Chapter 14 First night

1839 Words
(Harley) "Wake up, sleepyhead ," narinig kong boses ni Blamore. Mahina ako nitong tinapik sa braso kaya ganun na lang nagising ang diwa ko. Damn! I am still sleepy and tired. Kaya naman hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Nagkunwari akong tulog at hindi siya narinig. Ngunit bigla akong napasinghap ng maramdaman ang mainit nitong hininga malapit sa aking tenga. "Stop pretending you're still asleep, princess. Wala akong balak na buhatin ka papasok sa loob ng bahay ko." nang-aasar nitong bulong. "If you want, you can sleep here inside my car. I can guarantee your safety here." Bumuntong hininga ako at dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Tiningnan ko siya ng masama at inirapan. "Sorry, maarte ang likod ko. I don't sleep like a homeless person." mataray kong sagot. Iginala ang paningin sa labas at nauna na siyang bumaba ng kanyang kotse. "Excuse me!" bulalas ko. May bahid ng inis na nilingon niya ako. "What!" asik niya. Nginuso ko ang pinto ngunit mukhang nang-aasar ang mokong. Tinawanan lang ako nito. "I'm not your personal driver, princess. Kaya mo na yan. May kamay ka naman diba?" wika niya. "Well, you're my husband." sagot ko. Inirapan siya at pinagbuksan ko na lang ang aking sarili. I'm still wearing my wedding dress kaya medyo nahihirapan ako sa pagbaba. Galit na tiningnan ko siya ulit ngunit ang mokong parang walang pakiramdam. " Can you atleast be kind to me and hold my hand. I'm wearing a long gown as you can see." protesta ko. "Be a gentleman naman." Tiningnan niya ako na tila nababagot at kalaunan ay ngumiti na tila nang-aasar. "I am." kibit balikat niyang sagot. Sabay pakita sa akin ang hawak-hawak nitong gym bag ko. "Besides, If I'm not. I will not waste my time waking you up. Hahayaan lang kitang matulog diyan sa loob ng kotse ko. How about you? Can you atleast know how to say thank you?" I rolled my eyes on him. It seems like our first night will not be like other newlywed couples. No honeymoon and whatever couples do aside from that. We just kept arguing the whole night. Nauna na itong humakbang palapit sa pinto ng bahay bitbit ang maliit kong gym bag. Konting damit lang ang binitbit ko dahil bukas ko na hahakutin ang iba pa. Pinindot nito ang security password ng bahay at awtomatikong lumiwanag ang buong kabahayan. Pagkabukas ay kaagad itong pumasok kaya sumunod na rin ako. "So, this is your house." wika ko. Habang iniikot ng aking mga mata ang kabuuan ng bahay. "Yep!" sagot nito. "Welcome to my kingdom." It was actually a big two story house but a bit empty. Walang masyadong gamit sa bandang living room kaya malapad tingnan ang paligid. Tanging isang mahabang black leather na sofa, center table at malaking flat screen tv lang ang naroon na nakadikit sa dingding. Tatlong kulay lang din ang makikita mo sa loob. Black, gray and white. Malinis, mabango at maaliwalas rin ang bawat sulok. His house seems like the definition of his personality. Lahat nasa-ayos at walang kalat. Kahit maglaro ka pa ng skateboard sa loob ay talagang pwede sa lapad ng space na available. Same with the kitchen. Iilang gamit lang ang nakikita ko roon. A four seater dining table at ilang gamit sa pagluluto. Siguro, iyong ibang gamit ay nakatago lang sa loob ng cabinet. For sure, ilang piraso lang din iyon. Halata talagang, iisang tao lang ang nakatira sa bahay na ito. Well, noon iyon. Hindi na ngayon. May magandang nilalang na siyang makakasama. "Our bedroom is upstairs." wika nito. Mulagat ang mata na napatingin ako sa kanya. "Our room?!" ulit ko. Ngumiti ako na tila may ibang ibig sabihin sa sinabi niya. Tumawa siya ng pagak. "I know what you're thinking, princess." anito. "But…it's not. We sleep in different rooms. I have two bedrooms upstairs." paliwanag nito. "You can take the other one. Since I can't let you sleep in the kitchen." Umangat ang kilay ko. "Like I care!" depensa ko ngunit mukhang hindi ako narinig ng mokong. Nilampasan lang ako nito habang bitbit pa rin ang gym bag ko paakyat sa hagdanan. Sumunod naman ako habang hila-hila pataas ang gitnang bahagi ng suot kong gown para hindi ito sumayad. "You know what, I'm so excited about what my rooms look like. How big it is and whatsoever." wika ko. "Anyway, Is it bigger than my room in our mansion?" curious kong tanong. Bigla siyang napahinto at nilingon ako. "Way better," he answered. Smile weirdly. "Hope you'll be surprised." Biglang nagningning ang aking mga mata sa narinig. "My God! I love surprises." masigla kong sabi. Ipinagpatuloy na ang paghakbang. I see two door when we reach the second floor. They are facing each other. "So, saan naman banda ang magiging kwarto ko?" excited kong tanong. "The left door," he answered. Kaagad ko naman iyong tinungo at binuksan. And I'm really surprise. It's not really that bad though for normal people. But not for me. Dissapointed ang mukha na hinarap ko siya. "Are you serious that this is my room?" tanong ko na parang hindi makapaniwala. "It's so small. Kasing laki lang yata ito ng bathroom ko eh." reklamo ko. He smirks. Humakbang ito papasok sa loob. "Well, it's either you like it or not but this will be your room for the rest of your life, princess." aniya. Humakbang ito sa gilid ng kama kung saan may maliit na bedside table. Binuksan nito ang drawer at may kinuha na remote. He turned on the aircon. "Welcome to your royal bedroom." Tumawa pa ito ng pagak na tila nang-aasar. Pinagkrus ko ang aking mga braso habang masama ang titig sa kanya. "You call it a bedroom. No way that I'm gonna sleep here." maktol ko. "Well, you don't have a choice," he said. Bahagya itong ngumiti na nang-aasar. "Unless, you want to sleep outside. Besides, hindi kita pinilit. Ikaw iyong excited na pumunta rito. This is it, claim your prize." "Tsk!" Inirapan ko siya. "Saan ko naman ilalagay ang mga babies ko, aber? Tell me? Sa dami nila, eh kulang pa nga tong buong kwarto na 'toh eh." Kumibit balikat siya. "Well, use your head at problema mo na iyon." anito. Mas lalo lang akong nainis. I can't believe it. I never thought that my life would become like this. It's worse than I thought. "Have a goodnight." paalam na nito. Humakbang na palapit sa pintuan. "Oh, come on, Blamore!" protesta ko ngunit tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Hanggang sa isara nito ang pintuan at ako na lang ang naiwan sa loob. "Bwesit!" Sa sobrang inis ko parang gusto kong ibalibag ang lahat ng laman ng kwarto. Of course, I can't. Imposible! I'm not Wonder woman. Marahas ko na lang kinuha ang gym bag na dala-dala ko at kumuha ng isang pares na pantulog. I badly need a shower. Sobrang lagkit na ng pakiramdam ko. Pero teka nga, kaagad akong napatakbo patungo sa bathroom. Nag-aalala na baka walang bathtub. But it seems like Blamore was not bad and cruel towards me. Meron naman. Hindi man kasing laki sa bathtub ko sa aming mansyon pero pwede na rin pagtiyagaan. The bathroom is elegant but small. I hate small things and I like big spaces. Hindi ako duwende 'noh kahit na 5'2 lang ang height ko. Lumabas na ako ng banyo upang hubarin ang suot kong wedding gown ngunit mukhang kailangan ko ng assistant. Nasa gitna ng likuran ko kasi ang zipper nito at hindi ko maabot. Dali-dali akong nag-martsa patungo sa pintuan ng kwarto ni Blamore. Kumatok ako ng isang beses, which is a proper etiquet. Walang sumagot kaya pumasok na lang ako. Ganun na lang ang nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa loob. Not fair dahil mas malaki kasi ang kwarto niya kaysa sa akin. Which is expected naman. He owned this house. Duh!? Pansamantala ko munang iginala ang aking paningin sa loob. I'll let myself explore the whole room even though Blamore set a rule that I can't touch anything inside his room. But who cares, I'm Harley! Duh! I don't follow rules. Rules are only for ordinary people. Isa pa, mukhang wala siya dito. Baka bumaba. Lumakad ako papunta sa walk in closet niya na may kalakihan rin. As expected, it's organised, smells good and clean. Tumambad sa akin ang lahat ng mga koleksyon niya. From his watches, sun glasses, wallets, handkerchiefs, neck ties, perfume and formal shoes. Mukhang hindi siya mahilig sa mga bags dahil iilan lang nakikita ko. Naglakad pa ako papasok at may isang malaking estante rin na naroon kung saan naka-display ang iba't-ibang disenyo ng mga rubber shoes. Sa tantiya ko lumagpas rin sa isang daan ng pares ng sapatos ang naroon. "Hmmmm, so he likes rubber shoes huh!" pipi kong sabi. Sa kabila naman ay mga damit na niya. From his formal attire to casual. Nakaramdam ako ng pagkabagot since puro gamit ng lalaki ang nakikita ko. Nagpasya na lang akong lumabas para hanapin kung nasaan ang mokong na iyon. "Oh God!" bulalas ko. Naka-buka ang aking bibig at nakatingin lang sa kanya. Nakasuot naman siya ng puting roba pero hindi ito nakasara kaya kitang-kita ko mismo ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Kahit siya ay nagulat rin ng makita ako. Kaagad itong nagpanic at sinara ang nakabuka niyang roba. "The heck is wrong with you?!" bulyaw nito. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag na huwag mong pakialaman ang mga gamit ko." Umirap ako. "Excuse me, hindi ko sila pinakailaman, okay! Hinahanap kita kaya pumasok ako dahil akala ko nandito ka. Besides," tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Hindi ko kasalanan kung tatanga-tanga ka. Hindi mo sinara iyang suot mong roba kaya ayon… nakita ko tuloy ang hindi ko dapat makita. Pero infairness," ngumiti ako ng nang-aasar. "it's striking." "Get...out!" muli nitong bulyaw. Pina-ikutan ko siya ng mata. "Oo na! Heto na nga at lalabas na po." nang-aasar ko pa ring sagot. Nilagpasan na siya ngunit pumihit rin ako pabalik. Bigla ko na lang kasi naalala kung ano talaga ang ipinunta ko rito. "Can you please unzip me?" pakiusap ko. Itinuro sa kanya ang zipper sa bandang likuran ng aking damit. "Even that you can't do it by yourself?" maktol niya. "Hihingin ko ba ang tulong mo kung kaya ko," pamimilosopo ko. Napilitan itong humakbang palapit sa akin kaya amoy na amoy ko ang mabango nitong gamit na sabon. Ewan, pero bigla akong napasinghap ng marahan nitong nilapat ang isang palad niya sa likod ko. Napahinto ako sa paghinga ng maramdaman kong unti-unti na nitong binaba ang zipper sa likuran ko. It felt weird. May nakaharang pa naman na tela sa bandang likuran ko kung saan nakahawak ang palad niya pero tumatagos pa rin ang init nito. Kakaibang init at bigla na lang akong napalunok. Mukhang hindi magandang init kasi iyon. Nakakapahamak. "It's done! Now get lost!" taboy nito. Humakbang na ito palayo sa akin. Doon lang ako nahimasmasan. Mabilis na tinungo ko na ang pintuan at lumabas na ng kanyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD