Nanlamig ang mga kamay nang dumating sila sa restaurant kung saan gaganapin ang family dinner. Akala niya ay sa mansion mismo ng mga Ferrell sila pupunta pero mabuti na rin iyon dahil mas matindi ang pressure para sa kaniya kung naroon sila sa mansion. “Sino’ng mga kasama ng mommy mo?” tanong niya kay Trent pagbuksan siya nito ng pinto. “Sina Thraia at Maine lang. Hindi makakapunta sina Dad and Tyrone. Are you nervous?” Huminga siya nang malalim at marahang tumango. It’s her first time meeting Trent’s mother. Dagdag pa ang kababata nitong si Charmaine. Sa mga narinig niya kay Fae, hindi na siya umaasa na magiging maganda ang pakikitungo nito sa kaniya. Trent held her hand and pulled her closer to him. Her eyes fell to their entwined hands. “Fiancee, huh?” She laughed to ease the ne

