Napangiwi ako nang makabalik sa harap ng laptop ko. Nag-half bath kasi ako at napatagal ako sa cr kaya ang ini-expect ko pinatay na ni Bry yung tawag, pero heto siya at nasa screen pa rin ng laptop. Nakangiti siya habang nakatitig sa phone niya.
"SOP yan noh?" Biro ko dahilan para maitaas ni Bry ang kanyang pamaypay na may nakasulat na 'I purple you'.
"I purple you too, Bry!" Sarcastic na sabi ko. Pero hindi na ito nag-react dahil ngiting-ngiti pa rin itong nakatitig sa phone niya.
"You know what? I'll just end this call than to see your flirtatious smile 'cause of her messages" Iritang banat ko. I was referring to his favorite girl now, Naomi. Nakakainis na kahit sa skype call namin, nasisingit niya pa rin yung babae niya.
"Ayieeee! Pulado mukha mo, best! Nagseselos ka na naman!" Tawa nito at dinuro pa ako. Gunggong talaga!
"There's nothing that can change the fact, Bry. Mas maganda ako sa kanya. Tapos!" Umirap ako at tumango naman siya nang tumango.
"Oo na. Kaya nga love na love kita, eh!" Natatawa nitong sabi at nag-flying kiss pa. This time, binaba niya na ang hawak na phone at hinarap na ako sa wakas."Ako ba? Gwapo ko 'di ba?"
"OhG! What happened to your forehead? Nawala lang ako saglit naging banal ka na!" Hindi ako nakapagpigil at pinagtawanan ko siya. Hinawi niya kasi nang bahagya ang bangs niya at napansin ko ang isang krus sa kanyang noo. Mukha siyang um-attend ng ash wednesday!
"Naidlip kasi ako sa kakahintay sayo at nagising lang naman akong ginuguhitan na ni Timothy yung noo ko. I love Kookie pero madalas, gusto kong itulak siya pabalik sa tiyan ng nanay niya" Natawa ako lalo sa sinabi ni Bry. So, magkasama pala talaga sila ngayon.
"Smack his face off!" Suhestiyon ko.
"Nako! Ewan ko nga kung nasaan 'yon ngayon, eh! Ang bilis tumakas" Sagot nito. Base sa tono ng pananalita niya, halatang naiinis siya pero iba ang nakikita ko sa mukha niya. Bry is among those people who gives off an innocent vibe. Tipong laging nakangiti at parang walang problema sa buhay. Hindi gaya ko na laging nakakunot ang noo or kaya ay nakataas ang kilay. Hays! Ang ganda ko kasi.
"Epal niya kamo.." Sabi ko na lamang.
"Napapadalas na pagtatagalog mo, huh?" Komento nito bago tiningnan ulit ang cellphone niya. "Siguro sinapuso mo na yung sinabi ko sayo last time na ang cute mo magtagalog" Dugtong pa nito at kumindat pa sa'kin habang nakangisi.
"Shut up, Bry. Syempre nahahawa lang ako sa surroundings ko, noh! Mas maraming nagtatagalog dito" Depensa ko.
"Ang cute mo maging defensive. Hahaha" Tawa nito. Hay nako! Minsan talaga sobrang pa-fall ng lalaking 'to. Buti na lang nako-convince ko na ang sarili ko na wag umasa pagdating sa kanya.
Bahagya itong sumandal sa swivel chair niya at ipinatong pa ang mga paa sa lamesa. Kitang-kita ko tuloy ang medyas niya na doraemon ang print. Everyone at school thinks that Bry is this adorable handsome that treats everyone kindly--well, he is and he does--but once you get close to him, magugulat ka na lang talaga sa kaluwagan ng turnilyo sa utak niya. I mean, really, sobrang lakas ng trip niya sa lahat ng bagay. Minsan nga, napapatanong ako sa kanya kung nausog ba siya or na-injectionan ng pekeng bakuna nang bata pa, eh.
"Ba't ang tahimik ata d'yan sa inyo? Ikaw lang mag-isa?" Tanong ko na lamang. Nabanggit niya na kasi sa'kin na kasama niyang umuwi ang parents niya pati na rin ang kapatid niya dito sa Pilipinas. And last time, nakausap ko pa si Ate Badeth during our video call.
Imbes na sumagot, pinakitaan niya lang ako ng boxy smile niya kaya napailing ako.
"You know what? Mas nagiging timang ka na kamo sa pakikipag-usap d'yan sa Naomi na 'yan" Sermon ko.
"It's my original type, best. Alam mo naman yun 'di ba?" And once again, pinakita niya na naman ang boxy smile niya. Seriously, bakit ang gwapo pa rin ng best friend ko kahit mukha siyang tanga madalas?
"I already warned you Bry, medyo complicated na magkasundo kayo. She's not real. I know she's just pretending to be innocent like that. Malay ba natin kung isa lang siyang b***h na--" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niyang itinaas ang kamay niya na parang pinapatigil ako. He was giggling as if sobrang uncomfortable para sa kanya ng pinag-uusapan namin. OhG! Bakit parang kinikilig pa siya?
"Elle, my gorgeous best friend, iba na lang pag-usapan natin please?" Sabi nito at napabuntong hininga na lamang ako.
"Fine. Whatever!" Iniwasan ko siya ng tingin at tumayo na ako. Hirap naman kasi ng ganito, hindi ko masabi sa kanya na nagseselos ako sa ginagawa niyang treatment kay Naomi. Saka totoo naman yung sinabi ko na nagpapanggap lang yung babaeng 'yon, eh!
Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay namin. Unfortunately, hindi ko na naman naabutan si Mom. Sabi ng mga maids nang eksaktong pagkauwi ko, kakaalis lang daw nito. Napapaisip tuloy ako kung iniiwasan ba ako ni Mom or talagang wrong timing lang lagi ang uwi ko. Hindi rin kasi nasagot sa texts at calls yung bruha na 'yon kaya hindi ako makapag-set ng tamang araw para makausap siya.
Inis kong inayos ang red na jacket ko. I zipped it fully to cover my upper body, habang naka-jeans naman ako na hanggang tuhod. Bigla akong nag-crave sa junkfoods, kaya nga lang nang chineck ko yung stock sa refrigerator namin kanina, it's almost empty. Lalabas na lang ako para bumili.
"Oh? Aalis ka? Gabi na, ah?" Tanong nito nang mapansin niya ang suot ko. I finger comb my hair while rolling my eyes at him.
"Craving for junkfoods. Pupunta lang akong convenience store" Sinuot ko na rin ang flip flops ko bago naglagay ng konting powder sa mukha ko.
"Gusto mo samahan kita? Delikado sa labas ngayon lalo na at kanina lang may natagpuang patay sa school natin. Hindi 'yon nalalayo dito sa lugar natin" Seryosong sabi nito at umiling ako.
"Wag na. Saglit lang naman ako. Saka I'll drive our car naman. Don't worry. Mag-iingat ako" Sabi ko na lang kahit na medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko na nga iniisip yun, ipapaalala niya pa. Sarcastic akong tumingin sa kanya. "Thanks for reminding me that.."
"Basta mag-iingat ka, ah? Magsabi ka na lang pag nakauwi ka na. Update mo ako" Sabi nito at napangiti agad ako. He's too sweet and caring.
"Yes boss! Bayiee!" Sagot ko at pinatay ko na ang tawag bago isinara ang laptop.
I acted like I don't care pero sa totoo lang nakakabahala talaga yung fact na sinabi niya. I checked my wall clock, 9:30 pm na.
I grabbed my pouch so I can finally roll out.
--
"You have got to be kidding me!"
Hindi ko na napigilan pang sumigaw nang tuluyang bumagsak ang malakas na ulan habang naglalakad ako sa madilim na kalsada. Mabilis akong tumakbo nang may nakita akong shed na pwede kong silungan pansamantala.
Nakakainis! Bakit kasi walang gas yung sasakyan namin? Edi sana hindi ako naglakad at naabutan ng ulan ngayon dito!
"OhG! 10 pm na!" Itinago ko kaagad ang phone ko pagkakita ko ng oras. I zipped my jacket closed hanggang sa mukha ko na lang ang hindi natatakpan. Damang-dama ko ang lamig dahil nabasa ako ng ulan. Easy pa ako sa paglalakad kanina dahil walking distance lang daw naman yung layo ng convenience store sa amin. Pero heto ako ngayon, basang sisiw na nakasilong sa waiting shed at nagbabakasakali kung titigil o hihina ang ulan. Wow naman! Ang swerte swerte ko!
Tiningnan kong mabuti ang patak ng ulan. Sigurado akong aabutin ako ng kinabukasan dito kung hihintayin ko pang humina o tumila ito. "Hays! Bahala na nga!"
Nagsimula akong lumakad-takbo habang sinasalubong ang malakas na ulan. Wala akong ginawa kundi tumakbo nang tumakbo, pero sa kabila nito ay iisang direksyon lang ang tinatahak ko. Sa isang iglap, bigla kong naaninag ang signboard na umiilaw. Nagtatakbo ako patungo sa direksyon ng ilaw hanggang sa malaman ko na iyon na ang convenience store na hinahanap ko.
"Yes!" Wala akong pakialam kahit magmukha akong baliw. Nagtatakbo ako patungo sa entrance ng convenience store nang may ngiti sa mukha habang pumapalakpak.
"Goodevening, Ma'am" Bati ng isang lalaking bumungad sa akin pagkapasok ko. Hindi siya nakasuot ng pang-guard kaya sa tingin ko isa rin siyang tauhan dito. Nakita ko ang nameplate na nakakabit sa uniform niya, and it says 'Edvic'. Nakangiti siya at kitang-kita ko ang dimples niya. Napataas ang kilay ko dahil namukhaan at nakilala ko ito. Siya yung lalaking ash gray ang buhok na kasama rin ni Drian sa 7kings.
Hindi ko na lang ito pinansin at napatingin ako sa welcome rug nila. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ko kaya nanatili muna ako dito habang hawak ang pintong hindi ko pa tuluyang naisasara. Argh! Mas dama ko ang lamig ngayon dahil sa aircon!
"You'll get sick if you stay there.." Nakangiting komento ni Edvic habang nakatingin sa'kin. Tipid ko itong nginitian pero hindi na ako nagsalita at umalis na lamang sa harap ng pintong salamin.
Hindi na ako nakatiis at nagtungo na ako sa aisle kung saan naroroon ang mga face towels. Hindi na ako nakapagpigil at pinunas ko agad sa sarili ko ang unang face towel na nahawakan ko. Babayaran ko rin naman 'to kaya okay lang.
Pinagpatuloy ko lamang ang pagpupunas ko hanggang sa pakiramdam ko ay hindi na ako basang-basa tulad kanina. Pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa aisle ng mga junkfoods at kinuha ang mga gusto ko. OhG! Eto na. Craving satisfied at last!
Maya-maya pa, marami na akong yakap sa mga braso ko. Nang mapansin ko ang isang push cart malapit sa pwesto ko, kinuha ko agad iyon at inilagay lahat ng bitbit ko dito. Job well done! Next sa root beers naman!
Kumuha ako ng dalawang malaking litro ng root beer saka itinulak patungong counter ang push cart. Tapos na sana ako pero nakita ko ang isang garapon ng stick-o's kaya napahinto ako. Lumapit agad ako sa aisle ng mga chocolates at kumuha ng dalawang garapon nito. Nagtingin-tingin pa ako ng iba at baka sakaling may magustuhan pa ako nang biglang may nagsalitang lalaki sa tabi ko.
"The one's who dark are good" Suggestion nito at alam kong dark chocolates ang tinutukoy niya. Napataas ang kilay ko. May nagpapa-notice na naman sa'kin.
"I know" Sagot ko na lang at pasimpleng tiningnan siya. Parehas kaming bilugan ang mga mata, kaso nga lang ang tangkad at ang laki ng katawan niya. Kumbaga sa lalaki, mukhang daddy type. Pero hindi siya mukhang matanda kaysa sa'kin. Actually, gwapo nga siya eh. Plus his hair with some blonde highlights. Mukha siyang cool na gangster.
"So, alam mo rin na nang-agaw ka ng push cart?" Natatawang sabi nito at napakunot naman agad ang noo ko.
"What? No. Kinuha ko 'to, noh!" Hinila ko palapit sa'kin ang push cart na hawak ko dahil feeling ko aagawin niya ito.
"It's actually mine, pero habang nagca-canvass ako ng bibilhin ko, bigla mo na lang yan kinuha kaya kumuha na lang ako ng bago" Namula ako sa hiya. For sure totoo 'yon, kasi nakita ko lang naman kung saan itong push cart na gamit ko eh.
"It's okay. You can have it" Sabi pa nito nang nakangiti. Because of pride, I just rolled my eyes at him. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa ulit at pumunta na ako patungong counter. Nakakahiya!
Ngumiti sa akin si Edvic na kasalukuyang nasa counter na. Napaisip tuloy ako kung nakilala niya rin ako. Pipila na sana ako dito pero napansin ko ang slogan na may nakasulat na 'next counter please' kaya napairap na lang ulit ako bago lumipat sa kabilang counter. Ibinalik naman nito ang atensiyon sa notebook na hawak niya, siguro nag-iinventory siya.
"Goodevening, Ma'am" Napatingin ako sa isa pang lalaki na nasa counter din at ngayo'y kaharap ko na. Palihim akong nabigla dahil kilala ko rin ito. Ngumiti pa ito sa'kin pero hindi ako ngumiti pabalik. He almost looked like a girl dahil sa features ng mukha niya. Pinunch niya isa-isa lahat ng pinamili ko. Gusto ko sanang magsaya dahil sa wakas may Pringles and Lays na akong makakain pero napako ang atensiyon ko rito.
Sabi na nga ba't nakita ko na siya dito before noong hindi ko pa siya kilala kaya siya pamilyar sa'kin nang makita ko siya sa rooftop kasama si Naomi eh.
"675 po lahat, Ma'am" Sabi pa nito and I gave him my one thousand bill. Napasulyap ako sa nameplate niya. It say's 'Nico'. So, siya nga. Nagtratrabaho pala ito dito sa village namin. "Thanks for coming. Come again"
Ngumiti ako nang pilit sa kanila bago lumabas dala ang tatlong paper bags. Laking tuwa ko nang mapansing tumila na ang ulan at pumwesto ako malapit sa car park para ibaba ang isang paper bag na hawak ko. Tumila na nga ang ulan pero may isa pa akong problema. Ayokong maglakad na bitbit lahat ng 'to.
"Ano'ng masasabi mo sa kanila?" Natigilan ako at napatingin sa nagsalita sa tabi ko. Nakita ko yung epal na gangster na may blonde highlights. Siya na naman! Kamag-anak ba 'to ni Tim? Kabute din kasi, eh!
"Bakit ba ang papansin mo?" Inirapan ko ito pero hindi nito pinansin ang pagtataray ko. Nakakainis! Talagang tumabi pa siya sa'kin. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa iba at nagulat ako nang makita ang dalawang babae at dalawang lalaki sa hindi kalayuan.
"Sina Felochie 'yon, ah?" Bulong ko sa sarili.
"Mukha silang couple na nagdi-date 'di ba?" Saglit kong sinulyapan si blonde highlights guy bago ibinalik ang tingin ko sa apat. Oo nga, tama siya. Pero ano namang pake namin do'n?
"So what?"
"I'll tell you something.." Sabi nito at napataas agad ang kilay ko. "The first two are a real couple, but the other two is just acting like a real one. It's a sin, isn't it?" Dugtong nito. Ano daw? Ang weird naman ng lalaking 'to.
"Excuse me, Mr? Can you stop talking nonsense here? I don't have time for your shits--" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang may kaskaserong motorbike ang huminto mismo sa harapan namin. "What the hell?!"
"I'll better go. Nice meeting you" Sabi nito at saglit na tumingin sa lalaking naka-helmet bago umalis. Kunot na kunot ang noo ko habang tinitingnan ang lalaking kakababa lang ng motor.
"Ihahatid na kita.." Natigilan ako nang tuluyan nitong hinubad ang suot na helmet at naglakad palapit sa'kin.
"Here. Isuot mo 'to" Sabi pa nito habang inaabot ang isang spare helmet pero hindi ko magawang kunin iyon. Nakita kong napairap siya dahil do'n at lalo akong natigilan nang siya mismo ang nagsuot sa ulo ko nito. Sobrang lapit ng mukha niya at kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa pagkakabit ng helmet sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Ang gwapo niya tingnan sa rugged longsleeves at pants niya. Dagdag pa na naka-motorbike siya. Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko ngayon! Bakit ba ako nagkakaganito kay Tim?
"Hoy! Ano'ng nangyari sayo?" Napabalik ako sa realidad. Ano bang nangyayari sa'kin? Kung ano-ano iniisip ko! Si Timothy lang 'to! Siya yung epal! 'Di ba dapat mainis ako dahil sumulpot na naman siya bigla? Damn.
"N-Nothing. Wait, bakit ba nandito ka?" Tanong ko na lamang.
"May nagsabi sa'kin na nandito ka't walang sasakyan. Gabing-gabi na nasa labas pa. Tss" Napataas ang kilay ko nang makita ko siyang umirap na naman sa'kin.
"Arte nito" Bulong ko.
"Ano? Tutunganga ka na lang ba d'yan?" Sinamaan ko agad siya ng tingin. Ba't parang tinatarayan niya ako? Sarap niyang lamutakin jusko! Ang sungit!
Napaisip ako. Sinong nagsabi sa kanya na nandito ako't walang sasakyan? Imposible namang si Bry, alam niya may dala akong kotse eh. Saka hindi ko siya in-inform kung nasaan na ako. Ang balak ko kasi, sasabihan ko na lang siya pag nakauwi na ako.
"Iiwan talaga kita pag nabwisit ako sayo. Maglakad ka ng naka-helmet" Inis na sabi nito at puwestong muli sa motorbike niya. Hindi ko siya pinansin dahil iniisip ko pa rin kung sinong nagsabi sa kanya na nandito ako. Hindi kaya sina Edvic at Nico? Magkakasama sila sa 7kings, hindi malabo na may kontak sila sa isa't isa.
"Isa.." Rinig kong bilang niya pero hindi ko pa rin siya pinansin. OhG! Hindi kaya yung lalaking mukhang gangster kanina yung nagsabi sa kanya? Umalis siya eksaktong pagdating ni epal eh. Pero paano naman ako nakilala no'n para masabihan niya si Tim?
"Sampu.." Anak ng! Bakit ten agad! Hindi ba siya marunong magbilang?!
Lumapit ako at inis na inabot sa kanya yung dalawang paper bag na hawak ko. "Wait lang naman kasi! Ba't ten agad bilang mo huh? Excited? Excited?"
Imbes na sumagot ay inirapan niya lang ulit ako habang inaayos ang dalawang paper bag sa pagitan ng hita niya. May basket kasi roon at mukhang kasya naman dahil nailagay niya na nang maayos ang mga ito.
Sasakay na rin sana ako kaso na-realize kong naka-motorbike nga pala ang mokong. Tiningnan ko siya. Seryoso? Papasakayin niya ako dito?
"Alam kong gwapo ako pero please lang wag ka nang tumulala sa'kin at baka maabutan pa tayo pag umulan ulit" Banat nito. Ang kapal talaga ng mukha eh!
Sinamaan ko siya ng tingin at sinulyapan ang sasakyan namin. "I'm riding with that?" Alanganing tanong ko.
"Malamang?" Sarcastic niyang sabi at hinampas ang pwestong uupuan ko sa likuran niya. "Sakay na. Ilagay mo sa gitna natin 'yang paper bag na hawak mo. Ako na bahala dito sa dalawa"
Wala akong magawa kundi sumakay na lamang at isinuot na rin nito ang sarili niyang helmet. Gaya ng sabi niya, ipinuwesto ko sa pagitan namin ang paper bag na hawak ko at inipit ito sa mga legs ko para hindi mahulog. After that, hindi ko na malaman kung ano nang gagawin ko.
Nagtatalo ang isip ko kung hahawakan ko ba siya or hindi? Kung hahawakan ko siya, saan ako hahawak? Sa beywang o sa balikat? Baka sabihin pa niyang manyak o chansingera ako kung hahawak ako. Pero kung hindi ako hahawak baka malaglag naman ako.
Bigla akong hindi mapakali. Ano bang gagawin ko?!
"Gusto mo bang malaglag?" Bigla siyang lumingon sa'kin. Buti na lang talaga at may mga suot kaming helmet dahil kung wala, siguro napakalapit na naman ng mukha namin sa isa't isa.
"Stop it! Wag ka ngang gumanyan!" Inis kong tinulak ang ulo niya para mapaharap ulit siya sa iba.
"Hahaha! Wag kang mahiya. Humawak ka sa beywang ko o kung gusto mo, yumakap ka na lang" Ngumisi siya at walang ano-ano'y bigla na lamang pinaandar ang motor. Sa sobrang gulat at takot ko, automatic akong napayakap sa likuran niya. Bigla kong naramdaman na nag-vibrate yung katawan niya kaya alam kong tumatawa siya dahil dito.
"You'll pay for this later, epal ka--Waaaaaaahhh!" Napasigaw na lamang ako dahil mas binilisan niya pa ang pagharurot ng motor.