Higit pa sa masamang loob o kawatan ang turing ngayon ni Wesley sa demonyong kumuha ng kanyang katauhan at katawan. Kasalukuyan siyang nasa kadiliman. Literal na kawalan. Kung dati ay emosyon lang niya ang kinakalaban niya, ngayon ay kalaban na rin niya pati ang sarili. Nakayuyop siya sa isang malamig na sahig. Ang tanging liwanag lang sa paligid ay ang kanyang puting damit at pang-ibaba na tila ba pinasadya para sa kanya. Kumikislap ang kanyang puting-puting kasuotan na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa maliit na espasyo ng kawalan kung saan siya naroroon. Muli niyang iminulat ang mga mata at tumingin nang diretso. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya. Hinahanap ang daan sa napakadilim na kawalan. "Ilabas mo ako rito!" Naghuhumiyaw siya ngunit walang k

