5. Closed Space

3560 Words
"Okay ka lang, Elle?" Mula sa pagkatulala ay napatingin ako kay Shamii. "I'm fine.." Mukhang hindi siya nakuntento sa sagot ko pero mas pinili niyang wag na lang akong kulitin. Napabuntong hininga ako't tinusok-tusok na lang ang pagkain ko. Dinner time na at nandito kami ngayon sa cafeteria. It's already friday, and it's been three days since nang huli kaming nagkausap ni Bry. Hanggang ngayon hindi pa rin kami okay, eh. Kahit na nagkikita kami araw-araw sa klase, never kaming nagusap at hindi rin kami nagtatabi ng upuan dahil ang lagi niyang kinukulit ay si Naomi. Lalo lang tuloy sumasama ang loob ko dahil parang okay lang sa kanya na ganito status namin. Imagine, ni hindi man lang nga siya nag-iinitiate na makipag-ayos sa'kin. Like hello? Hindi ba siya makaramdam? "Ang bilis ng araw, noh? Weekend na naman bukas" Masiglang sabi ni Zelo. "Oo nga, eh. One week na kaming magka-roommate ni Elle" Sang-ayon ni Shamii at nakangiti siyang tumingin sa'kin. Pilit na lang akong ngumiti rin. Simula nang unang dinner ko dito until now, sila ng bestfriend niya ang lagi kong kasabay. Wala na naman akong reklamo do'n dahil nasanay na rin naman ako. Ang kaso, simula kasi nang masaksihan ko yung gulo nang unang gabi ko dito, hindi na mawala sa isip ko na isa si Zelo sa mga nandoon. And because of that, medyo ilang na ako makasama or makausap siya. Hindi ko pa rin 'yon nasasabi kay Shamii kaya wala siyang alam about do'n. I'm just going with the flow and not keeping my guard down. "Kamusta pala first week mo dito?" Nakangiting tanong sa'kin ni Zelo. Bored ko siyang tiningnan bago sumagot. "Nothing's special" Saglit silang nagkatinginan dahil sa isinagot ko. Siguro obvious na ngayon na hindi naman talaga ako okay. "Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ng bestfriend mo?" Tanong naman ni Shamii. Umiling ako at napangisi. Nakwento at napakilala ko na kasi si Bry sa kanila kaya alam nilang dito rin napasok ang bestfriend ko. Hindi ko man nakwento yung part na nag-away kami, I know na narinig na lang din nila 'yon sa mga chismosang estudyante dito. "It's okay, Elle. Magkakaayos din kayo.." Tinapik-tapik ni Shamii ang balikat ko at tumango naman ako. "If I were you, hindi na ako makikipag-ayos sa kanya" Napataas ang kilay ko sa biglang pagsingit ni Zelo. "He doesn't deserve to be your friend. Bad influence siya at isa siya sa 7kings kaya delikado siyang tao" Sabi pa nito at nagpantig na nga ang tenga ko. Nakita ko pang sinaway siya ni Shamii, pero huli na dahil nabadtrip na ako sa narinig ko. "You know what? Hindi ko naman hinihingi opinyon mo. So better shut up or I'll stab your mouth with this fork!" Inis kong sabi at napalunok na lamang si Zelo. Hinawakan naman ako ni Shamii sa balikat para pakalmahin kaya napairap na lamang ako. Gaya ng sabi ng bida-bidang si Zelo, isa si Bry sa 7kings. At kasama niya rin dito yung boy bestfriend niya. Nalaman ko lang din kahapon 'yon nang makita kong nag-aabang sa labas ng classroom namin sina Drian. Kinausap ko ito at sinabi niyang hinihintay niya yung dalawa dahil may pupuntahan daw silang 7kings. Kahit hindi niya direktang sinabi na kagrupo niya ang mga ito--hindi naman ako slow para hindi ma-realize na 'yon ang ibig niyang sabihin. Aaminin ko, nagulat ako oo. Pero dahil hindi naman kami nag-uusap ni Bry, hindi na ako nagkaroon ng chance para itanong sa kanya ang bagay na iyon. Suddenly, ang awkward na sa table namin dahil wala nang nagsalita maski isa sa amin. Pero akala ko lang pala 'yon, dahil hindi lang pala kami ang tahimik kundi ang buong cafeteria. Napalingon ako sa entrance at nakita kong papasok ang 7kings. Napataas ang kilay ko. Sawang-sawa na ako sa ganitong eksena, na everytime na dadating sila ay tumatahimik ang lahat. Na akala mo bawal mag-ingay. Sino ba sila sa akala nila? Pagbabatukan ko pa sila, eh. Sinundan ko sila ng masamang tingin hanggang sa makaupo sila sa table na palagi nilang pinupwestuhan. And speaking of that damn alien, tiningnan niya ako at nginitian ng nakakaloko na parang okay kami. Tiningnan din ako ng boy best friend niyang nasa tabi niya, pero unlike kay Bry, nakatingin ito ng masama sa'kin. Sarap nilang pag-untugin sa totoo lang. "Cr lang ako.." Paalam ko kay Shamii at tumango naman siya. As for Zelo, inirapan ko lang ito. Tumayo ako at lumabas ng cafeteria. Hindi naman talaga ako mag-ccr eh. Gusto ko lang umalis sa lugar kung nasaan yung 7kings. Pakiramdam ko kasi any moment, manunugod na ako sa table nila. Sobra na'kong naiinis kay Bry sa pag-arte niyang parang okay lang kami. Geez. Naglakad-lakad ako around the campus since hindi ko pa ito nalilibot. Napailing na lang ako sa sarili ko. Ang lakas ng loob kong maglibot ng ganitong madilim na, parang hindi pa ako nadala sa nangyari sa'kin nang unang gabi ko dito. Pero since may mga estudyante pa rin naman akong nakikita na gumagala, nagpatuloy na lang ako sa paglilibot. Habang naglalakad ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Napahinto ako sandali saka hinawakan ang sintido ko. Bakit ganito? Parang may naririnig akong kung ano? Parang may bumubulong. Hindi ko maintindihan. "T-Tulong..." Nanlaki ang mga mata ko nang maging malinaw sa pandinig ko ang naririnig ko. What the f*ck? Kahit nag-aalangan, sinundan ko pa rin yung boses. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa likod ng isang building. Nang una, inisip ko pa kung ano ito at bakit familiar, pero naalala ko rin kalaunan na science building ito dahil naturo na sa'kin ni Shamii na madalas siya dito para sa chemistry subject nila. Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad pero nawala na yung boses na narinig ko. Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi ko na alam kung saan ako pupunta. "That's weird.." Tatalikod na sana ako para umalis nang may narinig na naman akong isang kaluskos. Kahit ilang beses ipagsigawan ng utak ko na wag akong lumapit doon ay hindi ko pa rin magawang sumunod dahil parang may sariling buhay ang mga paa ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at pinilit kong makaaninag. Sobrang dilim kasi at walang kahit anong ilaw dito kaya hirap akong makakita. "Storage room ba 'to?" Napakunot ang noo ko ng mapansin ang isang maliit na closed space. Mukha siyang storage area kung titingnan pero ng lapitan ko ito para buksan ang pinto, natigilan ako dahil napansin kong parang may liwanag sa lupa kung saan ako nakatayo. Hindi ko na mahawakan yung door knob na nasa tapat ko dahil natulala na ako sa mga paa ko. What the hell is this? Ano kayang meron at may liwanag dito? Kahit kinikilabutan na ako sa liwanag na nakikita, lumuhod ako at tiningnan mabuti ang lupang kinatatayuan ko. Napansin ko malapit dito ang isang parang hawakan na natatakpan ng mga damo. Hahawakan ko na sana ito nang may biglang bumato sa kamay ko. "s**t!" Inis kong nilingon kung sino ang gumawa no'n. At lalo lang