Mga hindi maipaliwanag na aktibidad ang nangyayari habang nasa kawalan si Wesley. Paulit-ulit ipinakikita sa kanya ang nakaraan na gusto na niyang makalimutan. Hindi niya maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam sa tuwing makikita niya ang ilan pang mga bagay na nagpapaalala siya na wala siyang kwentang tao... na hindi siya dapat ipinanganak sa mundo. Nakahiga siya sa malamig na sahig, madilim at walang gaanong nakikita. Higit pa sa impyerno ang kinasasadlakan niya ngayon. Paulit-ulit ininabato sa kanya ang mga salitang iyon hanggang ngayon. 'Bobo!' 'Lampa!' 'Hindi ka namin kailangan!' Tanging paghihinagpis lang ang nagagawa niya. Lumuluha ang mga mata't walang malay sa kung anong nangyayari sa

