2. Novel Saviour

3437 Words
Lumipas ang dalawang oras pero hindi man lang ako nakatulog. Pinapakiramdaman ko si Shamii sa kabilang kama at alam kong ganoon din siya sa'kin. Sobrang awkward ng atmosphere at ayoko ng ganito. "Elle.." Tumayo na ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang pagtawag niya sa'kin. Cue ko na ito para makipag-ayos sa kanya. "Okay. Sorry to offend you.." Simula ko. Ngumiti siya sa'kin ng pilit kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. This is so not me. "I admit. I was pissed with you earlier, because you are suprising. Ngayon pa lang tayong nagkakilala and bago pa lang ako dito but all of a sudden, that's all I can hear from you. Sa tingin mo? What will be my reaction?" "You don't need to say sorry. It's my fault. Naging feeling close ako masyado sa continous na pagsasabi sayo ng lahat" Tiningnan ko siyang mabuti. It feels that, everything she's saying is true. But why me? Why now? Direkta ko siyang tiningnan sa mga mata. "Why are you telling me this? And seriously, bakit agad-agad? I mean, I just came here--" "Hinintay ko talaga yung pagdating mo para dito. Hindi ko na kasi talaga kayang solohin lahat ng 'to. Sorry kung selfish ako and sorry for creeping you out. But I'm telling you this para maging aware ka" "You keep on repeating na maging aware ako, Shamii. Maging aware ba saan? Cmon. Be specific" "Hindi tayo safe dito. It's hard to explain but--" Napatigil si Shamii sa pagsasalita at sabay kaming napalingon sa pinto dahil may kumakatok dito. Na parang atat na atat itong pagbuksan. Tatayo na sana ako para buksan ito pero pinigilan ako ni Shamii at siya ang tumayo at nagbukas ng pinto. "Hi. Ano'ng kailangan nila?" Ngayon, nakita ko ulit yung Shamii na bumungad sa'kin kanina. Yung nakangiti at approachable. Tiningnan ko kung sino yung kumatok at nakita kong may dalawang babae siyang kaharap. Yung isa ay si Felochie--which is yung babaeng naghatid sa'kin kanina dito. At yung isa hindi ko kilala kung sino, pero ang weird ng pagtingin niya sa'kin. "Pinapatawag ka ng Dean" Maikling sagot ng babaeng hindi ko kilala. Sumulyap sa'kin saglit si Shamii saka ngumiti at nagpaalam na sasama muna siya doon sa dalawang babae. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay hindi ko pa rin maialis ang tingin ko dito. At first, akala ko sa'kin sila may kailangan, kasi ako naman yung transferee dito right? Pero naisip ko rin, baka talagang totoo yung sinabi ni Felochie kanina that I can rest for the whole day now. Isa pa, Sunday naman ngayon. Napailing na lamang ako. Gusto ko sanang humiga at magpahinga na lang pero dinala ulit ako ng mga paa ko sa balkonahe. I assumed na baka pag nagpaka-busy ako sa pagmamasid sa mga taong nakikita ko, mawawala kahit papaano sa isip ko yung mga sinabi ni Shamii. But for pete's sake! Naiisip ko pa rin yung mga sinabi ng bruhang iyon! The fact na pinakinggan ko siya sa lahat ng sinabi niya at parang gusto kong maniwala sa kanya? For goodness! Hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko. Talagang nag-sorry pa ako sa kanya nung pakiramdam kong na-offend ko siya. Ano'ng nangyayari sa'kin? Napabuntong hininga ako. Unang araw ko pa lang dito pero nagulo na yung utak ko dahil sa mga sinabi ni Shamii sa'kin. Si Shamii na hindi ko sure kung para sa akin, kaibigan ko na ba o hindi. At ano ulit yung mga sinabi niya? All this time hinihintay niya ako para masabi niya lahat ng alam niya? Na ano? Na may mali dito at hindi normal sa school na ito? At the f*ck! Sino yung mga gustong pumatay sa kanya? At bakit? Gusto kong isipin na gumagawa lang siya ng kwento pero kitang-kita ko sa mga mata niya kanina yung takot habang sinasabi niya lahat 'yon. What should I do? Dapat ba kong maniwala at magtiwala kay Shamii? "Hays! Why did Mom even think of transferring me here? I just came here and nas-stress na ako!" Inis akong umalis sa balkonahe pero bago pa ako makabalik sa kama, napatingin ako sa ilalim ng puno na katapat ng balkonahe namin. May lalaking nakatingala at nakatingin sa'kin. Hindi lang basta nakatingin, dahil nakangiti rin siya sa'kin. Hindi nagtagal ay umalis din siya at naiwan akong nakanganga. The f*ck! That's a real creep. Makatulog na nga lang! -- "Elle, wake up.." Naramdaman kong may istorbong gumigising sa'kin. Pero pagdilat na pagdilat ko ay agad akong napatayo habang hawak pa rin ang kumot ko. "The hell! Wag ka ngang nanggugulat!" Bakit ba kasi nakapwesto yung mukha ni Shamii sa mismong harap ng mga mata ko?! Tumawa lang siya saka nag-peace sign. "Sorry.." Napairap ako. Kanina pa yang sorry-sorry na yan. Pati ako napapasabi na rin ng sorry sa kakaganyan niya. Tsk! "What do you want ba?" Iritang tanong ko saka inis na umupo ulit sa kama. Lumingon siya sa pinto kaya tiningnan ko kung anong meron doon. "Kuya David? Ano'ng ginagawa niyo dito?" Napatingin ako sa driver namin na kasama na naman si ateng mukhang guidance councilor. "Here's your things. Dinala ni Kuya David dito" Singit ni Felochie saka ipinasok yung dalawang maleta at isang handy bag na malaki. Lalapit pa sana si Kuya David para iayos yung mga gamit ko pero pinigilan siya ni Felochie. "Tara na po Kuya, she can handle it. Right?" Binalingan ako ni pandak saka ako tinaasan ng kilay. Beltukan ko 'to ng isa eh! "Yes I am. You may leave now" Plastic akong ngumiti at lumapit sa kanila. "Sige po. Ms. Elle, mauna na po ako" Ani Kuya David. Tumango lang ako at sinaraduhan na sila ng pinto. Magre-react pa sana si Shamii pero tinaasan ko siya ng kilay kaya ngumiti na lang siya. Inilapit ko ang mga gamit ko sa kama at humiga ulit. Bahala na. Bukas na ako mag-aayos. Matutulog na sana ulit ako pero naramdaman ko na naman ang paglapit ni Shamii sa pwesto ko. "Ano ba?! Can't you see? I'm trying to sleep again!" Hindi niya pinansin yung pagsigaw ko at nag-peace sign ulit. "Dinner time na kasi. Baka nagugutom ka na, sabay na tayo pumuntang cafeteria" Inis akong umirap saka siya tinalikuran. "I'll eat later. Inaantok pa ako" "Hanggang 9 pm lang bukas yung cafeteria eh. 7 pm na, tara na" Humarap ulit ako sa kanya at inis na napabangon. Nakakaasar naman yung rules na yan! Imbes na natutulog pa ako at mamaya pa kakain hindi ko magawa, dahil sa mga rules na yan! Sana pala talaga umuwi na lang ako sa bahay! Ano ba kasi pumasok sa isip ko't pumayag ako na dito ako mag-stay? Hay nako. "I'll change first.." Tumayo ako para maghanap ng shorts at oversized t-shirt sa mga gamit ko. Nang makahanap ako, hinubad ko ang crop top at pantalon na suot ko. Hindi na ako nag-abala na magpunta sa cr para magbihis. Babae naman si Shamii kaya sa mismong harap na lang niya ako nagpalit. After no'n, isinuot ko rin ang brown boots ko. "You ready?" Hindi ko na siya pinansin sa tanong niya at diretso na akong pumunta ng pinto para lumabas. "Elle, wait!" Hindi ko nilingon si Shamii. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nabigla na lang ng isabit niya sa braso ko yung kamay niya. Tiningnan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako. Feeling close talaga ang bruha! Sabay kaming naglakad pero hindi ko siya iniimik habang siya nama'y panay ang ngiti sa bawat nakakasalubong namin. Sobrang friendly ng isang ito. No wonder ang kapal ng mukha niya kung makadikit sa'kin. Maya-maya pa, nakarating din kami sa cafeteria. Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang gara at laki ng cafeteria sa school na ito. Mukha siyang vintage cafe. May second floor at puro glass walls. Sobrang liwanag din kaya naman ang ganda tingnan ng mga chandeliers sa itaas. "There's a lot of people here.." Ayan ang unang nasabi ko pagkapasok namin sa loob. Totoo naman kasi. Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang, mapapansin mo agad ang dami ng tao pero sa kabila nito, hindi napupuno ang cafeteria. Gano'n siya kalaki. "Tara! Doon tayo maupo sa usual place ko" Hinatak ako ni Shamii at hindi na ako nakaangal pa hanggang sa itinulak niya pababa ang magkabilang balikat ko para maupo sa pwestong sinasabi niya. "How dare you to drag me?!" Sinamaan ko siya ng tingin pero nag-peace sign lang siya ulit. "Just stay here okay? Mamaya baka may dumating na lalaki rito, but don't worry, he's my bestfriend kaya wag kang mahihiya.." Inirapan ko lang siya sa sinabi niya. Sabi niya si Nathalia lang daw yung only friend niya. Then now? My boy bestfriend siya? Whatever. "Basta d'yan ka lang ha? Ako na oorder ng kakainin natin. Treat ko since it's your first time here" Sabi pa niya kaya sinamaan ko siya lalo ng tingin. "What do you think of me? Pulube? Walang pera?" Tatayo na sana ako para umorder pero pinaupo niya ulit ako. "One more move Shamii, I'm telling you--" "Sige na kasi. Ngayon lang naman eh. So, what do you want?" Napairap nalang ako sa sobrang kulit niya. Hay nako talaga! "Carbonara and apple juice" "Got it. Stay here okay?" Napailing na lang ako sa sobrang hyper niya. Grabe. Ano bang nangyayari sa'kin at sumasama ako sa kagaya niya? Tss. Habang nag-aantay kay bruha, inilibot ko muna ang paningin sa paligid. Obvious na mayayaman ang mga estudyante rito. Napansin ko rin na may ilang kalalakihan silang iniiwasan. Tiningnan ko yung mga lalaki na akala mo naman mga VIP kung maglakad. Yung mga estudyante naman dito parang mga tanga, talagang binibigyan pa sila ng daan. Yung tipong kusa na lang silang nagsisitabihan pag dadaan na sa kanila yung mga lalaki. Kung titingnang mabuti, obvious na may mga itsura sila. And when I say itsura, it means may normal na mukha. May mata, ilong, bibig at tenga. Okay. I admit, mga gwapo sila. Pero sino ba sila sa akala nila? Geez. "Hi, nice to see you. Bakit dito ka nakaupo?" Tanong ng lalaking bigla na lang sumulpot at umupo sa harapan ko. Siya siguro yung lalaking tinutukoy ni Shamii. "Why? Am I not allowed to sit here? Is it your property?" Taas kilay kong tanong at natigilan naman siya. "Ahm..No" "Then stop asking like you own-u-" "Hey phards!" Biglang tawag ni Shamii kaya hindi ko na natuloy yung pagtataray ko. Lumapit siya at inilapag yung tray na may lamang dalawang pinggan na may carbonara, chicken, dalawang juice at apple. "Thanks but no thanks" Tipid na saad ko bago kinuha yung akin. Ngumiti lang ulit si Shamii saka tiningnan yung lalaki. "Pasensiya ka na sa pagsusungit ni Elle ha?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya pero tinawanan niya lang ako. "She's my new friend. Bago ko siyang roommate.." "Nice to meet you. Ako nga pala si Zelo" Nakangiting sabi naman ng bestfriend niya at inilahad yung kamay niya sa harap ko. So, Zelo pala ang name niya. "Oh, same to you. I'm Elle" Ngumiti lang ako ng tipid at hindi pinansin yung kamay niyang nasa harap ko. "Hindi siya nakikipag-shake hands, eh" Natatawang singit ni Shamii. Naiilang naman na ibinaba na lang ni Zelo yung kamay niya saka nagsimulang kumain ng pagkain niya. Nagsimula na rin akong kumain habang nag-uusap silang dalawa. Ilang beses silang nag-try isali ako sa usapan, pero nahalata siguro nila na wala talaga ako sa mood makipag-usap kaya hindi na nila ipinilit at hinayaan na lang akong kumain habang tahimik na nililibot ang tingin sa paligid. "You okay?" Biglang tanong ni Shamii sa tabi ko at tumango ako. "Yeah. Of course" Ngumiti lang siya at nakipag-usap ulit kay Zelo na nasa harap namin. Kasalukuyan silang tumatawang dalawa pero bigla silang napatigil kaya napataas ang kilay ko. "What?" "Yung 7kings palapit dito.." Agad nakunot ang noo ko sa sinabi ni Shamii. Ngayon ko lang din napansin na biglang natahimik ang buong cafeteria at nabalot na lang ng mahihinang bulungan. Ano bang nangyayari? Napatingin ako sa likuran ni Zelo at nakita yung mga lalaking parang VIP kung maglakad kanina. Naglalakad nga sila palapit sa table namin pero lalong nakunot ang noo ko nang mamukhaan ang isa sa kanila. "Adrian?" Pagtataka ko, dahil hindi ko agad siya nakilala kaninang papasok sila. Yes, I expecting to see Drian here in Manila but not in this same school as me. Nagbabalak pa nga akong puntahan siya sa kanila, eh. "Yo! Couz! It's nice to see you here!" Napatayo na lang ako dahil sa biglang paghila sa'kin ng pinsan ko. Niyakap niya ako at yumakap naman ako pabalik. Pero bumitaw rin agad ako dahil kitang-kita ko na halos lahat ng estudyante dito sa cafeteria ay sa amin na nakatingin. "Seriously? What's the problem? Why they're all looking at us?!" Malakas na tanong ko. Patuloy pa rin ang bulungan sa cafeteria pero hindi ko na iyon pinansin. Natatawang inakbayan ako ni Drian bago iniharap sa mga kasama niya. "You see, this is Elle. My youngest cousin.." Pakilala niya sa'kin. Ngumiti yung apat na kasama niya pero tinaasan ko lang sila ng kilay. "Couz, sorry to suprise you. But you know, kilala kami bilang 7kings dito. Nothing special. Sila lang yung ginagawa kaming VIP hahaha" After that, tumawa siya nang tumawa kaya naman kitang-kita ko ang gilagid niya. That's why I keep calling him gummy bear before. Lahat halos ng mga estudyante ay naa-amaze dahil sa pagtawa niya, ako lang ata ang bukod tanging napapangiwi. Saka ano yung sinasabi niyang 7kings? Hindi ba siya aware na apat lang sila? Hay nako! Nas-stress na naman ang bangs ko. "Sige couz, punta na kami do'n sa table namin. Lumapit lang talaga ako para batiin ka. Ewan ko ba sa mga gunggong na 'to bakit sumunod pa" Sabi niya ng makabawi siya sa