Tulad ng inaasahan, inihatid nga ng amang si Jack ang anak nitong si Jacob. He's totally grounded. Hiyang-hiya siya habang bumababa ng motor ng kanyang ama. Nasa high school na siya pero parang kindergarten pupil ang naging trato sa kanya nito. Halos pagtinginan siya ng mga schoolmates niya at ang iba ay nagbubulungan pa. Dyahe! Gusto niyang lamunin ng lupa habang papasok siya ng tarangkahan ng kanilang paaralan. Wala naman talaga siyang ginawang masama, e. Hindi lang talaga siguro maiintindihan o papaniwalaan ni Jack ang sasabihin niya kaya mas magandang huwag na lang siyang magsalita. Habang nakayuko siyang naglalakad ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cell phone. Sinadya niyang i-silent mode ang phone niya para walang marinig na ingay kagabi ang

