Chapter 16 A disaster encounter with the Psycho–Day 2

1590 Words
(Harley) "Lolo, why did you fired Nilda?" maaga kung reklamo kay Lolo Martin. Kasalukuyang kausap ko ito sa telepono. Hindi ko na rin mabilang kung naka-ilang ikot na ako sa loob ng kwarto ko dahil sa naghahalo ang emosyon na nararamdaman ko ngayong araw. Nalulungkot, naiinis at sobrang stress. Nilda has been part of my teenage life up to now. Siya na ang kasa-kasama ko kahit saan man ako magpunta. She's the one who always does the things that I don't know how to do. She's like the best among the best alalay in the world. Kahit na minsan ay may kapalpakan rin naman siya. Nobody is perfect naman kasi, maliban sa akin.? I know, dadating rin naman ang araw na hahanapin rin ni Nilda kung ano talaga ang gusto nito sa buhay pero huwag naman sana ngayon. Maybe… next week? Kung saan okay na ang lahat at nasa-ayos na lahat ng gamit ko. There…pwede na siyang lumayas at pumunta kung saang planeta niya man gustong pumunta. "Oh, Lolo! You know she's very helpful to me, right? Paano na mga babies ko ngayon. Who's gonna put them in their beautiful places? " dagdag ko pang ingos. "My dear, calm down." alo naman ni Lolo Martin. "I didn't fire Nilda. Bakit mo naman naisip na magagawa ko iyon?" "Well, iyan ang sumbong sa akin ni Maria kagabi. Sabi niya, Nilda just packed her back and got out of our house. Lolo, I know that I'm not staying in our house anymore but it doesn't mean that you can fire Nilda right away without my permission. Duh!?" Bigla namang natawa si Lolo kaya ganun na lang ang inis ko. Bakit ngayon pa kasi nawala si Nilda kung saan kailangan na kailangan ko siya. Sino na lang ang tatapos sa iniwan niyang trabaho dito sa akin. I bet Blamore won't help me. Idagdag mo pa ang ilang maleta na hindi ko pa nabuksan. Iyong mga babies ko ay hindi ko rin alam kung saan ko sila ilalagay lahat kung saan magkakasya silang lahat. Nilda was the only one I know that is good at this job. "Are you kidding me now, Lolo?" inis kong tanong. "Kasi hindi kayo nakakatawa. I need someone to help me here. Can you send Maria here or anyone from our house? Mukhang kakatayin na ako ni Blamore sa mga gamit ko nagkalat sa loob at labas ng kwarto ko. Hindi ko naman alam kung paano sila ligpitin." Bumuntong hininga si Lolo Martin. "Hija, I'm sorry but I think you do it on your own now. I can't just send anyone in Blamore's house anymore especially without his consent." "Wait, what?" mulagat ang matang tanong ko. "At bakit naman? Wala naman akong nakikita na masama sa ideyang yon. It's our maid, duh!" "But, it's his house, hija. And we need to respect everything that he wants." Ako naman ang napabuga ng marahas. Pumikit ng mariin at pilit na pinapakalma ang inis ko na hindi lumagpas ng level 10. "Okay, what if kausapin ko si Blamore? You're gonna send someone here to help me?" tanong ko kay Lolo. "Of course, anything for you, dear. By the way, Nilda is just taking a break." I rolled my eyes. "Wow! Sana all," wika ko. "How dare she take a break when I'm in big trouble!" Hindi ko napigil ilabas ang inis ko. "Nang-aasar ba siya? Ngayon pa? Kung saan ang dami kung ipapagawa sa kanya?" "Hija, please! Kumalma ka nga!" alo ni Lolo. "I'm the one who asked Nilda to take a break." "God! Lolo!?" laylay ang balikat na napaupo ako sa kama. "Why? E–eh, ano na ang gagawin ko ngayon?" "Jesus! Harley naman!" si Lolo. Tumaas na ang boses nito. "What are you? Sixteen? You still don't know how to figure out everything on your own?" "Yes!" may halong inis kong sagot. "And I'm not shy about it." himutok ko. "Then, it's time for you to figure it out yourself!" Pinutol na nito ang tawag. "What the…. s**t! " ingos ko. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Dinayal ko muli ang number ni Lolo Martin ngunit mukhang sinadya nitong e-block ako kaagad dahil hindi ko na siya matawagan. Inis na tinapon ko na lang ang aking cellphone sa ibabaw ng kama. "Shhhit!" inis kong sigaw. Wala na akong pake kong maririnig man iyon ni Blamore. I'm stress and angry. And I think it's normal. Napabuga ako ng malakas habang malungkot na nakatutuk sa puting kisame. "Nobody really cares about me." ingos ko. "Maybe, matulog na lang ako dahil panaginip lang ito." Muli na akong nahiga at nagtalukbong ng kumot ngunit muli rin bumangon dahil may isa pa naman akong naisip na paraan. Iyon ay subukan kong kausapin si Blamore. Baka sakaling mapapayag ko ang mokong na iyon. Well, daanin ko na lang sa VIP kung ngiti. Napaka-powerful kaya ng ngiti ko na 'to. I hurriedly changed my pyjamas into my house clothes. Pumili ako sa magulo ko pang closet and there...I choose the green BALENCIAGA wrap dress. Hindi ko pa ito nasuot kaya sayang naman kung mabubulok lang sa loob. Mabilis ko itong sinuot at lumabas na ng kwarto ko. Pag-labas ko ay agad sumalubong sa akin ang amoy ng bacon kaya marahil ay nasa kusina si Blamore at nagluluto. Dumungaw ako sa baba. Tama nga ako. He was on his white shirt, black boxer and grey apron. Nakaharap ito sa lutuan na tila nasa niluluto lang nito ang atensyon. Well, hindi ako nagmamadali kaya hayaan ko munang punuin ang mata ko sa magandang view na nakikita ng mata ko. Aaminin ko na. I don't want to deny and lie; he's really an attractive guy. An eye magnet. Iyong tipong kahit anong gawin niya ay mapapahinto ka talaga upang tingnan muna siya. Sino ang nagsasabing a perfect guy only exists in novels and movies. Well, hell no. Blamore is a living proof. But sorry ladies, he's taken. Bumaba na ako ng hagdan at kaagad naman siyang tumingala sa akin. Mukhang maingay yata ang takong ng suot kung sandalyas. Pero teka nga, bakit naman ako naka-heels sa loob ng bahay. I forgot, Nilda is not here kaya hindi ko mahanap kung nasaan ang house slipper kung CHANEL. Siya lagi ang naglalagay ng house slipper ko sa paanan ng kama ko at isusuot ko na lang ito pagkagising ko. "Hey, good morning." nakangiti kong bati sa kanya. Iyong VIP smile ko 'ha. Ngunit tiningnan lang ako ng mokong at hindi man lang binalikan ang VIP kong ngiti. "Are you making breakfast?" tanong ko. Lumapit ako ng konti sa kanya. "Do I look like I'm playing to you?" pilosopo nitong sagot. Bahagya akong sinulyapan. I wanted to give him a deadly stare but since may pabor akong hihilingin. Sige, pagbibigyan ko muna ang mokong na 'toh na magsuplado. Pinilit kong ngumiti ulit. Iyong pang-VIP kung ngiti. "I don't eat breakfast kaya huwag mo na akong ipagluto." I smiled again. "But you can cut some fruits for me." Kunot ang noo na tumingin ito sa akin. "Huh! You wish. I'm not your Nilda, princess. Go and make your own breakfast." Well, naiinis na ako. "Whatever!" naiinis kong sagot sabay irap. Mahirap din palang mag-pigil ng inis. "Anyway, kailangan ko ng isang katulong mula sa mansyon namin para tulungan ako sa pagliligpit mamaya. Can she come here?" hingi ko ng permiso. Ngumiti naman siya ngunit iyong tipong maasar ka naman. "No! Rule# 4, remember? Maids are not allowed." I rolled my eyes at him. "Oh come on! Blamore!" maktol ko. "Are you expecting me to clean all the mess upstairs?" "And you're expecting somebody to clean it up for you?" he said. "Yeah! That's why maids exist. Haler! Okay ka lang?" sagot ko naman. "You know what, you can rant the whole day but still…it's a no." Binitbit na nito ang plato niya na may lamang pagkain at naupo sa mesa. Since ayaw kong magpatalo ay sinundan ko siya. "Blamore naman eh, diba kahapon pumunta rito si Nilda. Hindi ka naman nagalit. Why can't today?" Tiningnan niya ako ng masama. "Kaya nga eh. Iyon ang malaki kong pagkakamali. Eh di sana normal pa 'tong bahay ko. I'm not supposed to leave my house to you. You cannot be trusted." Napangiwi ako. Anong normal ang bahay niya. Naging mukhang bahay kaya ito ng dahil sa akin. "And what's with the outfit? Are you going out somewhere?" he asked. "Nope. These are my house clothes." Pagmamalaki ko. "Are they pretty like me?" Umikot-ikot sa kanyang harapan. Bigla siyang humagalpak ng tawa kaya mas lalo lang nadagdagan ang inis ko. At ewan ko kung bakit siya natawa. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko. "Bakit? May nakakatawa ba sa sagot ko?" naiirita kong tanong. Tumigil naman siya sa pagtawa ngunit halata pa rin sa mukha niya na nagpipigil lang siyang hindi matawa ulit. "Well, from my perspective. It's pathetic that you're gonna wear it here around, princess." komento nito. "Lalo na at ang dami mong gawain ngayon." I give him a deadly stare. Para kasing sinasabi niya na wala akong fashion sense or wala sa timing ako manamit. "They are not pathetic, okay." pagtatanggol ko. "They are expensive and come from Paris, dumb ass!" sabay irap sa kanya. Tinalikuran ko na siya at bumalik na lang sa taas. Mukhang wala akong magandang mapapala sa kanya ngayon. Maybe, YouTube can help me solve my problem. Maybe there's some videos that have content on how to arrange and unpacked my stuff inside my closet. Well…I wish myself good luck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD