Kinailangang dalhin kaagad si Wesley sa ospital nang araw ding iyon. Medyo malalim kasi ang natamo niyang saksak nang isangga ang sarili kay Jacob. Ngunit hindi pa rin nawawala sa isipan ni Jacob ang nakita niya kanina. Kaya hanggang sa ospital ay naguguluhan pa rin siya kung sino ang lalaking nakita bago sila umalis. Napansin ni Natasha ang pagkabalisa ng binata. Nilapitan niya ito. "May problema ba, Jacob?" Napaisip si Jacob, paniniwalaan kaya siya ni Natasha kung sasabihin niyang may kakaiba siyang naramdaman nang makita ang weirdong lalaki kanina? "I saw something weird." Na-stuck si Jacob sa mga katagang iyon. Hindi niya alam kung paano niya idedetalye ang nangyari kanina. Pero kitang-kita niya kung paano nilapitan ng l

