6. Fearful Splash

3204 Words
"Elle, sorry na" Tiningnan ko nang masama si Bry. "Best naman..." "If you don't stop, I'll gonna punch you in your face I swear" "Sorry na kasi. Susuyuin lang naman talaga kita kaya ako umakyat do'n" Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. "Aray! Muntik na nga akong malaglag pinapalo mo pa ako!" "You're always saying that as if it's my fault!" "Hindi naman sa gano'n" "Are you not thinking huh? Ang taas-taas no'n Bry! It's the same as high as my room na nasa second floor! Paano kung nahulog ka kanina do'n?!" Inis na tanong ko. Imbes na sumagot ay napayuko na lamang siya. Nakakainis talaga! Grabe yung kaba ko kanina. Mabuti na lang at hindi siya tuluyang nahulog dahil nakahawak pa siya sa isang sanga. Tiningnan ko ang kamay ni Bry na ngayon ay nakabenda na. Nandito kami ngayon sa infirmary dahil kakatapos lang gamutin ng sugat niya. Nagasgasan kasi ito ng malaki dahil sa biglang paghawak niya nang muntik na siyang mahulog. C'mon! Paano na lang kung hindi siya nakahawak? Edi mas malala pa d'yan yung nangyari? Nas-stress na talaga yung bangs ko sa lalaking 'to sobra! "What? Hindi ka makapagsalita d'yan?" Nakanguso siyang tumingin sa'kin at itinaas bigla yung kamay niya na para bang nangangako. "Sorry best. Hindi na mauulit. Next time, magdadala na ako ng hagdan promise!" Napatampal ako sa noo ko. Jusko po! "Bry, sinasabi ko sayo--" "Joke lang peace!" Biglang bawi niya at hindi na ako pinatapos sa sermon ko. Ngumiti pa siya ng signatured boxy smile niya kaya hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at natawa ako. "You're so unfair! Dapat galit ako sayo, eh! Don't do that, natatawa ako!" Hirit ko, pero hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lamang siya sa pagme-make face sa harap ko. "Stop that, Bry" "~Bing bong bing! Bing bong bing! Bing bong bingli bangli bong~" "Isa pa Bry!" "~Peppapig *oinkoink* Peppapig *oinkoink*~" "I said stop!" Agad siyang tumigil pagkasigaw ko. "Sabi mo isa pa?" Tiningnan ko siya nang ubod ng sama. "Pinapatawa lang naman kita. Ayoko kasing galit ka sa'kin" Nakanguso nitong sabi. Damn! He's so cute! "Ayaw mo kong magalit but you're always do things that actually pisses me off? OhG!" Napabuntong hininga siya kaya napairap na lang ako. "Natiis mo nga akong hindi kausapin ng three days, eh! Take note, classmates pa tayo pero never kang nag-initiate makipag-usap sa'kin. Palibhasa busy ka lagi kay Naomi" "May rason naman kasi ako kung bakit ko nagawa 'yon" Napakunot agad ang noo ko sa sinabi ni Bry. "Then tell me, ano'ng dahilan ng pambabalewala mo?" Diretso ko siyang tiningnan at natigilan ako nang makita ko ang titig niya sa'kin na never ko pang nakita. "Code.." Seryoso nitong sabi. "Code?" "Alam mo 'yon? Code 1, 2, 3 and so on and so fourth?" Sagot nito at lalo lang kumunot ang noo ko dahil wala akong maintindihan. Magrereklamo pa sana ako pero agad niya itong pinutol. "Don't ask, Elle. Basta sorry kung nasaktan ka sa ginawa kong 'yon. Hindi na mauulit. Hindi ko rin kaya, eh" Suddenly, naging awkward ang pakiramdam ko sa pagitan namin. Bakit ganito? Feeling ko may laman yung mga sinasabi niya? "Elle?" Napalingon ako kay Shamii na kakapasok lang ng pinto. "Dumating na si Zelo, eh. Mauuna na ko huh?" Nakangiti niyang sabi at tumango naman ako. Kasama ko kasi siya sa pagdala kay Bry dito sa infirmary, mabuti na lang at medyo na-late din si Zelo kaya hindi namin sila naabala. "Ikaw Bry, pagaling ka. Maiwan ko na kayo" "Ma'am yes ma'am!" Sabi ni Bry at sumaludo pa na parang sundalo. Baliw talaga. Umalis na si Shamii at kami na lang dalawa ni Bry ang natira dito sa loob. Natahimik ako dahil iniisip ko pa rin yung sinabi niya. Ano'ng code ba 'yon? "Best.." Tawag nito sa'kin kaya napalingon ako sa kanya. "Please let me make it up to you" Imbes na sumagot ay tinaasan ko lamang siya ng kilay. Nagkatitigan kami bago siya muling nagsalita. "Babawi ako sayo promise!" "Fine. What's that?" "Yieeee! Hindi niya rin ako matiis--Aray!" Hinampas ko nga ulit! Bwisit kasi! "Nanggagago ka talaga!" "At kailan ka pa natutong magmura aber?" "Just say what you want!" Inirapan muna ako nito bago magsalita. Seriously?! "Let's have a dinner tonight. My treat!" Ngumiti ito nang nakakaloko. Syempre inirapan ko rin siya. Para fair! "You know what? You look like a freak!" Pagkasabing-pagkasabi ko no'n, automatic na nabura yung ngiti sa mukha niya at tumingin siya sa'kin ng masama. Alien talaga! "Grabe huh! Sa gwapo kong 'to?" Napairap ulit ako sa sinabi nito. "Hangin sobra!" "Nako! If I know may crush ka sa'kin. Hihihihi!" Tumataas-baba yung kilay niya habang tumatawa na parang ulol kaya napangiwi ako. Napahampas tuloy ulit ako sa kanya. Pangatlong hampas na 'to, ewan ko na lang kung hindi pa siya madala. "Defensive ka naman masyado!" Reklamo nito. "Ewan ko sayo! I hate you!" Ngumiti siya pagkarinig sa sinabi ko. "It's okay. I love you" -- .EVENING. "Erstwhile..." Basa ko sa building na nasa tapat namin. "We're here" Nakangising sabi ni Bry. Umiwas agad ako ng tingin. Ba't ba ako naiilang? Until now, naiisip ko pa rin yung banat niya kanina. Normal lang naman na magsabi ng iloveyou ang mag-best friends 'di ba? "May problema ba?" Kinulbit niya ako at umiling lamang ako. Hindi ako pwedeng mailang. Matagal ko ng tanggap sa sarili ko na best friends lang kami ni Bry. Ayokong bumalik yung feelings ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay para simulan ang pagtataray ko. "Akala ko ba dinner?" "Oo nga" "So, bakit sa coffee shop tayo pumunta? I mean I want rice--" "Best, wag ka munang magreklamo d'yan. Hindi lang 'yan basta coffee shop. Isa pa, a friend of mine owns it" Kumindat siya sa'kin at ngumiti na naman nang nakakaloko. Umalis kami ng campus at dahil weekend naman, pwede kaming pumunta kung saan namin gusto. Buti na lang nag-aya ang isang 'to, kaya naisipan ko na ring umuwi mamaya sa bahay para makausap si Mom. Inirapan ko siya at bumaba na ako ng kotse. Nagulat na lang ako nang inis siyang bumaba at lumapit sa'kin. "Best naman!" "Ano na naman ba?!" "Bakit ka lumabas? Ako dapat magbubukas ng pinto sayo, eh!" Napubaga ako ng hangin. OhG! Akala ko naman kung ano! "You know, I don't like that" "Tss. Tara na nga" Hindi na siya nakipagtalo pa at umakbay na lang sa'kin para pumasok sa loob ng shop. Sinalubong naman agad kami ng isang waiter. "Good evening Ma'am and Sir" "Good evening din" Bati ni Bry pabalik. "Table for two, Sir? Ma'am--" "Obviously. Nakita mo naman na dalawa lang kami 'di ba?" Pagsingit ko. "Best.." Pigil sa'kin ni Bry with a warning tone. Napairap na lamang ako. "He's asking the obvious thing" "Table for four persons, please" Magalang na sabi na lang ni Bry. Nagsalubong naman agad ang kilay ko dahil sa narinig. "Four?" Tanong ko pero ngumisi lang siya sa'kin imbes na sumagot. "This way po.." Sinundan namin yung waiter at pinapwesto naman niya kami sa magandang side ng coffee shop. Nice choice of him. "Here's our menu. Take your time to choose what you want, Ma'am, Sir" Pareho niya kaming inabutan ng menu at tiningnan ko naman ito. Hmm, Bry's right. Hindi nga basta coffee shop 'tong pinuntahan namin. Sino kaya yung friend of mine na tinutukoy niyang 'yon? Well, he's good. "Give me one crispy chicken salad sandwich, sweet and sour fish fillet, stir fried vegetables with tofu, then mocha frost frappuccino--and oh! Rice platter narin pala" Sabi ko sabay abot ko ng menu sa waiter. "Best naman! Ang dami no'n! May rice platter pa ah!" Natatawang reklamo ni Bry kaya inirapan ko ito. "I'm starving!" "Takaw takaw mo! Hindi ka naman nataba!" "Coming from you, huh?" "Syempre!" Ngumisi siya sa'kin bago tumingin din sa menu. "How 'bout you, Sir?" Tanong ulit ng waiter. "Pakidoble na lang lahat no'n. Then paki-serve na lang pagdating nung isa" "Right away, Sir" Pagkaalis ng waiter, sinamaan ko agad ng tingin si Bry. "What was that?" Seryosong tanong ko at nagtaka naman agad siya. "Ang alin?" "Choosing four persons table at pagdating ng isa? Seriously?" Ngumiti ito pagkarinig sa tanong ko. "May kasama pa tayo mamaya.." Napataas ang kilay ko. Hindi ko matanggap yung sinabi niya kaya just to clarify things, nagtanong ulit ako. "You mean may makakasama tayo?" "Yup!" Masayang sagot nito at napairap na ako. Okay. Tatanggapin ko na. "Just I expected. Who's that?" "Si--Oh! Nandiyan na siya" Tumayo si Bry at kumaway na parang bata. Alien talaga nito! "Here bro!" Sigaw nito habang nakatingin sa likuran ko. Napatingin din ako rito at nanlaki agad ang mga mata ko. "What the hell?" "Nice greet" Ngumisi si Timothy at umupo sa left side ko. Tiningnan ko agad nang masama si Bry. "Best naman! Why he's here?! Ang epal kaya n'yan!" Tumawa lang si Bry imbes na sumagot. "Excuse me? 'Di ba sinabi ko na sayo na wag mo kong tatawaging epal?" Napatingin ulit ako kay Tim at inirapan ito. "The hell I care! Bakit ka ba kasi nandito? Napaka--" "Maam, Sir. Ito na po yung mga order niyo" Isa-isang nilapag ng dalawang food server yung orders namin habang nasa kalagitnaan ako ng rants ko. "Who are you to ruin my sentence?!" Inis na tanong ko. Nakakaasar! Nagsasalita pa ako tapos biglang sisingit. "Sorry po Ma'am.." "Sorry your face!" "Pffft!" Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng dalawang lalaking feeling ko sinet-up ako kaya naman sinamaan ko agad ng tingin ang mga ito. "What are you laughing at Bry?!" "Nothing. Pfft!" Seriously! Tatawanan pa nila ako? "Hahahaha!" Hindi na nakatiis si Tim at nauna na siyang bumuga ng tawa. Walanghiya talaga! "So you're both making fun of me huh?" Sarcastic kong sabi bago tingnan ulit si Bry. "If you want, I'll take my leave now to make you both happier" "Sorry! Cool down best! Kingina mo kasi Kookie! Tama na nga!" Sisi ni Bry kay Tim. "Pfft! Okay, my fault" Suko ni Tim na itinaas pa ang kamay niya. I sighed heavily to calm myself. Tumigil na sila pero hindi pa rin naman natatanggal ang ngisi sa mga mukha nila. Nakakaasar! Ano ba kasing nakakatawa? Naiinis na nga ako eh. "Any additional order, Sir?" Tanong ulit ng waiter kaya inirapan ko ito. Alam kong standard lang yung ginagawa niya for work, pero nakukulitan na talaga ako sa kanya. "Dagdagan mo na lang ng two mocha frost frappe then call your beautiful boss and remind her to eat with us" Nakangiting sabi naman ni Bry at kumunot na naman ang noo ko dahil dito. What the? Beautiful boss? Ibig sabihin babae? Akala ko pa naman lalaki yung friend of mine na tinutukoy niya! "May nagseselos.." Biglang sabi ni Tim sa tabi ko. Talagang binulong niya pa mismo sa tenga ko! "You know what? I want to kill you" Bulong ko sa kanya pabalik saka ko siya tiningnan nang masama, hindi alintana kung malapit man ang mukha niya sa'kin. "I guess ayaw mo namang makulong 'di ba?" Kumindat siya sa'kin bago ngumisi at umayos ng upo. With that, hindi na ako nakasagot. For pete's sake! Bakit ba ako apektado sa bwisit na mukha niya? I know he's handsome, pero bakit kailangang bumilis yung kabog ng dibdib ko? Kay Bry lang ako ganito eh! Bakit umeepal pa ang lalaking 'to?! -- Naomi's POV I was checking my schedule this week when I got a message. Aish! Siya na naman. From: Landelien ~ Nandito na sila. Labas ka na dito ~ I replied ~ Eating dinner with you? Duh" ~ From: Landelien ~ C'mon, naiinggit na ako sa kanila. Wala akong partner ~ I replied ~ It's your fault. Not mine ~ From: Landelien ~ Akala ko ba napapayag na kita? ~ Bahagya akong natawa sa text niya. I replied ~ Whatever, Bryan. C'mon! Of course you do. I'm just kidding ~ From: Landelien ~ There's a guy who will knock at your door. After that, eat with us ~ *knock knock knock* "Come in" A staff open the door and asks me. "Ma'am, may customer po sa labas pinapatawag po kayo" "Okay then" "Sige po" Pagkasabi no'n ay lumabas na ito agad. Binasa ko ulit yung message ni Bryan. From: Landelien ~ There's a guy who will knock at your door. After that, eat with us ~ What a guy. Makapag-utos huh? Bagay lang talaga sa kanya yung name niya sa phonebook ko. Malanding alien kasi siya. Literal. I replied ~ Be right there ~ -- "Will you stop pestering me?!" Palapit pa lang ako sa table nila ay naririnig ko na ang iritang boses ni Elle--Bryan's best friend. I guess she was reffering to the guy in her left? Si Bryan kasi tawa lang nang tawa eh. Abnormal talaga. "Kasalanan ko bang naiirita ka sa kagwapuhan ko?" Sabi naman ni--Ano ulit name nito? Timothy right? Bryan's best bro. "Shut up and get a life freak!" Elle said almost shouting. She's so damn gorgeous, seriously. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto si Bryan dito. Napangiti ako kahit side view pa lang ang nakikita ko ngayon kay Elle. Every time kasi na makikita ko siya, naaalala ko yung batang babaeng minsan kong naging kaibigan. Magkamukha kasi sila. "Hey!" Nang kumaway sa'kin si Bryan, saka lang lumingon si Elle at maging si Timothy sa direksyon ko. And guess what? Tinaasan lang naman ako ng kilay ni Elle. Bakit kaya? Sa pagkakatanda ko okay naman yung huling pag-uusap namin eh. Lumapit ako sa kanila at yumuko nang bahagya. "Good evening sa inyo.." "Have a seat" Tumayo si Bryan at hinila ang upuan sa kabilang side niya para makapwesto ako. And yes, he's a gentleman. Nasanay na rin ako kahit papaano do'n kahit madalas sobrang kulit niya. Pagkaupo ko pa lang pakiramdam ko nakapalibot agad sila sa'kin. Circle type kasi yung table nila. In the end, magkaharap kami ni Elle at magkaharap naman sila Bryan at Tim. "Pfft!" Napatingin ako kay Timothy na nasa right side ko nang makita ko itong nagpipigil ng tawa. "What are you laughing at?!" Iritang tanong naman ni Elle. "Wala. Pfft!" Wala daw, eh halos hirap nga siya sa pagpipigil ng tawa niya. Ano bang meron? Biglang tumayo si Elle bitbit ang bag niya. "Excuse me, I'll go to powder room first. Baka kasi hindi na ako makapagpigil at makasaksak ako ng epal" Sabi nito habang nakatitig nang masama kay Timothy. Dahil dito, bigla na lamang tumawa nang tumawa si Tim. "Asshole!" Umirap na lamang si Elle at nag-walk out. Right after pagkaalis nito, biglang humagalpak ng tawa si Bryan at binato pa ng tissue si Tim. Kanina tahimik lang ang isang 'to, eh. If I know, takot lang siya kay Elle. "Ang highblood ni best sayo bro!" Sabi pa ni Bryan. "Nah, she's really cute pag nagagalit" Komento ni Tim at binato na naman siya ni Bryan. Pero this time, lettuce na. "Sus. Iba yun ah!" "Sshh!" Natatawang saway ni Tim bago sila nagtawanan. Mga baliw. Ano bang pumasok sa isip ko at sumali pa ako dito? Mukhang maa-out of place lang ako. "Anyway, Kookie. Si Naomi--my loves ko" Natigilan ako nang biglang umakbay sa'kin si Bryan habang nakangiti at nakatingin kay Timothy. Naiilang ko namang tinanggal ang braso nito sa balikat ko. "Tigilan mo nga ako, Bryan! Ang harot mo!" Dahil sa sinabi ko, tumawa na naman si Tim. "Pre, feelingero ka lang naman pala eh!" Nakanguso itong hinampas ni Bryan dahil sa pang-aasar. Maya-maya pa'y naghampasan na sila habang parehong umiilag kaya natawa na lamang ako. I wonder kung bakit iritable si Elle sa dalawang 'to. Eh nakakatawa naman sila panuorin kahit parang mga siraulo. Mga isip-bata jusko! "AHHHHHHH!!" Saglit akong napatigil sa pagtawa. Maging sila ay tumigil din sa paghaharutan. "What was that?" Tanong ko. Nagkatinginan kaming tatlo at pare-parehong natahimik. "Ahhhh! Help!" Nanlaki ang mga mata namin nang ma-realize na nanggagaling ang sigaw sa powder room. "Si Elle!" Nagtatakbo agad kaming tatlo palapit sa powder room. Mas naging malinaw at malakas ang sigaw ni Elle mula sa loob kaya mas lalo kaming nataranta. Naunang nakalapit si Bryan sa pinto ngunit hindi niya iyon mabuksan kaya pinaghahampas niya ito. "Putcha! Bakit hindi mabuksan 'to!" "Kuya! Susi!" Agad akong nagtawag ng isang tao at pinakuha ang dapat kunin. Sumama naman sa kanya si Timothy kaya naiwan kaming dalawa ni Bryan dito. Kitang-kita namin mula sa labas na gumagalaw ang knob ng mismong pinto kaya ang ibig sabihin ay binubuksan din ito ni Elle mula sa loob. "Elle! Buksan mo! Ano'ng nangyayari sayo?!" Sigaw ni Bryan ngunit tanging mga palahaw lamang ni Elle ang naririnig namin. Nanginginig ang mga kamay ko sa nararamdaman kong takot dahil sa naririnig kong iyon. Lumapit ako kay Bryan at nakisabay sa pagkatok at pakikipag-usap sa kaibigan niya. Napansin ko ring may tubig na umaagos sa paanan namin mula sa loob. "Elle, we're already here, okay? Calm down" Sinabi ko 'yon but deep inside, hindi ko rin mapakalma ang sarili ko. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? "Ito ang susi!" Napatingin kami kay Tim at kinuha agad ang isang chain ng mga susi. Dala ng pagkataranta ay hindi agad maipasok ni Bryan ang tamang susi sa door knob. "Ano ba, Bryan! Bilisan mo! Yung color dark gold ang susi d'yan!" Sigaw ko. "Timothy!" Napasigaw si Bryan nang biglang agawin ni Tim ang mga susi mula sa kanya. Unang try pa lang nito sa pagbubukas ay nabuksan niya na ang pinto. "What the!" Nagulat na lamang kami nang biglang rumagasa ang tubig sa amin. Agad na nasalo ni Tim ang pagbagsak ni Elle at lumapit naman agad si Bryan papunta sa kanila. Bahagya kasi kaming naitulak palayo dahil sa biglang paglabas ng tubig mula sa loob. Basang-basa kaming lahat, pati na rin ang sahig. Nagtatakang napatitig ako sa loob ng powder room. Unlike sa comfort room, mas maliit ang space nito kaya talagang mas mabilis na tataas ang maiipong tubig sa loob. Ang nakakapagtaka, bakit magkakaroon ng tubig sa loob? May tubo o gripo ba na may leakage dito? Pero kahit na may leakage, hindi pa rin makakaipon ng ganoong kadaming tubig sa kaunting minuto. At bakit takot na takot si Elle? Saan siya natatakot? "Best? Ano'ng nangyari sayo?" Napabalik ang tingin ko kay Bryan nang marinig ko ang boses niya. Kinakausap niya si Elle habang hawak ito ni Tim. Pero wala kaming makuhang sagot dahil puro iyak lamang ang ginagawa nito. "Elle, please calm down. Wag ka nang matakot. Nandito na kami" Napatingin naman ako kay Tim. In some ways, kahit madalas nakikita kong hindi sila magkasundo, totoong may care siya para kay Elle. "Tahan na.." Sabi pa ni Bryan at niyakap na lamang ang best friend niyang iyak pa rin nang iyak. Napatitig ako kay Elle. Halos lahat sa campus iniiwasan siyang makabangga dahil natatakot ang mga ito sa kanya. Pero mula sa pagiging matatag at matapang na babae, ibang-iba ang nakikita ko ngayon. Iyak pa rin siya nang iyak kahit na nakayakap na sa kanya si Bryan at nakaalalay sa kanya si Tim. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang kamay ni Elle. "Sshhh.. Don't be scared. It's alright" Alo ko habang napapaisip. Siguro nga, lahat ng tao may itinatago rin katulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD