Chapter 13  Coupling

1300 Words
(Harley) The wedding day…. “I now pronounce you husband and wife,” nakangiting anunsyo ng wedding officiant sa aming dalawa ni Blamore. Isa isa niya kaming tiningnan. “You may now kiss each other.” Naghiyawan naman ang lahat ng to sa aming paligid kahit na hindi umabot sa sampo ang aming mga bisita. Given naman kasi iyon. I don’t have any friends and neither do Blamore. I only have my Lolo and Nilda on my side while Blamore has Milo, Lolo Claude, his dad and three people who have big names in the world of business. I don't know them so I don't give a damn about them. Simple lang naman ang seremonyas ng aming kasal at sa malawak na hardin lang ng aming mansyon ang venue. We both decided to make it just simple and solemn since we don't have much time for preparation. Isa pa, hindi naman kami celebrity. Why do we need to bother ourselves? Hindi rin kami iyong couple na in-love sa isa't isa at gusto ay bonggahan ang kasal dahil isang beses lang daw iyon mangyari sa buhay ng mag-asawa. Which is totally a dork opinion. The heck! You can get married even everyday if your status is the same as ours. Rich. Mayaman in tagalog. “What are you waiting for, son!” kantiyaw ni Lolo Claude kay Blamore. Lahat halos naman ay natawa maliban lang kay Blamore. Sabay kaming humarap sa isa’t isa. Blamore looked me in the eye while slowly pulling up the veil on my face. Ngumiti ako sa kanya ngunit blangko naman ang kanyang mukha. I felt a sudden disappointment. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng lungkot. I don’t see any affection or excitement towards his eyes. It's cold. Mukhang ako lang talaga iyong masaya sa araw na ito. Huminga ako ng malalim. I honestly hate it! Kumurap ako at kaagad isinantabi ang kakaibang pakiramdam na ito. Hindi ako dapat maging malungkot o makaramdam na tila talunan ako ngayon. I’m Harley Alvarez, remember! I’m a queen. Queens don't deserve to be sad. I gathered all the confidence I have and looked at him like a queen. A queen that has no attitude to please everyone. “What are you waiting for? Hurry up! Just f***ng kiss me, para matapos na ang palabas na ‘to.” pabulong kong utos. Sinamahan pa ng irap. Which is slightly true. Kanina pa talaga nangangalay ang mga binti ko sa kakatayo. I don’t want to ruin my dress. Hindi ko gustong magusotan ito kahit konti kaya nakatayo lang ako mula ng isinuot ko ito at hanggang sa mga oras na ito. Diba! Siraulo lang!? He smirks. And within a second I can feel his lips touch mine. It was a quick kiss. Iyong parang dumampi lang ang labi niya sa labi ko. But sometimes I felt something strange towards Blamore, everytime we touched each other skin to skin. I feel warmth and it’s strangely feeling good. Iyong tipong, hahanap-hanapin mo. s**t! Am I in love? “No way!” pipi kong sagot sa aking isipan. Umiling-iling. “Yeyyy!Whoo-ooh!” masiglang sigaw ni Nilda. She looks so happy. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata. And it’s kinda annoying me. Alam ko naman kasi ang dahilan ng kasiyahan nito ngayong araw. Una, masaya siya dahil ikinasal na ako at higit sa lahat, masaya siya dahil makakawala na siya sa mga kamay ko. Pangalawa ay matatahimik na rin ang buhay niya at matitigil na ang kakabuntot niya sa akin. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid namin. Nginitian ko sila ng pang-VIP kong ngiti. Hanggang sa dumapo ang mata ko kay Lolo Martin. I saw a big smile on his face. The smile that I haven't seen for a long time. “ Congratulations to the both of you. You don't know how happy we are today with your Lolo Martin.” ani ni Lolo Claude. Ito ang unang lumapit sa amin para batiin kaming dalawa. Nagpasalamat naman ako at hinalikan ito sa pisngi. Nagyakapan naman sila ni Blamore kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na makalapit kay Lolo Martin. “Hija!” ani ni Lolo Martin habang naglalakad ito patungo sa akin. Nakangiti ko naman siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit. Nasa tabi ko naman si Blamore habang si Lolo Claude ay kausap na nito ang tatlo pa naming mga bisita na estranghero sa aking mga mata. “Congratulations. You're so beautiful today.” komento pa nito. Nakangiti na pina-ikutan ko naman siya ng mata. “Oh come on! Lolo.” sabay irap. Humiwalay na kami sa pagkakayakap sa isa’t isa. “Lagi naman akong maganda, right honey” tanong ko kay Blamore. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. iyong parang nagpapa-cute. Ngunit mukhang may pagka-slow rin ang mokong na ‘to. “What’s the question again?” he asked. Tiningnan ko siya ng masama. Gwapo sana kaso bingi lang. I pulled him closer and whispered in his ears. “Umu-o ka nalang.” bulong ko. Inilapit din niya ang kanyang bibig sa aking tenga. “Sorry, but I don’t wanna lie.” sarcastic nitong sagot. Kunot ang noo na pinagmamasdan naman kami ni Lolo Martin. “Is there any…problem?” nag-aalala nitong tanong. Pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Sabay naman kaming ngumiti at bahagyang tumawa. “No, sir.” Blamore answered. “Nag-uusap lang kami kung kailan na siya lilipat sa bahay ko.” “Yeah, Lolo.” segunda ko naman. “And I said, mamaya na.” “Yeah,” ani ni Blamore. Bahagya pa itong ngumiti ngunit bigla rin itong natigilan. “Wait…what?!” nanlaki ang mata nito at nawala ang ngiti sa kanyang labi. Bigla na lang nito akong hinila sa isang tabi. “The heck are you talking about?” bulong nito na may bahid ng inis sa kanyang tono. “Did we just agree that you give me atleast one week of preparation for adjustment, right? Aba’y hindi biro na makasama ka sa isang bubong.” Tinapunan ko siya ng nakamamatay kong tingin. I feel insulted. “Well, I changed my mind.” nang-aasar kong sagot. Tinalikuran na siya at humakbang pabalik kay Lolo Martin. “Hija? What's really going on?” tanong ni Lolo Martin. Bakas talaga sa mukha nito ang pag-alala. “Nothing, Lolo.” nakangiti kong sagot para makampanti na ito. “I’m definitely gonna stay in his house tonight.” Lolo Martin held my hand. “Well, it’s up to you, hija. He's your husband now.” ani nito. Nakangiti ito habang nakatingin kay Blamore. Na ngayon ay kausap na si Milo. “You know already that the moment you say I do to Blamore. Ipinasa ko na ang lahat ng obligasyon ko kay Blamore. Please hija, be a good wife, soulmate and a person to Blamore. Okay?” Sunod-sunod naman akong tumango. “Well, a good person. Keri ko Lolo but…a good wife? Hmmmm, I don't think so.” saad ko. Tumawa naman ng bahagya si Lolo. “Mana ka talaga sa mommy mo.” anito. “Parehong-pareho kayo sumagot. Well…” bumuntong hininga ito at malungkot akong tiningnan. “I wish they will still be here, hija. How I wish.” For the first time in my life, I saw Lolo Martin cry. Parang pinupunit ang puso ko. Mabilis akong tumingala sa kalangitan. I don't want to cry too. Hindi ko rin kasi itatanggi na walang araw na hindi ko sila na-miss. Walang araw na hindi ko sila naaalala. I lost them when I was eight. In a car accident. After that tragedy, Lolo Martin took over their roles upon me. Hindi ito nagkulang ng pagmamahal sa akin. Pero kahit kailan ang pagkawala nila ay nag-iwan pa rin ng malalim na sugat sa aking puso. I always miss them everyday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD