Chapter 17  A disaster encounter with the Psycho–Day 3

1542 Words
Chapter 17 A disaster encounter with the Psycho–Day 3 (Harley) "OH! MY! GOD! Tsk! Tsk! Gorgeous!" komento sabay palakpak sa ere. Hindi ko mapigilang magningning ang aking mga mata dahil sa tuwa habang masayang pinagmamasdan ang mga babies ko sa loob ng kanilang bahay. They are comfortable and safe inside my transparent storage cabinet. Kabibili ko lang noong isang araw. I made sure it was dust proof before I asked Nilda to buy it. Sa kabilang cabinet naman ay nakahilira at maayos na nakalagay ang mga koleksyon ko na mga sapatos. "Welcome to your new home, my babies." wika ko sa mga koleksyon ko. Sino ang mag-aakala na kaya ko naman pala. I wonder if Nilda will be proud of me pag-nalaman niya 'o di kaya ay aatakihin si Lolo Martin sa puso kapag nalaman niya ito? Well, let us see it. I took a few selfie dahil mamaya ipopost ko ito sa photogram account ko with the hashtags; #whataproductiveday #proudofmyself. Okay! So, here are some of my little achievements aside from settling all my bags and shoes to their places. Una, I managed to put some of my stuff inside my closet but sadly to say. Marami pa ring natitira sa labas. I still have three luggages that are still unpacked. But it's fine. They are not necessary anyway. Some of them are just random business related books that my grandpa wanted me to read. Kaya dedma muna sila. Pangalawa, nahanap ko na ang CHANEL house slipper ko. Natabunan lang ng mga nagkalat kung damit sa sahig at suot ko na ngayon. Pangatlo, alam ko na kung paano maghugas ng plato. Tinawagan ko si Maria at matiyaga naman niya akong tinuruan kung papaano. Madali lang pala kaya napag-isip isip ko na baka bibili na lang ako ng disposable plate kung meron ang LV or Prada. Binigyan kasi ako ng isang option ni Maria. Mas madali at iyon ay ang pag-gamit ng disposable paper plate. Two steps lang. You fold it and throw it in the dustbin. Bigla akong nakarinig ng pinto na nagsara kaya napatakbo ako sa labas ng kwarto ko. Well, it looks like Blamore just came back from his jogging. Pawisan ito ngunit gwapo pa rin naman. Pumunta ito ng kusina at kumuha ng mineral water sa loob ng refrigerator. Napa-antras ako ng konti nang makita ko na siyang papa-akyat na ng hagdanan. Dadaan na ito sa pintuan ng kwarto ko kaya inihanda ko na ang VIP kong ngiti. "Hey! Kararating mo lang ba?" masigla kong tanong nang nasa tapat na ito sa pintuan ng kwarto ko. Tiningnan naman niya ako ngunit as usual, hindi naka-ngiti. "Hindi ba obvious?" pilosopo niyang sagot. Seryoso rin ang mukha. Napasulyap ito sa loob ng kwarto ko at may konting pagkamangha akong nababanaag sa kanyang mga mata. "Mabuti naman at hindi na nagmumukhang magulong bodega ang kwarto mo." komento niya. "See, kaya mo naman pala. You don't need Nilda at all." Umirap ako. "My choice ba pa ako? Diba wala naman." "Well, I give you two choices actually. Do it yourself or do it yourself." sabay ngiti ng nakakainis. Pina-ikutan ko siya ng mata. "Wow! Nakakatawa. Ha-ha-ha!" sabay irap sa kanya. "Whatever!" he said. Nagsimula na itong humakbang ngunit bigla rin napa-atras. "What?!" nagtataka kong tanong. "May korny ka pa bang jokes na sasabihin? alaska ko at bahagyang tumawa. Seryoso naman siyang tumingin sa akin. "Negosyante ako hija at hindi komedyante." anito. Mas lalong naging seryoso ang kanyang mukha. "I'm just here to remind you that from now onwards. Wala kang ibang gagawin or babaguhin sa loob ng bahay. Get it? No more pink stuff." I looked at him with a bored look. "Huwag kang mag-alala, my honeybunch. Wala na akong natitirang enerhiya para diyan. Maybe, bukas. Pwede na." sabay wink sa kanya. Tumawa ito ng pagak. "Naku huwag ka ng mag-abala pa! Mas nakabubuti na dito ka na lang sa loob," sabay turo sa loob ng kwarto ko. "please lang. Kahit dito ka na pumirmi sa loob ay wala talagang problema sa akin. Mas gusto ka pa iyon." Ngumiti ako ng pilit. "Awww! That's sweet. Pero nakakahiya naman. I insist, maybe tomorrow we can change the paint into another colour." pabiro kong suhestiyon. "Sa tingin ko, mukhang boring na ang white na kulay eh. Can we paint it in watermelon pink?" "That won't happen!" Tuluyan ng nawala ang ngiti nito. Tiningnan niya ako ng makahulugan. Iyong parang may pagbabanta. "At diba, kasasabi ko lang na wala kang gagalawin? And please lang, huwag mo naman ubusin ang pasensya ko, Harley. Alam mo bang mas mahaba pa ang kuku mo sa pasensya na meron ako ngayon?" Tuluyan na itong tumalikod. Hmmmp! Suplado talaga! Di man lang mabiro. Napatitig tuloy ako sa mga kuko ko. Mukhang need na ulit ng manicure. Should I book an appointment at Gajaylly Salon now? "Harley!!!!" biglang sigaw ni Blamore. Umalingawngaw talaga sa buong bahay. "What the f***!" gulat na bulalas ko. Napahawak ako sa aking dibdib at habang kagat-kagat ko ang ibaba kong bibig. Mukha kasing nakita na nito na ang iba kung gamit ay nasa loob ng walk in closet niya. s**t! Lumakad kaagad ako papasok sa loob ng kanyang kwarto. Nadatnan ko itong nakatapis ng tuwalya habang nakatingin sa mga bag ko na nasa bakanteng lagayan ng bag na katabi lang rin ng mga koleksyon niyang mga bags. Nag-aapoy ang mata nito sa galit ng lumingon sa akin. "Ano naman ang ginagawa ng mga bags mo dito? Did they grow feet and walk all along here?" "Siguro." awkward kong sagot at awkward din ngumiti. Ngunit mas lalong nagdilim lang ang anyo nito. "Take them all… NOW!" mando nito. Sobrang madiin ang pagkakabigkas niya sa bawat salita. Biglang tumamlay ang mga balikat ko sa narinig. Napanguso ako habang nakatingin lang sa kanya. "Pwede bang dumito muna sila? Kahit isang buwan lang. Please!" pakiusap ko. Muli kong kinagat ang ibabang labi ko. "Pangako, hahanapan ko sila ng paglalagyan bago matapos ang isang buwan. Please!" nag-puppy eyes technique pa ako. Nagbabakasakali na tumalab sa kanya. "No!" walang ka ngiti-ngiti niyang sagot. "Take them all away with you or I throw them away," he said. Hmmmmp! Pinapili niya pa ako. Akala mo naman may maganda sa choices niya. "Wala na kasi akong mapaglagyan pa kaya diyan na muna sila. Please naman, Blamore." pakiusap ko pa rin. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Iyong parang any time lulunukin niya ako ng buhay. "And what is this too?" turo nito sa ilang sapatos ko na katabi lang rin ng mga formal shoes niya. And this?" turo naman niya sa mga wig ko. "Come on Blamore!" ingos ko. "Saan ko naman kasi sila ilalagay pa? Puno na lahat-lahat ng cabinet ko sa loob ng kwarto ko. Isa pa, ikaw rin naman ang nagsabi na 'use your head. Kaya heto, ito na ang nakayanan ng utak ko." Natampal nito ang sariling noo at napahilot sa kanyang sintido. Tumingala sa ere at panay hithit-buga ng hangin ang kanyang ginawa. "Blamore! Blamore! Blamore! Patience, Blamore!" wika nito na akala mo nagbibigkas ng isang magic spell. "Is that a yes?" nakangiti kong tanong. Inirapan naman niya ako at naglakad patungo sa pinaglalagyan niya ng mga damit. Kumuha ito ng t'shirt at shorts. "It's still a–NO!" anito. "Blamore naman eh," ingos ko. "Grabe ka naman! Ang damot mo sa bahay mo. Baka nakakalimutan mo. Asawa mo ako ah." "Madamot?" ulit niya. Humakbang ito palapit sa akin. "Pinatira kita rito. Pinapakain naman. Binigyan ng sarili at magandang kwarto. Saan banda ang madamot diyan? Ako ba may binigay ka?" "Pinaganda ko bahay mo." mabilis kong tugon. Bahagya itong tumawa ng mapakla. "Pinaganda mo or ginulo mo?" Umirap ako. "Oo na!" suko ko. "Sige na! Ako na ang mali, hindi na maganda kung hindi man maganda sa paningin mo. Basta… dito muna sila sa loob ng isang buwan ha, okay?" at muling ngumiti ng VIP. Bahagyang tumawa ulit siya ng mapakla. "Okay, pero sa isang kondisyon." "Ano iyon?" excited kong tanong. "You can ask for anything. Dior perfume or Calvin Klein. Kahit ano. Maliban sa ipalinis mo itong bahay sa akin." Ngumisi siya ng makahulugan. Iyong tipong may hindi maganda sa anumang susunod na lalabas mula sa kanyang bibig. "Well, simple lang naman. Way more cheaper than a Calvin Klein perfume. Just make sure, hindi matapos ang bukas ng hapon ay malinis at walang kalat na akong makikita diyan sa labas at loob ng kwarto mo." aniya. Kitams! Tama hinala ko. Hindi nga maganda. Pina-ikutan ko siya ng mata. "Wala na bang ibang choices? Baka may B , C at D pa. Para naman multiple choice." ngumiti ako ng alangan. "Please?" Tiningnan niya ako na naka-kunot noo at napa-iling na lang. "No!" matigas niyang sabi. "That's all I want. So—it's either a deal or no deal. End of discussion. Now…out!" turo nito sa pinto. Muli ko siyang inirapan. "Pumangit ka sana!" inis kong sabi bago tinungo ang pintuan. "And by the way…siguraduhin mong lahat ng basura mo ay nasa labas ng gate kung nasaan ang lagayan ng mga basura. Gets mo?" Huminto ako at nilingon siya. Tiningnan siya masama. "No! I don't." pilosopo kung sagot dahil sa inis. Padabog na nilisan ang kanyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD