Chapter 3: Ancient White Fragment!
Great Guardian's Lake, Ancient Mountain
Sa pinakadulo ng gubat na pinamumugadan ng mababangis na halimaw, nakatingin pa rin sa bahay na pinasukan ni Zac Morgan ang Great Guardian na nasa paborito nitong puwesto na gitna ng lawa. Pitong araw na ang lumipas simula nung pumasok ang binata sa loob para gawin ang ilang bagay, at sa loob ng pitong araw na iyon ay nararamdaman niya ang napakabilis na pagtibay ng kaluluwa ng binata.
Great Guardian siya ng Ancient Mountain at masasabing isa sa mga pinakamalakas na nananatiling nilalang sa Miraven Kingdom, pero may kakaibang formation pa rin sa bundok ang humahadlang sa kaniya para ikalat ang pandama niya sa kabuuan ng Kaharian. Hindi niya pa rin alam ang tungkol sa Soul ng King of Death na kinuha ng binata gamit ang Soul Devourer nitong skill, posible rin namang malaman ng Great Guardian ang sikreto ng binata kung pu-p'wersahin niya ito, subalit mas pinipili niyang irespeto ang mga sikreto ng binata.
Mabilis na lumipas ang oras, ang isda na nakatitig sa bahay ay hindi napansin ang paglubog at paglitaw ng araw na nagpapadilim at nagpapaliwanag sa paligid dahil nakatuon pa rin sa binata ang atensyon niya. Minsan ay binibigyang pansin niya rin naman ang isa pang nilalang na nasa teritoryo ng mga Rank 9 na halimaw, sakop pa rin ito ng aura niya na sumesenyales sa kaniyang proteksiyon para sa mga halimaw, ngunit ang nilalang na iyon ay wala pa rin yatang planong humihinto sa walang habas ng pagpatay.
Gayunpaman, hindi na lang pinansin ng Great Guardian ang Evil Lord clone ni Zac Morgan na pumapatay ng mga halimaw para sa kanilang Mana core.
Lumipas ang panibagong araw, hindi na namalayan ng isda na ito na pala ang unang buwan ng binata na nagkulong sa loob ng bahay. Mas malinaw na rin ang kaluluwa nito na higit nang mas mataas ang level kumpara sa kasalukuyan niyang antas ng lakas.
At sa eksaktong umaga ng unang buwan na pagkulong ng binata sa bahay, lumindol ng may kalakasan ang buong Ancient Mountain at kumalat ang isang napakasamang aura sa teritoryo ng mga Rank 9 na halimaw, hindi lang iyon, ang aura na inilalabas din ng siguradong clone ni Zac Morgan ay tumaas pa ng isang beses, sa madaling salita ay kasing level na agad nito ang tunay na katawan ng binata.
"Evil King na katawan ng clone at Ancient Human na pinaka-katawan. Hindi na masama, ano na lang kaya ang magiging sagot mo sa hinaharap sa oras na malaman mo ang katotohanan." Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng pananabik sa mga mata ng puting isda. Subalit sa pananabik na iyon ay may makikitang lungkot na hindi madaling mapapansin ng kahit na sino.
....
"Ito ang rason para sa Third Eye ng Evil Lord? Kung ganoon ay binubuo pa lang pala ng nakaraan kong ranggo ang pundasyon para sa totoong kapangyarihan nito na makakamit ko lang sa oras na maging Evil King ako." Nakangising sambit ng clone ni Zac Morgan na nakasuot ng itim na damit na basang-basa ng dugo.
Nababalot ng masamang itim na aura ang kabuuan ng katawan niya habang kumakalat ang napakalakas niyang aura, sa sobrang lakas nito ay bumubuo ito ng hangin sa paligid niya na nagpapalipad sa parang maliliit na bundok na katawan ng mga halimaw na pinaslang niya. At ang higit na nakakapangilabot ay niyayanig din ng aura niya ang madamong sahig na basang-basa ng mala-dagat na dugong nagmula sa mga halimaw, parang impyerno ang paligid at siguradong manginginig sa takot ang kahit na sinong nilalang na makakakita ng tanawing ito.
Makalipas ang ilang sandali ay ikinalma niya rin naman ang kaniyang sarili.
"Gamit ang kapangyarihang ito ng Evil King, paano natalo ng nagtulong-tulong na magkakaibang angkan ang Evil Clan? Kakailanganin ko yatang maging mas maingat sa labas."
Sa natuklasan niyang kapangyarihan na taglay ng Evil King, naisip niyang masiyado itong malakas kaya naman naguguluhan siya, kahit na magtulong-tulong pa ang lahat ng Clan sa magkakaibang kontinente ng Eoponia, dapat ay imposible silang matalo.
Hindi siya buhay noong pinagtutulugan ng lahat ng Clan ang Evil Clan. Wala siyang ideya kung paano nagsimula at natapos ang digmaan. Pero sa ngayon, naniniwala siya na sa natuklasang lakas ng kapangyarihan ng Evil King, hindi pa rin pala imposible ang matalo sila ng iba. Isinapuso na niya na mas mag-iingat pa siya sa labas upang hindi magkaroon ng problema ang tunay na katawan. Gagamitin niya ang lahat ng paraan para mabuhay at makamit ang pinakatuktok, upang sa oras na magkita ulit sila ng tunay na katawan, wala na ang makakapigil sa kanila.
"Pero ang susunod na ranggo.. Mukhang matatagalan bago ko makamit ang susunod na Evil Emperor." Umiiling na sambit ng clone at pinagmasdan ang bangkay ng mga halimaw na nilipad sa malayo habang nasa proseso ng kaniyang tinanggap na evolution para maging ganap na Evil King. Ilan ang pinaslang niyang Rank 9 na halimaw subalit walang kahit na isang level ang nadagdag, at ang dami pa ng level na kailangan niyang makamit ay higit na mas mataas ng ilang beses kumpara sa mga nakaraan.
....
Ruined Village, Ancient Realm
Isang buwan na silang nakarating sa Ruined Village na pinag-teleport-an ni Zac Morgan nung makawala siya sa loob ng Throne Hall na pinamumugadan ng Demonic Beast. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang matandang Elf sa nakikita niyang wasak-wasak na mga bahay, kilala niya ang mga naninirahan dito at noong huling beses siyang bumisita rito ilang libong taon na ang nakalipas ay buo at masaya pa rin ang baryo kasama ng mga naninirahan dito.
"Sinong gumawa nito sa angkan nila?" Umukit ang galit sa mukha ng matandang Elf nang makita niya ang wasak-wasak na baryo.
Ang angkan ng mga taong ito ay may mga napakabuting kalooban. Malambot ang puso nila kaya madalas itong ginagamit sa kanila para maabuso ang kabutihan nila, subalit hindi pa rin nito mababago ang katotohanan na malakas sila at hindi basta-basta mawawasak, kaya kahit na laging inaabuso ng iba ang kabutihan nila ay nanatiling matatag ang kanilang angkan.
Tahimik na nagmumuni-muni ang binatang si Kaito sa entabladong bato na naglalabas ng mas malakas na Ancient Energy. Hindi ito normal na enerhiya na basta-basta na lang magagamit ng kahit sino, tanging mga Ancient Human lang ang maaaring tumanggap ng pinakamalaking benepisyo ng Ancient Energy na magagamit nila para sa kanilang mga Technique o iba pang pangangailangan.
Mabilis na lumipas ang panahon, sa limang buwan ni Kaito at Lola El sa Ancient Realm ay natapos na ang binata sa pagbuo ng isa niyang puso. Sinubukan niya na noong pang-apat na buwan na manatili para tignan kung babalik ang pangalawa niyang Ancient Heart, subalit walang naging senyales nito kaya naman sumuko rin siya sa huli at bumalik na lang sa Miraven Kingdom.
..
Lumulutang sa himpapawid ang matandang Elf at binatang si Kaito nang lumabas sila sa Kastilyo. Tinitignan nila ang mabilis na proseso ng pagsasaayos sa Capital, limang buwan pa lang ang lumipas pero napakalaki na agad ng progreso nila, mapapansin din na ang mga bumubuo ng mga bahay, umaayos ng mga kalsada, at nagpapatibay sa mga nagtataasang pader ay puro Adventurer na may antas ng lakas na Rank 5, mayroon ding ilang Rank 6 na tumutulong na siguradong kakayaning magtrabaho ng diretsong ilang araw na walang pahinga.
"Mn? Unti-unti nang nagbabago ang Kaharian, noon ay walang pagkakasundo sa pagitan ng Mortal Defying Sect, Noble Faction, at Royal Clan."
Tumatangong saad ng matandang Elf sa nakikita niyang pagtutulungan ng tatlong grupo. Wala na ang Family Head ng Noble Faction kaya humina na sila, mayroon ding posibilidad na kapag tapos na ang lahat ay sasanib na lang sila sa Mortal Defying Sect o Royal Clan para mapanatili ang katiting sa dati nilang katayuan. Namuhay sila sa kapangyarihan kaya hindi madaling mawawala ang paghahangad nila na manatili o magkaroon pa rin nito.
"Pero si Young Master Zac ay naroon pa rin sa bahay na iyon at mukhang matatagalan pa bago siya makalabas." Tumingin ang matandang Elf sa eksaktong direksyon kung saan nakatayo ang maliit na bahay sa mapanganib na gubat ng Ancient Mountain.
"Ganoon na nga yata, Lola El." Sang-ayon naman ng bumalik sa dating si Kaito. Kagayan na ulit siya ni Zac Morgan na walang mararamdamang emosyon sa iba bukod sa kaniyang mga kaibigan at itinuturing na pamilya sa una nilang buhay.
..
Mabilis na bumalik ang halos kalahati ng Capital sa dati nitong kalagayan, lumipas ang ilang taon na nasa loob lang ng bahay si Zac Morgan. Unti-unti na ring bumabalik ang mga mamamayan sa Capital para ituloy ang mga naudlot nilang buhay rito, ang iba ay nagsimula agad ng mga negosyo para sa magandang kinabukasan sapagkat wala pang masiyadong negosyo ang nakatayo sa Capital. Kapag nauna sila ay siguradong aayos ang takbo ng negosyo nila at mabilis itong lalago.
....
Great Guardian's Lake, Ancient Mountain
Lumipas na ang ilan pang mga taon na nasa loob lang ng bahay si Zac Morgan. Hindi naman siya nakaramdam ng gutom kaya nanatili ang maayos niyang kalusugan.
Buong atensiyon na nakatutok ang binata sa Soul ng King of Death na nasa loob ng katawan niya. Tuldok na lang ang natira sa kabuuan ng kaluluwa nito na noon ay parang walang katapusan ang laki at kapal. At kung pagbabasehan ang bilis ng naging pag-absorba niya ay nakikita niyang isa o dalawang minuto na lang ang itatagal bago tuluyang maabsorba ang katiting na natitira sa kaluluwa ng King of Death.
Makalipas nga ang dalawang minuto ay tuluyan nang naubos ang kaluluwa ng King of Death.
Bumukas ang mga mata ng binata at napangiti siya sa kakaibang lakas na taglay ng kaluluwa niya. Inilaan niya ang lahat ng lakas na iyon sa pagpapatibay ng kaluluwa niya, hindi siya gumamit ng kahit kaunti para sa pagpapalakas ng katawan niya na siguradong 'pag ginawa niya ay magtataglay siya ng pisikal na lakas na mas hihigit pa sa kasalukuyan niyang Rank. Pero hindi naman siya nagsisisi, sa iniwang mensahe ng kaniyang mga magulang ay natuklasan niyang ang isa sa limang Ancient Fragment na kailangan niyang absorbahin ay nasa Kahariang ito, sa Fragment na iyon ay makakatanggap siya ng pagtalon sa antas ng Rank na walang duda na magpapalakas sa kaniya pisikal man o sa paggamit ng mana.
Bumangon siya sa pagkakaupo at pinagpagan ang kasuotan na hindi niya malaman kung ilang taon na bang nanatili sa kaniya. Sobrang tutok kasi siya sa pag-absorba na hindi niya na napansin ang oras sa unang taon na lumipas at kinalimutan na lang din ito.
Ininat-inat niya ang mga kamay, paa, at leeg niya na lumikha ng mahihinang tunog na nagbibigay sa kaniya ng komportableng pakiramdam. Pagkatapos uminat ay lumakad na ulit siya palabas para salubungin ang ilang presensiya sa labas na mukhang matagal-tagal na ring naghihintay sa kaniya.
Binuksan niya ang pintuan at sinalubong ng nakakasinag na liwanag ng araw ang mukha niya. Tinakpan niya ng kamay niya ang taas ng mata niya para hindi masilaw, matapos ito ay nginitian niya ang apat na pigurang tahimik na nakatayo sa silong ng isang puno na nasa tabi ng lawa.
Kumaway ang matandang Elf at binati ang binata, "Maligayang pagbabalik, Young Master Zac. Nakakahanga ang tibay ng kaluluwa mo."
"Lahat ng ito ay pasasalamat ko sa King of Death na iyon, Lola El." Tumatawang sambit ng binata sa kaniyang Lola El.
Lumaki naman ng kaunti ang mga mata ng matanda at may hindi maipintang ekspresyon sa mukha niya na nagsalita, "Ang mapanglinlang na King of Death ang dahilan sa paglakas ng kaluluwa mo? Haha, siguradong matutuwa ang Lolo mo sa oras na marinig niya ang nakuha mo sa mapanglinlang na kaluluwang 'yon." Tumatawang wika ng matanda na nagpatahimik naman kay Zac Morgan dahil sa kaniyang naalala.
"Kumusta na kaya si Lolo." Biglang bulalas ni Zac Morgan at ang tumatawang mukha ng matandang Elf ay lumungkot din.
"Posible kayang hanggang ngayon ay hinahabol pa rin siya ng Emperor na iyon kaya hindi pa rin siya nakakabalik? Pero malabong mangyari 'yun, kahit na malaki ang lifespan na matatamo ng Emperor sa oras na makatungtong ang kahit na sino sa level niya, imposible pa ring mabuhay siya hanggang ngayon na sampong libong taon na ang lumipas."
Noong una ay hindi niya pa masiyadong pinagtutuunan ng pansin ang tungkol sa asawa niya dahil sa iniisip niyang mga batang Ancient Human na hinihintay niya noong una pa lang. Ngayong nabanggit ng binata ang tungkol sa asawa niya, napagtanto niya na dapat ay matagal na itong nakabalik sa Miraven Kingdom. Buo pa naman ang Formation sa labas kaya walang duda na buhay pa ang asawa niya, pero ang manatili ang asawa niya sa labas hanggang ngayon? Parang nakapagtataka na yata ito.
"May narinig po akong binanggit ni itay na matutulog sa mahabang panahon hangga't hindi pa ako nakakabalik sa Miraven Kingdom. Hindi kaya ganito ang ginawa ng Emperor ng mga tao? At ginamit niya na lang ang mga tauhan niya para habulin si Lolo." Paliwanag agad ng binata nang makita niya ang lumungkot na mukha ng Lola El niya.
"Hindi rin posible 'yan, Young Master. Sa buong Klearia Continent sampong libong taon na ang nakalipas, tanging ang Emperor lang ng mga tao ang makakalaban sa asawa ko. Bukod sa Emperor ng mga tao, kahit na isama pa ang tatlong kontinente ay bilang lang sa mga daliri ng isang kamay ang mga nilalang na kaya pang lumaban sa kaniya, kasama na nga roon ang Demon Emperor at Elf Emperor. Gayunpaman, sa tagal ng panahon na lumipas nung may koneksiyon pa ako sa labas, sa tingin ko ay hindi na rin imposible ang magkaroon ng mga bagong nilalang na nakatungtong na sa level ng mga respetadong Emperor." Mahabang tugon ng matandang Elf.
Pero kahit siya ay wala pa ring maisip na sagot na rason kung bakit hindi pa rin bumabalik ang asawa niya. Naniniwala rin naman siya na hindi ganoon katindi ang paghahangad ng Emperor na patayin ang mahal niya na itutuon lang nito ang sampong libong taon ng buhay nito para patayin ang asawa niya.
"H'wag kayong mag-alala, Lola El. Kapag lumabas na kami ng Kaharian ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para imbistigahan ang nangyari kay Lolo habang hinahanap ko ang mga Ancient Fragment." Humakbang pa palapit si Zac Morgan sa matandang Elf at sinalubong niya ito ng malumanay na ngiti para pagaanin ang loob nito.
"Lumaki ka na ngang talaga, Young Master Zac. Gusto mo bang dalhin na kita sa Capital?" Tanong ni Lola El na halata sa ekspresyon niya na masaya siya sa ugaling pinapakita ng binata.
Nagulat ng kaunti ang binata sa sinabi ni Lola El tungkol sa Capital, kung dadalhin siya doon ay alam nilang isa lang ang magiging pakay niya, ang tinatawag ng mga tao na Ancient Gate na ang totoo talagang pangalan ay Ancient White Fragment. Pero naisip rin naman na agad niya kung bakit natuklasan ng matanda ang sunod niyang kailangan sapagkat siya nga pala mismo ang bumanggit sa salitang Ancient Fragment.
"Kung walang problema sa inyo, Lola El." Magalang na sagot niya at inihaya sa harapan niya na nakababa ng kaunti ang kaniyang kamay na maaabot ng matanda. Agad namang hinawakan ng matandang Elf ang kamay niya at nabalot ng hindi naman nakakasilaw na liwanag ang katawan nila, bago pa man sila maglaho ay tumingin at tumango siya sa tatlo pang kasama na sina Kaito, Shi at ang Evil King Clone niya na tahimik lang na nakatulala sa hangin na parang may iniisip.
....
Royal Clan's Castle, Capital
Nakatayo ng tuwid ang Hari katabi ang First Prince Harold na kamukhang-kamukha niya.
Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay makikitaan na ng ilang puting buhok ang Haring Alexander, kapansin-pansin din na mas tumanda pa ang mukha niya kaysa sa dapat lang nitong itatanda sa loob ng ilang taong lumipas. Higit pa roon, namumutla na naman ang mukha niya at may ilang butil ng pawis ang paulit-ulit na namumuo sa noo niya na agad naman niyang pinupunasan ng likod ng kamay niya tuwing napapansin ito.
Kanina lang kasi habang nag-aalmusal sila sa Dining Area ay nakatanggap siya ng mensahe sa matandang Elf na bibisitahin nila ulit ang Ancient Gate, at ang mas nagpabahala pa sa kaniya ay mismong si Zac Morgan na ang bibisita kasama ng matanda. Alam niya na nagpakita na ng senyales na walang balak gumanti ang binata sa kaniya, ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang kabahan at mag-isip ng masasamang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa tuwing naaalala niya ang mga ginawa noon. Isama pa ang katotohanan na hindi siya mabibigyan ng sumpaan nila ng kompletong proteksiyon ay lalo siyang natatakot.
"Ama, matagal na panahon na ang lumipas. Hindi maganda sa kalusugan niyo ang mag-isip ng sobra na naglalagay sa inyo sa estado ng matinding depresyon. Kung gusto talagang bumawi ni Zac Morgan, kahit isang daliri lang ang gamitin niya ay mapapatay niya tayo ng walang kahirap-hirap, idagdag pa ang mga kasama niyang halos kasing lakas niya din, hindi tayo tatagal ng ilan pang taon kung may paghahangad na gumanti sa kanilang mga puso." Pangaral ng First Prince sa kaniyang amang Hari.
"Tama ka nga Harold. Pasensiya kana, tuwing naaalala ko ang aura na inilabas niya noong araw ng digmaan ay nawawalan ako ng lakas at parang pinapagod ng matinding takot ang mentalidad ko. Minsan ay hindi na rin ako nakakatulog ng maayos tuwing wala sa tabi ko si Liza. Pero mabuti na lang din at napakabuting tao ng kagalang-galang na El na nirerespeto nila ng sobra. Siguraduhin mo na 'pag wala na ako, susuklian mo ang kabutihang binigay niya sa'tin, hindi natin alam na maaaring ang kagalang-galang na matanda pala ang dahilan kung bakit hindi pa nabubura sa Kahariang ito ang Royal Clan natin." Tinapik ni Haring Alexander ang balikat ng anak niya at pinangaralan ito sa mga huling salita na binitawan niya.
"Hehe, masiyado kang balisa Haring Alexander. H'wag kang mag-alala, dahil pinili nila ang lugar na ito para gawing tahanan ay wala akong gagawin na ikapapamak ng Miraven Kingdom, at ang pagkawala mo o ng Royal Clan ay malaking kawalan para sa Kaharian, kaya makakaasa ka na wala akong gagawin. Sapat naba ang rason na 'yan para mapanatag ka?" Sumulpot sa harap ng Hari at Prinsipe ang nababalot ng liwanag na matandang babae at ang binatang si Zac Morgan na nagsalita pagdating na pagdating nila.
"K-kung gayon ay paniniwalaan ko ang mga sinabi mo, kagalang-galang na Zac Morgan." Bahagyang nakayuko na tugon ng Hari.
"Sapat na ang Zac Morgan lang. Oo nga pala, maaari bang lumabas muna kayo sa silid na 'to? Nais kong gawin ang binabalak ko na walang nakakakita sa'kin maliban kay Lola El." Pakiusap ni Zac Morgan na mabilis namang sinunod ng Hari at Prinsipe.
Nang makalabas na ang dalawa ay lumakad na si Zac Morgan palapit sa Ancient Gate na puno ng mga bitak. At sa kaniyang paghakbang-hakbang ay hindi niya napansin na nakadikit na pala ang palad niya sa gilid na parte ng Ancient Gate, dama niya ang mga bitak dito na may kalamigan sa kamay.
"Ancient White Fragment." Binanggit niya ang totoong pangalan ng Ancient Gate at may bilog na puting liwanag ang namuo sa gitna ng palad niya, dumikit ang liwanag sa Ancient Gate na hawak niya at mabilis na kumalat sa kabuuan ng Ancient White Fragment.
Makalipas ang ilang sandali na nabalot sa puting liwanag ang White Ancient Fragment ay nalusaw ito at naging maliit na puting bola na nababalot ng liwanag, kasing liit lang ito ng dalawang kuko.
"White Ancient Fragment, ang isa sa lima ay nakuha ko na." Bulalas ni Zac Morgan at ibinuka ng malaki ang bunganga niya tiyaka kinain ang Fragment na nasa harapan niya. At pagkakain niya ng Fragment, naglabas ito ng kakaibang enerhiya na hinding-hindi pa nakikita ng kahit na sino sa Miraven Kingdom.