(Harley) "No! It can't be! Hindi pwede! Hinding hindi!" bulalas ko at labis naman iyong ikinagulat ni Rizza. Tumigil ito sa pagsubo at ibinaba ang kutsarang may laman na pagkain. "Anong hindi pwede? Akala ko ba, pwede kong kainin iyong manok mo dahil di mo gusto." si Rizza. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng aming pananghalian sa cafeteria na para lang sa mga low ranking na manggagawa na kagaya namin. Saglit ko siyang tiningnan at pina-ikutan ko siya ng mata. "I'm talking about this?" wika ko sabay pakita sa kanya ng headlines ng showbiz balita. "That b***h is having an annulment. Ugh!" inis na binaba ko sa mesa ang hawak kong cellphone at pinag-krus ang aking mga braso. Bakit kasi ngayon pa naisip ng bruhang iyon makipag-hiwalay. Bakit hindi na lang next year 'o di kaya ay kung

