(Harley)
When I think of a date. Isa lang ang pumapasok sa kukuti ko.
Fine dining in an expensive restaurant. Oaky wine. Lobster or steak on your plate. Jazz music and romantic gestures.
Pero mukhang iba yata ang nasa kukuti ni Blamore. Dinala niya ako sa isang grocery store na exclusive lang sa mga nakatira lang dito.
"May gusto ka pa bang bilhin?" tanong niya.
Naiinis ko siyang tiningnan. "Ito ba iyong date para sa'yo?" halukipkip ko. "Doing groceries?"
Nagkibit-balikat siya.
"Well…for me, yes." simple niyang sagot. "I always do this for a decade. Niyaya kita dahil sabi mo, you're bored."
I rolled my eyes at him. "Mas lalo lang akong na bored. Tingnan mo," nguso ko postora ko ngayon.
I was wearing my favourite LOUBOUTIN boots with a VALENTINO white shift dress. Akala ko pa naman sa sosyal niyang lugar ako dadalhin. Nag-iimagine pa naman ako na kakain kami ng lunch sa isang 5-star restaurant ngunit mukhang hanggang imagine na lang iyon. Nakapag-isip pa naman ako ng bonggang ika-caption ko sa photogram just in case I have some pictures to be uploaded.
"Bakit? Ano naman ang problema mo sa suot mo? It's your normal attire, right?" patay malisya niyang tanong.
Alam ko naman na alam nito ang pinupunto ko. Nagmamaang-maangan lang siya. Anyway, his a bad actor.
"Pinasuot mo ako ng ganito tapos dito mo lang pala ako dadalhin. The worst is—maglalakad na naman tayo mamaya dahil ang tamad mong magmaneho." nanggagalaiti kong reklamo. "I'm wearing heels for God sake! Ugh!"
Bahagya siyang huminto sa pagtutulak ng push cart at nagsalubong ang kilay nito na tumingin sa akin. "Excuse me!" anito. "FYI. Parang hindi naman kita sinabihan na isuot mo yan. Ikaw ang nag-ayos sa sarili mo at sa araw-araw ba naman na nakikita kitang ganyan. I thought, it's just normal."
Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig. "Well, it's not. This type of date is not normal either." inis kong sabi. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa aming paligid.
"Pwede bang hinaan mo yang boses mo?" biglang saway niya na pabulong. "Nakakahiya."
Inirapan ko siya. "I don't care," inis kong sabi. Nauna na akong naglakad sa kanya papunta sa hallway kung saan naroon ang mga disposable na mga gamit. Kumuha ako ng tig-dalawang pakete ng paper plate, kutsara at tinidor at baso. Syempre pinili ko ang maganda ang design at kulay. I chose the rose gold colour since it's my fifth favourite colour.
"Paper plate?" kunot noo niyang sabi. Nang makita niya ako na hawak-hawak ang mga ito.
"Yep." tugon ko. Maingat na nilagay sa push cart.
"Are you having a party or something?" tanong niya.
"Nope. It's my daily use so that—you will stop pestering me to wash my dishes." sagot ko sabay tapik ng buhok ko palabas.
Hahakbang na sana kami nang may isang kulot na babae. Nakangiti ito at tila papunta sa kinaroroonan namin. Matangkad ito at kulay caramel ang balat. Nakangiti ito ng malapad ngunit parang kay Blamore lang naka-focus ang tingin nito.
"Blamore, my dear?" ani ng babaeng kulot. Infairness may beauty naman siya. Iyon nga lang mas malaki pa rin ang agwat ng ganda ko sa ganda na meron siya. Mukhang mas matanda siyang tingnan kapag malapitan. Mukhang nasa 35 anyos na ito ngunit sexy pa rin ang pigura. I saw a manager tag on her left chest. Malamang na manager ang posisyon niya sa shopping mall na ito.
"Hi, Raquel. Good to see you." si Blamore. Bigla silang nag-beso at bigla rin nanlaki ang mata ko.
Hala! Ang g**o ginandahan rin ang ngiti.
"Himala na maaga ka ngayon? Bakit? Naubusan ka na ba ng supply?" wika ni Raquel. Bahagya itong tumawa. Lumitaw tuloy ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin na mas lalo lang nagpatingkad sa angkin nitong ganda.
"Parang ganun na nga." sagot ni Blamore.
Habang ako tahimik lang na pinag-lipat-lipat ang mata sa kanilang dalawa habang nag-uusap ang mga ito. Hmmm…Why does this girl sound very special to Blamore? Is she one of his ex? Naka-one night stand or whatever.
"By the way, where is Milo?" tanong ni Raquel. Dumako ang tingin nito sa akin. Nginitian niya ako ng maganda ngunit hindi ko iyon sinuklian. Duh! Gold ba siya? "Is this your new secretary?" tukoy nito sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Umangat ang kilay ko. "Excuse me?!" biglang sabat ko. "I'm his wife, darling."
Bigla naman naglaho ang ngiti nito sa kanyang labi. Napalitan ito ng bahagyang pagka-gulat. "Oh my God!" ani nito. Napatakip sa kanyang bibig. "S—sorry po, madam." hinging paumanhin nito.
"M—madam!?" ulit ko. Sabay pamewang. Malamang hindi ako natuwa sa tinawag niya sa akin. "Mukha ba akong manghuhula o matandang gurang na nagmamay-ari ng hacienda?" dagdag ko pa. "Eh, mukhang mas matanda ka pa nga sa akin tingnan eh."
"Naku…I–I'm really sorry, madam." tarantan nitong sabi. "I–I mean…ma'am."
"Raquel, it's okay." pagitna ni Blamore. "You don't have to say sorry. Nagbibiro lang si Harley. Right?" sabay siko nito sa akin.
Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Anong 'you don't have to say sorry' ka diyan?" irap ko kay Blamore. "She called me madam and flirted with you. Tapos…"
Blackmore's eyes widened. "Ano bang pinagsasabi mo?" si Blamore. "My God Harley! She's married for f***ng sake."
Umawang ang labi ko at nagsalubong ang mga kilay ko. "Then… why does she still act like she's flirting with you for pete sake." sagot ko.
"She's not flirting with me, okay!" depensa ni Blamore.
"Oh my God, Blamore. Hindi mo ba nakikita kong paano ka ngitian ng babaeng ito? She only smiles at you like I'm not here." argumento ko.
"You're just delusional, Harley." si Blamore. "And…you better apologise to her." turo nito kay Raquel. "Right now!"
Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa inis. "Oh, Bakit ako? Ako ba ang nanlalandi dito?" sagot ko naman.
"Ma'am and Blamore, please." si Raquel. Daig pa nito ang referee sa gitna namin ni Blamore. "Pwede po bang kumalma muna tayo? Huwag po tayong mag-eskandalo dito."
Nalipat ang tingin ko kay Raquel.
"Eh, sino ba kasi ang nauna?" halukipkip ko. "Diba, ikaw? Kung hindi dahil diyan sa kalandian mo, eh di sana tahimik buhay namin dito. We're in the middle of our dates, you know."
"Harley! Ano ka ba!" singhal ni Blamore. "Pwede ba, tigilan mo na nga yan. Walang kwenta lahat ng lumalabas diyan sa bibig mo eh."
"Ah, talaga ba!" singhal ko rin. "Tapos, isa ka pa. Kung maka-ngiti ka rin sa kanya kanina parang katapusan na ng mundo ah."
"Ma'am, Harley! Please po." si Raquel. Mas hinihinaan pa nito ang boses. "Pasensyahan nyo na po kung na misinterpret nyo iyong nangyayari pero—wala po akong intensyon landiin ang asawa ninyo."
"Really? Sino niloko mo?" ani ko naman. Bahagyang natawa. "Stop joking around, b***!" Muling tumawa. "Linya talaga ng mga kerida at makating mga dilag. Sige nga, bigyan mo naman ang ng palusot na kapani-paniwala."
"We're cousins." si Blamore.
"Yes, we were." segunda naman ni Raquel. Kumibit balikat ito at muling ngumiti ng malapad. "We don't look alike but…we were."
"Oh S**t!" bulalas ko. "Are you kidding me?" angil ko kay Blamore. "I thought Lolo Claude had only one son? And that is your dad. Don't tell me, may anak sa labas si Lolo Claude."
"I have a mother, idiot." si Blamore.
"Yeah, we're cousins on his mother's side." paliwanag naman ni Raquel.
Sunod-sunod naman akong tumango.