akong nabwisit nang makita ang boy bestfriend ni Bry. Nakakainis na talaga ang lalaking 'to, konting-konti na lang masasapak ko na siya! "The f*ck! What's wrong with you?! Ba't mo ginawa yun?! Napaka--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan at hinatak palayo sa lugar na 'yon. "Ano ba?! Bitawan mo nga ko!" "Itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong buhatin pa kita" Sabi niya habang patuloy niya akong kinakaladkad. Pumasok kami sa main building at dinala niya ako sa infirmary. Wala ring nurse dito sa loob kaya kami lang dalawa ang nandito. "Hey epal!" Inirapan niya ako bago tingnan ang kamay ko. "May pangalan ako--Timothy. So stop calling me like that" This time, ako naman ang napairap. The hell I care! "Eh sa epal ka, e! That's better for you!" Agad niya kong tiningnan nang masama dahil sa sinabi ko, pero hindi ako nagpatinag dahil ganoon din ang ginawa ko. Napabuntong hininga na lang siya at binitawan ang kamay ko. Grabe rin ang lalaking 'to makahawak! Parang nagmarka pa ata yung kamay niya sa balat ko! "Bakit ka ba kasi nandoon?" Inis niyang tanong at itinulak ako para maupo sa kama. Imbes na sumagot ay umirap na lang ulit ako. OhG! Ano bang pake niya? Tumalikod siya sa'kin at naghanap ng kung ano. Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya, lalo na ang about kay Bry dahil siya ang madalas na kasama nito. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi naman kami close at isa pa, bwisit din ako sa kanya. Tatayo na sana ako para umalis pero lumingon ulit siya sa'kin habang nakataas ang kilay. "What? Can't I go out?" Sarcastic na tanong ko. "Wag kang shunga. May sugat ka" Dahil sa sinabi niya binato ko siya agad ng unan na nahawakan ko--pero nailagan niya ito at nagawa pa niyang tumingin sakin ng masama. "Shunga mo naman bumato" Bwisit ah! Kakagigil na! "You're the one who's shunga here! Who did this ba? Ikaw hindi ba? Bakit mo ba ako binato?! You're so epal--" "Naririndi ako sayo, stop talking" Inirapan niya ako saka siya naglakad palapit sakin. Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang hinawakan niya ang kamay ko kung saan niya ako binato. Nagsalubong nalang yung kilay ko ng pahiran niya iyon ng bulak na may alcohol. "Ouch! Ano ba!" Bahagya kong binawi ang kamay ko pero kinuha niya ulit ito at hinipan. Ano bang ginagawa niya? Binato-bato niya ako tapos ngayon gagamutin niya ko? May saltik ata to eh. "Tiisin mo" Mahinahon na sabi niya habang patuloy na ginagamot ang sugat ko. Napalunok ako nang mapatingin ako sa kanya. Heto na naman ako, napapatitig sa mukha niya. Kahit isa siyang malaking epal, hindi ko maitatangging gwapo talaga siya. "Alam kong gwapo ako, pero pwede wag mo na akong titigan?" Napaiwas agad ako ng tingin nang sabihin niya iyon. Nakakahiya! This is the second time na nahuli niya akong nakatitig sa kanya! "You really thought so.." "May sinasabi ka ba?" Napanguso ako't tumigil sa pagbulong. "I said, yes! Tinitigan kita! But don't assume kasi masamang titig 'yon!" Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. Napairap na lamang ako at umiwas ulit ng tingin sa kanya. "Tss! You know, ang galing mong pumuna. Do you think that you're not doing that? You're the one who can't take your eyes off me! From room and even sa cafeteria? Seriously? Gandang-ganda ka sakin noh?" "Gaya ng sabi mo, yes, tinitigan kita. Pero wag ka ring assuming kasi masamang titig din 'yon" Natatawa niyang sagot at tumingin pa sa'kin bago ngumisi. "In fact, iniisip ko kasi kung paano ako makakaganti sayo sa pagpapahiya mo sa'kin nung isang araw" Bigla kong naalala yung huli naming pag-uusap at natawa na lang din ako. "For goodness! Hindi ka maka-move on?" "Yes, I can't" "So, why did you bring me here and treating my wound?" Natigilan siya sandali dahil sa tanong ko pero kalaunan ay tiningnan niya ako nang diretso. Tinitigan niya kong mabuti at napakunot naman ang noo ko. Ano'ng tinitingin-tingin niya? "Oh? Bakit hindi ka makasagot?" "You know what? Ang panget mo" Agad akong napanganga dahil sa sinabi niya. "The hell! Are you blind?" Imbes na sumagot ay tinawanan niya lang ako. Tawa siya nang tawa na akala mo joke yung sinabi ko. Nakakapikon yung banat niya. Seryoso ba siya? Kakainis! Siya lang nagsabi sa'kin na panget ako. Imbes na patulan siya ay napanguso na lang ako habang pinapanuod siyang gamutin ang sugat ko. Bigla itong tumigil sa pagtawa kaya napatingin ulit ako rito. Nakita kong seryoso na siyang nakatitig sa'kin kaya lalo akong napanguso. "What? You're not done talking about how ugly I am?" "Don't do that" Napakunot ang noo ko. Ano daw? Don't do what? "What are you talking--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang pagkabigla ko ay wala akong nagawa kundi titigan ang mukha niyang sobrang lapit sa'kin. Gusto kong umatras pero hindi ko magawa dahil nakaupo ako sa dulo ng kama habang siya naman ay nakatayo sa harap ko. Ano bang ginagawa niya?! Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Isang maling galaw lang, magdidikit na yung mga labi--The f*ck! Bakit ba ako nag-iisip ng ganito?! "Umayos ka nga!" Pagkasigaw ko no'n ay umayos na siya ng tayo at inilayo niya na yung mukha niya sa'kin. Gusto ko pa sanang magsisigaw sa harap niya pero napansin kong hindi siya makatingin sa'kin ng diretso kaya napatahimik na lang ako. Ano bang nangyayari sa kanya? "S-Sorry. May naalala lang kasi ako" Dali-dali niyang nilagyan ng band aid ang sugat ko at walang sabing lumabas na. Aba matindi! Ni hindi man lang ako pinagsalita, basta-basta na lang akong iniwang mag-isa dito sa infirmary. "Crazy.." Napailing na lang ako at tumayo para umalis na rin doon. -- "Oh Elle, gising ka na pala. Ano'ng oras ka na umuwi? Nagulat na lang ako sayo nandiyan ka na sa kama mo't natutulog" Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata ko. Tumingin ako kay Shamii saka nag-unat ng kamay. "Mga quarter to 10 pm na siguro.." "Bakit hindi ka na bumalik sa cafeteria kagabi? Nag-alala kami ni Zelo sayo" Bigla akong nakonsensiya dahil mukha talagang nag-alala siya, pero napairap ako sa sinabi niyang pati si Zelo ay ganoon din. "I just don't. Naglibot kasi ako sa campus. Wait, you're leaving?" Tanong ko nang mapansin kong nag-aayos siya ng damit. Nakatayo kasi siya habang nilalatag ang mga dress sa kama na parang namimili siya kung ano ang isusuot sa mga ito. "Yes. It's Saturday right? May pupuntahan lang kami ni Zelo. Nag-aya eh, isasama sana kita kaso sabi niya kami na lang daw. Natakot ata siya sayo kagabi" Natatawang sabi ni Shamii. Wala naman akong pake kung kasama ako o hindi, ang concern ko lang ay kung bakit gusto ni Zelo na silang dalawa lang. Gusto kong isipin na date ang lakad nila, pero iba ang naiisip ko. Pinanuod ko na lamang siya sa ginagawa niya. Paano ko ba sisimulan ang pagtatanong sa kanya? Siguro naman tama lang na malaman niya yung about sa nakita ko nang unang gabi ko dito, right? "Sha?" Tawag ko. Napatingin siya sa'kin at naghintay sa sasabihin ko. "Can I ask kung gaano mo na katagal kaibigan si Zelo?" Nakita kong nagtaka yung mukha niya pero ngumiti rin naman siya. "Matagal na. Elementary pa lang magkakilala na kami. Pero last year lang siya lumipat dito. Since that, naging madalas na kaming magkasama" Sabi niya at tumango-tango ako. "Bakit? Type mo si Zelo?" Nakangising tanong nito at napangiwi naman ako. "Hell no!" "Hahaha! Joke lang. Bakit mo ba natanong?" Tiningnan kong mabuti si Shamii bago sumagot. "I'm just curious. Sinabi mo kasi before na si Nathalia lang ang kaibigan mo, then all of a sudden, may boy bestfriend ka pala" Lumapit siya sa'kin nang nakangiti at umupo sa tabi ko. "That's another story" Inalis niya sa'kin ang tingin niya pero nakangiti pa rin siya na para bang may inaalala. "Sobrang down ako that time na nawala si Nathalia. One year na ang nakalipas no'n, pero hindi pa rin ako okay. Then ayun, dumating si Zelo. We know each other because we're schoolmates in elementary, but, we're not close enough. Pero nang lumipat siya dito last year, siya yung naging sandalan ko. Naging close kami and he's always there for me, until maging okay ulit ako. That's why we became best of friends" Tumingin ulit siya sa'kin at kitang-kita kong masaya siya na naging kaibigan niya si Zelo. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala akong tiwala sa lalaking 'yon. "Ah, that's why.." Tipid na sagot ko na lang at tumayo ako para sana iwasan na siya. Ang awkward ng pakiramdam ko, eh. Papasok na sana ako ng cr nang bigla siyang magsalita kaya napahinto ako. "There's one thing that I want to ask too, Elle.." Napaharap ulit ako sa kanya. "Ano'ng nangyari nang unang gabi mo dito? I know you cried that night" Dagdag pa niya kaya bahagya akong nagulat. "W-What? How?" "Hinintay kita nang gabing 'yon at nakita kitang tumatakbo nung nasa balkonahe ako. Nagkunwari lang akong tulog nung alam kong aakyat at papasok ka na dito sa kwarto" Sabi pa niya at napaiwas agad ako ng tingin. "That was nothing.." Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso at pinigilan. "I know you're lying. Alam ko nababahala ka sa mga sinabi ko sayo that day, but please, sana sabihin mo sa'kin kung may nakikita kang kakaiba sa pags-stay mo dito. I know hindi tama na hilingin ko 'to, pero gusto kong maging aware sa nangyayari sayo. Ayokong maulit yung nangyari kay Nathalia, na hinayaan ko siyang wag sabihin sa'kin ang lahat--hanggang sa nawala na lang siya" Mabilis na sabi niya habang seryosong nakatingin sa'kin. Masyado siyang na-trauma sa nangyari noon at ayaw niyang mangyari sa'kin 'yon ngayon. And I really appreciate that. I sighed and then hold her hands. "I understand. Honestly, gusto ko talagang itanong sayo 'to. Seryoso ka ba sa sinabi mong hindi normal sa school na 'to?" Tinitigan niya kong mabuti at tumango siya. "I don't know how to explain this, pero simula nang nawala si Nathalia, doon lang ako naging mulat sa paligid ko. There's one time sa science building, hindi ko maintindihan pero parang may nakita akong babaeng dinala doon. Wala siyang malay at putlang-putla siya. I don't know what happened, basta ang alam ko estudyante yung babae dito. Then after some days, natagpuan yung bangkay niya dito sa campus. Pero ang nakakapagtaka, everyone said it's because of a car accident" Kunot na kunot ang noo ko habang pina-process sa utak ko yung mga narinig ko. "In the same building that you said, I heard something there last night. Narinig kong parang may nanghihingi ng tulong" Agad nanlaki ang mata ni Shamii dahil sa sinabi ko. "Sinundan ko 'yon pero bigla na lang nawala yung boses" "Possible kayang may koneksyon iyon sa nakita ko noon?" Natahimik kami pareho na tila ba nag-iisip. "But wait, hindi mo pa sinasabi sa'kin kung ano'ng nangyari sayo nung Sunday" Napakagat ako ng labi bago sumagot. "About that night, may nakita akong gulo--" "Sorry to cut you off, pero normal na nangyayari 'yan dito sa campus. Isa rin 'yan sa hindi ko ma-gets kung bakit hindi ginagawan ng aksyon ng school" So tama pala yung hinala ko na sadyang hinahayaan lang yung ganoong pangyayari dito? "So that's why there's no news or some announcement about that night. Samantalang sobrang gulo at ingay nila that time. Imposibleng walang makarinig sa kanila. I saw the 7kings that night at may kaaway sila. Halos duguan silang lahat.." "What? 7kings? Sigurado ka?" "I'm pretty sure. Nakita ko pa sila Drian pero hindi nila ako nakita. Ang nakakita sa'kin yung kaaway nila--" "Oh my God! What happened?! Sinaktan ka ba nila? Ano'ng ginawa nila sayo?" Umiling ako at pinakalma si Shamii. "No. You see, okay naman ako. I almost got stabbed that night--" Nanlaki ulit ang mata ni Shamii pero bago pa siya mag-react ay inunahan ko na siya. "--Don't worry, someone saved me" "Thank God! Nakilala mo ba kung sino?" Tanong niya at umiling ako. "Wag na wag ka nang magpapaabot ulit ng curfew sa labas, okay? Suicide na 'yon kung hahayaan mong mangyari pa ulit yun sayo" Sermon pa niya sa'kin at napatango na lamang ako dahil may iba akong iniisip. Sasabihin ko na ba sa kanya na nakita ko rin si Zelo nang gabing 'yon? "May problema ba?" Napansin niya ata ang pagkatahimik ko kaya siya napatanong. Mabuti pa siguro sabihin ko na lang. "That night, hindi lang ang 7kings yung nakita ko. Nakita ko rin si--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa balkonahe. Sabay kaming napatingin doon ni Shamii bago ko siya sinenyasan na tumahimik. Pinigilan niya akong lumapit dito pero hindi ako nagpatinag at dahan-dahan akong naglakad papunta sa balkonahe para sumilip. "What the hell?!" Agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaupo si Bry sa isang sanga ng puno na katapat lamang ng balkonahe namin. "Ano'ng ginagawa mo?!" Narinig kong sumunod sa'kin si Shamii para sumilip rin. "Oh! Si Bryan lang pala. Akala ko kung sino na.." "Hi, Shamii!" Ang gago. Talagang nag-hi pa! "Bry! I'm asking you what are you doing there?!" Inis na ulit ko. "Wait! Best! Wag ka munang magalit, hindi ako namboboso! Nandito ako para suyuin ka" Imbes na pansinin yung sinabi niya ay napairap ako. Para siyang tanga! "You can make your way here through the door!" "Hindi ako pwedeng pumasok ng girl's dorm kaya dito sana ako dadaan. Hindi ko na kaya best, magbati na tayo please!" Nakangusong sabi nito at nag-please sign pa sa harap ko. Baliw na talaga ang isang 'to! Nakukuha pa niyang gumanyan sa lagay niyang 'yan! "Just get down first! Baka mahulog ka pa!" "Hindi ah! Makakaakyat na nga sana ako kung hindi mo ko napansin, eh. Hehehe!" Tawa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bry! Isa! Get down now!" I warned him again. "Bati na tayo pagbaba ko?" Ngumisi siya sa'kin nang nakakaloko pero bago pa ako makasagot nabigla na ako sa sunod na nangyari. "Bry!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD