1. Changing Smiles

3422 Words
Converse High. The name rang inside my head. It's sounds like a kind of shoes? Phew. As if I care? Until now naiinis pa rin ako. Bakit ba naisipan ni mommy na ilipat ako sa isang boarding school?! "Ms. Elle, is anything I can do for you?" my driver said. Mula sa pagkatulala sa bintana ay napalingon ako sa kanya. Yes, I have a personal driver. Yes, I can manage to drive myself here and I have a gorgeous car like me--but I'm not in the mood right now to do that honestly. "Nothing" Tipid kong sagot. I'm back to what I'm doing but I guess it isn't working. Letcheng driver kase 'to! Panira moment! "Nandito na po tayo" "As if I don't know that" Pabalang na sagot ko. Nakakabwisit lang! Malamang alam ko yun diba? Hindi ba pwedeng wag na lang siyang magsalita? Tss. Napabuntong hininga ako, nagbabakasakaling mapakalma ko ang sarili ko. For pete's sake Elle! It's your first day in your new school! Don't be stubborn. Bumaba ako ng kotse at hindi ko na hinintay pa na lumabas si Kuya David para pagbuksan ako ng pinto. First of all, I have my hands, I have my feet so I can do it by myself and the second one was I just don't like gentleman ways kuno? Psh. Dala ang signatured bag ko, nilibot ko ng tingin ang nasa paligid ko. Hmm, I felt something uneasy right now, but something feels good then. Pero naiinis pa rin ako sa fact na nandito ako. "Mauna na po ako sa inyo Ms. Elle" Again, sinira na naman niya ang moment ko! "I'll go home later" "Pero--" Itinaas ko ang kamay ko tanda na huminto siya sa pagsasalita. "I'll take care an explanation for mom. You can leave now" "Sige po. Mag-ingat po kayo" Sabi pa nito pero inirapan ko lang siya. Hindi ko na inaalala pa kung umalis na si Kuya David o hindi pa. Sa ayaw ni mom or kahit bawal pa, wala naman siyang magagawa kung gusto kong umuwi sa bahay. Nai-imagine ko pa lang na may makakasama akong unknown person sa iisang room, naiirita na ako. Just like a gorgeous model, I walked inside the school with my chin up and an angel like face. If I catch any attention? Well, I don't really care cause it's so natural for me. Mas nakakapagtaka kung walang makakapansin sa'kin noh! My name's Michelle Ann Lee, Elle Lee for short. I am a seventeen year-old girl who came from a good family. My dad is a professional dance instructor and owns a new entertainment now while my mom owns a big company, clothing and fashion company to be exact, which is the Monochrome & Supernova. I'm a graduating student, to be specific a fourth-year high school student, a transferee from a prestigious school in Korea. Marunong din naman ako magtagalog kahit papaano since nag-stay rin naman kami dati dito nang bata pa ako, and both of my parents are pure Filipino. Anong reason kung bakit ako nag-transfer dito? I don't know either. My parents are so difficult to understand sometimes. Good thing na andito rin naka-settled at naka-stay yung pinsan kong gummy bear, which is super close ko. Our gatherings are always handled in our home in Seoul, pero matagal na kasi ang huling gathering namin kaya ilang months na rin kaming di nagkikita. Diretso lang akong naglakad hanggang sa may babaeng parang guidance councilor ang biglang humarang sa harap ko. "Are you Ms. Lee? Michelle Ann Lee?" Napataas agad ang kilay ko. "Yes I am. Why?" "Come on. Sumunod ka sa'kin sa office" After niya kong talikuran ay sumunod na lang ako sa kanya gaya ng sinabi niya. Still, pinagtitinginan pa rin ako ng mga nadadaanan naming estudyante. Like the hell? Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? "Come in" Huminto yung babae sa isang room na may nakalagay na dean's office. Wait, don't tell me siya yung dean? Kahit mukha siyang guidance councilor dahil sa pormahan niya, mukha siyang bata para maging dean. Pumasok siya sa loob at sumunod rin ako. Pagpasok namin, nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa magarang lamesa na may nakalagay na Travis Macleod. "Goodmorning, Ms. Lee, welcome to Converse High" Bati nito at ngumiti ako ng pilit. Syempre kahit maldita ako, kailangan kong ilagay sa lugar noh. So, siya pala yung dean at hindi pala itong babaeng naghatid sa'kin dito. I'll assume na Travis ang pangalan niya since 'yon yung nakalagay sa plate na nasa lamesa niya. "Anyway, this includes the room number kung saan ka magi-stay kasama na ang class schedule mo. I hope makapag-adjust ka kaagad sa pag-stay mo dito" Sabi pa niya saka inabot sa'kin ang isang blue paper. Kinuha ko iyon at tiningnan sandali bago humarap ulit sa kanya. "Alright then, thanks. Can I leave now? Cause I really want to rest" Ngumiti ulit ako ng pilit. Ayokong maging rude pero gusto ko na kasi talagang magpahinga. Akala ko magdi-discuss pa siya ng kung ano pero tumango naman siya. Agad na'kong tumalikod at lumabas ng office. Maglalakad na sana ako paalis nang makita kong sumunod sa'kin sa paglabas yung babaeng mukhang guidance councilor . Ba't ba siya sunod ng sunod? "Ms. Lee, ihahatid na kita sa girl's dorm" Napataas ang kilay ko saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukha siyang guidance councilor sa suot niya pero mukhang bata pa talaga siya. Siguro, dahil mas matangkad ako kumpara sa kanya? "No thanks. Who are you ba? Can't you just leave me now?" "I'm Felochie Marquez. Representative student ako sa faculty. And for your info, napag-utusan lang ako na i-guide ka" Sagot niya na parang nainis siya sa sinabi ko. "Okay then. Lead the way" Naglakad naman na siya kaya sumunod na lang ulit ako sa kanya. Mukhang hindi na maganda ang mood niya dahil sa pagsusungit ko. But what the hell I care? "I will guide you to your room and don't worry. Sinabihan na kami ni Mrs. Lee na pagpahingain ka ngayong araw, kaya you can rest pagdating sa room mo" Sabi niya pa habang naglalakad ng nakatalikod sa'kin. So, malakas pala connection dito ni mom sa school. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagsunod sa kanya kung saan man niya ako balak dalhin. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mamangha sa paligid. Sobrang laki ng school na ito, I wonder kung may college buildings din sila dito. Para siyang city dahil may nakikita akong iba't-ibang establishments. It looks like a paradise but of course it's just the appearance because the buildings were truly created with high class architecture. I mean, talaga kasing napaka-modern tingnan ng university na ito. Nang makapasok kami sa isang parang hotel ay huminto si Felochie saka bahagyang humarap sa'kin. "This is the girl's dormitory. Yung katapat na malaking building nito, boy's dorm naman 'yon" Napatingin ako kung saan siya nakatingin at nakita ko naman yung para ring hotel sa di kalayuan. Humarap ulit ako sa kanya habang nakataas ang kilay. "Marami ka pa bang sasabihin? You can leave me here. I can handle myself.." Hindi niya pinansin yung pagtataray ko at umirap sa'kin. Wow ha! Inirapan pa talaga ako. "Maraming rules and regulations dito at isa na doon ang hindi pwedeng pagpunta sa loob ng boy's dorm" Sabi niya saka ako tinalikuran ulit. Nauna siyang pumasok sa loob ng girl's dorm kaya inis akong sumunod ulit sa kanya. The heck?! Unang araw ko pa lang dito mukhang may hindi agad ako makakasundo. At talagang sinabi pa niya yung rule na 'yon sa'kin ha? What makes she thinks na pupunta ako doon? Kakaasar! Nang makapasok kami sa loob ay nakita ko agad na may lobby din pala dito. Cool. Parang hotel pala talaga 'tong girl's dorm. Mawawala na sana yung pagkainis ko dahil sa ganda ng paligid, pero napansin kong napahinto ang iilang estudyante nang mahagip ako ng paningin nila. Kumunot ang noo ko dahil doon. Did I say na kahit normal sa'kin makakuha ng maraming attention, kinaaasaran ko ang mga ganitong scene? I really hate the attentions they're giving. It's creeping me out. "What are you looking at?" Pagtataray ko sa kanila ngunit yumuko lang ang mga ito at saka umalis sa kinatatayuan nila. Yung iba naman ay tiningnan pa ako from head to toe bago umalis. Aba naman talaga! "Nasa second floor ang magiging kwarto mo so let's go upstairs kung gusto mo na talagang magpahinga" Biglang sabi ni Felochie na parang sinasabi na wag na akong gumawa ng kung ano pa. Isa pa 'tong babaeng ito, kanina pa ako naiinis sa kanya. Tiningnan ko ang papel na hawak ko at nabasa rito na 216 ang room number ko. "You can leave now. I know my room number and I repeat, I can handle myself" Tinalikuran ko na siya saka lumakad pakaliwa kung saan nakita kong may staircase. "No you can't. This is the way to the stairs na mas malapit sa room mo. Kung gusto mong mas matagalan bago makarating sa room mo, go ahead. Diyan ka dumaan" Sagot nito saka siya tumalikod sa'kin at naglakad na pakanan. Napapadyak ako sa sobrang inis. Malay ko ba na dalawa pala hagdanan dito?! Inis ko siyang sinundan hanggang sa huminto kami sa kwarto na may nakalagay na 216. Kumatok siya sa pinto at may babaeng nagbukas nito. Matangkad din siya tulad ko and mukha rin naman siyang okay. And when I say okay, is yung hindi ma-attitude. Pero kahit na ganoon, naiinis ako sa way ng pagngiti niya. Para siyang tuwang-tuwa. "She's Cristy Shamii Webb, she will be your roommate from now on--Ms. Webb, please tell her all the things she needs to know" Bilin ni Felochie at iniwan na ako nito ng walang pasabi. Attitude talaga. "Hi, what's your name?" Nakangiting tanong sa'kin ng magiging roommate ko. "Can you get out on my way? Hindi ba obvious na nakatayo ako dito sa labas? Let me pass first before you ask.." Mataray kong sabi kaya naman natauhan siya na nakaharang siya sa pinto. "Ahm.. sorry" Binigyan niya ako ng daan at hindi ko na siya pinansin pa. Dire-diretso na akong pumasok sa loob ng kwarto at naupo sa isang kama na malapit sa balkonahe. I'm sure kasi na ito ang magiging kama ko since malinis at mukhang hindi pa nagagamit. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. The room is fully air-conditioned. It also has two full sized bed, flatscreen TV, walk-in closet that's good for two, 1 mini table between the beds and it has two lampshades and comfort room of course. "I'm so happy that you're already here" Napatingin ako sa roommate ko na nakaupo na sa kama niya. Mukhang sincere naman yung pagkatuwa niya sa pagdating ko kaya pinilit kong maging approachable at nice sa harap niya. "Really? Why?" "Sinabihan na kasi ako last week na magkakaroon na ako ng bagong roommate, and sobra akong na-excite dahil may makakasama na ulit ako" Sagot niya habang nakangiti. Bakit bigla akong nakaramdam na parang may kahulugan yung sinabi niya? "Ah, pasensiya na. Masyado lang akong natuwa. May problema ba?" Napansin niya siguro ang biglang pagtahimik ko kaya siya nagtanong. Umiling ako at ngumiti ng tipid. "Nothing. What's your name again?" Pag-iiba ko ng topic. Bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin saka inilahad ang kamay niya sa harap ko. "I'm Cristy Shamii Webb, but you can call me Shamii. How about you? Anong name mo?" Nakangiti niyang sabi. Alanganin akong ngumiti habang nakatingin sa kamay niya. Napansin niya siguro na wala akong balak makipagkamay kaya ibinaba niya rin ito. "Just call me, Elle. And sorry--I don't do shake hands. It's not my thing" "Okay lang. Nice to meet you" "Same.." Despite sa hindi ko pagtanggap sa kamay niya, nakangiti pa rin siya sa'kin. Maganda siya pero hindi ko talaga gusto yung way ng pagngiti niya. Ewan ko ba. After that, natahimik na rin siya. Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko kaya nakatingin lang ako sa kanya. Umupo na ulit siya sa kama niya habang umiiwas na ng tingin sa'kin. Ugh! Ang awkward! Ayoko talaga mapasalang sa moment na ganito. Sabi ko na nga ba't hindi talaga uubra sa'kin na may roommate. "Ahm, nasaan pala mga gamit mo? Hindi sa nangingialam ha? You're staying here right? Pero napansin ko, wala ka kasing dalang gamit" Again, si Shamii ulit ang nag-initiate mag-start ng conversation. I sighed heavily before ako sumagot. "Ayoko kasi magbitbit. My mom's assistant will go here with my things. Siyang bahala sa pagdadala dito" Sagot ko bago tumayo para pumunta sa balkonahe. Damang-dama ko ang sariwang hangin dito sa pwesto ko. Ang sarap sa pakiramdam kaya bahagya akong napapikit. Maya-maya pa, naramdaman kong tumayo rin si Shamii at sumunod sa'kin. "Elle?" Napadilat ako at tiningnan siya na nasa tabi ko na pala. "Siguro nakukulitan ka na sa'kin pero can I ask you something?" Nakatingin lang ako sa kanya dahil feeling close na siya kahit ngayon pa lang naman kami nagkakilala. But instead na tarayan siya, hindi na lang ako sumagot. "I'll take that as a yes. I just want to ask kung pwedeng dito ka na lang mag-stay? Wag ka nang umalis.." Sabi pa niya at napataas agad ang kilay ko. "What are you saying?" "I mean, I know this is selfish to ask but matagal ko ng hinintay na magkaroon ulit ng bagong roommate. Masyadong masakit yung pagkawala nung dati kong kasama. She's my only friend--" Saglit siyang tumahimik at napalunok. "But she's gone. Bigla na lang siyang umalis and then nawala. Kaya nung nalaman kong darating ka, na-excite ako. Kasi finally may magiging kaibigan na ulit ako" Nakita kong nangingilid yung luha niya habang sinasabi iyon but she managed not to cry infront of me. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong napairap sa kabila ng lahat ng sinabi niya. Feel ko naman nasasaktan talaga siya, but it's creeping me out na parang gustong-gusto niya talaga akong maging kaibigan. Bigla akong napaisip sa fact na ayokong mag-stay dito. But now, why I suddenly feel na dapat akong mag-stay? "The hell I care" Bored na sagot ko at hindi ko na siya tiningnan. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa langit. Sobrang tirik na ng araw. Hindi ko napansin na tanghali na pala. "Sorry.." Bulong nito at naramdaman kong aalis na siya sa tabi ko kaya natawa ako ng bahagya. I'm such a b***h. "I'm just kidding, okay? I'll stay here for good.." Nagulat siya sa isinagot ko. Hindi niya alam maski ako, nagulat din sa sinabi ko. "Thank you.." Ngiting-ngiting sabi niya saka itinaas ang kamay niya na parang nangangako. "Kahit araw-araw mo akong tarayan, okay lang pramis! Basta magkaibigan na tayo ha?" Napatawa ako sa inakto niya. Letseng babaeng 'to, pinapatawa ako. "Oo na! But please, stop this act. I can't handle it anymore" Natawa na lang din siya sa sinabi ko at sabay kaming tumingin sa malawak na field na tanaw na tanaw dito. "Nakikita mo ba yung building na 'yon?" Tiningnan ko kung saan siya nakaturo at nakita kong ang tinutukoy niya ay yung building na katapat namin sa hindi kalayuan. Hindi kalayuan kasi kitang-kita ko pa rin mula dito sa pwesto namin yung mga lalaki sa mga rooms nila. May mga balkonahe kasi at nakabukas ang ilan sa mga glass doors. "Yeah, and that's the boy's dorm right? Sinabi na sa'kin ng ma-attitude na si Felo--whatever" Muli siyang natawa sa sinabi ko. Siguro dahil sa tawag ko sa babaeng mukhang guidance councilor kanina. "Anyway, dahil feeling close ka rin naman sa'kin, can I ask what happened to your friend?" Biglang nagbago ang aura niya pagkarinig sa tanong ko. Tumalikod din siya sa'kin at umakmang lalakad na papunta sa kama niya. Akala ko hindi na siya sasagot, pero hindi pa siya nakakaalis ng tuluyan sa balkonahe, humarap ulit siya sa'kin saka ngumiti ng peke. Kakaiba sa mga ngiti niya kanina. "She's dead. And that's because of me" For a minute, natigilan ako. "Wait. What?" Umupo na ulit siya sa kama niya kaya bumalik na rin ako sa pagkakaupo sa kama ko. Nakatulala siya at nakangiti. Yes, she's smiling, but I know she's smiling bitterly. "Her name is Nathalia. She's my only friend. Bukod sa roommates kami, magkasama kami sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung bakit at paano, pero bigla siyang nagbago. Lagi siyang balisa at hindi makausap. Hanggang sa bigla na lang siyang umalis at nawala. And then, one day--" Tumigil siya saglit saka tumingin sa'kin. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. "Bigla akong pinatawag sa dean's office, nagulat ako kasi nandoon yung parents ko. Pati yung parents ni Nathalia. At galit na galit sila sa'kin.." Napakunot bigla ang noo ko. How come na galit sa kanya yung parents ni Nathalia? And then pati yung parents niya? "Doon ko nalaman na ampon pala ako nila Mom at Dad, na si Nathalia pala ang totoo nilang anak. At yung tumayong parents ni Nathalia, mga kaibigan lang sila ng parents ko. Sobra akong nasaktan sa nalaman ko. Pero mas nasaktan ako nung sinabihan nila ako ng masasakit na salita, na ako yung dapat na namatay at hindi si Nathalia.." Dagdag niya and after that, tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata niya. Dali-dali niya itong pinunasan saka siya tumawa ng peke. "Gusto kong sabihin nila na nagjo-joke lang sila sa'kin, pero hindi. Totoong wala na siya. Namatay siya dahil nagpanggap siyang ako. She tried to act as Shamii then nakipagkita siya sa mga taong gustong pumatay sa akin" Biglang nagbago ang expression niya, this time, nakikita kong galit siya. Aaminin ko, nagulat ako sa mga narinig ko. Lalo na sa fact na kakakilala pa lang namin pero sinasabi niya lahat sa'kin ito. But the heck?! May mga gustong pumatay sa kanya? "Are you making up stories?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Umiling-iling siya saka pinunasan ang mukha niyang nabasa ng luha. After that, dali-dali siyang umupo sa tabi ko. "Listen to me Elle, I know ngayon lang tayo nagkakilala, but I'll tell you about everything to inform you na hindi normal sa school na ito" Kumunot yung noo ko. Saglit akong natigilan pero napairap din kalaunan. "Shamii, are you insane? Kanina lang sinabi mo, you're happy because I'm here and finally may makakasama ka na ulit. Then now, you're saying that this school is not normal?" "No. I'm not. But yes, medyo weird pakinggan. Totoong masaya ako na kasama na kita dito, but at the same time, sinasabi ko sayo 'to para maging aware ka. Alam kong naguguluhan ka but here's my point, wag kang basta-bastang magtitiwala sa mga taong nakapaligid sayo.." This time, talagang kunot na kunot na yung noo ko. Hindi ba niya naisip na baka mas gustuhin kong umalis na lang dito kung ganyan yung mga pinagsasabi niya sa'kin? "Stop saying nonsense, will you? Can't you hear what you're saying? Are you telling me na isa ka sa mga hindi ko dapat pagkatiwalaan? Sige, let's say that all you said was true, but knowing na may mali sa school na 'to? Then pinakiusapan mo ako kanina na mag-stay dito? The f*ck. Ang kapal mo naman" Inis kong sabi. Natahimik siya sandali pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa'kin. "It depends on you kung maniniwala ka sa'kin or hindi. For me, you're my friend now. And yes, I'm selfish on that part. I'm sorry" "Stop this, Shamii. I'd rather sleep kesa makinig sa mga pinagsasabi mo" Humiga na ako pero nanatiling nakaupo pa rin siya sa kama ko habang nakatingin sa'kin ng seryoso. "What?!" "Sorry kung mas gusto kong mag-stay ka dito despite sa lahat ng alam ko. Wala kasi akong ibang choice kundi mag-stay dito dahil ayaw na rin sa'kin ng tinuring kong pamilya. Kaya sorry talaga kung ginusto kong dito ka na lang din katulad ko--" Tumigil siya saglit at napakagat sa labi niya. Bigla akong nakaramdam ng konsensiya. Damang-dama ko rin kasi yung sakit na hindi ka matanggap ng sarili mong pamilya. "Ngayon lang kasi ulit ako nagkaroon ng kasama at alam kong mapagkakatiwalaan kita kaya sinabi ko lahat ng 'to. Pasensiya kung makulit ako" Sabi pa niya saka siya ngumiti ng mapait. Naiiling ko siyang tiningnan. Ano ba kasing gusto niyang sabihin at bakit sinasabi niya sa'kin lahat ng ito ngayon? I mean, anong purpose? Para manakot? Para magmukhang kawawa? And take note! Kadadating ko lang, ah! "Just shut up! I just want to rest now" After that line from me, hindi na siya nagsalita pa kaya tinalikuran ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD