(Harley) "Good morning…my honeybunch!" masigla kong bati kay Blamore ng makalapit na ako sa mesa. Kasalukuyang kumakain ito ng kanyang almusal. Dahil linggo naman at parehong wala kaming pasok kaya pareho kaming gumigising ng tanghali. As usual. Tiningnan lang ako nito at tina-asan ng kilay. But that's okay, maybe…wala pa siya sa mood. "Any plans for today?" tanong ko. Binigyan siya ng halik sa pisngi. Bahagya naman itong nagulat. Dapat kasi noon ko pa ito ginawa para naman hindi siya mabigla. "You're acting so weird lately," puna niya. Nagpatuloy na sa pag-nguya. "Yeah, siguro ganyan ang tao pag-in-love…nagiging weird." sagot ko saka ngumiti. "Besides…masanay ka na rin dahil araw-araw mo na iyang ma-e-experience." Humila ako ng silya at naupo katapat niya. "By the way, hindi mo pa

