Prologue
"Please.."
Walang tigil sa panginginig ang mga kamay kong mahigpit na nakatali gamit ang kadena. Nasasaktan na ako dahil kanina pa ako nagpupumilit makatakas. "Please, itigil mo na 'to. Tama na, please!"
Hanggang kailan ba ko magmamakaawa? Ayoko na. Gusto ko nang matapos 'to.
Imbes na maawa siya sa akin ay tiningnan niya lang ako saka tumawa siya na parang isang demonyo. "It's a pleasure for me to hear those words from you. But no! I can't do what you want"
Akala ko ubos na ang luha ko sa kakaiyak, ngunit nang makita kong naglalakad na naman siya papasok ng interrogation room para lapitan ang isa sa mga kaibigan ko, napahagulhol ako ng malakas. "Don't! Please don't!"
Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ko pero nakikita ko pa rin siya ng malinaw. Gaya ko'y nakatali rin siya sa isang upuan. Ngunit hindi gaya ko, hindi niya ako nakikita mula sa loob. Tanging boses ko lamang na nagmumula sa intercom na nakakabit mula sa loob ang naririnig niya. Kitang-kita sa mukha niyang sobrang hirap din ng dinanas niya. Puno ng sugat ang buong katawan niya pati na ang mukha niya. May tumutulong dugo pa mula sa gilid ng ulo niya. Marahil isang malaking tama rin sa sugat niya. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko pero mas nahihirapan akong makitang nasasaktan ang kaibigan ko nang wala man lang akong nagagawa. Itinapat ko ang bibig ko sa maliit na mikropono na nasa harapan ko. Alam kong ito ang nagsisilbing boses ko para marinig niya ako sa loob.
"Stop this! I'm begging you... Please! Please don't hurt her!"
"I'm begging you. Please! Please don't hurt her!" Ginaya niya ang sinabi ko sa pabirong tono. Ikinasa niya ang baril na hawak at itinutok ito sa kaibigan kong walang ibang magawa kundi umiyak nang umiyak. Kahit na nakabusal ng mahigpit ang bibig niya, rinig na rinig ko pa rin ang mga palahaw niya. Takot na takot siya. At takot na takot na rin ako.
Tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko dahil sa takot. Ngunit alam kong mali ito. Kailangang may gawin ako. Walang mangyayari kung iiyak lang ako nang iiyak. Napasulyap ako sa dalawang lalaking nakahandusay malapit sa tabi ko. Parehas silang wala ng malay at puno ng dugo.
Ayoko na ng ganito. Ayoko nang makakita ng ganito.
"What's up? Ano? Iiyak ka na lang nang iiyak? Putcha! Boba ka ba talaga huh?!" Patuloy lang ako sa pag-iyak at hindi na pinansin ang pagsigaw niya. Tiningnan kong muli ang larawan na nakalagay sa isang frame na nasa table sa harapan ko. It's a picture of a happy family. Kilala ko sila dahil sila ang parents ko. Ang parents ko kasama ako.
Kami, kasama ang isang batang babae.
Pumikit ako.. Gusto kong makaalala, pero wala akong maalala.. Kahit anong gawin ko, wala akong kahit anong maalala..
"F*ck! F*ck this s**t! F*ck! Stop this f*cking nonsense will you?!" Iyak ko tanda ng pagsuko. Dahil sa pagsigaw ko ay galit siyang lumabas ng interrogation room. Lumapit siya sa'kin saka tinanggal ang telang nakapatong sa tabi ng frame. Lalo lamang akong naiyak nang makita ang nasa ilalim ng telang iyon.
"No.. No.. No!" Panay ang iling ko habang tinitignang mabuti ang mga larawan ng mga kaibigan ko na puro duguan at walang malay. Mas lalo akong nanghihina sa nakikita ko ngayon.
"Oh. Yes! Yes! Yes!" Ngumisi lang siya sa'kin kahit pa kitang-kita niya ang pagragasa ng luha ko. Halatang nang-aasar.
"No! Those shits aren't true! Hindi ako naniniwala sayo!" Iyak ko ngunit tinawanan niya lang ako.
"You're all sinners, young lady. You should be punished! But sorry, I can't do that politely, so I just killed them lovely" Ngumisi siya at itinutok ang baril niya sa'kin. "Hindi ka ba makaalala? Well, f*ck you, b***h! That's the dumbest reason I've ever heard! Hindi ko makakalimutan na inagaw mo sa akin lahat! Naiinis ako pag nakikita kitang masaya! You shouldn't be happy while I'm here the loser one. I can't be the loser! You see? This will be over and I'm the winner on this game!" Hindi ako makapagsalita. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nababaliw na siya. "You know what? To inform you, ikaw ang puno't dulo ng lahat ng 'to! Kung hindi ka bumalik at nagpakita pa ulit dito, edi sana hindi madadamay ang mga kaibigan mo! Edi sana ikaw lang ang pinaparusahan ko! Now, are you regretting your decision to tranfer in this f*cking university?"
Umiiyak na sinulyapan ko ang natitirang kaibigan ko na nasa loob. Tama ba? Tama bang hindi na lang ako pumunta pa dito?
Walang madadamay. Ako lang ang mapaparusahan.
Pero masaya akong nakilala ko ang mga kaibigan ko. Nakilala ko sila dahil dito.
Should I not have come in this school in the first place?
Do I regret that I'm here at Converse High?