"Well…okay. Naniniwala ako sa inyong dalawa. Can we pay now?" baling ko kay Blamore.
Tiningnan naman ako ng masama ni Blamore. Walang kibo na tinungo nito ang counter. Habang ako ay naiwan at kaharap ni Raquel. Ni hindi ko masalubong ang tingin nito.
"Have a nice day, ma'am Harley." basag ni Raquel. "See you around." Ngumiti ito ng matamis bago tuluyang tumalikod.
*****
.
.
.
.
.
"Blamore naman eh! I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na mag-pinsan kayo. Isa pa, wala naman kasi kayong similarities. She's morena at mistiso ka. Singkit ang mata mo at normal ang mata niya." paliwanag ko kay Blamore. Kasalukuyang papalabas na kami ng Grocery store.
"Iyan kasi ang hirap sa'yo eh. Masyadong makitid iyang utak mo?" sermon naman niya. Habang bitbit nito ang mga pinamili namin.
"Hello! Natural na reaksyon lang kaya iyon ng mga asawa kapag may magandang babae na umaaligid-aligid sa mister nila." paliwanag ko naman. "I guess, I did the right thing."
Bahagya itong huminto at lumingon sa akin. "You never do any right thing, Harley since we met. Okay? And please…well you stop talking back? Ikaw tong mali at ikaw pa itong may ganang lumusot sa kamalian mo. Ni hindi ka man lang nag-sorry kay Raquel. Shame on you, woman."
Sinimangutan ko naman siya. "Asan naman kasi ako mali doon? Natural reflex nga yon ng mga misis. Bakit ba hindi mo ako maintindihan? Palibahasa kasi, hindi ikaw iyong misis."
"My God, Harley!" Napapikit ito at huminga ng malalim. "Pwede ba, for once in your life. Matuto ka namang tumanggap ng pagkakamali mo at humingi ng dispensa. Maybe that is the reason why you don't have any friends. Masyado kasing mataas iyang tingin mo sa sarili mo."
"Ouch! Ang sakit non ah." reklamo ko. Tiningnan ko siya ng masama. "At galing pa talaga sa'yo! Wow naman! Sige— ikaw na! Bakit, marami ka bang kaibigan? Eh, di wala rin diba? Maliban kay Milo na buntot ng buntot sayo."
"Atleast, I'm better than you. Alam ko makipag-kapwa tao. How about you?"
Tina-asan ko siya ng kilay. "Magaling akong mag-shopping at pumili ng magandang bags." sagot ko. Taas noo at padabog na naglakad.
Hmmmp! Parang ako lang daw ang mataas ang tingin sa sarili. Eh, numero uno rin naman siya. Siya nga 'tong parang feeling perpekto kung gumalaw. Basta, natural reflexed lang ng mga misis ang ginawa kong eksena kanina. I don't need to feel guilty kahit na may nararamdaman akong konti. Since Raquel seems nice to me.
Whatever! I can fix it next time. Not now dahil pinainit ni Blamore ang ulo ko.
Bahagya kong binagalan ang paglalakad ko ng makita ko iyong convenience store na pinag-tambayan namin ni Blamore noong nakaraang araw.
Bigla akong huminto at lumingon kay Blamore.
"I'm mad." wika ko.
"So?" sagot ni Blamore. Inirapan ako.
"Buy me ice cream." ani ko. Sabay turo sa kinaroroonan ng convenience store.
Napatingin ito sa convenience store saka huminga ng malalim.
"Ice cream makes you fat." wika niya.
"But…I still want it." nguso ko.
Sunod na nangyari ay pareho na kaming naka-upo sa dating pwesto namin noong una naming pasok dito at kapwa may hawak na ice cream. Habang nakatingin sa labas.
The best thing about our spot where we sit is that we can see the sunset clearly. Ilang beses ko ng nasaksihan ang paglubog ng araw pero ang isang ito ang pinaka-dabest. Napasulyap ako sa kanya at seryosong nakatuon lang ang mata nito sa papalubog na araw.
I can't help myself to smile and adore him more. Our relationship is like a sunset too. Ilang minuto man kaming magkasundo sa buong araw na bangayan pero iyon ang pinaka-dabest. It's the best part of my day. A moment like this where we stop for a while and put away our differences and egos. A short moment where we felt like we're connected too. That we have a connection and we both understand each other.