7. Familiarity

3805 Words
Elle's POV "Are you okay now?" Tanong ni Naomi at tumango ako tapos tinawag niya yung epal. "Tim?" "Oh?" Taray nito ah! Oh talaga response? "Maiwan ko na muna kayo. Assist ko muna sila Kuya, magclo-close na rin kami ng shop" Sabi ni Naomi at naglakad na siya palayo sa amin. Napatingin ako kay Tim na nakakunot ang noo habang nakatingin sa'kin. Bakit parang sesermunan niya ako? "Ba't ba ayaw mo sabihin kung anong nangyari sayo? Manghuhula ba kami huh?" Inis akong inirapan ni Tim. See? Sabi na eh. "Shut up, epal" Sabi ko na lamang at inirapan din siya. Nasaan na ba kasi si Bry?! Bakit niya ako iniwan dito kasama si Tim?! Maiinis na sana ako pero wala pang isang minuto, nakita ko ito. "Bry!" "You should take this" Lumapit si Bry sa'min at inabot sa'kin ang isang bottled water. "Where did you go? Bakit ang tagal mo?" Tanong ko at may bigla na namang nag-comment. "Clingy much" Imbes na pansinin yung epal, sinamaan ko na lang ito ng tingin bago tingnan ulit si Bry. He just stared at me like he's asking for something but he choose to not ask instead. "Bry, okay lang ako" Sagot ko kahit wala pa siyang tinatanong. "Sure ka?" Tanong nito at tumango naman ako. "So ano? Ganyan na lang kayo?" Napalingon kami pareho kay Tim. Kitang-kita ko sa mukha niya na naiinis siya pero ano bang magagawa niya kung ayoko na ngang pag-usapan? I just want to forget that f*cking scene! And hell! Nakita pa nila ako na umiiyak! Tapos nakokonsensya pa ako kay Naomi kasi puro masamang tingin ang ginawa ko sa kanya kanina, pero dumating ito para lang tulungan ako! OhG! "Tim, she needs to rest. Mas okay na wag mo muna siyang bwisitin ngayon" Nagulat ako sa sinabi ni Bry. Well, tama naman siya. Deserve ko naman talaga ng pahinga sa kaepalan nito. "Ewan ko sayo, Bry" Umirap ulit si Tim. Aalis na sana ito pero bigla itong tumigil at humarap ulit sa'min. "Nga pala, thanks for inviting me, Bry. And Elle.." Tiningnan ako nitong mabuti. "Be careful next time" Pagkasabi no'n ay umalis na ito. Tiningnan ko kung saan siya papunta--kay Naomi. She's really busy with her people. Mukhang magsasara na sila ng shop cause I think it's almost 8 pm already. I watched Tim talking with her. Nakangiti siya habang kumakamot sa batok niya. Nagpapaalam na ata siyang uuwi na. "See? Mabait naman 'yan si Kookie, eh. Kaso parehas kasi kayo ng topak kaya walang gustong magpatalo sa inyo pag kayo magkausap" Biglang comment ni Bry. Sinusundan namin ng tingin si Tim na naglalakad malapit sa entrance ng shop. He seemed very serious as he positioned himself to start the engine of his motorbike. Agree na sana ako sa sinabi niya pero yung mabait? Hindi babagay. Siguro pag cool, oo. "Epal suits him, Bry. Don't disagree with that fact" Sabi ko na lang saka ko binuksan at ininom ang bottled water na hawak ko. "Galit ka pa din ba?" Inirapan ko si Bry imbes na sumagot. "Topak ka talaga. Hatid na kita sa inyo" Tumayo na ako at naunang maglakad sa kanya. Nang makita ko si Naomi, napaisip ako kung babatiin ko ba ito or kung lalampasan ko na lang, pero biglang nagsalita si Bry na nasa likod ko na pala. "Thanks, Naomi. Mauna na kami. Take care, okay?" Ngumiti si Bry at ako? Hindi na lang ako nagsalita at tumabi na lamang sa kanya. "Sige, salamat din sa inyo. See you at school" Nakangiting sabi naman ni Naomi. Sumulyap siya sa'kin so I decided to show my smile as a goodbye. Medyo hindi pa ako makatingin sa kanya ng maayos, cause yeah! I'm kinda uneasy. So not me. -- "All my life I've been good but now, Ooohhh... I'm thinking what the hell? All I want is to mess around, and Iiiiiiii... don't really care about. If you love me, if you hate me, you can't save me, baby! baby! WHAT THE HELL?!" Tumigil ako sa pagkanta at napalingon sa katabi kong nagtagal ng left earphone ko. "Ano na naman ba Bry?!" "Ang bastos mo! Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka naman pala nakikinig dahil naka-earphones ka?" Inis na sabi nito at diresto ulit tiningnan ang daan na tinatahak namin. Nagdra-drive kasi siya at ako naman ang nasa passenger seat. "Ikaw 'tong bastos! You see, I'm trying to enjoy myself here then what? Bigla mong tatanggalin yung earphone sa tenga ko!" "C'mon! I was supposed to explain what happened earlier! Hindi ka naman nakikinig" "I don't want to hear those shits, Bry" "Elle, nakikipag-usap ako sayo ng maayos. So just please--" "Who says na gusto kong makipag-usap sayo?" After that line from me, tumahimik siya. I guess I hit a nerve. Such childish acts, Elle! "Okay. I'm sorry" "Fine. I'm sorry" Napatingin kami sa isa't-isa dahil sabay kaming nagsalita. Bigla siyang tumawa kaya umatake na naman ang pagtataray ko. "Who says you can laugh?" "No. But I insist" Asar nito at kumindat pa. "Tusukin ko mata mo d'yan, eh!" "Grabe! Ganyan ka ba kagalit sa'kin?" "I'm not angry, okay? I'm just upset! Hindi ba dapat bumabawi ka sa'kin? Pero ano'ng ginawa mo? You just suprised me with them!" Inis kong sabi at diniin ko pa ang pagbanggit ng with them para maging sarcastic. "Ba't kasi nagsama ka pa ng epal? Tapos pati yung babae mo nandoon din? You're so unbelievable!" "Pfft! Best, nagseselos ka ba?" Nanlalaki ang matang tiningnan ko si Bry. Diretso pa rin siyang nakatingin sa daan pero nagpipigil naman ng tawa. "Are you sure of what you're asking huh? Naririnig mo ba sinasabi mo?" "Yes. And I'm asking you if you're jealous." "One more time na marinig ko ulit 'yan, baka makalimutan kong nagdra-drive ka't mabugbog kita d'yan!" "Pwede mo naman kasing sabihin kung nagseselos ka sa--Aray!" Binatukan ko nga. Bwisit kasi! "Hindi ako nagseselos, okay!" "Ako, nagseselos" Napakunot ang noo ko dahil hindi ko narinig kung ano yung ibinulong niya. "What?" "Wala! Hahaha!" "Stop laughing!" "Hays! Oo na. Sorry na" Inis ko siyang inirapan bago bumuntong hininga. "Ba't kasi kailangang kasama pa yung epal na bestfriend mo huh?" "Ikaw? Epal?" Jusko! Konti na lang talaga masasapak ko na ang lalaking 'to! "Bry! I was referring to Timothy!" "Pfft!" Tatawa sana ulit siya pero natinag agad ito nang tinitigan ko siya ng masama. "Look, kasama ko kanina si Tim kasi gusto kong makilala niyo ang isa't isa--" "I already know him" "What I mean is mas makilala niyo pa ang isa't isa. Hindi ba mas maganda kung iisipin na yung dalawang best friends ko magkaibigan na rin? It looks good" Sabi niya at ngumisi pa. Bwisit! Magkamukha na sila ng epal na 'yon! "Saka sinama ko naman si Naomi para syempre may ka-partner din ako at hindi ako ma-out of place sa inyo" Dagdag pa niya at kumindat ulit sa'kin. Nakakagigil! "Cupid ka ba? At kaming dalawa ng epal na 'yon ang target mo? Stop that nonsense, Bry! We're not couple and never kaming magiging couple!" "Easy! Highblood ka naman masyado, eh! Wala namang masama sa ginawa ko huh?" "Walang masama? Do you think I will shout at you like this kung nakakatuwa yung ginawa mo?" "Just to inform you, you're always talking like that as if may megaphone kang nalunok. Pero since ang cute mo mag-tagalog, okay lang" Ngisi nito. Instead of answering him, napairap na lang ako. Nahiya ako sa decibel ng voice niya, grabe! Naiinis pa ako kasi feeling ko namumula na ako dahil sinabihan niya akong cute! Ano ba 'yan! "Peace na tayo huh? I'll promise. Hindi na mauulit" Sabi pa nito kaya napabuntong hininga na lamang ako. Ano pa nga ba? "Oo na. Just stop pissing me off at ihatid mo na ako sa'min" Nakanguso kong sabi. Isusuot ko na sana ulit yung earphones ko pero nagsalita na naman siya. "Can I ask you something?" Napatitig ako sa kanya. I know that he really wants to ask this from me, pero mas pinili niyang pag-usapan muna yung pagkainis ko. Nakakatuwang isipin na kabisado na ako ng best friend ko. Every time I have my random attitudes, he really does his best to understand me. Wala sa loob akong tumango at nagtanong na siya. "Ano ba talaga nangyari kanina? We're so worried about you" Tanong nito. Mabuti na lang naka-focus na ulit siya sa daan kaya hindi niya nakikita ang biglang pagkabalisa ko. Honestly speaking, hindi ko rin alam kung ano'ng nangyari kanina. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang takot ko. Naalala ko inis na inis lang ako kay Bry at Tim nang pumasok ako sa powder room. Nagra-rant lang ako sa harap ng salamin habang kinakalkal yung bag ko pero maya-maya lang, naramdaman ko bigla na nababasa yung paa ko, na sadyang nakakapagtaka dahil medyo may kataasan ang suot kong wedge shoes. Takang-taka ako kaya hinanap ko kung saan nanggagaling yung tubig. At laking gulat ko nang mapansin kong parang mas bumibilis yung pagtaas ng tubig at umaabot na ito malapit sa mga tuhod ko. Hindi ko maintindihan pero bigla akong hindi makahinga. Hindi ako makakilos. Gusto kong lumabas pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa pinto na sobrang lapit lang sa'kin. Parang may sumasakal sa'kin na hindi ko maintindihan kung ano. Unti-unti, pinilit kong humakbang kahit sobrang nanginginig na ang buong katawan ko. Pinilit kong lumapit sa pinto pero nang makita kong umaabot na sa bewang ko ang taas ng tubig mas lalo akong nanlambot at nanghina. Napasigaw na ako sa sobrang takot at tuloy-tuloy nang rumagasa ang mga luha ko. Hindi ako makahinga. Takot na takot ako. Iyak ako nang iyak at pinipilit kong sumigaw kaya mas lalong humihigpit at sumisikip ang dibdib ko. Kahit nang mahawakan ko na ang door knob at bubuksan ko na lang ito, nananaig pa rin ang takot ko kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko. "Elle?" Napatingin ulit ako kay Bry mula sa pagkatulala. "I-I don't know. I don't understand. Nagkamali lang siguro ako ng ikot ng knob kaya hindi ko agad nabuksan yung door. Natataranta kasi ako. Ang tanga ko sa part na 'yon, sorry not sorry" Dire-diretso kong sabi at pinilit kong magtaray sa kanya pero hindi ko magawa dahil hindi ko pa rin maiwasang isipin yung nangyari sa'kin kanina. Pakiramdam ko kasi familiar ako doon. "Hindi ka tanga, best. Alam kong may mali" Napabuntong hininga si Bry at sumeryoso ulit ang mukha niya. "Chineck lahat ng security yung loob ng powder room, pero walang nakita doon bukod sa sirang tubo na nag-cause ng baha doon sa mismong room pati yung bintana na nakabukas. Sabi naman ni Naomi, natural na nakasara lahat 'yon" Dugtong pa niya. Ngumiti ako ng pilit bago sumagot. "I don't want to talk about it, Bry. Kalimutan na lang natin. Don't worry, I'm okay now. 'Yon naman ang importante, eh" Napabuntong hininga ulit ito at ngumiti pabalik sa'kin. Hindi na siya nagsalita pa kaya itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana. That's Bry, he really respects what I want. I sighed deeply. I really want to forget that weird scene. Kaya imbes na isipin pa yung nangyari sa'kin kanina, inisip ko na lang yung pagkabwisit ko sa kanila. Nag-focus ako sa kanila at naalala ko yung scene na magkakasama kaming nakaupo sa iisang table. Sanay na naman ako sa pagbabangayan namin ni Bry, eh. Pero ibang usapan 'to ngayon. Ba't ba kasi kailangan pang ipakilala niya sa'kin yung epal na si Tim? At bakit kailangan pang mapansin niya si Naomi? Yes, nagseselos ako. That's because I love Bry. But there's no way na aaminin ko 'yon sa kanya. Tanggap ko namang mag-best friends lang kami, pero naiinis pa rin ako sa fact na may kaagaw na ako sa atensyon niya. Si Tim pwede pa, lalaki naman kasi 'yon. Pero kung si Naomi? OhG. Hindi ko matanggap. "Inaantok ka ba? Matulog ka na muna. Medyo malayo pa naman tayo sa inyo. Gigisingin na lang kita" Biglang sabi ni Bry pero hindi na ako lumingon sa kanya. "I can manage" Sagot ko na lamang at bahagya akong humiga sa upuan ko. Ginulo naman ni Bry ang buhok ko bago nag-focus ulit sa pagmamaneho. Habang nasa byahe, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nakaramdam ako ng antok. Unti-unti na akong napapapikit habang nakatitig sa labas ng bintana, nang biglang may nakakuha ng atensiyon ko. "May problema ba?" Tanong ni Bry. Siguro nahalata niya ang biglang pag-aalala ko. Umayos ako nang pagkakaupo at pinilit tingnan kung sino yung nadaanan namin. "Stop the car" Sabi ko nang hindi siya nililingon. "Bakit bababa ka na agad dito?" "Just stop" "Elle, kung galit ka pa rin sa'kin, wag naman yung ganito. Malakas na yung ulan--" "I said stop!" Kasabay ng pagsigaw ko ay biglang prumeno si Bry. Pareho kaming muntik nang masubsob sa dashboard kaya sinamaan ko siya ng tingin bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan. "Wait! Best! Saan ka pupunta?!" Hindi ko na pinakinggan kung anuman yung sasabihin niya. Sumugod na ako sa ulan at lakad-takbo na pumunta sa lugar kung saan ko siya nakita. "Drian!" Lumapit ako at umupo sa harap niya. Basang-basa siya habang nakaupo malapit sa barricade na pumapagitan sa bangin at sa kalsada. "What happened? Bakit ka nandito?" Sa halip na sagutin ako, ngumisi lang ito. Napansin kong may hawak siyang bote ng alak at may mga basag pa na bote sa paligid niya kaya naisip kong baka nakainom ito. Napatingin ako sa dalawang lalaki na nakatayo lang malapit kay Drian. "Sino kayo huh? Ano'ng ginawa niyo sa pinsan ko?!" "Best!" Narinig kong tinawag ako ni Bry pero hindi ko siya nilingon. Kahit basang-basa na ako at nanlalabo na ang paningin ko dahil sa ulan, tumayo ako mula sa pagkakaupo at dinuro yung dalawang lalaki. "Answer me! Sino ba kayong dalawa?! Ano'ng ginawa niyo sa pinsan ko?!" "Sandali lang Miss, wala kaming ginaga--" Hindi ko na pinatapos yung isa sa pagsasalita at tinulak ito. "Are you f*cking serious?! My cousin was drunk and the both of you are just standing here in front of him!" "Wait, Miss.." Napatingin ako sa isa pa nitong kasama. "Ikaw si Elle, tama?" "Oo! Si Elle nga!" Sabi naman ng lalaking tinulak ko. Agad napakunot ang noo ko. Ba't kilala ako ng mga 'to? "Andrei?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong basang-basa rin si Bry. Sinundan pa talaga ako ng mokong! "Kilala mo 'tong dalawang kutong-lupa na 'to?" Tanong ko at tinuro ang dalawang lalaki. "C'mon, sa gwapo naming 'to? Kutong--" "Shut up! I'm not talking to you!" Tumahimik agad yung singkit kaya binalingan ko ulit si Bry. Tumango ito at tinuro yung lalaking malapit sa'kin. "Yan si Andrei" Then tinuro niya naman yung katabi nito. "Tapos si Hajjie" Nang tingnan ko ulit sila nang mabuti, doon ko lang na-realize na kasama rin sila sa 7kings. Hindi na ako nag-react pa at lumapit na lang kay Drian para subukang alalayan ito sa pagtayo. Nang makatayo kami pareho, dahan-dahan ko itong inilakad papunta sa sasakyan. Ang bigat niya seriously! "Pasensiya na kayo sa best friend ko, huh? Mauna na kami" Narinig ko pang sabi ni Bry. "Okay lang bro. Kayo na bahala kay Adrian" Sabi naman nung Hajjie. "Oo bro. Kami na bahala kay Adrian--" "Can't you stop talking and just help me here!" Inis na sigaw ko at lumapit naman agad sila sa'kin. Kinuha na rin nila si Drian at sila na ang umalalay dito papunta sa sasakyan ni Bry. Kakaasar. Kung hindi pa ako sisigaw eh. -- Bryan's POV "Best, ayos ka lang d'yan?" Napatingin ako sa rearview mirror at sinulyapan si Elle na nasa backseat. Kanina pa siya tahimik mula nang bumyahe kami at ngayon lang ako nag-initiate kausapin siya dahil humiwalay na sa amin sina Andrei. Sa totoo lang, sobra akong nag-aalala sa kanya pero ayoko namang ipilit yung ayaw niyang sabihin. At lalo nang ayoko na ma-trigger siya pag nalaman niya ang totoong dahilan. Nakipagtitigan ito sa'kin sa salamin bago sumagot. "Are you hiding something from me?" Napalunok ako sa bungad niyang tanong. Hindi naman ito specific pero nakaramdam agad ako ng konsensiya. Pinilit kong i-compose ang sarili ko pero bago pa ako makasagot, nagsalita na naman siya. "Look, Bry. Alam ko nang magkasama kayo ni Drian sa 7kings. It's so obvious you know" Napayuko siya at sinulyapan si Adrian na nakahiga at nakapatong ang ulo sa hita niya. Hindi ako makapagsalita. Alam kong mali na hindi ko sinabi sa kanya yung about doon, pero iyon kasi ang napag-usapan at 'yon ang dapat kong sundin. Isa iyon sa rason kung bakit ko siya iniwasan, ayokong ma-interrogate at magsinungaling. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo" Tipid kong sagot. Walang emosyon siyang tumitig ulit sa'kin kaya napalunok ulit ako nang palihim. "I don't care about that anymore. Ang gusto kong malaman kung may alam ka bang hindi ko alam.." Mahina nitong sabi. Magdadahilan pa sana ako pero agad niya itong pinutol ng panibagong tanong. "Ba't hindi ka man lang nagulat kanina nang makita nating ganito si Drian? You look like you've expected that to happen.." "Best, wala. Wag ka nang mag-isip ng kung ano, okay? Ayoko lang madagdagan pa yung pag-aalala mo d'yan sa pinsan mo" Mahinahong sagot ko. Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin sa'kin. Ayokong nakikita siyang ganito--but I have no choice but to deny it. "Just stop there" Inihinto ko ang kotse gaya ng sabi niya. Nasa tapat kami ngayon ng isang malaking white and blue na bahay. Bababa na sana siya pero pinigilan ko ito. "Wait lang. Tulungan kita" Bumaba ako at binuksan ang pinto sa backseat para tulungan siya sa pagbaba at pag-alalay kay Adrian. Pagkatapat namin sa gate, may nakakita agad sa'min na isang maid at pinapasok kaagad kami. Pagkapasok pa lang namin sa main door, sumalubong agad sa'min ang mukha ni Margarette na nag-aalala. "Oh my God! What happened to my brother?!" "Shut up and lead us to his room!" Sigaw ni Elle sa kanya. Tumahimik naman agad si Marga at nauna nang maglakad kaya sinundan na lang namin ito. Naglakad kami papuntang second floor at nang makita namin na pumasok si Marga sa ikalawang kwarto sa kaliwang bahagi, pumasok na rin kami ni Elle dito. Ito na siguro yung kwarto ng mokong. Inihiga agad namin si Adrian sa kama at naupo si Elle sa may couch na malapit sa bedside table. Tumabi ako sa kanya pero bigla itong tumayo at lumapit ulit kay Adrian. "Get some clothes of him and give me towel and a bowl of lukewarm water" Sabi niya kay Marga. Nag-utos naman agad ito ng maid at pumasok sa walk-in closet na nandito rin sa kwarto para kumuha ng damit para kay Adrian at binigay 'yon kay Elle. "Ma'am, eto na ho" Bumalik na yung maid at maingat na nilagay sa bedside table ang bowl na may maligamgam na tubig kasama ang isang malinis na towel. Kinuha agad 'yon ni Elle at maingat na pinunasan si Adrian. "May I ask now what happened to my brother?" Tanong ni Marga. Hindi siya nilingon ni Elle pero sumagot naman ito. "I don't know either.." Hindi na nagsalita pa si Marga pagkarinig no'n. Napangiti ako habang pinapanuod si Elle. Ito yung hindi mawawala sa natural gesture ng best friend ko. Even if she always acts like a menopausal devilish woman, mabuti siyang tao at talagang makikita mo yung pagpapahalaga niya sa mga taong malapit sa kanya. Kahit nga hindi niya kilala basta sa tingin niya kailangan nito ng tulong, tutulungan niya. I bet hindi siya aware na she's kind of a warm hearted person. Nang matapos na siya sa pagpupunas kay Adrian ay lumapit ito sa'kin. "May I ask you a favor?" Sabi nito at hindi na ako nagtanong kung ano 'yon. Nang makita kong hawak niya yung damit ni Adrian, alam ko nang pabibihisan niya sa'kin ito. "Sige na, magpunas ka na doon. Basang-basa ka" Kinuha ko yung damit sa kamay niya at napansin kong dalawang pares ito. "After you dress him, change as well.." Ngumiti si Elle at lumabas na silang dalawa ni Marga. Pagkatapos kong bihisan si Adrian, pumasok na ako sa loob ng banyo na nandito lang din sa kwarto at mabilis akong nagpalit ng damit. Palabas na sana ako nang mapasulyap ulit ako kay Adrian na wala pa ring malay. "You know that it's your weakness pero ginawa mo pa rin.." Napangisi ako at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Nasa pinto pa lang ako nang maabutan kong nag-uusap yung dalawa. "Talagang nagpabasa ka sa ulan huh?" Sabi ni Marga. "That's Drian. Alangan namang mag-inarte pa 'ko?" Napatingin ako kay Elle na nakabalot ang katawan sa malaking towel. Napansin ko ring iba na ang suot nitong damit. Mukhang pinahiram siya ni Marga at nakapagpalit na rin siya. "Thanks for bringing him here" Ngumiti ng tipid si Marga pero inirapan lang siya ni best. "Thanks, but no thanks. Of course, I'll care for him. Anyway, hindi na kami magtatagal ni Bry dito--" Napahinto si Elle sa pagsasalita nang makita ako. "Oh, nandiyan ka na pala. You're done?" "Oo. Alis na ba tayo?" Tanong ko at lumapit ako sa kanila. Tumingin naman ulit si Elle kay Marga. "b***h, ikaw na bahala kay Drian. We'll leave now" Natawa ako nang bahagya. Malupit talaga 'tong bestfriend ko. Tawagin ba namang b***h nang harapan si Marga? "b***h, yeah" Ngumisi si Marga. After no'n, naglakad na kami pababa ng hagdan ni Elle. "Ganda mo rin pala sa red eh" Puna ko dahil napansin kong nakapula siyang damit at aware ako na ayaw niya ng kulay na 'yon. "Shut up, Bry" Natawa na lamang ako. Malapit na kami sa main door pero napahinto kami pareho dahil sa isang sigaw. "Who said you could go out?!" Napatingin kami kay Marga na sinisigawan ang isang babae. Sino naman 'to? "But Marga, gusto kong makita si Adrian" Rinig kong sabi ng babae. Nakita ko nang bahagya ang mukha nito at napakunot agad ang noo ko. Ba't parang pamilyar siya sa'kin? "Just go to your room, Bridge!" Sigaw ulit ni Marga dito. Naiiyak na umalis ang babae at pumasok sa isang kwarto hindi kalayuan sa pwesto ni Marga. "Who's that girl?" Biglang tanong ni Elle kaya napalingon ako sa kanya. "Tinawag siyang Bridge ni Marga eh" Sagot ko pero hindi siya lumingon sa'kin. Nakatitig lamang ito sa kwartong pinasukan ng babae. "C'mon, ihahatid na kita sa inyo, baka magkasakit ka pa niyan" Sabi ko pa at sa wakas, lumingon din siya. "Yeah. You're right" Naglakad na siya palabas pero hindi agad ako nakasunod dahil napatitig din ako sa kwartong pinasukan ng babae. Siya nga 'yon. "Bry, let's go" Tawag sa'kin ni Elle. "Opo, boss" Napangisi ako at sumunod na sa kanya. Tama. Kaya siya pamilyar kasi nakita ko na siya. Nakita ko siya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD