Elle's POV
It's Monday again so it means back to dorm school na naman. Nakauwi ako nang sabado sa amin pero wala si Mom doon at hindi rin ito umuwi kahapon dahil may business trip daw ito. Nawalan tuloy ng kwenta yung pag-uwi ko dahil hindi naman kami nagkausap.
Naglalakad ako ngayon papuntang locker's area at hindi pa rin matanggal ang yamot sa mukha ko. Paano ba naman ang sama na nga ng pakiramdam ko, hindi pa sumipot sa usapan yung alien na Bry na 'yon!
"Best, on the way na is me. Hehehehehe" Basa ko sa text ni Bry. See? Wala na siyang ibang ginawa kundi paghintayin ako!
Since it's civilian day, nasuot ko kung ano ang gusto kong suotin. Suot ang turtle neck na longsleeve, ipinares ko ang leather jeans at boots ko. Malapit na ako sa locker ko pero hindi pa rin naaalis ang atensiyon sa'kin ng mga estudyante. Siguro nagtataka sila kung bakit naiba ang pormahan ko ngayon. Dati puro crop top, ripped jeans or shorts ang suot ko every Monday--pero ngayon halos nakabalot ang buong balat ko. But I don't care about their opinions! I'm not feeling well. I just want to end this day so I can lie down in my bed.
Binuksan ko ang locker ko at inalis ang mga gamit sa backpack ko para ipasok ito sa loob. Then, ipinalit ko dito ang mga gamit na sure akong gagamitin ngayong araw. After that, isinara ko na ulit ang locker ko at nagulat ako nang makita ang nakangiting mukha sa likod ng pinto nito.
"The hell!"
"Goodmorning, gorgeous!" Sabi nito at napangiwi ako.
"Yes, I'm gorgeous. But I'm not talking to stranger so get lost" Tinalikuran ko ito at nagsimula nang maglakad. But to my suprise, may humarang pang isang unknown creature sa mismong harapan ko.
"What do you want?!" Sigaw ko. Sumunod yung lalaking tinalikuran ko at tumabi iyon sa lalaking humarang sa'kin.
"Gusto lang naming batiin ka" Ngumiti sa'kin yung second guy. Sorry hindi yan tatalab sa'kin kahit parehas kayong gwapo.
OhG! What did I say? Whatever!
Tiningnan ko sila ng masama. "I said what do you want?!"
"Elle, wag highblood. Umagang-umaga, eh" Sabi ng first guy. Napakunot ang noo ko.
"Bakit mo ko kilala?" Tanong ko at nagkatinginan silang dalawa.
"You're Drian's cousin, right?" Napataas ang kilay ko at tiningnan ko silang mabuti. Hindi ko agad sila namukhaan dahil siguro sa yamot ko. Pero ngayon, sure akong sila yung dalawang lalaking kasama ng pinsan ko noong isang gabi.
"I'm Andrei, and this is Hajjie.." Pakilala ng unang guy.
"Ahh. The kutong-lupa's" Bored na sabi ko.
"Whoah! Fiercy mouth!" Tiningnan ko lang sila nang naka-poker face. Pasalamat sila at wala ako sa mood ngayon manghampas.
"Oh. Okay. Ahm, ikaw na nga magsabi, Jie!" Sabi ng first guy sa kasama niya. Ngumiti naman sa'kin yung second guy. Seriously, mukha siyang smiley.
"Itatanong lang sana namin kung kamusta na si Adrian.."
"Drian's okay. I'll go now" Bored na sagot ko at dumaan ako mismo sa pagitan nila. Sana naman na-gets na nilang ayokong makipag-usap.
"Hoy, best!" Hindi pa ako nakakalayo ng tuluyan, narinig ko ang sigaw ni Bry. Napalingon ako sa kanya at napataas agad ang kilay ko nang makitang magkasama sila ni Tim pati ng dalawang lalaking iniwan ko. Naglakad silang apat palapit sa'kin at sumama lalo ang mukha ko.
"Agang-aga best, nakakunot yang noo mo!" Natatawa nitong sabi. Talagang nang-asar pa!
"Hindi ka tumupad sa usapan natin na susunduin mo ko tapos kasama mo 'yang epal na 'yan?!" Sinulyapan ko si Tim at tiningnan ito ng masama. Lalakad na sana ako palayo pero bigla akong inakbayan ni Bry.
"Best naman, sorry na. May inasikaso lang akong importante. Babawi ako sayo mamaya"
"OhG!" Inirapan ko na lang siya. Wala talaga ko sa mood ngayon makipagtalo.
Hindi na naman sila nagsalita pa at sumabay na lang sa paglalakad ko. Nasa tabi ko si Bry na nakaakbay sa'kin at si Tim ay nasa kabilang side niya. Napatingin ako sa dalawang lalaki na nasa left side ko.
"You two? Stalker ko ba kayo at sinusundan niyo pa 'ko?" Taas-kilay kong tanong at ngumiti naman si Hajjie sa'kin.
"We're classmates.." Sabi nito at napairap na lamang ako. Halos isang linggo ko na silang nakikitang kasama ang 7kings pero nalaman ko lang nung sabado kay Bry na classmates namin sila. Ba't ba hindi ko agad naalala 'yon? Nag-feeling tuloy ako!
Sinaman ko ng tingin sina Hajjie. Mga feeling VIP kasi! Mga ngayon lang magsisipasok! Malay ko ba 'di ba? Hindi ko naman sila nakikita sa klase!
"Mga kutong-lupa" Sabi ko na lamang at bigla silang nagtawanan. Hindi na nga obvious yung pagkapahiya ko, tinawanan pa ako! Mga walanghiya!
--
Patapos na ang lunch time namin ngayon at puro discussion lang ang ginawa sa four subjects namin kanina. And guess what? Classmates pala talaga namin yung dalawang feeling close. Nayayamot tuloy ako lalo dahil hanggang ngayon pinagtatawanan pa rin nila ako. Mga bwisit.
"Bro, wag niyo kasing susundan nang gano'n si best! Tinatakot niyo, eh" Banat ni Bry habang tumatawa.
"Okay lang naman na mapagkamalan akong stalker, basta si Elle sinusundan ko" Sagot naman ni Andrei at nagtaas-baba pa ng kilay. The f*ck!
"Oh my God! Best, wag kang papaloko sa singkit na 'to! Makamandag 'yan!" Nakangusong sabi sa'kin ni Bry at sinamaan ko agad ito ng tingin.
"Wag mo yang pakinggan, Elle! Basta sweetheart na itatawag ko sayo, ah?" Singit ni Andrei at kinindatan pa 'ko. Nakaupo siya sa armchair ng upuan ni Bry kaya naman ang lapit niya sa'kin. Napangiwi ako sa sinabi niya at binato ito ng notebook.
"Tantanan mo nga 'ko!"
"Aray! Ang sakit mo namang mag-love back!" Banat pa nito. Babatuhin ko pa sana ulit 'to pero bigla siyang hinarangan ni Bry.
"Get out of there, Bry! Gusto mong sayo ko 'to ibato?" Inis na sabi ko pero tinawanan lang niya ako sabay kinuha ang panibagong notebook na hawak ko. Argh! Magsama sila ng tropa niyang kutong-lupa! Nakakainis!
"Hoy! Mga gg! Touch ma badeh!" Napalingon ako kay Hajjie na sumasayaw habang sinasabayan siya ni Tim. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na abnormal din pala ang epal na lalaking 'yon. Imbes na pansinin ang mga bwisit na malapit sa'kin, pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. Kasalukuyan kasi akong nagdra-drawing.
"Your doing well, best!" Nagulat ako kay Bry dahil bigla na lang nitong ipinatong ang ulo niya sa sketchpad ko. Kitang-kita ko ang mukha niya dahil nakaharap siya sa'kin. Nang-aasar na naman ba siya?!
"Ano ba naman, Bry! Umayos ka nga!"
"What? Totoo naman, eh! Mas gumaling ka mag-drawing" Sabi nito at ngumiti na naman siya nang parang timang. Umayos na siya kaya napatingin ako sa sketch ko na natakpan ng ulo niya kanina. Yeah, right. I'm so awesome.
But seriously! Siguro mula kanina puro sketching na lang ginagawa ko. Kung alam ko lang na bwibwisitin lang ako ng mga tropa ni Bry at walang gaanong gagawin dito sa room, sana pala nag-half day na lang ako--Or much better dumiretso na lang ako sa dorm at um-absent na lang ako. I just want to sleep right now!
"Hey" May biglang kumulbit sa'kin pero hindi na ako nag-effort na lingunin 'to dahil alam kong si Naomi iyon. Yumuko na lang ako at ginawang unan ang backpack ko.
"Hi my loves! Hehehe" Rinig kong sabi ni Bry at agad naman siyang binatukan nito. Siguro duma-moves na naman siya kaya siya sinaktan. Brutal din pala ng babaeng 'to.
"Is she okay? Ang putla niya" Rinig kong tanong ni Naomi kay Bry. Wow, ah. Feeling close na rin ba siya sa'kin? Or talagang nag-aalala siya?
"Don't worry my loves! Normal lang sa kanya magkulay bangkay" Napaangat ako ng mukha at tiningnan nang masama si Bry dahil sa sinabi niya.
"You want another punch?" Banta ko.
"Ano na naman? Talaga namang kulay bangkay ka ah--Aray!" Binatukan ko nga rin! Abnormal talaga ng alien na 'to! My skin looks like snow white, but hell! Hindi ako kulay bangkay noh!
"Nagpaulan kasi kayo nung isang gabi, eh" Napalingon ako kay Tim sa biglang pagsingit nito. Nasa likod na pala siya, at hindi lang siya ang nandoon dahil katabi niya na rin yung dalawang kutong-lupa. Jusko. Talaga bang didikitan nila 'ko?
Inirapan ko sila at pinalo si Bry sa braso. "How did he know? Chismoso mo Bry, ah!"
"Huhu! Lagi mo na lang akong sinasaktan!" Niyakap nito ang sarili niya at nag-iyak iyakan. Akala mo naman talaga malakas yung palo ko, hay nako talaga!
"Abnormal ka talaga" Natatawang comment ni Naomi. Nagpa-cute naman agad si Bry kaya napairap na lang ako sa kalandian nila. Sa harap ko pa talaga, letche.
"Patahimikin niyo nga muna ako. Get out of my sight" Bored kong sabi at akmang yuyuko na ulit pero hinawakan ako ni Naomi sa braso.
"Magpahinga ka na lang, Elle. Hatid ka namin sa infirmary, you want?" Nakangiti nitong sabi. Saglit akong napatitig sa mukha niya. Napansin kong mas gumaganda siya at mukha talaga siyang mabait. No wonder napansin siya ni Bry. Dahil masama talaga ang pakiramdam ko, sasagot na sana ako ng 'yes I do' pero hindi iyon natuloy nang biglang pumasok sa room ang bruha kong pinsan--si Marga.
"Hey, b***h. Masarap ba mag-half day?" Bungad ko sa kanya. Imbes na sumagot ay naglakad siya palapit sa'kin. Napatingin ako sa kasama niya. Bakit kasama pa niya si Drian?
"Wow huh? May tagahatid pa" Banat ko pa. Akala niyo ba porket masama pakiramdam ko, a-absent na rin ako sa pagtataray? No way. Lumapit silang dalawa sa'kin kaya napatayo ako. Natuon ang atensyon nina Naomi at Tim sa amin. Maging sina Bry, Andrei at Hajjie na puro kalokohan kanina ay biglang nagseryoso. Nagsitahimik rin ang mga kaklase namin na akala mo'y may magaganap na palabas.
"You looked sick, b***h" Nakangising sabi ni Marga at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Atleast I still look more gorgeous than you are" Asar ko at as usual, inirapan niya lang ako. Inirapan ko na lang rin siya at binalingan si Drian na nasa tabi niya.
"You're okay now?" Tanong ko. Ngumiti ito sa'kin kaya alam kong 'oo' ang sagot niya.
"Salamat pala noong isang gabi. Pasensya na sa abala" Sabi nito and unlike me, halos mawala na ang mata niya pag ngumingiti siya. Malaki kasi ang mga mata ko and it kinda looks like a doll's eye.
"It's okay. Wag mo na lang ulitin at baka itulak pa kita sa bangin" Biro ko saka ko siya niyakap. Kumalas naman agad ako dahil sumingit na sa gitna namin yung dalawang kutong-lupa na kaibigan ni Drian.
"Sweetheart, pahiram muna kay Adrian.." Inirapan ko si Andrei at umupo na ako pabalik sa pwesto ko. Aayain ko na sana sina Bry na samahan akong pumunta ng infirmary nang biglang may dalawang babaeng hingal na hingal ang pumasok sa room.
"Guys! Listen!" Sabi ng mga ito. Napalingon ako sa dalawang epal na dumating. Speaking of Marga's alipores, half day din ang mga gaga. Buti pa sila.
"Bakit ngayon lang kayo?" Inis na tanong ni Marga kina Jean at Claire. Lahat kami natuon ang pansin sa kanila. Si Claire, panay ang paypay sa sarili. Si Jean naman, nakayuko pa at nakahawak sa parehong tuhod niya. Parehas silang pawis na pawis. Yung totoo? Galing ba silang marathon?
"Wait, we have something to tell you. Nabalitaan niyo na ba?" Sabi ni Claire.
"What are you talking about? Sa'n ba kayo galing?" Again, inis na tanong ni Marga. Nakatingin lang ako sa kanila pareho. Ni hindi sila makapagsalita dahil sa hingal. I'm getting curious right now!
"s**t. It's still creeping me out!" Hindi mapakaling sabi ni Claire. Ang arte! Nakakabanas na! Sinipa ko ang isang upuan kaya napalingon sila sa'kin.
"Cut this shitty scene, will you?!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Hinawakan agad ako ni Bry sa braso at pinahinahon ako.
"Hindi 'to shitty scene, Elle. FYI lang, ah!" Depensa pa ni Claire. Sasagot pa talaga!
"Can't you just tell us what the f*ck is going on?" Sabi ko pa. Nagkatinginan silang dalawa ni Jean. Napasulyap din sa'kin si Marga.
"Jean, ikaw na nga! You tell!" Tinulak niya palapit sa amin si Jean at umiling-iling naman ito. What the fudge! Ang aarte talaga!
"Ano ba?! Mag-iinarte na lang ba talaga kayo d'yan?" Sigaw ko. Once again, nagkatinginan lang ulit silang dalawa. Ano bang problema nila? Ba't hindi na lang nila sabihin yung gusto nilang sabihin? Make sure na importante iyon kung hindi sasabunutan ko talaga sila! Mga papansin!
"Uhh..." Panimula ni Jean pero hindi niya masimulan yung sasabihin niya. Nanginginig ito at para bang maiiyak nang wala sa oras.
"Best!"
"Elle!"
Hindi na nila ako napigilan dahil itinulak ko na si Marga para makalapit ako sa dalawang gaga. Masama na nga pakiramdam ko, manggagago pa sila? Pwede namang sabihin na lang nila agad kung anuman yun, eh! Tignan lang natin pag nasabunutan ko na sila.
"Mga papansin kayo! You're just making a nonsense scene here to get attenti--"
"Ronel's dead. His body's found in the school grounds!" Mabilis na sabi ni Claire. Napahinto ako sa paglapit sa kanila at napako ang tingin ko sa mga kamay nilang may mga bahid ng dugo na ngayon ko lang napansin.
"W-We saw it. A-And--" Hindi matuloy-tuloy na sabi ni Jean. I know, she's about to be in a relationship with that guy. She's about to breakdown. Kaya siguro hindi niya masabi-sabi ito kanina. Niyakap naman agad siya ni Claire nang magsimula na itong humagulhol.
"Oh my God.." Rinig kong reaksyon ni Felochie. Napatingin ako rito at nakitang nagsimula na rin itong umiyak habang nakahawak sa sariling bibig. Maging ang ibang mga kaklase namin ay nagsimula nang magbulungan ng kung ano-ano.
"Best, calm down, please? Magpahinga ka na lang" Natauhan na lamang ako nang hawakan ako ni Bry sa braso at inakay pabalik sa pwesto ko. Nandito pa rin sila Tim, Naomi, Andrei, Hajjie, Marga at Drian malapit sa'kin. Nakatingin silang lahat pero wala silang kahit anong sinasabi. At hindi ko alam kung nag-aalala or disappointed ang ibig sabihin ng mga tingin nila na 'yon.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Did I heard it right? May namatay na estudyante dito sa school?
--
Hindi pa kami tuluyang nakakalayo sa room, kitang-kita na agad namin ang nagtatakbuhang mga estudyante papunta sa school grounds. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko parang may mali.
Hindi ko naman literal na kilala si Ronel, dahil sa pangalan ko lamang siya kilala. Pero ewan ko ba, may pakiramdam ako na may koneksyon yung nangyari sa kanya sa'kin. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit ganoon, pero iyon talaga yung pakiramdam ko ngayon. Sobrang weird.
"Hoy best! Okay ka lang ba talaga?" Napatingin ako kay Bry na kasalukuyang katabi ko habang naglalakad. Nasa kabilang side ko si Tim habang si Naomi naman ang nasa kabilang side niya. Tumango lang ako bilang sagot. Wala ako sa mood magsalita.
"Baka mapano ka n'yan. Putla mo talaga ngayon promise! Punta na kaya tayong infirmary?" Sabi pa nito pero umiling ako. Hindi naman sa ayaw kong magpahinga, pero kasi sure akong makakamtan ko na ang gusto ko maya-maya. Which is ang mahiga sa kama ko. Sigurado kasi akong ica-cancel na ang pasok ngayon, eh.
Ano itong school na 'to bulletproof? Pag may malaking pasabog, tuloy pa rin sa g'yera?
Tiningnan na lang ako ni Bry bago inakbayan. Magkakasama kaming tumingin sa kumpulan ng mga students sa school grounds. Kahit malayo, nakikita namin ang mga pulis na pinapaligiran ang katawan ng bangkay habang ginagawa ang pag-iimbestiga kaya nandito lang kami sa hallway at hindi na kami nag-abala na makipagsiksikan sa kanila.
Seriously? Bakit kung makaasta sila parang may suprise event? Wala namang nakaka-excite sa fact na namatay ang isang schoolmate mo, right? Sa totoo lang, nakakatakot at nakakabahala na pumasok dito sa school. Paano pala kung isa lang sa mga estudyante dito ang gumawa niyan sa kanya?
"Mata lang ang walang latay.." Out of nowhere, napasulyap ako kay Tim na sinabi iyon. Seryoso lang siyang nakatanaw sa malayo.
Isa pa itong lalaking to, eh! I know he just exaggerating it, pero ang weird talaga madalas ng epal na 'to!
Napairap na lang ako at binalik ulit ang atensyion ko sa crime scene. Napasulyap ako sa gilid namin dahil may narinig akong umiiyak. Nakita ko si Claire na inaalo si Jean na humagahulhol pa rin. For sure nasasaktan talaga siya ngayon. Ikaw ba naman, kung yung almost relationship mo naudlot dahil namatay yung soon to be boyfriend mo, 'di ka masasaktan?
Napabaling ang tingin ko sa katabi nila which is the 'Yu' siblings. My cousins to be exact. Si Marga, hindi ko malaman kung naaawa ba siya kay Jean ngayon or what, pero nakatahimik lang siya sa tabi nito at para bang malalim ang iniisip niya. Si Drian naman, naka-poker face lang habang nakatingin sa school grounds. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa'kin.
"All students, the classes are suspended today until Wednesday. You may go to your dorms now. Or give us notice so that you can leave the school until the class starts again. Thank you" Kahit narinig ko na ang sinabi sa intercom, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Drian. Dapat nakangiti na ako ngayon dahil sa wakas narinig ko na ang gusto kong marinig kanina pa, pero masyado akong naka-focus sa pinsan ko kaya hindi ko iyon magawa.
After some seconds, ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti na lang din ako pabalik. Sinundan ko sila ng tingin nang maglakad na sila palayo. Bakit pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa'kin na ayaw niyang sabihin? Ang gulo ko ba? Kahit ako naguguluhan, eh! Pero iyon kasi yung nakikita ko sa kanya. Lalo na sa mga mata niya.
"Tara na, best!" Napatingin ako kay Bry. Nakaakbay siya sa'kin kaya nahila niya ako nang maglakad siya.
"Dahan-dahan naman!" Reklamo ko pero tumawa lang ito.
"Yehey! Three days walang pasok! Uwi tayo sa inyo, best! Movie marathon tayo!" Excited na sabi niya. Akala mo walang nangyaring masama dito sa school. Parang kanina lang siya pa nag-insist na magpahinga ako, ah? Ba't ngayon movie marathon ang trip niya? Tss.
"I don't want to. Matutulog ako. Doon ka na lang maghasik sa inyo kasama 'yang best friend mong ilong ranger!" Sabi ko at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa'kin. Nakita kong sinamaan pa ako ng tingin ni Tim pero inirapan ko na lang ito bago naunang maglakad sa kanila. Tinamaan ata si epal sa parinig ko.
Tinawag ako nila Bry pero hindi ko na sila nilingon. Uuwi na lang ako sa amin, baka sakaling maabutan or makausap ko na si Mom. Pambihirang araw 'to! Sana talaga hindi na lang ako pumasok!