(Harley) Gusto ko sanang tumambay sa opisina ni Blamore habang lunch break ko pa ngunit umalis naman ang mokong at kasama si Milo. May business meeting daw siya sa labas. I don't have somebody to hang out with dahil kumakain pa rin ang mga kasamahan ko kasama na roon si Rizza. I don't eat lunch kaya alangan namang tumunganga ako sa mga iyon habang kumakain. Wala rin silang ka-kwentang kausap dahil puro sweldo na parang bula kung maglaho ang laging topic nila. Eh, ano naman mai-ambag ko roon? I haven't run out of money yet. Kahit na dalawang bag ko na ang nabenta ko para makabili ng eye cream at ibang gamit ko sa pagpapaganda. Kaya naisip ko na lang na pumunta dito sa garden na nasa rooftop banda. Balita ko kasi, maganda raw dito at mahangin. Besides, super fan ako ng mga rooftop. Iya

