Second day of school na ngayon at nandito ako sa classroom, nakaupo sa pwesto ko katulad kahapon.
Nakapangalumbaba lang ako habang pinapanuod ang mga classmates kong may sari-sariling mundo. Seriously, pipikit na ang mata ko sa sobrang antok. Hindi na naman kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip. Ang shunga ko pala tingnan kahapon dahil nakinig ako do'n sa pag-uusap nung dalawang malabo ang utak. Hindi ko naman dapat ginagawa iyon. It doesn't fit me.
"Elle, you want to come with us? Pupunta kami ng cafeteria" Aya ni Felochie sa'kin. Medyo okay na yung pakikitungo niya pero hindi ko pa rin feel makisalamuha sa kanya. I don't know, I just don't like her.
Napatingin ako sa dalawang katabi niya, sina Juwon at Gerald. Dito sa klase, silang tatlo yung laging magkakasama. Pero pag nakikita ko sila sa cafeteria may iba pa silang circle of friends, mga taga-kabilang sections siguro. Pilit akong ngumiti bago sumagot.
"No thanks. I don't want to" Hindi na nila ako kinulit pa at umalis na sila. Akala talaga ng Felochie na 'yon, kinatangkad niya yung pagiging plastic. Hay nako.
Sumandal ako sa nasa tabi kong pader at sinilip ang phone ko para tingnan kung anong oras na. OhG! It's been 25 minutes mula nang lumabas si Bry. Nagpaalam kasi siyang bibili ng pagkain dahil lunch break na namin ngayon. And since tinatamad ako lumabas, hinayaan ko na siya at hindi na ako sumama. But damn! Pinaghihintay niya ako!
"Saang lupalop ba bumili ng pagkain 'yon.." Inis kong kinuha ang headphones sa bag ko at nagpatugtog. Since naka-shuffled naman ito, hindi na ako namili ng kanta. Hinayaan ko na lang mag-play kung ano man ang tutugtog dito. Wala naman kasi akong pake dahil gusto ko lang naman na may magawa ako kesa nakatunganga ako.
*Song played*
Nothing Like Us ~ Justin Bieber
Lately I've been thinkin, thinkin bout what we had
I know it was hard, it was all that we knew, yeah!
Have you been drinkin, to take all the pain away?
I wish that I could give you what you deserve
Agad napakunot ang noo ko. Wala akong pake kung ano man yung mag-play na kanta, but f*ck! Except naman dito! Sa dami ng songs na nandito sa playlist ko bakit ito pa?!
Cause nothing could ever, ever replace you
Nothing can make me feel like you do
You know there's no one, I can relate to
And know we won't find a love that's so true
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Gustong-gusto kong i-stop yung kanta pero hindi ko magawa. Natulala ako at para bang nag-play lahat sa utak ko yung mga panahon na kasama ko siya.
There's nothing like us
There's nothing like you and me
Together through the storm
There's nothing like us
There's nothing like you and me
Together
This song is very special. For me. For us. Ito yung kantang OH! F*CK! Bakit ko ba 'to ginagawa?! For pete's sake! Hindi ko dapat siya iniisip!
Inis kong ibinato sa sahig ang headphones kasama yung MP3 at ang playlist nitong nakakabwisit! Literal. Wala na akong pake kung masira man 'yon o may kumuhang iba! I can buy many of them!
"F*ckydy f*ck!" Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko kaya nagsitinginan ang mga classmates ko sa'kin. Hindi ako nakatiis at sumigaw ako. "Tatanggalin niyo 'yang tingin niyo or dudukutin ko 'yang mga mata niyo?!" Akala ko hindi sila matitinag pero nagsi-iwas din naman agad sila ng tingin dahil sa sinabi kong 'yon.
Nang hindi ko na nakayanan, binitbit ko na ang bag ko para maglakad palabas ng room. Lagot talaga sa'kin yung Bryan na 'yon! Kasalanan niya 'to! Kung hindi dahil sa kanya hindi ako mabo-bored! Kung hindi ako na-bored hindi ako magsa-soundtrip! At kung hindi ako nag-soundtrip hindi ko mapapakinggan yung kantang 'yon! THIS IS ALL HIS FAULT!
"Nasaan ba kasi yung lalaking 'yon?!" Iritang tanong ko sa sarili. Gustong-gusto kong magmadali sa paghahanap sa kanya dahil kanina pa talaga ako bwisit na bwisit. But because I'll treasure my poise the most, that's a no-no! Kung ayaw niyang magpakita then so be it!
Inis akong naglalakad sa hallway and as usual, nakukuha ko na naman ang atensiyon ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na ako papuntang locker area para kunin ang mga gamit na kailangan para sa next subject. Pero habang naglalakad, nakuha ng isang babae ang atensiyon ko. Siya yung babaeng nakita ko kahapon sa rooftop.
Imbes na sa locker area, nag-decide akong lumakad na lang palapit sa kanya. But to my suprise, ni hindi niya man lang napansin ang paglapit ko. Siguro kasi masyado siyang naka-focus sa list na naka-post sa bulletin board. Nakatitig siya rito habang nakangiti at dahil na-curious ako, sumulyap ako sa tinitingnan niya at hinanap ang pangalan niya.
"I bet nakapasa ka sa audition for Apollo's Sweden Choir" Komento ko. Hindi ko makita ang pangalan niya and actually, I don't want to check the whole list pero sure ako na 'yon ang dahilan ng pagngiti niya. Humarap siya sa'kin at tumango pero after no'n ay tumitig ulit siya sa bulletin board.
"I can't help but to smile and be giddy about it" Humarap ulit siya sa'kin saka natatawang umiling. "But no way in hell na ipapakita ko iyon sa crowded area"
"Definitely no. Nakakahiya 'yon" Pagsang-ayon ko at sabay kaming natawa.
"I'm Naomi Chan. We're classmates, right?" Nakangiti nitong sabi at pagkatapos ay inilahad ang kamay niya sa pagitan namin. I glanced at her face, mas kapansin-pansin ang ganda niya ngayong wala na siyang suot na eye glasses. And I'm honest with that. "Are you okay?"
"Yeah, I'm fine" Ngumiti ako at tinapos ang pag-check sa features ng mukha niya. I looked to her hands. Naghihintay pala siya. Hays! Heto na naman tayo sa shaking hands at first conversation.
"Ahm. If you don't mind, can you remove--"
"No" Hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko at mas pinanindigan ang pakikipagkamay sa'kin. "Just accept it. I insist"
Napataas ako ng kilay, pero in the end, tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay "Yeah, we're classmates. Just call me gorgeous, the gorgeous Elle" Sabi ko na lamang then we do the usual shake hands--that is not usual for me.
"Nice to meet you" Sabi niya pa kaya ngumiti na lang din ako. "Anyway, papunta sana ako sa ASC room ngayon so mauuna--"
"No. Don't do that"
"Huh?"
"I-I'll better go.." Hindi ko na siya hinintay magsalita pa't naiilang akong tumalikod sa kanya. Habang naglalakad palayo ay napailing ako. What was that? Bakit nagdalawang-isip akong ipakita sa kanya yung b***h side ko?
"At least I'm the one who walked out first" Bulong ko sa sarili. Muntik na siyang umalis kanina so I stopped her. It can't happen. Ako lang may karapatang mag-walk out. Ayoko ng naiiwan.
"WHAT THE! OH MY GOSH! DID YOU JUST BUMP ME?!"
Napahinto ako nang makarinig ng sigaw at lumingon sa pinanggalingan ko. Isa lang ang kilala kong may boses na nakakairita--and I'm sure sa lugar kung saan ko iniwanan si Naomi, doon ko narinig 'yon. Gaya ng inaasahan ko, agad nagkumpulan ang maraming estudyante para manood sa kanila.
"Are you dumb? I'm asking you! Did you just bump me?!" And there, nakita ko nga siya. Galit na galit na nagtatanong habang nakatayo lang sa harap niya si Naomi at nakatahimik lang. What the hell? Alam kong hindi totoo yung image na pinapakita niya dito sa school. Bakit tahimik lang siya? Hahayaan lang ba niya na ma-bully siya ng bitchesang 'yan?
"I'm asking you! Bakit hindi ka sumasagot?!" This time, kumunot na ang noo ni Naomi. Nabwisit na rin ata siya sa nakakairitang boses ng pinsan ko. Si Margarette Yu pa ba? Eh talaga namang nakakairita ang babaeng 'yan.
"Parang nabangga lang naman kita eh" Malumanay na sagot ni Naomi at kinagat ang lower lip niya. Mukha siyang kabado pero alam kong hindi 'yon totoo. What a good actress, Naomi.
"Sinasagot-sagot mo ko, Nerd?!" Natatawa akong umiling dahil nagdabog at nagsisipa pa si Marga dahil sa isinagot nito. Hindi ba siya aware na maraming nanunuod sa kanila? Para siyang bata.
Napasulyap ako kay Naomi at nakitang pinipilit niyang maging composed sa harap ni Marga. Siguro inis na inis na siya ngayon, well hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako gustong-gusto ko nang sampalin 'yang pinsan kong 'yan eh. Erase the fact na mas matanda siya sa'kin. The hell I care!
"Ang tapang mo para sagutin ako ng ganyan huh! Sino ka ba sa akala mo!"
"You asked me If I bumped you, I just answered your question"
"Nakakainis kang nerd ka! How dare you talk to me like that?!" Nakakatawa yung reaksyon ng pinsan ko. Parang gusto ko tuloy pumalakpak sa galing sumagot ni Naomi.
Hindi mawala ang ngisi ko lalo na nang mag-umpisang magwala si Marga at kung ano-ano na yung sinasabi niya. Seriously?! Para siyang gaga. Nagwawala siya habang naka-poker face lang sa harap niya si Naomi. b***h na kung b***h, pero vinideohan ko pa siya para may remembrance. Serves you right bitchesa!
Maya-maya pa, napansin kong nanggigigil na yung pinsan ko kaya mas lalo akong na-excite. Hindi para kay Marga, kundi para sa pwedeng gawin sa kanya ni Naomi. Lalo na sana akong matutuwa nang makita kong itinaas na nito ang kamay niya para manampal, pero hindi iyon natuloy nang may biglang humawak sa kamay niya.
"Hephep hooray!" Pabirong sabi pa nito at halatang nagulat din si Marga sa pagpigil nito sa kanya. Damn! Hindi natuloy yung pagsampal niya kay Naomi! Paano gaganti ang isang 'to kung hindi siya inumpisahan?!
Tiningnan ko ng masama si Bry. Nakakaasar lang! Kanina ko pa siya hinahanap tapos bigla na lang siyang susulpot sa eksena! Ang epal naman ng hayop na 'to.
"Bryan, ano ba!" Reklamo ni Marga. "Bitawan mo ko! It's not my fault! Kasalanan 'yan ng nerd na 'yan! Binunggo niya ako tapos pinikon niya ako!"
"Tumigil ka nga. Nakita ko lahat ng nangyari and I know kung gaano ka ka-b***h, okay?" Muling napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Bry. So, all this time nandito lang siya malapit sa amin? Sa sobrang inis, hindi ko na napigilan ang sarili ko't sumingit ako sa kanila.
"Wow naman. You've been here all along but you didn't even come near me? You know that I've been waiting for you, right?" Natigilan si Bry sa sinabi ko at napayuko. Mukhang nagulat din siya sa paglapit ko dahil nabitawan niya rin yung kamay ni Marga.
"Sorry napaghintay kita.." Lalo akong nadismaya sa sagot niya. Hindi naman 'yon yung point ko eh.
"You know what? Okay lang sa'kin 'yon, Bry. What I don't like is why you showed up when Marga's going to slap Naomi!" Madiin na sabi ko. Hindi sa gusto ko talagang masampal si Naomi, or mag-away silang dalawa ni Marga, pero sobra akong naiinis dahil sa ginawa ni Bry. Iba yung dating sa'kin no'n eh.
"Tama na yan.." Natigilan ako nang maramdaman kong may biglang humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita yung boy bestfriend ni Bry. Isa pa 'tong epal, eh!
"No need to stop me, dude. Pagsabihan mo 'yang bestfriend mo!" Sabi ko na lang para matapos na. Aalis na sana ako pero nakita kong nakaharang si Marga sa dadaanan ko kaya tiningnan ko ito ng masama. "At ikaw naman, stop bitching the people around you! Hindi bagay sayo!"
"Argh! I hate you all!" Sigaw ni Marga at napairap na lang ako ng mag-walk out siya. Napansin ko ring nagbubulungan yung ibang estudyanteng nanonood sa amin kaya napataas ang kilay ko't tiningnan din silang lahat ng masama.
"Hi? Okay ka lang ba, Miss?" Napalingon ulit ako kay Bry ng tanungin niya si Naomi. Tumango naman ito habang nakangiti. May kung ano silang pinag-uusapan pero hindi ko na 'yon maintindihan. Sa ngitian pa lang nila naiirita na ako, what more kung naririnig ko pa pinag-uusapan nila di ba?
Tumingin sa'kin si Bry at ngumiti, pero agad din siyang tumingin ulit kay Naomi. Shangina nito huh! Parang wala lang sa kanyang naiinis ako! Tama bang maglandian pa sila sa harap ko habang bwisit ako sa kanya? Makaalis na nga lang!
Nagsimula na akong maglakad, pero hindi pa man ako masyadong nakakalayo, may bigla na namang humawak sa braso ko.
"Sa'n ka pupunta?" Sinamaan ko ng tingin yung boy bestfriend ni Bry. Bakit sumunod pa ang isang 'to!
"The hell you care!" Tinabig ko ang kamay niya at tumalikod na ako para sana umalis na, pero nagsalita na naman siya.
"Nagseselos ka noh?" Napaharap ulit ako sa kanya dahil sa gulat.
"Hell no!"
"Sabe mo eh.." Nakangising sabi nito at kinindatan pa ako na para bang nang-aasar. Sa sobrang bwisit ko, hindi na ako nagdalawang-isip at buong pwersa kong inapakan ang paa niyang malapit sa'kin. "Aw! s**t!"
"Yan ang bagay sayo!" Inis akong tumalikod at iniwan siya kasama yung mga estudyanteng tsismosa. Narinig ko pang sumigaw siya sa inis pero hindi na ako lumingon. Bakit kasi sasabihin niyang nagseselos ako? Ang kapal naman niya!
Pasimple kong sinulyapan si Bry sa hindi kalayuan at busy pa rin siya kay Naomi. Ni hindi man lang niya ata napansing umalis na ako. OhG! Imbes na si Marga, mas gusto kong siya yung sampalin!
"Damn you, Bry!
--
Habang mag-isa, nag-decide akong umupo sa isa sa mga bench dito sa lugar kung saan hindi masyadong matao. I don't know how I'll get here, basta sobrang badtrip lang akong naglalakad kanina then napahinto ako dito. But aside from that, thankful naman akong may ganitong klaseng lugar sa school naming madaming epal. This is what I really need now.
"This is just a very great day. A very very great day!" Sarcastic kong sabi sa sarili. Napabuntong hininga ako saka napapikit. Umihip ang malakas na hangin na mas lalo kong kinatuwa. Ang sarap lang damahin ng pagdampi nito sa mukha ko habang ganito katahimik. Sobrang peaceful.
"Yeah, this is just a very great day.." Agad akong napadilat nang may biglang magsalita sa right side ko.
"What the--" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may katabi na pala kong lalaki. Multo ba siya?
"Kanina ka pa d'yan? Bakit hindi man lang kita napansing dumating?" Tanong pa nito at parang nasagot ang tanong ko dahil dito. Hindi nakikipag-usap ang multo sa pagkakaalam ko. Isa pa, hindi siya maputla or nakaputi kaya sure akong tao siya. Naka-uniform pa nga siya, eh! Tapos may piercings pa!
Napataas ang kilay ko at bwisit akong tumingin sa kanya ng masama. "Shouldn't I be the one to ask you that? What are you doing here? Who are you to sit beside me? And why are you talking to me? Close tayo?"
"Supposed to be.." Napatitig ako sa kanya sandali. Hindi siya nakatingin sa'kin pero alam kong nakangiti siya. Kung titingnan kasi ang mga singkit niyang mata, makikita mong parang nakangiti rin ito. He looks more matured than me, maybe mas matanda siya sa'kin. Pero kung mature siya, bakit ganito siya umasta? Epal niya rin kasip eh.
"What are you talking about? I don't even know you"
"You just don't know my name.." Again, nakangiti siya but this time humarap na siya sa'kin. Ang creepy niya seriously!
"That's what I'm talking about! I don't know you--"
"Best!" Napahinto ako sa kung anong sasabihin ko at napalingon kay Bry na tumatakbo palapit sa direksyon namin.
"Maiwan na kita. Nandyan na bestfriend mo.." Napaharap ulit ako sa kanya. Still, nakangiti pa rin siya na parang tuwang-tuwa siyang kausap niya ako. Hindi na ako nakasagot pa dahil tumayo na siya at naglakad palayo papunta sa way kung saan magkakasalubong sila ni Bry na tumatakbo papunta sa'kin.
Nakita kong nagkatinginan sila ni Bry pero hindi nila pinansin ang isa't isa. Dumiretso siya sa paglalakad, samantalang si Bry ay tumuloy lamang sa paglapit sa'kin.
"Kanina pa kita hinahanap. Galit ka pa rin ba? Ano'ng ginagawa mo dito at sino yung kausap mo na 'yon?" Mula sa pagtingin sa misteryosong lalaki, nalipat ang tingin ko kay Bry. "Kalandian mo ba 'yon huh? Ano'ng nangyari? Okay ka lang?" Imbes na pansinin siya ay natulala ako.
What the hell! Basta na lang ba akong iniwan ng lalaking 'yon?!
"Arghhh! Ako lang may karapatang mag-walk out!" Inis na inis na sigaw ko.