Nanghihinang sumandal si Gwyn sa likod ng pinto ng kaniyang silid pagkapasok doon. Pumikit siya nang mariin at hinawakan ang dibdib na unti-unti na namang bumibilis ang tahip. “Mariah and Dante are still missing, Amore. You are not a hundred percent safe here in the Philippines yet. If you have to hire bodyguards, do it. Remember, Mariah and Dante were close friends of Luigi. If they made a decision to kill you, they could do so even though Luigi is now imprisoned.” Hindi niya alam kung kanino siya ngayon hihingi ng tulong. Ayaw niyang mag-cause na naman ng takot sa pamilya niya. Bago pa lang sila nakaka-recover sa gulong ginawa ni Luigi, sa aksidenteng nangyari kay Trent, sa muntik na pagkawala ng anak niya, at sa pagkawala ng alaala ni Trent na kasama siya. Her uncle is now doing this

