(Harley)
I was putting some sunscreen on my face when I heard someone knocking at my door. Malamang naman na si Blamore lang iyon. Ano kaya kailangan ng mokong na iyon?
I ignore it. Busy kaya ako. Ipinagpatuloy ko na ang kasalukuyang ginagawa.
“Harley! Ano ba! Buksan mo 'tong pinto.” sigaw nito mula sa labas. “I know you can hear me.”
I rolled my eyes. “I'm busy, okay!” sigaw ko rin. “I know, you already miss my face. Just wait a little bit, my honeybunch.” panunukso ko.
“I don't care. Just open this damn door.” galit niyang sagot.
Hmmmm, mukhang highblood na naman siya!
“Ugh! Alam mo, estorbo ka!” inis kong sigaw ulit. Padabog na akong tumayo mula sa make up chair ko at tinungo ang pintuan. “What?” nakasimangot kong tanong pag-bungad ko mismo. Inirapan siya.
“Anong oras mo ba balak ligpitin ang pinagkainan mo sa ibabaw ng mesa?” asik nito. “Don't tell me, you're waiting for somebody to do it for you.”
Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingala sa kanya. I just notice na sobrang malaki pala ang agwat ng height namin kapag hindi ako nakasuot ng may heels na sapatos.
“Diba, sabi ko mamaya na.” sagot ko. Sabay irap sa kanya. “I'm not done with my daily skin care routine, okay.” Isasara ko na sana muli ang pintuan ngunit mabilis niya itong hinarangan.
“I want you to clean it now!” ma-awtoridad nitong mando.
Muli akong umirap. “Fine!” suko ko. Padabog na tinungo ang hagdanan upang bumaba. Habang siya naman ay nakasunod lang sa likuran ko. He was still wearing his pyjamas.
“May lakad ka ba ngayon?” biglang tanong niya. Huminto naman ako at nilingon siya.
“No.” sagot ko. Nagtataka siyang tiningnan.
“So, that is your house clothes?” turo nito sa suot kong FENDI beige dress.
Kumibit balikat ako. “Yep.” sabay ngiti sa kanya. “Nice colour, right?”
Kumunot ang kanyang noo. “And you’re comfortable with it?” tanong nito sa nang-aasar na tono.
“Well, minsan hindi.” honest kong sagot.
He scoffed. And I looked at him with my mad eyes.
Naiinis talaga ako kapag nakikita ko ang ganyang ekspresyon sa kanyang mukha. Nakaka-irita.
“Then, why don’t you just wear normal clothes? Like a normal person.”
Biglang nagpanting ang tenga ko. Hindi pa ba 'to normal sa mata niya? Namewang ako at tina-asan siya ng kilay.
“This is my normal clothes, okay?!” inis kong sagot. “Isa pa, hindi ko kasalanan kung mayaman ako at ganito ako manamit.” Tinalikuran na siya ngunit muli ring napalingon sa kanya. Pinag-krus ko naman ang aking braso habang mataman siyang tinitigan. “How about you? Is that your normal face? Laging nakasimangot. Parang galit sa mundo…etc. Duh.”
Bahagya siyang ngumiti na tila nang-aasar pa rin. “Whatever!” he said. “Basta ang alam ko at sa paningin ko, hindi pambahay ang suot mo. Pakiramdam ko lagi kang may lakad.”
“Whatever too!” wika ko. “Hindi ko naman hinihingi opinyon mo 'no. Pakialamero!” Inirapan ko siya at padabog na humakbang pababa.
Pagkababa ko sa kusina ay tumambad na kaagad sa akin ang pinag-kainan ko kanina. Dali-dali ko na itong niligpit at nilagay sa lababo. Pagkatapos ay pumihit na ako palabas ng kusina at tinungo ang hagdan.
“Sandali nga!?” pigil nito. Huminto naman ako saglit upang tingnan siya. Naka-upo ito sa mahabang sofa habang may hawak-hawak na libro at suot nito ang salamin niya sa pagbabasa. “At saan ka na pupunta?” tanong nito.
Nginuso ko ang kwarto ko sa taas. “Sa kwarto ko syempre.”
“Bakit? Tapos ka na ba?” tanong niya.
Tumango naman ako. “Syempre. Naligpit ko na. Nasa lababo na iyong plato ko. Sabi mo, ligpitin lang diba?”
“Oh tapos? Magkukusa ba iyong plato, tinidor at kutsara na linisin nila ang mga sarili nila?”
Bahagya akong tumingala sa kisame na tila nag-iisip.
“Malamang… hindi.” patay malisya kong sagot. “Sige na ha! Akyat na ako.” Dali-dali na akong humakbang.
“Harleyyy!” sigaw ni Blamore.
Muli ko siyang nilingon at seryoso ang mukha nitong nakatutok sa akin.
“Ano na naman ba?” naiirita kong sabi.
“Go back and wash your dishes.” utos nito.
“Ugh! C'mon!” kibit balikat ko. “Can I do it later?” pilit ngumiti.
“NO! Do it now!” turo nito sa kusina.
Tiningnan ko siya na nakasimangot.
“Why are you acting like a father?” inis kong puna.
“I'm not, kiddo.” pilosopo niyang sagot. “I'm just acting like a typical homeowner who wants his house to be clean and tidy. Now, get your dishes and clean them. Right away!”
Umirap ako at padabog na tinungo ang kusina. I'm really gonna buy a paper plate. Mas gagaan siguro ang buhay ko kapag ganon.
******
Hindi ko alam kung ilang minuto 'o oras man akong nakahiga sa kama ko at parang tanga na nakatingala sa kisame. I was honestly bored. I felt like I had nothing to do. Limited din naman kasi ang lugar ko dito sa bahay. According to: Blamore's rule 101
Isa pa, mas gusto pa non na dito lang ako sa loob ng kwarto ko.
Hay ewan! Muli ko na lang kinuha ang cellphone ko at tiningnan muli ang photogram account ko. Infairness, nadagdagan na naman ang mga followers ko. Nasa ten thousand plus na sila ngayon. Simula nang pinalitan ko na ang username ko na 'MrsFerrer' at pinilit si Blamore na e-follow back ako. Kaya ayon siguro, maraming chismosa ang na-curious. Pero iyon nga lang, nagkaroon na ako ng bashers.
Hindi ko lang pinapatulan dahil hindi naman sila maganda at mayaman kagaya ko. Duh! Who are they to waste with my precious time? Hindi sila gold 'noh!
Anyway, I'm still bored. Makabangon na nga lang at bwestin ang honeybunch ko.
Suot ang panda pattern kong bedroom slipper ay kaagad kong tinungo ang pintuan. Maingat na binuksan ito. Sinilip ang pintuan ng kwarto ni Blamore. Nakabukas ito kaya I'm sure he's not inside.
I tiptoed towards the bannister of the stairs.
Hinagilap ko sa baba si Blamore at nakita ko naman siya kaagad. Naka-upo pa rin ito sa parihabang sofa habang nakapatong ang paa nito sa gitnang mesa at nagbabasa pa rin.
Bumaba ako at nilapitan siya.
“I'm bored.” wika ko nang nasa harapan na niya ako.
Bahagya naman niya akong tiningnan na nakataas ang isa nitong kilay.
“Problema ko ba 'yan?” ani nito. “Do something that can entertain yourself.” utos nito. “Common sense, dummy.”
Inirapan ko siya. Kahit kailan mas masama talaga ang ugali niya kasya sa ugali ko.
Tinungo ko ang dulo ng inuupuan niyang sofa at nagtanggal ng tsinelas saka umupo ng indian sit. Kinuha ko ang remote control at binuksan ang Netflix account nito.
“Password please.” sabi ko. Bahagya siyang sinulyapan.
“0216.” sagot niya.
“Ohhh, your birthday.” ani ko.
He smirks. “Malamang. I owned that account and paid for it.”
Tiningnan ko siya na naka-kunot ang noo. “Bakit? May sinabi ba akong masama sa password mo. Diba wala naman. Ang sungit mo! May regla ka ba?”
Tiningnan niya ako ng masama. “Can you do something and don’t disturb me, please.” anito.
“I have a mouth, so…I can talk whatever I want.” sagot ko. Ngumiti ako at nilabasan siya ng dila.
“So, childish!” pabulong nitong sabi. Itinuon na ang mata sa kanyang binabasa. “Why don't you find some friends here so that you can stop pestering me.” mungkahi niya.
“Nah! Huwag na. I already have you. Why do I need one?” sagot ko. Kinuha ang kumot sa tabi niya at kinumutan ko ang aking sarili dahil mas malakas pala ang buga ng aircon sa bandang lugar na 'to.
“We aren't even friends.” wika nito. “Wala rin akong plano na maging kaibigan ka.”
“But I have” sagot ko. Seryoso siyang tiningnan. “I honestly, okay without a friend since I grew up without one. As long as I have you, I'm okay.”
Bigla nitong tiniklop ang binabasa niyang libro. Itinabi ito kasama ang kakahubad niya lang na salamin sa mata.
Tiningnan niya ako ng tuwid sa mata. Pakiramdam ko, bigla akong namamalikmata sa nababanaag ko sa kanyang mga mata ngayon. Ibang-iba ito sa Blamore na laging matalim ang tingin. This time, parang maaliwalas. Magaan sa pakiramdam at may kung anong saya na hatid ito sa iyong puso.
“You want… to go on a date?” he asked.