Hindi mawala sa isip ni Gwyn ang naging pagkikita nilang dalawa ni Charmaine sa mall kanina. She is really pregnant. She’s already home, but her mind seems to be occupied. Itinukod niya ang kamay sa lababo habang nakatitig sa lumalagaslas na tubig mula sa gripo. Hanggang sa hindi na niya namalalayang sumasabay na pala roon ang pagpatak ng kaniyang luha. Huminga siya nang malalim saka kinuha ang kaniyang cellphone para tawagan si Moondance. “Dance, I’m not signing the contract. Itutuloy ko ang training sa Barcelona. I-settle na lang natin lahat ng kailangang i-settle before I leave this country.” Narinig niya ang pagsinghap ni Moondance mula sa kabilang linya. “Are you serious? How about Trent? Akala ko ba bibigyan mo pa siya ng chance na—” “Charmaine is pregnant, Dance. Anong laban k

