Chapter 18 A disaster encounter with the Psycho–Day 4

2310 Words
(Harley) "Hay! Sa wakas, natapos ka rin." hinihingal kong wika sa ilang supot ng mga basura ko na nakalagay sa itim na garbage bag. Napatingin ako sa malaking basurahan sa harap ko. "Ewww! I'm gonna open it and then I put them all inside?" ingos ko. "Ugh!" Umirap ako at nag-aalangan na buksan ang basurahan."I hate you, Blamore." maktol ko. "I can't do it." suko ko. Never in my life na nag-tapon ako ng basura. Naghakot ng basura at nilagay sa plastic bag. Malala pa ay buksan itong nakakadiring basurahan. "Ewwwww!" Tumingala ako sa kalangitan na nakasimangot. Iyong tipong humihingi ng saklolo kay Jesus. And God is always good all the time. I saw a saviour coming on my way. Isang batang lalaki na mataba. Siguro nasa sampung taong gulang. Naka-uniporme at may malaking headphone sa tenga niya. Malamang isa siyang estudyante. He's so cute on his rosy and puffy cheeks. Parang ang sarap kurutin. "Hey boy!" tawag ko. Tumingin ito sa akin at saka tumingin sa kanyang paligid. Tinuro nito ang sarili. "Yes! Ikaw ang kinakausap ko." nakangiti kong sabi. Dali-dali naman itong nagtanggal ng kanyang headphone sa tenga. I don't understand why nowadays kids already have some cool stuff like cellphones, laptops etc… at such an early time. Naalala ko non. I was thirteen when my Lolo allowed me to have a cellphone. Na hindi ko naman nagagamit dahil wala naman akong kaibigan na ka-text. Ang tanging gamit lang non ay tawagan si Lolo at ang yaya ko. That time is not Nilda. It was her mother. "Bakit po?" tanong niya. "Can you do me a favor?" I asked. "Ano po iyon?" Bahagya ko munang binaba ang suot kong face mask. Nginitian ko siya ng pang-VIP kong ngiti. "I want you to open this damn trash can. Can you do it?" pakiusap ko. "Bakit po?" nagtataka nitong tanong. Ewan pero bigla akong nairita. Kung hindi lang ito bata at kasing edad ni Nilda ay baka nasinghalan ko na dahil sa slow ng utak. "Just open it, okay. Iyon na iyong pabor na hinihingi ko." malumanay kung sabi. "Bakit hindi po kayo ang magbukas. Eh, mas matanda po kayo sa akin. Bata pa po ako." sagot nito. Well, nainis na talaga ako ngunit ayoko namang makasuhan ng child abuse kaya konting pasensya lang muna. Yumuko ako ng bahagya at tiningnan siya sa mata. Ngumiti ng napakatamis. "Need ko kasi ng tulong at ito lang naman sana ang pakiusap ko. Buksan mo na—please." And I use my puppy eyes technique. Well, hindi gumana. Mas lalo lang naguluhan ang bata. "Naku! Kaya nyo na iyan, manang." ani nito. "Bilin kasi ni mommy, hindi raw ako hawak ng hawak kung saan-saan. Lalo kung hindi malinis. Eh, basurahan iyan eh. Malamang marumi. Ayoko po magkasakit kaya pasensya na po, manang. Bye po." Muli nitong sinuot ang headphone sa kanyang tenga at naglakad na palayo. Saglit akong natameme. Parang hindi kayang tanggapin ng utak ko ang salitang 'manang'. "M–m—manang!" mulagat ang matang ulit ko. I'm still 28. Hello!? Sabi pa nga ng iba mukha pa rin akong 20 tapos may dumaan lang na matabang bata. Tinawag lang akong manang! Gosh! Wheeww! Galit ang matang sinundan ko siya ng tingin. "Pumayat ka sana!" sigaw ko. Inis na binuksan ang basurahan. "Oh my gosh!" umawang ang labi ko. Gulat na gulat. "Oh! God! Nabuksan ko siya!" tili ko sa sobrang tuwa. Kulang na magtatalon-talon ako sa tuwa. Akala mo naman malaking karangalan na iyon. Well, for me—it is. I didn't have a chance to do it in my life because I always have someone to do it for me. Kaya intindihin 'nyo na lang muna ako. Isa-isa ko ng nilagay ang mga supot sa loob ng basurahan at hindi ko na sinara. I don't feel like touching it anymore so maybe we just leave that way. Let the mamang basurero take over the half of my duty. Dali-dali kong tinanggal ang suot kong pink na CELINE limited edition face mask, protekta ko sa alikabok. Sunod na tinanggal ko ay ang kulay light brown ko na Fendi gloves na gawa sa cotton. Syempre, alam ko naman na alam nyo na ang purpose ng gloves. Kaya hindi ko na ipapaliwanag pa. Pagkatanggal ko ay tinapon ko na sila kaagad sa basurahan. Alangan naman itatago ko pa. Duh! Dali-dali na akong pumasok sa loob ng gate ngunit gayon na lamang napa-awang ang aking bibig pagkakita ko sa pinto na sarado na. Nakalimutan ko palang ilagay ang door stopper bago lumabas kaya ayon nagsara na. High tech pa naman ang pintuan ni Blamore. Need mo ng PIN code at hindi ko rin alam kung ano man iyon. Nakalimutan kong itanong. "Ugh!" Nahampas ko ang pinto sa inis ko. "Hindi ka man lang makapag-hintay. Nagsara ka kaagad! Mana ka talaga sa may-ari ng bahay na 'toh." sermon ko sa pinto. Akala mo naman sasagutin din ako pabalik. Nakasimangot na umupo na lang ako sa tabi. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko alam ang password at kasalanan ko rin naman dahil ba't hindi ko iyon naisip itanong sa mokong na iyon. Well, wala ng ibang paraan kundi hintayin ang mokong na iyon. Baka pauwi na rin iyon mula sa pag-jojoging. Or…pwede ko rin tawagan kaya mabilis kong kinapa ang bulsa ng pantalon ko ngunit…mukhang naiwan ko rin sa loob. Jeezz! Pero in fairness may bente pesos sa bulsa ko. Hay naku! Pagagalitan ko talaga iyang labandera namin sa bahay. Hindi chineck ng maayos ang mga bulsa ng mga gamit ko bago labhan. Tatlong minuto ang lumipas at wala pa rin si Blamore at hindi ko na matagalan pa ang init sa labas. I need some aircon. Wala kasing hangin na dumadapya dahil sa mataas na pader na nakatabon kaya masyadong mainit. I just key in some random numbers na naiisip ko ngunit bigo ako. Sinubukan ko ang birthday ni Blamore ngunit hindi pa rin. Sunod ay ang birthday ni Lolo Claude ngunit hindi rin. Muli akong nag-isip at naisip ko iyong 1234. Kadalasan kasi iyon ang nilalagay nila dahil madaling matandaan. But it seems like Blamore is Blamore. The wise Blamore. Mukhang kakaiba at hindi basta-bastang mahuhulaan ang numerong ginamit niya bilang Passcode. "I give up!" inis kong wika. Muling naupo sa sahig. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa bandang noo ko kaya muli kong sinubukan. Nilagay ko naman ang date ng araw ng kasal namin at bigla akong napalundag sa gulat. Bigla na lang kasi itong nag-alarm at sunod na nangyari ay hindi na gumagana ang touch pad. Nawalan na ito ng ilaw. "Ohhh, God! Ohh No!" nagpapanic kong saad. Sinubukan ko ulit pindutin ang touch pad ngunit hindi na ito umiilaw at tumutunog. "Oi! Gumana ka naman!" wika ko. Patuloy pa rin sa pag-pindot. "What are you doing?" boses ni Blamore. "Ohhh ssshit!" bulalas ko sa sobrang gulat. Mas lalo lang tuloy bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pinaghalong gulat at takot sa aking dibdib. Mukhang mapapasama na naman ako ngayon kay Blamore. "Patay na!" Napapikit na lang ako ng mariin at marahang kinagat ang ibaba kong labi. Dahan-dahang lumingon sa kanya. "Hi!" bati ko at alinlangan na ngumiti. "Nandito ka na pala. Hindi kita napansin." "Paano mo naman ako mapapansin dahil nakatalikod ka. By the way, why are you outside?" nagtataka nitong tanong." "Ha?!" Napakamot ako sa batok ko. "Ano kasi eh, uhmmm…hinihintay kitang bumalik." Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa sagot ko. "Why?" he asked. "I mean, hindi mo naman ako kailangan na hintayin sa labas." "I was bored inside and… a little bit worried about you." pagsisinungaling ko. "Baka kasi maligaw ka or anything worse will happen while you're out. Alam mo na." kibit balikat ko. Bahagya namang tumawa si Blamore. "Well, If you are bored, you can watch tv or do something else except for making a mess inside my house. For my safety naman. I'm safe, Harley. Hindi tayo pareho ng utak kaya malamang na kaya kong protektahan at alagaan ang sarili ko." Pilihim ko siyang inirapan sa huli niyang sinabi. Minsan kasi 'tong si Blamore. Malaking laitero rin. Akala mo siya na ang perfect. "Yeah, noted. I'll do it next time." Pinilit kong ngumiti. He just raised his left eyebrow and went near the door. Abot-abot naman ang kaba na nararamdaman ko habang minamasdan ang kamay nito na nagbabadya ng pumindot. I saw him press a six digit number on a touchpad. I was totally shocked. He just keyed in my birthdate. "Y–you use my birthdate to be the PIN code of your door?" tanong ko. Na halos hindi makapaniwala. He looked at me with his bored look. "Yes, so that you will not forget it and mess up my door. This door is very sensitive in terms of security. Mayroon ka lang tatlong chances para pindutin ang tamang code. Pag-hindi mo iyon nagawa. Automatik ng magsasara ang pinto at hindi mo na mabubuksan pa. Unless, palitan mo ng bago." paliwanag niya. I look down at kinagat muli ang ibaba kong labi. "S–ssorry!" bigla kong sambit. "O—oh s**t!" mura ni Blamore. Muli nitong pinindot ang touch pad at talagang hindi na gumagana. "God! Damn it!" napasuntok ito sa ere. Umuusok ang ilong nito na nakatingin lang sa akin. "Sorry talaga." wika ko sa mababang tono. "Hindi ko naman kasi alam na tatlong beses ka lang magkamali sa paglagay ng PIN code. Akala ko naman kasi unlimited kaya ayon. Try lang ako ng try." Blamore looked at me with anger in his eyes. "So, paano na? What are we gonna do now?" tanong niya. "Wala na ring baterya ang cellphone ko para tawagan si Milo." sabay pakita sa cellphone nito. "My phone is inside too," ani ko sa mababang tono pa rin. "Harley naman kasi eh!" inis nitong sabi. "I don't have my wallet here either." Saka ko lang naalala na may bente pesos pala ako na naipit sa pantalon ko. "Well, I have a bente pesos here." Dali-dali ko iyong kinuha sa bulsa ko at ipinakita sa kanya. "I don't know if it will help." saad ko. Alinlangan ngumiti. Mabilis naman niya itong hinablot sa kamay ko. "I guess, it's enough para pambayad sa charging sa convenience store na malapit dito." anito. Humakbang na ito palabas. "S—so…you just gonna leave me here?" tanong ko. Lumingon naman siya at kumibit balikat. "May paa ka naman diba? Kung ayaw mong maiwan dito, eh di sumama ka." Muli ng humakbang palabas ng gate. Dali-dali naman akong sumunod sa likuran niya. Ginawa kong payong ang dalawa kong kamay para protektahan ang mukha ko sa sinag ng araw. Nakalimutan ko kasing maglagay ng sunscreen. Alam nyo na. Isa sa mga sekreto para mapabagal ang pagtanda ng ating mga mukha. Always put sunscreen on your face everyday. ****** I think we walk like about 15 minutes bago namin narating ang convenience store na pinakamalapit sa bahay ni Blamore. Pagpasok namin ay kaagad itong nag-charge. First time kung makapasok sa loob ng convenience store kaya medyo namamangha pa rin ako sa aking nakikita. I saw different types of people inside. May grupo ng mga kabataan na masayang kumakain ng chips at coke na akala mo nasa canteen sila. A girl introvert sitting in a corner and reading her book. Two girls eating a soft ice cream in a cone and seeing them makes me feel more hungry. I wanted to buy something. Iyon nga lang, bente pesos lang ang pera ko at hindi ko alam kung saan iyon aabot. Baka nga wala ng sukli iyon. Naghanap ako ng bakanteng maupuan dahil nasa casher pa si Blamore na nagbabayad. Pinili ko iyong nasa harapan banda. Iyong makikita mo ang lahat ng tao na dumadaan. May kumalabit sa akin kaya napalingon ako. "Sukli mo." wika ni Blamore. Nilapag nito sa harapan ko ang sampung peso. "Do you still need this?" nguso ko sa sampung peso. Umiling naman si Blamore. "Nope. Isang oras na charging ay okay na para makatawag kay Milo." seryosong sagot nito. Humila ito ng upuan at umupo katabi ko. Napalingon ito sa akin ng tumunog ang tiyan ko. "Sorry," nahihiya kong sabi. "Hindi kasi ako ng breakfast at lunch." paliwanag ko. Kumibit balikat naman siya. "Then you can use your remaining money to buy something to eat." suhestiyon niya. Syempre, hindi na ako umarte pa. I hurriedly grab the coin at naghanap sa mga nakahilira na mga chichirya, biscuits at chocolate bar na magkasya sa pera ko. Well, sa pera ko mukhang isang chocolate bar lang ang mabibili ko. I badly wanted to buy two dahil alam ko naman na gutom na rin si Blamore. I picked two lollipops instead. Sakto lang dahil limang peso ang isa. Kaagad akong nagbayad at binalikan si Blamore. Muling naupo sa silya. "Here." sabay abot sa kanya ng lollipop. Kunot noo naman niya akong tiningnan. "I'm not a kid." wika niya. Ibinalik sa palad ko ang lollipop. "You can have it." Muli ko naman iyong binalik sa kanya. "No. You can have it. I don't really like sweets." pagsisinungaling ko. Hindi na rin siya nakipag-talo pa. Tahimik na kinuna na lang nito ang lollipop. Sumulyap ito sa akin kaya bahagya ko siyang nginitian. Sabay naming tinanggalan ng balot ang aming mga lollipop at nilagay ito sa aming mga bibig. I don't know but I felt a kinda romantic connection between us today. Him, me, the quiet convenience store and our lollipops. Kahit ako nagulat sa nararamdaman ko. I've always been selfish my whole life. I always make sure that I save my life first before others. Ngayon, parang natuto akong magpakumbaba. Hindi maging makasarili at higit sa lahat nadiskubre ko sa aking sarili na kaya ko naman. Kaya ko naman pala gawin ang mga simpleng bagay na dapat ay hindi nag-uutos sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD