"Goodmorning" Bati sa'kin ni Shamii nang makita niya akong bumangon. "Ano'ng oras ka nakauwi kagabi? Nakatulog na agad ako eh"
Napatingin ako sa phone ko at nakitang 6 am pa lang. OhG! Mga three hours lang ang naitulog ko! Mga 3 am na kasi ako nakatulog kakaisip sa lintek na gulong nakita ko kagabi.
"Elle?" Natigilan ako nang pumitik si Shamii malapit sa mukha ko. "Okay ka lang?"
"Yeah. I'm fine. Ahm, hindi ko na namalayan kung ano'ng oras ako nakauwi, eh" Tumango na lang siya saka lumapit sa table.
"Great. May uniform ka na" Tiningnan niya yung mga gamit na hiningi ko kagabi sa faculty na nakalagay sa ibabaw. "Ano'ng oras pala pasok mo now? Saka ano'ng section ka?"
"Section A. 8 am pa first class ko" Tipid na sagot ko at napasimangot naman siya.
"Sayang. Section C ako, eh. 7 am naman sa'kin. Akala ko makakapagsabay tayo" Ngumiti na lang ako ng pilit saka yumuko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa antok. Paano na lang ngayon ang first day ko sa klase? Bangag? "Hey, may problema ba? You don't look okay"
Umiling ako kay Shamii bago siya tinulak ng bahagya palayo sa'kin. "Don't worry. Antok lang ito. 7 am pasok mo, right? Mag-asikaso ka na"
"Sure ka? Gusto mo samahan kita sa infirmary?" Ulit pa niya kaya tumayo na ako't sapilitan siyang pinapasok sa loob ng cr. Kulit-kulit eh.
"No need Shamii. Better start preparing kung ayaw mong ma-late sa first day mo" Tumawa na lang siya mula sa loob until narinig ko na lang na nag-start na siyang maligo. Bumalik ako sa kama saka ipinilig ang ulo ko.
Mamaya ko na lang kakausapin si Shamii about sa nangyari kagabi. Baka mamaya hindi pa siya makapasok sa kakakulit sa'kin. Napatingin ako sa balkonahe saka napabuntong hininga.
"Sino kaya yung lalaking nagligtas sa'kin kagabi? Saka bakit parang nakita ko rin doon si Zelo?" I whispered to myself.
--
Wala sa mood na naglalakad ako ngayon sa hallway habang papunta sa room ko. Nagtanong naman na ako sa faculty at nalaman kong classmate ko pala si Felochie, so nagpaturo na lang ako sa kanya kung saan ang classroom namin. Nag-initiate pa siyang magsabay na kami pero humindi ako at sinabing pupunta pa ako ng infirmary kahit hindi naman totoo. Honestly speaking, ayoko lang kasi talagang makasabay yung babaeng ma-attitude na iyon. Ewan ko ba, dama ko talaga agad if plastic or hindi ang babae.
Sa totoo lang, ayoko ring pumasok talaga ngayon. Talagang inaatake ako ng sakit ng ulo dahil kulang ako sa tulog at idagdag mo pang naligo ako kahit puyat ako. Ang pangit naman kasi kung first day of classes eh absent agad ako, kaya pumasok na ako. For sure naman walang masyadong gagawin since first day pa lang ngayon. Bahala na, bangag kung bangag. Maganda pa rin naman ako. Sana lang talaga hindi na madagdagan yung stress ko ngayong araw.
"Best!"
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad kahit na naiirita ako sa atensiyon na nakukuha ko sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Kahapon pa itong mga 'to, parang first time makakita ng tao. Kakainis.
"Hoy bestfriend!" Sino ba yung hinayupak na 'yon? Parang baliw kung makasigaw. Bakit ba hindi na lang agad siya lapitan nung tinatawag niya di ba?
"HOY MICHELLE ANN LEE!"
I suddenly stopped. Ako lang naman siguro may ganoong pangalan dito, right? Imposible namang may tukayo ako dito. But hell?! Did he just shout out my full name?!
"Hey gorgeous!" Bigla akong nagkaroon ng instinct na manampal nang maramdaman kong may biglang umakbay sa'kin.
"Aray! Bakit mo ginawa 'yon?" Ginawa ko? I just slapped him. Duh.
"Oh cmon! Bryan! Bakit ka ba kasi bigla na lang nang-aakbay diyan huh?"
"Grabe ka naman sa'kin, Elle! Kanina pa kita hinahanap, tapos ganyan bungad mo sa'kin? Sorry huh!" Sarcastic niyang sabi.
"It's obviously, Bryan! It's not my fault!" Napameywang ako sa inis. But seriously, nakonsensiya rin ako sa pagsampal sa bestfriend ko. Yeah. He's my bestfriend.
"Okay. My fault! End of story" Ngumuso siya at umirap sa'kin. OhG! Ang cute niya--No scratch that! Nag-iisip bata na naman siya.
I sighed. "Okay. Sorry for what I did" Sabi ko na lang para matapos na pero inisnaban niya lang ako. "Your being childish again"
Hindi na ako nabigla ng bigla siyang tumawa at pumalakpak. "Hahaha! Jokijoki bestfriend"
"Whatever" Ngumiti lang siya sa'kin at umakbay ulit. Nagpatuloy na kami sa paglalakad and to my suprise mas lalo kaming nakakuha ng atensiyon! Kung ikaw ba naman may kasamang baliw na ubod ng gwapo, tapos nakaakbay pa sa isang dyosang katulad ko? That's sounds great right?
Pero wait. Teka nga!
Huminto ako kaya napahinto rin siya. "What are you doing here?"
"Hahaha! Ano ba namang tanong 'yan, Elle? Malamang dito ako napasok" As usual, tumawa na naman siya na parang baliw.
"What do you mean?"
"I'm studying here" F*ck! In-english niya lang. Okay! Sanay na ako! Masasanay din kayo.
"I'm not in the mood for jokes, Bry! What are you doing here?"
"Hala! Elle! Dito nga ko napasok. Simple--"
"I mean, hinatid mo ako sa airport nung pauwi ako dito sa Manila"
"Oo nga"
"Then why you didn't tell me about this? Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin na magta-transfer ka rin dito?" Nagtataka kong tanong. We're in the same school sa Korea before kaya ko nakilala itong baliw na ito. Pero hindi ko alam na uuwi at lilipat din siya dito sa Converse High.
"Ahh. 'Yon ba? Hindi ka naman nagtanong. Kung nagtanong ka, edi sasabihin ko sayo" Inis ko siyang inirapan sa isinagot niya at naglakad na ulit para talikuran siya. Bakit ko ba naging bestfriend 'to!
"I transferred here because I want to.." Sabi pa niya habang nakasunod sa'kin. That's Bryan! He'd do whatever it takes basta gusto niya. "Elle naman, wag ka nang ma-beast mode d'yan! Bati na tayo!"
"Lelang mo bati" Asar ko at binelatan ko pa siya. Tumawa lang siya saka ako inakbayan ulit.
Honestly, masaya rin naman akong malaman na dito na rin siya papasok. Nakakapagtaka lang kasi bigla na lang siyang susulpot. Pero ano pa nga bang aasahan ko? Hay nako.
"Pero seriously, may sasabihin ako sayo bestfriend.." Agad napakunot ang noo ko sa biglang banat na naman niya.
"Ano na naman?" Imbes na sumagot, ngumiti na naman siya na parang manyak. OhG! Kinakabahan ako sa kutong-lupa na 'to! "What are you smiling at? Alisin mo nga yung ngiti mong 'yan! Ang pangit mo!"
"Grabe ka sa'kin! Pangit ba talaga ko sa paningin mo huh?!" Nakita kong para siyang maiiyak pero tiningnan ko lang siya ng masama.
"Just say what you want, Bry"
"Oh sige hahaha! May good news ako sayo!" Tingnan mo? Kanina nagdradrama tapos ngayon? Hays! Alien talaga.
"So, ano nga 'yon?"
"Classmates tayo!" Mabilis niyang sagot saka pumalakpak ulit. Teka, tama ba yung narinig ko?
"What did you say? Classmates tayo?"
"Good to know hindi ka bingi best! Alright!" Tuwang-tuwa niyang sagot habang pumapalakpak pa rin. Totoo kaya?
"Ewan nga sayo!"
"I'm serious, Elle! In fact, we're here!" Hindi na ako nakaangal nang bigla niya kong hilahin papasok sa isang room.
"Ano ba, Bry! Can you please let me go?!"
"Minamanyak kita best! Wag kang maingay! Hahaha!" Napahampas ako sa noo ko. OhG! Baliw talaga siya!
Nakapasok na kami ng tuluyan sa room at napatakip agad ako sa tenga nang makita kong sisigaw siya. "Hellooooooo everyoneeee!"
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaahhh! Bryaaaaan!"
Sigaw ng halos lahat ng babae. Seriously? Ang laki ng boses niya huh? Akala mo nakalunok ng microphone! At grabe rin makasigaw itong mga babae dito. Buti na lang natakpan ko agad tenga ko.
"We have a new classmate here guys!" Anong new pinagsasabi nito?! Sa pagkakaalam ko parehas lang kaming transferee dito! "Let me introduce my gorgeous sexy bestfriend--" Sabi pa niya at inakbayan na naman ulit ako. "--Michelle Ann Lee"
With that, narinig ko na naman ang malakas na sigawan lalo na ng mga boys. Sa sobrang gulo ng mga kaklase niya, I mean kaklase namin, napatingin ako sa dalawang taong nakakuha ng atensiyon ko. The one is the nerd girl who was shocked and staring at me like she saw a ghost, then the other one is the guy who was busy with his book like he's not interested at me! OhG! Siya lang nag-snob sakin huh!
"Tara, Elle! Pakilala kita sa bestfriend ko" Bungad uli sa'kin ni Bry at tumaas agad ang kilay ko. "You don't have to be jealous, Elle. Naalala mo yung lalaking kinukwento ko sayo noon? He's a boy. Boy bestfriend" Kumindat pa siya sa'kin bago ako hinatak ulit. Wala naman akong sinabing nagseselos ako eh!
I remember it. Nakwento na nya sa'kin noon na may kababata raw sya at dito daw napasok. That's the time na nalaman niyang magta-transfer na ako dito sa Converse High. Siguro 'yon yung rason kung bakit nag-transfer din siya dito ng walang pasabi, dahil nandito na kaming so-called bestfriends niya. Hindi na ako umangal pa at hinayaan na lang siyang hatakin ako sa kung saan but to my suprise, papunta kami do'n sa lalaking nang-snob sa'kin! Yung totoo?!
"Kookie!" Tawag ni Bry reffering to that snob guy. Bakit Kookie? Ang bastos naman pakinggan!
Mula sa pagbabasa ng libro, tumingin ito sa amin nang nakataas ang kilay. "Oh, bakit?"
"Ito na ang babaeng ubod ng katarayan na sinasabi ko sayo. Meet my bestfriend, Elle Lee" Pakilala sa'kin ni Bry at inakbayan ako ulit.
"Ah. Okay" Sagot nito saka nagbasa ulit sa librong hawak niya. Ang kapal ng mukha! Akala mo naman talaga kinagwapo niya yung pag-snob sa'kin!
"And Elle, meet my bestfriend too, Tim--"
"Elle? Is that you?!" Ako sana ang magpapatigil kay Bry sa nonsense na pagpapakilala niya sa'kin sa boy bestfriend niya, nang biglang may tumawag na naman sa'kin. Why is everyone needs to shout out my name?
Napaharap ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Actually kaming tatlo siguro. At nang makita kung sino ito, napangiwi agad ako.
"Omg, Elle! It's really you!" Malamang ako 'to. "Girl, look at her! It's really her!" The hell? So they think that I'm just a clone? Well, sina Claire at Jean 'to, normal sa kanila 'yang ganyang mindset. Kilala ko na sila dahil nakakasama sila ng bitchesa kong pinsan sa mga gatherings sa amin before.
Before I can utter a single bitchtalk, niyakap ako ng dalawang bruha at isa-isang bumeso sa'kin. Seriously?!
"Oh, Elle! I missed you so much cousin" Then niyakap din ako ng ikatlong bruha. My b***h wanna be cousin, Margarette Yu. Sinasabi ko na nga ba't tama ako. Nung nakita ko si Drian kagabi, malakas ang kutob kong makikita ko rin itong kapatid niya. Pero bakit dito pa?
First of all, Bryan Kim. And now, yung tatlong bitchesa sa harap ko. Bakit sila nandito? Don't tell me dito rin sila napasok at mga classmates ko sila?!
"It's so suprising Elle, we're in the same school. And wow! We're classmates!" Para akong binagsakan ng mabigat sa magkabilang balikat ko dahil sa narinig kay Marga. OhG! Alam ba ni Mom lahat ng ito?! What the hell is happening?!
"That's was so unexpected" Tumawa ako ng peke saka bahagyang umalis sa yakap niya. "But please, don't act as if you're a good one. We know it's fake" Agad na nawala ang ngiti sa pagmumukha niya nang ma-realize ang sinabi ko. Slow much?
"Then cut!" Biglang sabi ni Bry at sumingit sa gitna namin. Mukha siyang timang na nag-ala director at nag-cut ng scene. He's too cute for this scene I know. Ngumiti lang ako sa kanya then sinulyapan ulit si Marga.
"Before I forgot, It's nice to see you too" Bago pa ako manampal, tumalikod na ako sa kanila at hindi na hinintay na hilahin pa ulit ni Bry. Pumwesto ako sa upuan na malapit sa likod at katabi ng bintana.
"Best! Galing mo talaga! Nag-walk out sila Marga. Hahaha" Umupo si Bry sa tabi ko habang pumapalakpak. Instead na pansinin yung papuri niya, tiningnan ko siya ng diretso.
"Did you know all of this?"
"Hala! Wala akong alam d'yan, inosente ako!" Sagot niya at itinaas pa ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko.
"For once, bigyan mo ko ng matinong sagot Bry!"
"Oh, wag highblood! Wala nga akong alam!" Napairap ako. Puro na lang kasi patawa. "In fact, ngayon ko lang din nalaman eh" Dagdag pa niya kaya inis akong napabuntong hininga.
"Bakit ba kasi talaga ko pina-transfer ni Mom dito? Para ano? Bwisitin ako?"
"Ikaw kaya yung may gusto na umalis sa inyo di ba? You said, I want to live with my own.." Inosenteng sabi nito na ginaya pa ang boses ko.
"But this is not what I wanted!"
"Elle, whatever happens dyosa ka pa rin" Tinapik-tapik ni Bry ang balikat ko habang sinasabi iyon. Instead of answering him, tumingin na lang ako sa malawak na field na nakikita ko sa labas ng bintana. Naisip ko bigla yung sinigaw ni Bry na 'our new classmate' samantalang parehas lang naman kaming transferee at new student.
"Mas nauna ka bang nag-transfer dito kaysa sa'kin? Answer me honestly" Demand ko saka tumingin ng bahagya kay Bry to check his expressions.
"Hindi naman. I mean, alam mo naman di ba na umuuwi ako minsan dito sa Pinas para magbakasyon? Nags-stay ako no'n kina Kookie, kasi uma-attend ako sa mga contest at programs nila dito. Kaya ayon, nakilala na rin ako ng iba dito sa campus. Sikat ako dito kahit outsider lang ako, hehehe! Sa gwapo ko ba namang 'to!" Nakangising sabi ni Bry at nagtaas-baba pa ng kilay niya. Para siyang timang talaga. "Pero seryoso best, ngayon ko lang din nalaman na classmates tayo nila Tim, pati na rin si Marga! Promise!" Dagdag nito at itinaas pa ang kamay na para bang nangangako. Imbes na sumagot ay napairap na lamang ako at ibinalik ang tingin sa labas.
"Hoy best! Wag kang judger! Nagsasabi ako ng totoo noh!" Hirit pa ni Bry kaya napaharap ulit ako sa kanya na nakataas ang kilay.
"Ang defensive mo masyado! Nag-comment ba ako?" Irita kong sabi at muli siyang inirapan.
"Galaw pa lang ng bangs mo alam ko ng iniisip mo.." Nakanguso nitong katwiran at nag-umpisa siyang magkalkal ng kung ano sa bag niya. Pambihira! Pati ba naman bangs ko naidamay pa niya.
"Ewan ko sayo" Sabi ko na lamang at tinalikuran ulit siya. I sighed heavily. Naiinis pa rin ako sa mga nakaharap ko ngayong first day ko dito. Pero ano pa bang magagawa ko kung classmates ko sila? I don't want to be looked like a spoiled brat for changing my section just because of their presence. Ang nonsense masyado. Nakakasira ng image at kagandahan ko.
Siguro nga mas okay kung wag ko na lang silang intindihin. Ipa-priority ko na lang ang studies ko since graduating ako. Add my gorgeously self too.
"Tama. Wag mo na lang silang intindihin.." Biglang sabi pa ni Bry na akala mo'y sumasang-ayon sa iniisip ko. Yung totoo? Mind reader ba 'tong goofy na 'to? Lakas ng radar eh.
"Goodmorning everyone" Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang sa room namin. I think siya na yung adviser namin but she's too young to be a teacher. Tingin ko nasa early 20's palang siya.
"I'm Esme Jane Villanueva, 45 years old, your adviser. That means I'm gonna be your second Mom for the whole school year. Just call me, Mrs. Esme" Agad nagsalubong ang mga kilay namin except sa mga boys na tuwang-tuwa. Seriously? 45 years old? She looks so young for that age! Akala ko nga nasa early 20's lang siya. How's that possible?
"Hehehe. Ang ganda naman niya este ng school year na 'to. Di ba best?" Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. See? Kahit si Bry mukha na namang timang.
Hindi ko na siya pinansin at kinuha na lang ang notepad sa bag ko. Nagsimula nang mag-discuss si Mrs. Esme about her grading system at kung ano-ano pa. Kahit wala siyang inuutos, nagpanggap akong nagte-take ng notes. Kahit mahirap nagpanggap akong nakikinig sa kanya. I glanced repeatedly between her and my notebook para akalain niyang tungkol talaga sa sinasabi niya ang sinusulat ko.
"Enchanted" Bigla akong may narinig na nagsalita malapit sa'kin. Tumingin ako kay Bry at nakitang natutulog siya. What the? Ang bilis naman nito makatulog. So that means hindi siya yung nagsalita. Wala sa loob na napalingon ako sa likod at muntik pa akong mapasigaw sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.
Yung boy bestfriend ni best, bakit andito 'to? Hindi ko naman napansin na lumipat siya at sa likod namin pumwesto. At dahil malapit lang siya sa'kin, ngayon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya. Wala itong kaemo-emosyon habang tinititigan ang drawing na ginawa ko. He has those innocent circular eyes that you'll get mesmerized every time you stared at it; a big pointed nose and a pale skin that suits him. To sum it all he's a handsome, cool guy but I'm pretty sure na asshole siya so wala akong pake sa kagwapuhan niya.
"You know staring is rude, right?" Natauhan ako sa pagtitig sa kanya at inirapan siya.
"Bakit ka ba kasi nakapwesto ng ganyan? Tss" Hindi niya pinansin ang pagtataray ko't biglang ngumuso. What the!
"Ano 'yan?" Ngumuso ulit siya kaya napangiwi na lang ako. Okay. Tinuturo niya lang pala yung drawing ko gamit labi niya. OhG!
"It's an art" Sabi ko na lamang at tiningnan rin ang drawing ko. Isang lugar na sobrang ganda at mukhang paraiso. Hindi na siya nagsalita pa at umayos na ng upo kaya napatingin na lang ulit ako sa teacher namin.
Napataas ang kilay ko nang mapansing wala na ito sa harap. Ganoon na ba ko ka-distract at hindi ko na naman namalayan na may umalis? Sinagot ko lang naman yung epal sa likod ko ah?
Nakita kong may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan ang iba sa amin at ang iba ay lumabas na. Maybe she gave us free time dahil first day of class naman ngayon. And if that's the case, then it would be great. Inayos ko ang gamit ko then tumayo ako para lumabas.
"Oh, best? Sa'n ka pupunta?" Tumayo si Bry habang nagpupungas ng mata. Ang lakas naman talaga ng pakiramdam nito, tumayo lang ako nagising na agad?
"Somewhere enchanted" Sagot naman ng boy bestfriend niya. Ako tinanong, siya sumagot? Hindi ba siya aware na mukha siyang papansin? Inirapan ko na lang siya saka binalingan ng tingin si Bry.
"I'll just grab some fresh air" Naglakad na ako palabas ng hindi sila nililingon nang biglang tumawag na naman si Bry.
"Hoy best!" Huminto ako pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "Pwede sama? Hehehe"
"Go if you want!" Sigaw ko saka ko sila tinalikuran.
--
Dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin and at the same time makita ng kahit kaunti ang view ng campus, nag-decide akong pumunta na lang sa rooftop ng building namin. Humiwalay sa'kin sila Bry dahil bibili raw sila ng foodtrip. Mag-isa tuloy akong naglalakad ngayon. But when I reached the last stair, nakarinig ako ng nag-uusap.
"Naomi, let's talk!"
Naglakad pa ako at pumwesto malapit sa may entrance ng rooftop. Natatanaw ko na kung sino sila at napataas na lang ang kilay ko nang makita yung nerd girl na classmate namin. Siya yung nagulat nung nakita ako sa room kanina. May kasama siyang lalaki na hindi ko kilala. Pero parang pamilyar ang mukha niya sa'kin. Maybe I saw him somewhere? Convenience store?
"Alright, Nico. What is it?" The nerd girl asked him habang nakatitig sa mga mata niya at hinihintay siyang sumagot. Hinawakan ng guy yung braso nung nerd, then after some minutes, nakita kong bumaba ang kamay niya at pinagsaklop ang mga kamay nila. Hawak-hawak lang niya ito hanggang sa makarating sila sa dulo ng railings. I think his name is Nico.
"Tell me, ano ba talagang nasa isip mo? Bakit ka nag-transfer dito? Bakit nagbago ka?" Sunod-sunod niyang tanong sa nerd girl at napabuntong hininga siya. "Ano, Naomi?"
"Nico, I'm better being like this. I'm a nerd. Geek. I should do this. Kahit pa manliit ako dahil sa takot at pangamba" She answered with a bored tone. I think she don't want to explain anything right now. Pero na-curious ako masyado sa logic niyang 'yon. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Pero hindi ka naman ganyan dati eh! Palaban ka at hindi mo hinahayaang mangyari yung mga ganito noon. Nasaan na yung Naomi na 'yon huh?!" Pasigaw na tanong ni Nico kay Naomi. Naiintindihan ko naman si Nico kasi nakakapagtaka naman talaga na ganoon ang nasa isip niya.
"I've already left that Naomi behind in Japan. Wala na yung Naomi na hinahanap mo, Nico. Baka hindi na siya bumalik" Malumanay na sagot ni Naomi habang nakapikit at nakahawak sa railings ng rooftop.
"That's bullshit, Naomi! Kilala kita eversince we were kids. Ikaw si Naomi Chan, okay?! If you can't remember it, ipapaalala ko sayo lahat! Isa kang business-minded na tao, you even established a coffee shop at a very young age! Palaban ka at justice lagi yung priority mo. Half-Korean, Half-Filipino ka pero daig mo pa maton na lalaki sa pakikipag-away! Napatira pa nga tayo sa Japan kasi pinarusahan tayo ng parents natin dahil sa katigasan ng ulo eh. At hanggang ngayong 17 ka na at 20 na ako, magkasama pa rin tayo. Sa tingin mo ba, madali kong matatanggap na nagbago ka agad-agad?" Napakunot ang noo ko. I don't have any idea about Nico's sudden outburst, for sure she's very special to him and in other way, wala naman kasi akong alam.
"Tell me Naomi, gano'n ba talaga kasakit ang pag-iwan sayo ni Christian--"
"Don't you dare to say his frick f*****g name, Nico!" Inis nitong ibinagsak ang salamin niya dahilan para mabasag at masira ito. Para siyang naging ibang tao ngayong wala siyang suot na makapal na eye glasses. But seriously? Nagmura siya? Tss. Isa rin pala siya katulad ko na mapagpanggap. "And yes! Gano'n talaga kasakit yung pag-iwan niya sa'kin! To the point na hindi ko na alam kung magiging okay pa ako! Ano? Okay na ba 'yon, Nico?! Please lang, sana ito na ang last time na pag-uusapan natin 'to! I'm doing this for myself because I want to forget everything! I wanted to be just like this dahil ayoko nang maalala kung ano ako noon! So please! Please stop and just be there for me. That's all I want from you!" Tuloy-tuloy na sabi nito saka yumuko at nagsimulang umiyak.
Hindi ko alam kung bakit, pero biglang tumulo yung luha ko. Bakit ako umiiyak? Ano'ng nangyayari sa'kin?
"Hoy best! Sorry natagalan ako. Heto na yung snacks oh!" Agad akong napalingon kay Bry na naglalakad palapit sa'kin. May bitbit na nga siyang pagkain pero bakit hindi niya kasama yung lalaking pa-cool?
"Let's go. Hanap na lang tayo ng ibang place.." Bago pa kami mapansin nung dalawa sa rooftop, hinila ko na si Bry pababa ng hagdan.
"Huh? Akala ko dito gusto mo? Teka, umiyak ka ba?" Lumapit si Bry sa'kin at pilit akong pinaharap sa kanya pero hinawi ko lang yung kamay niya.
"Of course not. Tara na" Hindi na naman siya nagsalita pa at sumunod na lang sa'kin. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang makarating kami sa field at umupo sa isang bench.
Seriously, bakit ba talaga ako umiyak? Dahil ba alam ko rin yung pakiramdam ng maiwan? Inis kong ipinilig ang ulo ko.
It just my first day here, but here I am, nagpapa-apekto sa paligid ko. Hindi pwede ito. Hindi pwedeng masira yung image na binuo ko para pagtakpan yung kahinaan ko.