(Blamore)
"Don't hesitate to give me a call when there is any problem when I'm not around, okay?" bilin ko kay Milo. Kasalukuyang nasa kabilang linya ito. Maaga kasi akong pinauwi ni Lolo Claude dahil naka-on leave raw ako for two weeks. "Kahit konting problema lang, tawagan mo kaagad ako. Okay? Right away! Alright?" dagdag ko pa.
"Absolutely, sir." sagot ni Milo. "No worries and just enjoy your honeymoon. Bye, sir!"
"Wait! Wait! Milo! Uhmm…I still have some…." Pinutol na nito ang tawag. Damn!
I dial his number again. Kaagad naman niya itong sinagot.
"Are you sure?" pagtitiyak ko. "You know that sometimes there are…."
"Sir! Please!" putol nito sa iba ko pang sasabihin. Mukhang nakulitan na sa akin dahil mula pa kanina ang pangungulit ko sa kanya. "Everything will be fine, okay." pagtitiyak nito. "Besides sir, sir Claude is here and your father too, so we are really fine. Just relax. Dalawang linggo lang naman na mawawala kayo. The company will be fine, we assure you about it."
Marahas akong napa-buga ng hangin at napahilot sa aking sintido. "But those two weeks are like two years spent in hell with that brat." reklamo ko.
"Well, I can't help you with that, sir." sagot ni Milo. Natahimik ako saglit dahil tama naman siya.
I let out a deep sigh and ended the call. It's really frustrating. Some people may be thrilled to have a two week rest but not me. Especially when I'm with my source of stress.
Pinilit kong tinanggihan ang offer ni Lolo Claude na mag-leave ako sa aking trabaho ng dalawang linggo ngunit nag-insist talaga ang matanda. He said it's for my honeymoon and to settle everything with Harley. Well, mas gusto ko pang magtrabaho kesa manatili sa bahay na kasama ang malditang babae na yon.
By the way, speaking of that brat. Ano kaya ang ganap niya ngayon araw? I saw my house outside the gate. Tila buo pa naman kaya marahil natulog lang ito buong araw at pabor iyon sa akin.
She can't be trusted anyway. Tila wala ito sa bokabularyo niya ang salitang 'bawal' at 'rules'.
Sinigurado ko na naka-park ng maayos ang aking sasakyan sa garahe saka dumiretso na ako sa loob. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay sinalubong na ako ng bagong door mat na kulay pink. Teka! Kulay pink? Kailan pa ako nagkaroon ng kulay pink na door mat!
"What the heck!" bigla na lang ako napamura. Inis at labis na gulat ang sumalubong sa akin na emosyon. Why does my house suddenly look so crowded? I walk around wondering if it really is my house. Baka maling bahay ang napasukan ko.
"Oh my God! Thanks, you're already here, honey." wika ni Harley. Nagmadali itong bumaba ng hagdan. As usual, naka-ayos ito na tila may lakad kahit nasa bahay lang naman siya. "Are you surprise?" tanong nito na may ningning sa kanyang mga mata.
Galit ang mukha na tiningnan ko siya. "The heck is wrong with you? What did you do to my house? Diba sinabi ko na na wala kang gagalawin sa bahay ko. And—what did you just do?"
Ngumiti ito ng matamis na tila hindi na gets na umuusok na ang ilong ko sa galit. What's wrong with this woman?
She changed all the curtains in purple colour. Pati cover ng throw pillows ay kulay pink na rin. Kahit ang cover ng dining set chair ko ay naging pink and blue na rin. I also saw some pink mug on the top of the table. Mukhang nanganak na rin ang sofa ko dahil biglang naging tatlo. May mga mamahaling paintings na rin nakasabit sa dingding ko.
God! Idagdag mo pa ang ilang malalaking flower vase na may mga magaganda ngunit pekeng bulaklak at nilagay niya ito sa sulok na bahagi.
"Hay naku! Highblood ka naman." ani nito saka umirap. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin eh. I turned your house into a colourful one. Look around you, hindi na tatlong kulay ang nakikita mo. May pink, purple, blue at yellow na." Kinisap-kisap nito ang kanyang mata na tila nagpapa-cute.
"And you expecting me to praise you?" nag-gagalaiti kong tanong.
"Why not?! I do a good job kaya," sagot nito. Ngumuso ito habang nilalaro nito ang dulo ng kanyang buhok. "Anyway, may isa pa akong supresa sa'yo. I'm sure you're gonna love this one. Follow me!" Nauna na itong humakbang kaya kahit wala sa mood ay parang temang naman ako na sumunod sa kanya. "Look!" turo nito sa malapad at malaking larawan namin na nakasabit sa dingding. Ito iyong pareho kaming nag-agree na maganda ang pagkakuha sa amin sa larawang ito during our pre-wedding photoshoot. "Hmmmm, they delivered it this morning kaya pinakabit ko na. We're both amazing in this photo, right?" she asked with a gleam in her face.
I agreed. We look like we are really a real couple who are both madly in love with each other. Plus, we are both smiling.
"I go and take a shower." wika ko na lang. Walang ekspresyon ang aking mukha dahil nagngingitngit sa inis ang dibdib ko. Parang gusto kong pagsisisihan na pumasok ako ngayong araw. Baka sana hindi ito nangyari sa bahay ko.
"Okay! Enjoy." kibit balikat niyang sagot. Tiningnan ko lang siya ng masama at humakbang na paakyat. "Then… maybe– after that you can cook something for me."
Bigla akong napa-atras at muli siyang nilingon. Kagat-kagat nito ang ibabang labi niya. "Hindi pa kasi ako nakapag-hapunan at wala rito si Nilda. Wala kang personal chef at hindi ako marunong magluto." pilit itong ngumiti. "So, please, pwede bang…pakibilisan iyong pag-shower mo dahil gutom na gutom na talaga ako. I even skipped my lunch and breakfast."
Natampal ko ang sarili kong noo sa narinig. "Oh my God! Buti buhay ka pa. Teka nga, what do you mean you don't know how to cook. May nakita akong mga post mo sa photogram na hawak-hawak mo iyong bowl ng mga pagkain with a caption 'I do it myself' "
"Well, it's fake." Muli nitong kinagat ang ibabang labi niya.
"What do you mean fake?"
She rolled her eyeballs at me. "Oh come on, Blamore! It's social media for pete sake. I can't believe you believe in that. You know I can't cook."
"Honestly, yes. You know why?"
Tumingin ito sa akin at umirap. "I don't know why. And please…Jesus! Pagtatalunan pa ba natin ang tungkol iyan. I really don't know how to cook and I'm really damn hungry. So please, be kind to me."
God! Tumawa ako ng mapakla at umiling-iling. "After what you've done to my house?"
"Yes," mabilis nitong sagot. "At least give me credit for that. I'm pretty sure I did a good job. Did you know that it's my first time doing this?"
Muli kong natampal ang sarili kong noo at huminga ng malalim. Pasensya! Konting pasensya pa, Blamore.
"Well, I wish you never tried." pilosopo kong sagot. "How I wish, natulog ka na lang buong araw."
Kinapa ko ang bulsa ng suot kong blazer. Sinigurado na bitbit ko ba ang gamot ko sa migraine. Mukhang aatakihin na naman ako ngayon gabi.
Ipinagpatuloy ko na ang pag-akyat. When I reach the top. Napahilot na lang ako sa aking noo. I saw a lot of boxes outside her room. Nagkalat rin ang mga plastic bubble wrap. Mukhang ito iyong ginamit na pambalot ng kanyang mga gamit. Dinedma ko na lang. Pikit-mata ko na lang itong tiningnan. I don't want to ruin my whole night just for this huge mess.
********
Sa kabila ng inis ko sa babaeng ito. Ewan at bakit nagawa ko pa siyang ipagluto.
"Hmmm, yum! It's really good." masigla nitong komento. Matapos malunok ang unang subo niya ng burger steak at kanin. "Hindi ko akalain na kaya mo palang magluto ng ganito ka dali. Naalala ko kasi, iyong personal chef namin. I need to wait for an hour for him to cook this dish. Sa'yo, ilang minuto lang."
"It's instant food, dummy. Kaya mabilis." inis kong sagot.
Kumunot ang kanyang noo. "You mean, the ready made food? Like instant noodles?"
"Yeah, you haven't heard of that?" Mabilis naman siyang umiling. "Saang planeta ka ba ipinanganak?"
Umirap siya. "Hindi ko iyan kasalanan kung lumaki ako na home cook ang kinakain ko. Kaya siguro masungit ka dahil puro instant ang kinakain mo. Ewww!"
"Well, the one you're eating now is instant too."
"But this one is good. I'm talking about instant noodles." she reasoned out. "Did you know that eating that thing makes you dumb."
Natawa ako ng bahagya. "Well, maybe Nilda is feeding you that thing. Hindi mo lang alam."
"Tse!" anito sabay irap.
"Well, I need to go to bed. Just clean it up after you finish eating."
"Whoaah! Wait! What?" mulagat ang matang tumingin ito sa akin. Parang may nakaka-gulat sa sinabi ko na parang wala naman.
God! Muli kong natampal ang aking noo nang may ma-realized ako. Mukhang ako ulit ang gagawa ng lahat.
"Sabi ko, pagkatapos mo. Paki-hugas na lang ng pinag-kainan mo at paki-linis ng kusina." paliwanag ko.
"Well, gusto ko sana…kaya lang. Hindi ko alam kung paano hugasan ang plato eh. All I know is how to eat." Bahagya itong ngumiwi.
Marahas akong napabuga ng hangin. "God! Damn it!" mura ko sa ere. Napapikit ng mariin. How I wish days would pass by like a flash. Mamamatay ako ng maaga kapag ganito ang senaryo ng araw at gabi ko. "Well, try to figure it out." angil ko. Sabay tayo.
"Paano naman?" kunot noo niyang tanong. "May instant dishwasher ka rin ba dito? Maybe I can use it."
Muli akong napabuga ng marahas. "Wala. Basta ito lang ang masasabi ko, princess. Figure it out or else…you still gonna use that plate for tomorrow or until the next day." banta ko.
Biglang umasim naman ang kanyang mukha. "Ewwww!" ani nito. "Are you serious right now?"
"And do I look like a comedian to you?" asar kong tanong.
"Nope! Pero mukha kang matandang masungit na nilayasan ng kasiyahan sa buhay." nang-aasar niyang sagot.
"You think it's funny?" pikon kong sabi.
"Whatever!" wika niya. Sabay irap sa akin. "I will just call someone who can help me."
Napalatak na lang ako at umiling-iling.
I can imagine how Nilda and the rest of the people inside their house manage to breathe in with her attitude.