Natapos ang second round ng DC Sports Car Racing Competition at nagawa ni Gwyn na itabla ang laban. Hindi iyon naging madali sa kaniya dahil muntik nang nag-crash ang ginagamit niyang kotse. Mabuti na lang at naturuan siya ni Trent ng tamang gagawin kapag nalagay sa ganoong sitwasyon. Nanalo man siya sa second round, kinakailangan pa rin niyang paghandaan ang Tie-breaker na gaganapin nila sa susunod na linggo. Iyon na ang magiging final race nila para sa championship. “Grabe, Gwyn, ibang klase ka talaga!” puri sa kaniya ng mga kasama niya sa Team Aces. “Salamat sa suporta ninyong lahat. Hindi ko naman ‘to magagawa kundi dahil sa inyo.” Ngumiti siya sa mga ito. Hinanap ng mga mata niya si Trent matapos makipagbatian sa mga ka-team nila. Bigla na naman kasing nawala ang binata. Kinuh

