"Jacob! Gising!" Isang pamilyar na boses ang siyang nagpabalik kay Jacob sa katinuan. Isang panaginip lang pala ang lahat. Buong akala niya ay totoo ang mga nakita niya habang kasama si Natasha. Iyon pala ay nakatulog lang siya at nakita na lang ang sarili na nakaupo sa isang stool habang hinihintay ang pagdating ng ina ni Wesley. "Natasha?" "Kanina ka pa umuungol diyan? Nananaginip ka na yata," bungad ng kaibigan nang magkamalay siya. "Tita?" Nakita niyang papalapit si Lanie. Pero kalmado ito at walang bahid ng galit sa kalooban. Hindi tulad ng nasa panaginip niya. "Anak, gising na." Ngumiti ito at mahinahong tinapik si Jacob. "H-hindi po kayo galit sa amin?" tanong ni Jacob.

