Chapter Forty Eight The Salvation I needed Lianne Hindi ko inaakala na makikita ko si Tyron na lumabas mula sa kotseng itim na pumarada sa harapan. Nagtago kaagad sa likod ko si Noel nang maglakad ito papalapit. “Tiyang, sa loob po muna kayo” pakiusap ko sa kanila habang nakatitig lamang ako kay Tyron. “Buntis ka nga” agad nitong saad nang malapitan niya ako. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa “Saan mo nalaman?” Ang tanong ko naman sa kanya “Rian told me. Nakita ka raw niya sa hospital noon bago ka umalis ng Maynila. Pero ngayon niya lang sinabi sa amin. Pinakiusapan mo daw siya na huwag ipaalam sa amin. Mukhang nakonsensya ang malditang Doctor na iyon” Napailing iling si Tyron Nanatili akong tahimik habang naghihintay sa mga iba pang sasabihin ni Tyron. I have this fee

