Malalim na nag-iisip si Gwyn sa ilalim ng shower habang tuloy-tuloy na dumadaloy ang tubig mula roon. “Sino kaya ‘yong bisita ni Trent?” Hindi na siya nagtagal pa roon nang marinig na tahimik na sa labas ng silid. Kanina kasi ay narinig niya ang pagsigaw ng isang babae. Binalot niya ng puting robe ang katawan at nag-blow dry ng buhok bago lumabas ng banyo. Nagtaka siya nang maabutan si Trent na nakaupo sa gilid ng kama habang nakasubsob ang mukha nito sa mga palad. “Hey, what happened?” May kumurot sa puso niya nang makita ang problemadong mukha ng binata. Talo pa nito ang binagsakan ng langit at lupa. “Sino ‘yong dumating?” “Si Mom.” He ran his fingers through his hair. “And?” “Gwyn... I have a problem. I mean, not just a problem, but I’m in trouble.” “Okay? Uhm, want to share i

