila masusugpo ang nakaambang kasamaan. Hindi lang kasi sila ang puwedeng mapahamak. Maging ang mga inosente nilang kamag-aral ay maaaring mawala rin sa mundo. "Anong dapat nating gawin?" tanong ni Wesley.

