(Blamore) “Sir, huwag nyo pong kalimutan na mamayang 3 P.M may meeting kayo ni Mr. Chou sa Top Hotel. Iyong bagong investor po.” paalala ni Elena. Assistant ni Milo. “Should I call sir Milo para ipag-drive po kayo?” tanong pa niya. Mabilis naman akong umiling. Busy rin kasi ngayon si Milo dahil may pinapagawa rin sa kanya si Lolo Claude. Naka on-leave kasi ang personal assistant ni Lolo kaya pansamantala muna niyang hiniram si Milo. “No worries, Elena. I can drive myself to go there.” sagot ko. Ibinalik na ang atensyon sa binabasa kong report. “Okay sir. Babalik na po ako sa table ko.” “By the way, Elena….” tawag ko. Mabilis naman siyang lumingon sa akin. “Yes sir?” “Please, send a bouquet of flowers to my mom’s office.” mando ko. Ngumiti siya. “Right away sir. Lalagyan ko ba ng

