Sa halip na dumiretso sa trabaho ay sinamantala ni Gwyn ang pagkakataong iyon para makipagkita kay Niro at pag-usapan ang tungkol sa kanilang problema na hindi pa niya magawang sabihin sa kaniyang pamilya.Wala siyang kasamang bodyguard ng sandaling iyon dahil sandali lang naman siyang makikipagkita kay Niro. Pagkatapos niyon ay papasok na rin siya sa opisina. “Niro, where are you? Nandito na ‘ko sa tapat ng café na sinasabi mo,” aniya nang sumagot sa tawag ang kaibigan pagkatapos no’n mag-ring nang ilang beses. Nasapo niya ang kaniyang noo nang mapagtantong wala man lang pala siyang nadala na kahit ano para takpan ang mukha niya sa paglabas ng kotse. Imposibleng walang amkakilala sa kaniya roon. “What? Amore, please don’t talk to me in your language. I don’t understand you.” He hissed.