pagtawa. Agad naman siyang binatukan nung isang lalaking matangkad at kulay ash-gray yung buhok. "Ikaw ang gunggong! Sige, Elle. Nice to meet you" After no'n, hinila na nila si Drian na nagkakamot na lang ng ulo. Napangisi na lang ako habang pinapanuod silang maglakad palayo. Pumwesto sila sa ikatlong table mula dito sa amin. "Pinsan mo si Adrian?" Napatingin ako kay Shamii na ngayon lang ulit nakapagsalita. Umupo ulit ako sa tabi niya saka natatawang inirapan siya. "You heard it, right?" "Oh my God! I don't know what to say" Natatawa ko siyang pinitik sa noo pero hindi niya man lang iyon pinansin. Nanlalaki pa rin ang mata niya dahil sa fact na pinsan ko ang isa sa 7kings. Cmon! What so special about them? Nagpatuloy lang kami sa pagkain. But this time, wala silang tigil sa kakakulit sa'kin about sa 7kings kuno. Lalo na si Shamii na gustong-gusto raw si Timothy, na hindi raw madalas kasama nila Drian. Malay ko ba kung sino yung lalaking 'yon. Napatingin ako sa table kung saan naman nakaupo ang 7kings. Hindi nabanggit sa'kin ni Mom na dito rin pala napasok ang pinsan ko, baka mamaya makita ko rin dito yung b***h niyang kapatid. Geez! "Alam mo ba, sila yung kinatatakutan dito sa campus. Pero para sa'kin, hindi naman sila mukhang nakakatakot. Ang gwapo kaya nilang lahat. Lalo na si Tim!" Kinikilig na kwento ni Shamii. "Pero mas gwapo pa rin ako doon noh!" Angal ni Zelo. I wonder kung may gusto siya dito sa bestfriend niya. "In your dreams, phards. In your dreams" Nagtawanan na lang kaming tatlo sa banat ni Shamii. After no'n, nagtuloy-tuloy na naman sila sa pag-uusap about sa 7kings. Puro tawa at tango na lang ang isinasagot ko dahil nakatingin ako kina Drian. Nacu-curious ako. Bakit parang VIP yung grupo nila dito sa school? Until now, nakatingin pa rin ako sa kanila kaya nakikita ko kung anong ginagawa nila. May kung ano silang pinag-uusapan at maya-maya lang ay nahagip ako ng paningin ng isa sa kanila. Bahagya pa itong ngumiti at kumindat bago ibalik ang atensiyon sa mga kagrupo niya. What the f*ck? Kinindatan ba talaga niya ako? Sarap dukutin ng mata niya ah. "Elle, tara na. Bumalik na tayo sa dorm. Maaga pa tayo bukas" Aya ni Shamii at mukhang pare-parehas na kaming tapos kumain. "Ihahatid ko na kayo.." Presinta ni Zelo at tumango lang kami. Paano pala yung uniform ko? Hindi ko pa 'yon natatanong. "Open pa ba yung faculty now?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng cafeteria. "9 pm rin nagsasara yung faculty, 8:25 pa lang naman kaya bukas pa 'yon. Bakit?" Tanong ni Zelo. Imbes na umirap or magtaray, ngumiti ako ng tipid bago sumagot. Ewan ko ba, siguro komportable na ako sa kanila. "I wanna ask something lang. Sige na, mauna na kayo ni Shamii" "Sure ka? May curfew ng 10 pm kaya pagkatapos ng gagawin mo, bumalik ka na agad sa dorm, ha?" Nag-aalalang sabi ni Shamii. Ngumiti naman ako. First time kong makakita ng gaya niya. Feel na feel ko yung pag-aalala niya sa'kin. I mean, hindi kasi talaga ako friendly sa babae, para sa'kin puro kaplastikan lang pag babae ang kaibigan mo. Kaya lalaki ang bestfriend ko, eh. "Mabilis lang 'to. Don't wait for me, okay? I'll be back. And for you Zelo, thanks" Sabi ko at naglakad na ako papuntang faculty. Pagdating ko roon ay si Felochie ulit ang kumausap sa akin. Hindi ko na siya tinarayan pa't sinabi ko na lang sa kanya yung ipinunta ko rito at maya-maya lang ay may inabot siya sa aking dalawang pares ng regular uniform at isang pares ng P.E uniform. "See you tomorrow" Tinapik-tapik niya ako sa balikat habang sinasabi iyon. Hindi ko na siya pinansin at umalis na lang ako. Naglalakad na ako sa hallway at sobrang tahimik na rito sa buong campus. Buti na lang may mga ilaw sa field kaya hindi masyadong madilim sa dinadaanan ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pabalik sa dorm nang biglang may marinig akong ingay sa hindi kalayuan at parang nanggagaling ito sa likod ng main building. Gusto kong wag nang pansinin iyon pero hindi umaayon ang mga paa ko't naglakad pa ito palapit doon. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng main building at pagdating ko doon ay bigla ko na lang nabitawan yung mga dala ko. May gulo at puro dugo. Nandito yung 7kings pero this time lima na sila at may kaaway silang isa pang grupo. "Sino ka?!" Tanong ng lalaking galing sa kabilang grupo. Gusto kong gamitin yung pagtataray ko ngayon pero hindi ko magawa. Hindi ako makakibo dahil sa takot, kinakabahan ako. Napatingin ako kina Drian na nasa malayo. Mukhang hindi nila ako napansin dahil kasalukuyan silang nakikipag-bugbugan. Napalunok ako ng makita kong naglalakad na palapit yung lalaking nakakita sa'kin. For pete's sake, Elle! Do something! "Ano?! Wala ka bang bibig? Ang sabi ko sino ka?!" Galit na sigaw ulit ng lalaking mukhang engkanto. The hell?! Nakukuha ko pang manlait sa mga oras na 'to?! Palakas ng palakas yung kabog ng dibdib ko at halos mamutla ako nang makita kong may hawak siyang kutsilyo. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Gusto kong sumigaw pero mukhang hindi ako mapapansin ng kahit na sino sa 7kings. And f*ck! Literal na kong umiiyak ngayon dahil sa sobrang kaba ko. "Punyeta! Ayaw mong magsalita?! Pwes sisiguraduhin kong sisigaw ka ng malakas sa gagawin ko sayo!" Nang makita kong nakalapit na yung lalaki at itinaas yung kutsilyong hawak niya, napapikit na lamang ako habang umiiyak. "Hoy g*go!" Napadilat ako nang marinig ko ang boses na nasa likod ng lalaking sasaksakin sana ako. "Kung talagang matapang ka ako harapin mo!" Lumingon sa kanya yung mukhang engkanto at hindi na ito nakailag pa nang bigla niya itong sapakin. Napahawak ako sa bibig sa sobrang gulat ko. Dahil sa nangyari, parang nawala ang magnet sa mga paa ko at nakaalis ito mula sa kinatatayuan. Nakagalaw na rin ako pero patuloy pa ring nakapako ang paningin ko sa dalawang nagsusuntukan sa harap ko. Maya-maya pa, natumba na yung lalaking may kutsilyo at agad akong tiningnan ng nagligtas sa'kin. "Ano pang tinutunganga mo dyan? Bumalik ka na sa dorm. Umalis ka na dito" Walang emosyon na sabi nito. With that, pinulot ko yung mga nabitawan ko at kumaripas na ako ng takbo pabalik ng dorm. Takbo ako nang takbo hanggang makapasok ako sa kwarto namin. Paunti-unti akong nakahinga nang maluwag pero hindi pa rin mawala yung kabog ng dibdib ko. Napatingin ako kay Shamii na mahimbing na natutulog at marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko at ang dami kong tanong sa isip. Bakit ganoon yung 7kings? Sino yung kaaway nila? Bakit hinahayaan itong mangyari ng school?! At yung lalaking nagligtas sa'kin, sino siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD